Napakaraming biyaya ang ibinibigay sa atin ng Diyos, kaya araw-araw, marami tayong dapat ipagpasalamat. Mabuti ang Diyos at pinupuno Niya tayo ng Kanyang mga biyaya. Nakikita at nararanasan natin ang mga pribilehiyong ito, tulad ng pagkakaroon ng tahanan, kalusugan, pamilya, at trabaho. Napakarami nating nakikitang patunay ng pagpapala ng Diyos, kaya dapat laging may dahilan para magpasalamat sa Kanya. Minsan kasi, mas natutuon tayo sa ating mga problema o sa mga bagay na wala tayo, kaysa sa pagpapahayag ng ating kagalakan at pasasalamat sa Diyos para sa lahat ng kabutihan sa ating buhay.
Ang Diyos natin ang nagbibigay ng lahat ng mabuti! Ugaliin nating magpasalamat sa Kanya araw-araw para sa lahat ng Kanyang kabutihan. Tayo na tumatanggap ng isang kahariang di natitinag ay dapat magpasalamat. Dahil sa pasasalamat na ito, sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugod-lugod sa Kanya, nang may takot at paggalang (Hebreo 12:28). Marami ka pang mababasang mga talata sa Bibliya tungkol sa pasasalamat sa Diyos.
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.
Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.
Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!
Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.
Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.
Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.
Kahit na kilala nila ang Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip.
Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.
O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya'y mabuti; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.
Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan.
Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan.
Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.
O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan.
Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.
Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.
Aking pinupuri ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan, dininig mo ako't pinapagtagumpay.
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!
Gumigising akong lagi pagsapit ng hatinggabi, sa matuwid mong paghatol lagi kitang pinupuri.
Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin.
Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin.
Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako'y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan.
[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.
O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit!
Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan, aawitin nila nang may kagalakan ang iyong katuwiran.
Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!
Pinasasalamatan namin kayo, O Diyos, at pinupuri ang inyong maluwalhating pangalan.
Aawitan ko si Yahweh, palagi kong aawitan, siya'y aking pupurihin habang ako'y nabubuhay.
O purihin n'yo si Yahweh, kayong mga anghel ng Diyos, kayong mga nakikinig at sa kanya'y sumusunod! Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan, kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman.
Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.
Sa harap ng iyong templo ay yuyukod at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan; dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Lahat ng matuwid dapat na magsaya, dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila; kayong masunuri'y magpuri sa kanya!
Purihin si Yahweh! O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya'y tunay na nakalulugod.
Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.
Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.
Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.
Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.
Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot,
O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang, sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal; O aking kaluluwa, si Yahweh ay papurihan!
Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.
Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi!
Purihin si Yahweh! Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway. Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay; aawitan ko si Yahweh at papupurihan.
Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.
Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay, kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.
Sasabihin ninyo sa araw na iyon: “Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan; ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa, ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.
Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang matuwid mong iginawad.
Dahilan sa aking awit, ikaw nama'y dadakila, kailanma'y pupurihin nitong lahat na nilikha!
Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)
Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog, sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok, buong pusong magpupuri, pupurihin kitang lubos.
Sa harapan ng mga tao'y tuwang-tuwa si David na nagpuri kay Yahweh. Sinabi niya, “Purihin kayo magpakailanman, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ama.
Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap.
O Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan; sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa; buong katapatan mong isinagawa ang iyong mga balak mula pa noong una.
Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.
Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman.
O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.
Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!
Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari, pupurihin ka ng lahat at ika'y ipagbubunyi;
Mga bansa sa lupa'y kay Yahweh magsisibaling, lahat ng mga lahi'y maaalala siya't sasambahin.
Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit!
At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!”
Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig, dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik;
Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kanyang pangalan; ang lahat ng gawa niya sa lahat ay ipaalam.
Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel! Purihin siya, ngayon at magpakailanman! Amen! Amen!
Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.
Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.
Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang, sa kanilang pagdiriwang ay magsaya't mag-awitan.
Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
Habang ako'y tumutugtog ay sisigaw na may galak, masigla kong aawiting: “Ako'y iyong iniligtas.”
aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat, at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.
ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.
Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.