Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA KATARUNGAN

MGA TALATA TUNGKOL SA KATARUNGAN

Mahirap ang panahon ngayon, kailangan talaga ng hustisya. Isipin mo, ang kawalan ng hustisya, nakakasira at nakakalasong espiritwal sa buong mundo. Ang hustisya, napakagandang katangian na dapat sana ay nakikita natin sa lahat ng nilikha, para magkaroon ng kaayusan, katahimikan at seguridad dito sa mundo.

Isa sa pinakamagandang katangian ng Diyos na mababasa natin sa Bibliya ay ang Kanyang hustisya, pero minsan mahirap din itong maunawaan. Parang mahirap ihiwalay ang katuwiran ng Diyos sa Kanyang kabanalan at kabutihan. Sabi nga sa Awit 11:7, “Ang Panginoon ay matuwid; iniibig niya ang katuwiran; makikita ng matuwid ang kaniyang mukha.”

Paano ba natin maipapakita ang hustisya? Simple lang, gawin natin sa iba ang ginawa ng Diyos sa atin. Pinatawad ba tayo ng Diyos? Patawarin din natin ang iba. Pinagpapala ba tayo ng Diyos? Pagpalain din natin ang iba.

Huwag nating isipin na atin ang mundo, baka magalit ang tunay na may-ari. Huwag din nating isipin na kaya nating kontrolin ang panahon, kasi wala tayong mababago! Igalang natin ang ating Manlilikha at pagpapalain tayo ng Panginoon.

Sabi nga sa Colosas 3:25, “Sapagka't ang gumagawa ng di matuwid ay tatanggap ng kabayaran ng kaniyang ginawang di matuwid; at walang itinatanging tao.” Pantay-pantay tayo sa harap ng Diyos.


Mga Awit 11:7

Si Yahweh ay matuwid at sa gawang mabuti'y nalulugod; sa piling niya'y mabubuhay ang sa kanya'y sumusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:18

Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:4

“Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:7-8

Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:3

Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handog ang mga gawang makatuwiran at makatarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:8

Ang sabi ni Yahweh: “Ako'y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko'y katarungan. Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin, walang hanggang tipan ang aking gagawin para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:5

Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:6-8

Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. Buhay na walang hanggan ang ibibigay niya sa mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, at naghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan. Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:8

Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:10

Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:14

Ang kaharian mo ay makatarungan, saligang matuwid ang pinagtayuan; wagas na pag-ibig at ang katapatan, ang pamamahala mong ginagampanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:6

Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:15

Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:17

Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 9:24

Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa akin, sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga ginagawa ko. Ito ang mga bagay na nais ko. Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:16

Ngunit si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, pupurihin siya sa hatol niyang matapat, at sa pagpapakita ng katuwiran, makikilalang ang Diyos ay Banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:20

Katarungan lamang ang inyong paiiralin, at kayo'y mabubuhay nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:6

Ang buong kalangita'y naghahayag na ang Diyos, isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3-4

Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa. Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:22

Sapagkat si Yahweh ang ating hukom, siya ang mamamahala, at siya rin ang haring magliligtas sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:2

Ang paligid niya'y ulap na punô ng kadiliman, kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:12

Kapag sinabi mong, “Wala akong pakialam sa taong iyan,” ito'y hindi maikakaila sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na nakatunghay sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:11

Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan, at nagpaparusa sa masama sa bawat araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:5

“Nalalapit na ang araw,” sabi ni Yahweh, “na pipili ako ng isang matuwid na Sanga na magmumula sa lahi ni David, isang hari na mamamahala ng buong karunungan. Paiiralin niya sa buong lupain ang katarungan at katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:9

Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa, nangungulila sa iyo ang aking espiritu. Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig, malalaman nila kung ano ang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:26

Ngunit ngayon ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:6

Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:7

Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinapatawad ang kanilang kasamaan, pagsuway at pagkakasala. Ngunit hindi ko pinalalampas ang kasalanan ng ama at ang pagpaparusa ko'y hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:17

Sa loob-loob ko'y hahatulan ng Diyos ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:9

Si Yahweh ay dumarating, maghahari sa daigdig; taglay niya'y katarungan at paghatol na matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:14-15

Masasabi ba nating hindi makatarungan ang Diyos dahil dito? Hinding-hindi! Sapagkat ganito ang sabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:6

Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan; natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:18

Binibigyan niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:7

Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y balewala sa mga taong swapang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:4-5

“Pakinggan ninyo ako aking bayan, ihahayag ko ang kautusan at katarungan na magsisilbing tanglaw para sa lahat. Ang pagliligtas ko ay agad na darating, hindi na magtatagal at ako'y magtatagumpay. Ako'y maghahari sa lahat ng bansa. Ang malalayong bansa ay naghihintay sa akin, at ang pagliligtas ko ang kanilang inaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 19:7

Igalang at sundin ninyo si Yahweh. Mag-ingat kayo sa paghatol sapagkat hindi pinahihintulutan ng Diyos nating si Yahweh ang pandaraya, ang pagkiling sa sinuman at ang pagtanggap ng suhol.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:6

Ang kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:4-5

Ginagawa niyang saksi ang lupa at kalangitan, upang masdan ang ganitong paghatol sa mga hirang: “Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin, silang tapat sa kasunduan at nag-aalay ng handog.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:6

“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:30

Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:12

Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang, at pananatilihin ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:17-18

Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:23

Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:4

Hindi siya mawawalan ng pag-asa o masisiraan ng loob, hangga't katarungan ay maghari sa daigdig; ang malalayong lupain ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:5

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo, tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga balo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:8

Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:4

Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:33-34

Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? Sino ang hahatol upang sila'y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, at ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:137

Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:35

Akin ang paghihiganti, ako ang magpaparusa; kanilang pagbagsak ay nalalapit na. Araw ng kapahamakan sa kanila'y darating, lubos na pagkawasak ay malapit ng sapitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:7

Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:27

Maliligtas ang Zion sa pamamagitan ng katarungan, at kayong nagsisisi at nagbabalik-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:7-8

Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 5:24

Sa halip ay padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:6

Sa dakong itaas, sa kalangitan kayo ay tumingin, sa dakong ibaba, dito sa daigdig ay magmasid din. Katulad ng usok, itong kalangita'y pawang maglalaho, at itong daigdig mawawasak namang parang kasuotan. Ang mga naroon, lahat ng nilikha ay parang langaw na mamamatay. Ngunit ang pagliligtas ko ay walang hanggan, ang tagumpay ay walang katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 22:3

“Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala. Huwag ninyong sasaktan o aapihin ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo. Huwag kayong papatay ng mga taong walang kasalanan sa banal na lunsod na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:13

Walang nilalang na makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit ng ating mga sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:18-21

“Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapahayag ng katarungan sa mga bansa. Hindi siya makikipag-away o maninigaw, ni magtataas ng boses sa mga lansangan, Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!” hindi niya babaliin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin ang ilawang umaandap, hanggang katarunga'y hindi nagtatagumpay nang ganap; at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:24

O Yahweh, aking Diyos, sadyang matuwid ka, kaya ihayag mong ako'y walang sala; huwag mong ipahintulot sa mga kaaway, na sila'y magtawa kung ako'y mamasdan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 8:32

pakinggan ninyo sila buhat sa langit at kayo ang humatol sa kanila. Parusahan ninyo ang nagkasala at pagpalain ninyo ang walang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 37:23

Ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, kaya walang makalapit sa kanyang kinalalagyan. Siya ay tapat at makatarungan sa pakikitungo sa sangkatauhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:5-6

Ngunit kung ang kasamaan natin ay nagpapakilala ng katarungan ng Diyos, masasabi ba nating hindi siya makatarungan dahil tayo'y pinaparusahan niya? (Ganyan ang pangangatuwiran ng tao.) Hinding-hindi! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano niya hahatulan ang sanlibutan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:1

Makikita ninyo, may haring mamamahala nang matuwid, at mga pinunong magpapairal ng katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:3

At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan, na gawang matuwid ang adhika sa buo niyang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 10:1-2

Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao, Kung paanong pinarusahan ko ang mga kahariang sumasamba sa mga diyus-diyosan; na higit na marami ang mga larawang inanyuan kaysa naroon sa Jerusalem at Samaria, hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga diyus-diyosan nito, ang ginawa ko sa Samaria at sa mga imahen nito?” Ngunit kapag natapos na ni Yahweh ang kanyang layunin sa Bundok Zion at sa Jerusalem, paparusahan niya ang hari ng Asiria dahil sa kanyang kayabangan, kataasan at kapalaluan. Sapagkat ang sabi niya: “Nagawa ko iyan dahil sa taglay kong lakas at karunungan, inalis ko ang hangganan ng mga bansa, at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan; ibinagsak ko sa lupa ang mga nakaupo sa trono. Kinamkam ko ang kayamanan ng mga bansa na parang nasa isang pugad. Tinipon ko ang buong lupa tulad ng pagtipon sa mga itlog na iniwanan, wala man lamang pakpak na nagbalak lumipad, walang bibig na bumubuka o huning narinig.” Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito? Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito? Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito? Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma, at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan, parang sigang maglalagablab nang walang katapusan. Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy, ang Banal na Diyos ay magniningas, at susunugin niya sa loob ng isang araw maging ang mga tinik at dawag. Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin, kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao. Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat, ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos. upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan, upang alisan ng karapatan ang mahihirap, at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:15

Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:142

Ang taglay mong katapatan, kailanma'y di kukupas, katuruan mo'y totoo at ito ay walang wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1-2

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya. Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas. Kung paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim, ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiran at papuri sa harap ng lahat ng bansa. Sinugo niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway; sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:10

Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumasaliksik sa puso ng mga tao. Ginagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay, at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:5-9

“Halimbawa na may isang taong masunurin sa Kautusan, tapat at lumalakad sa katuwiran. Hindi siya nakikisalo sa handog na inihain sa mga sagradong burol, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan ng Israel. Hindi siya nangangalunya ni sumisiping sa babaing kasalukuyang nireregla. Hindi siya nandadaya ng kapwa o nagnanakaw. Ibinabalik niya agad sa may-ari ang sangla ng nangungutang sa kanya. Marunong siyang tumulong sa nangangailangan. Hindi siya nagpapatubo sa pagpapahiram ng pera. Siya ay makatarungan. Sinusunod niya ang aking mga utos at mga tuntunin. Ang ganitong tao ay matuwid at mabubuhay siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:2

Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:24-25

Ang hukom na nagpapawalang-sala sa may kasalanan ay itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:12

Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 16:5

At dahil sa wagas na pag-ibig, itatatag ang isang trono, at uupo doon ang isang hahatol nang tapat; magmumula siya sa angkan ni David, isang tagapamahalang makatarungan, at mabilis sa paggawa ng matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:11

sapagkat walang kinikilingan ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:8

Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:17

Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:18-19

“Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak. Kung susundin ninyo ang aking sinasabi, tatamasahin ninyo ang ani ng inyong lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7-9

Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:1

Sinabi ni Yahweh, “Narito ang lingkod ko na aking hinirang; ang aking pinili at lubos na kinalulugdan; ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:23

“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Dapat ninyong gawin ang mga ito nang hindi kinakaligtaan ang ibang utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 32:19

dakila ang iyong mga panukala at kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Nakikita mo ang ginagawa ng lahat ng tao, at ginagantihan ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay at gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:15-16

Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:9

Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:14-15

Ang kaharian mo ay makatarungan, saligang matuwid ang pinagtayuan; wagas na pag-ibig at ang katapatan, ang pamamahala mong ginagampanan. Mapalad ang taong sa iyo'y sumasamba, sa pagsamba nila'y inaawitan ka at sa pag-ibig mo'y namumuhay sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:2-4

nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan, at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay. Ito ang wakas ng mga dalangin ni David, na anak ni Jesse. Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana; maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa. Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap, mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap; at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:5

Ang taong matuwid ay mabuting makiharap, ngunit ang masama ay bihira lang magtapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:17

Gagawin kong panukat ang katarungan, at pamantayan ang katuwiran; wawasakin ng bagyo at aanurin ng baha ang lahat ng silungan ng kasinungalingan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:11

Kung paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim, ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiran at papuri sa harap ng lahat ng bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:10

Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa katawang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 5:15

Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti. Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan, baka sakaling kahabagan ni Yahweh ang matitirang buháy sa lahi ni Jose.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:34

Ang katuwiran ay nagpapadakila sa isang bayan, ngunit ang kasalanan naman ay nagdudulot ng kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 9:7

Magiging malawak ang kanyang kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian. Itatatag niya ito at pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:8-9

Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan, itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan. Sa mapagpakumbaba siya ang gumagabay, sa kanyang kalooban kanyang inaakay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:5

Ngunit nasa lunsod pa rin si Yahweh; doo'y pawang tama ang kanyang ginawa at kailanma'y hindi siya nagkakamali. Araw-araw ay walang tigil niyang ipinapakita ang kanyang katarungan sa kanyang bayan, ngunit hindi pa rin nahihiya ang masasama sa paggawa ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:13

Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan, at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:12

Kaya't bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:2

Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:29

Kung alam ninyong si Cristo'y masunurin sa kalooban ng Diyos, dapat din ninyong malaman na ang bawat sumusunod sa kalooban ng Diyos ay anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:5-7

“Magbagong-buhay na kayo at iwan na ang dati ninyong ginagawa. Maging makatarungan kayo sa isa't isa. Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo. Tigilan na ninyo ang pagpatay sa mga walang kasalanan sa lugar na ito. Talikdan na ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, sapagkat ito ang magiging dahilan ng inyong kapahamakan. Kapag sinunod ninyo ito, pahihintulutan ko kayong manatili sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyong mga magulang upang maging tirahan ninyo magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:5

Dakila si Yahweh! Ang trono niya'y ang kalangitan, maghahari siya sa Zion na may katarungan at katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:9

Sa gawaing masama, si Yahweh ay namumuhi, ngunit kanyang minamahal ang sa katuwiran lumalagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:6

Siya ang papatnubay sa mga hukom upang maging makatarungan sa paghatol; at magbibigay ng tapang at lakas sa mga tagapagtanggol ng bayan laban sa mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:8

Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran, dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:5

Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 34:16

Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, ngunit pupuksain ko ang mga malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:75

Nababatid ko, O Yahweh, matuwid ang iyong batas, kahit ako'y pagdusahin, nananatili kang tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:1

Ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Panatilihin ang katarungan at gawin ang tama, sapagkat ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal, at ang aking tagumpay ay mahahayag na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:4

Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha, at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa. Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita, sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:12-14

Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas. Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 76:8-9

Sa iyong paghatol na mula sa langit, ang lahat sa mundo'y takot at tahimik. Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis, naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:18

Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:1-4

Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan, sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan: “Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah) Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa. Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:11

Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:16

Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:17-18

Sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon, makapangyarihan at kakila-kilabot, walang itinatangi, at hindi nasusuhulan. Binibigyan niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:26

Marami ang lumalapit sa hari upang humingi ng tulong, ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 34:12

Hindi gumagawa ng masama ang Diyos na Makapangyarihan, hindi niya kailanman binabaluktot ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 50:34

Ngunit makapangyarihan ang kanilang Manunubos; ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, siya ang makikipaglaban para sa kanila upang bigyan sila ng kapayapaan. Ngunit kaguluhan ang ipadadala niya sa mga mamamayan ng Babilonia.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:21-26

Ngunit ngayo'y nahayag na kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng Kautusan; bagaman ang Kautusan at ang mga Propeta ang nagpapatotoo tungkol dito. Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao, sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila. Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya'y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. Ngunit ngayon ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:15

Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh, at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel, wala nang kasawiang dapat pang katakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:4-5

Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita, at maaasahan ang kanyang ginawa. Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:1-2

Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan. Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y unang sumampalataya sa Panginoon. Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:160

Ang buod ng kautusa'y batay sa katotohanan, ang lahat ng tuntunin mo'y pawang walang katapusan. (Shin)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:6-8

Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal. Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay, at ang taong matapat ay kanyang iingatan. Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:5

Kaya't huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 15:3-4

Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: “Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa! O Hari ng mga bansa, matuwid at totoo ang iyong mga paraan! Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon? Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan? Ikaw lamang ang banal! Lahat ng mga bansa ay lalapit at sasamba sa iyo, sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, tapat at totoo! Purihin Ka po sa Iyong katarungan, kabanalan, at sa Iyong pagiging karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Lumalapit po ako sa Iyo nang may pusong nagpupuri at sumasamba, sa pangalan ni Hesus, dahil nais Mo po na maging matuwid kami, sapagkat kung ano ang aming itinatanim, iyon din ang aming aanihin. Sabi nga po sa Iyong salita, “Si Yahweh ang nagbibigay ng katarungan at karapatan sa lahat ng inaapi.” Panginoon, turuan Mo po akong maging makatarungan, tulungan Mo po akong gawin ang tama sa kapwa, lalo na sa panahong ito na puno ng kasamaan at kawalan ng katarungan. Ituro Mo po sa akin na lubos na magtiwala sa Iyo, sa Iyo na aking hukom at tagapagtanggol. Wala pong katarungan na hihigit sa Iyo, sapagkat Ikaw lamang ang mabuti, makatarungan, at walang bahid ng kasamaan. Mahal na Diyos, ibinigay Mo po ang Iyong bugtong na Anak upang mamatay sa krus para sa akin, isang makasalanan na karapat-dapat sa kaparusahan, ngunit pinili Mo pa rin akong ipagtanggol, kasama ang buong sangkatauhan. Panginoon, tulungan Mo po akong tanggalin ang paghihiganti sa aking puso at ang pagnanais na matuwa sa kasawian ng mga taong nakasakit sa akin. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas