Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA KALIKASAN

MGA TALATA TUNGKOL SA KALIKASAN

Isipin mo, kaibigan, ang Diyos ang lumikha ng lahat ng ito. Ang langit, ang lupa, ang dagat, lahat ng nakikita natin, gawa Niya. Nasa Exodo 20:11¹ nga, “Sapagkat sa anim na araw ay nilikha ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga siya sa ikapitong araw. Kaya't pinagpala ng Panginoon ang araw ng Sabbath at itinalaga ito.” Napakaganda at perpekto ng Kanyang mga nilikha.

Talagang dapat Siyang purihin sa lahat ng Kanyang kababalaghan. Dama mo ba 'yung kagandahan ng paligid? 'Yung simoy ng hangin, ang mga puno, ang mga bundok, ang mga dalampasigan... Lahat 'yan, paalala sa atin ng pagmamahal at kapangyarihan ng Diyos.

Kaya dapat natin Siyang katakutan at bigyan ng kaluwalhatian. Malapit na ang araw ng Kanyang paghuhukom. Sambahin natin ang lumikha ng langit at lupa, ng dagat at ng mga bukal ng tubig. Sa bawat pag-enjoy natin sa ganda ng kalikasan, huwag nating kalimutang magpasalamat at magbigay ng papuri sa Kanya.

¹ Exodo 20:11

Mga Kawikaan 12:10

Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait, ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:9

Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:26

Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:14

Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:26

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 25:4

“Huwag ninyong bubusalan ang bibig ng baka habang ito'y gumigiik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:23

Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:9

Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay, pinapakain nga niya nagugutom na inakay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:5

Kapag nakita ninyong nakabuwal ang asno ng inyong kaaway dahil sa bigat ng dala, tulungan ninyo ang may-ari upang ibangon ang hayop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:6

Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:10

Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:25

Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka. At ang ahas naman na ang pagkain ay alabok kahit tapakan mo'y hindi ka mangangamba. Magiging panatag at wala nang masama sa banal na bundok. Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala o anumang masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:6-8

Tingnan mo ang mga langgam, ikaw na taong ubod ng tamad, pamumuhay niya'y masdan mo at nang ikaw ay mamulat. Kahit sila'y walang pinunong sa kanila'y nag-uutos, walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod, ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga'y iniipon kung panahon ng anihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:6

“Hindi ba't ipinagbibili ang limang maya sa halaga lamang ng dalawang salaping tanso? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi kinakalimutan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:24

Sa daigdig, ikaw, Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 2:18

Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa'y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo'y makapagpahingang matiwasay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jonas 4:11

Ako pa kaya ang hindi malulungkot sa kalagayan ng Nineve? Ito'y isang malaking lunsod na tinitirhan ng mahigit na 120,000 taong hindi alam kung ano ang mabuti o ang masama, bukod pa sa maraming kawan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:6-7

“Kung may makita kayong pugad ng ibon, sa lupa o sa punongkahoy, na may inakay o kaya'y may nililimlimang itlog, huwag ninyong huhulihin ang inahin. Maaari ninyong kunin ang inakay o ang itlog ngunit pakawalan ninyo ang inahin upang mabuhay kayo nang mahaba at masagana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:12

“Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw ay titigil kayo sa paggawa upang makapahinga rin ang inyong mga baka, asno, alipin at ang mga manggagawang dayuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:15

Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:6

Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero, mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing, magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 25:7

sa inyong mga kawan at iba pang mga hayop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:41

Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:10

hayop na maamo't mailap na naroon, maging hayop na gumagapang at mga ibon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:11

Sa ikapitong taon, huwag ninyo itong tatamnan at huwag din ninyong aanihin ang anumang tutubo roon. Bayaan na ninyo iyon sa mga kapatid ninyong mahirap, at ang matira ay ipaubaya na ninyo sa mga maiilap na hayop. Ganoon din ang gagawin ninyo sa inyong mga ubasan at taniman ng olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 14:21

“Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na basta na lamang namatay. Maaari ninyo itong ibigay o ipagbili sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ito'y sa dahilang kayo'y sambayanang inilaan sa Diyos ninyong si Yahweh. “Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:10-11

Pagkat akin iyang hayop sa gitna ng kagubatan, maging bakang naglipana sa maraming kaburulan. Akin din ang mga ibong lumilipad sa itaas, at ang lahat na may buhay sa parang ay akin lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:11

At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:6-8

Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala: mga tupa at kawan pati na ang mababangis, lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng nilikhang nasa karagatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 22:28

Huwag ninyong papatayin ang inahin sa araw na patayin ninyo ang bisiro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 14:5

Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Kung ang inyong anak o ang inyong baka ang mahulog sa balon, hindi ba't iaahon ninyo ito kaagad kahit Araw ng Pamamahinga?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:1

Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:20

Pararangalan ako maging ng mababangis na hayop gaya ng mga asong-gubat at mga ostrits, sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto, upang may mainom ang mga taong hinirang ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:34

Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:9

Sapagkat nasusulat sa Kautusan ni Moises, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito'y gumigiik.” Mga baka nga kaya ang inaalala ng Diyos?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:8-9

Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog, ni sa inyong mga haing sa dambana'y sinusunog, bagaman ang mga toro'y hindi ko na kailangan, maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:19

Ang hantungan ng tao at ng hayop ay iisa; lahat ay mamamatay. Ang tao'y walang kaibahan sa hayop, sapagkat ang lahat ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 34:15

Ang mga kuwago, doon magpupugad, mangingitlog, mamimisâ at magpapalaki ng kanilang inakay. Doon din maninirahan ang mga grupo ng buwitre.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:11-12

Sumagot siya, “Kung kayo'y may tupang nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, hindi ba ninyo ito iaahon? Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:27

Lahat sila'y umaasa, sa iyo ay nag-aabang, umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 39:1

Ang panganganak ng mga kambing, alam mo ba kung kailan, o ang panahon na ang usa ay magsisilang?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:11

Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon, maging hayop na mailap may tubig na naiinom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:8

Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag, itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan, sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:7

Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain, ang mga anak nila'y mahihigang magkakatabi, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:26

Sa mga tupa kinukuha ang ginagawang kasuotan, at ang pinagbentahan mo ng iyong kambing ay maaaring ipambili ng bukid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:39

“Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon, upang mapawi ang kanilang gutom?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 21:33-34

“Kapag naiwang bukás ang isang balon, o kaya'y may humukay ng balon ngunit hindi tinakpan, at may baka o asnong nahulog doon, ang nahulog na hayop ay babayaran ng may-ari ng balon ngunit kanya na ang hayop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 34:14

Aalagaan ko sila sa sariwang pastulan sa tahimik na kaburulan ng Israel. Mamamahinga sila sa sariwang pastulan at manginginain ng sariwang damo sa kaburulan ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:15

Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:19

Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang Panginoong Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:12

“Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin, yamang lahat sa daigdig na narito'y pawang akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:8

“Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:24

Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:16

Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:28

at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 29:5

Ihahagis kita sa ilang, pati ang mga isdang kasama mo sa batis. Ihahagis ko nga kayo sa gitna ng bukid. At hindi kayo titipunin, ni ililibing. Hahayaan kitang kainin ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:9

Walang mananakit o mamiminsala sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala; sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:7

O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag, ang kalinga'y nadarama sa lilim ng iyong pakpak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 35:11

Ayaw nilang lumapit sa Diyos na nagbibigay sa atin ng karunungan, higit sa taglay ng mga hayop o ibon sa kalawakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:3

Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad, maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak, may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar; O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 8:1

Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya sa malaking barko. Kaya't pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 22:32-33

Tinanong siya ng anghel ni Yahweh, “Bakit tatlong beses mo nang pinalo ang iyong asno? Sadyang humaharang ako sa daan sapagkat mali ang binabalak mong gawin. Tuwing makikita ako ng asno mo ay lumilihis ito. Pangatlong beses na niyang ginagawa ito. Kung hindi siya lumihis baka napatay na kita, ngunit siya'y hindi ko sasaktan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 6:19-20

Magsakay ka ng isang lalaki at isang babae ng bawat uri ng hayop at ibon upang magpatuloy ang lahi nila. Nang makita ng mga anak ng Diyos na ang mga babaing anak ng tao ay magaganda, ang mga ito'y pumili sa kanila ng kanya-kanyang asawa. Magsakay ka rin ng tig-iisang pares sa bawat uri ng ibon at hayop at mga gumagapang sa lupa upang magpatuloy rin ang lahi ng mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:4

“Kapag nakita ninyong nabuwal ang baka o asno ng inyong kapwa, tulungan ninyong ibangon iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:30

Ihahandog din ninyo sa akin ang panganay ng inyong mga baka at tupa. Huwag ihihiwalay sa ina ang panganay nitong lalaki hanggang sa ikapitong araw mula sa kapanganakan; sa ikawalong araw, ihahandog siya sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:8-9

Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag, itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan, sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay, pinapakain nga niya nagugutom na inakay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 11:2-3

“Ganito ang sabihin ninyo sa bayang Israel: Sa mga hayop na lumalakad sa lupa, makakain ninyo “Lahat ng kulisap na may pakpak at may apat na paa ay marurumi para sa inyo, maliban sa mga kulisap na lumulundag, tulad ng lahat ng balang na mahahaba ang ulo, balang na kulay berde at bawat balang sa ilang. Ang lahat ng naglipanang lumilipad na may apat na paa ay ituturing ninyong marurumi. “Ang sinumang humawak sa bangkay ng mga hayop na ito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw. Ang sinumang dumampot sa mga ito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw at dapat niyang labhan ang kanyang damit. Bawat hayop na biyak ang kuko ngunit hindi ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura ay marumi nga at ituturing na marumi rin ang bawat humawak rito. Ituturing ninyong marumi ang mga hayop na may apat na paa, ngunit ang kuko'y hindi sumasayad sa lupa kapag lumalakad. Ang sinumang humawak sa bangkay nito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw. Dapat labhan ang kasuotan ng sinumang humawak nito at siya ay ituturing ninyong marumi hanggang sa paglubog ng araw. “Sa mga hayop na naglipana sa lupa, ituturing ninyong marumi ang mga sumusunod: ang bubuwit, ang daga, at lahat ng uri ng bayawak; ang lahat ng hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:1

“Kapag nakita ninyong nakawala ang baka o tupa ng inyong kapwa Israelita, huwag ninyo itong pababayaan; hulihin ninyo at dalhin sa may-ari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:24-25

Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan. Ang mga langgam: sila ay mahina subalit nag-iipon ng pagkain kung tag-araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 17:4

Maiinom mo ang tubig sa batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 7:2-3

Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na malinis, at isang pares naman sa di-malinis. at tumaas pa nang halos pitong metro sa taluktok ng mga bundok. Namatay ang bawat may buhay sa lupa—mga ibon, maaamo at maiilap na mga hayop, lahat ng gumagapang sa lupa, at lahat ng tao. Ang lahat ng may hininga sa ibabaw ng lupa ay namatay. Ang mga tao at mga hayop sa daigdig ay nilipol ng Diyos, maliban kay Noe at sa kanyang mga kasama sa barko. Nagsimulang bumabâ ang tubig pagkatapos ng 150 araw. Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong dadalhin. Gawin mo ito upang magpatuloy ang kanilang lahi sa balat ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 13:12

ibukod ninyo para sa kanya ang lahat ng panganay na lalaki. Kanya rin ang lahat ng panganay na lalaki ng inyong mga hayop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:14

Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na iyo'y huwag magtatrabaho ang sinuman sa inyo; ikaw, ang iyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ni alinman sa mga alaga mong hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. Ang iyong alipin, lalaki man o babae ay kailangang mamahingang tulad mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:7

Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:10

“Huwag ninyong pagsasamahin sa iisang araro ang baka at ang asno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:4-8

Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala: mga tupa at kawan pati na ang mababangis, lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng nilikhang nasa karagatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 9:3-4

Gaya ng mga halamang luntian na inyong kinakain, lahat ng mga ito'y maaari na ninyong kainin. Huwag lamang ninyong kakainin ang karneng hindi inalisan ng dugo sapagkat nasa dugo ang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:9

Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 39:19-25

“Ikaw ba ang nagbigay ng lakas sa kabayo? Ikaw ba ang naglagay ng magandang buhok nito? Bilang mo ba ang araw ng anak niya habang nasa tiyan? Alam mo ba kung kailan ito iluluwal? Ikaw ba ang nagpapalukso dito na parang balang, at kapag humalinghing ay kinatatakutan? Nagpapakitang-gilas sa pagkamot niya sa lupa, at napakabilis tumakbo upang makidigma. Siya ay nagtatawa sa gitna ng panganib, sa tabak na nakaumang, hindi siya nanginginig. Ang mga sandata ng sa kanya'y nakasakay, sa sikat ng araw kumakalampag at kumikinang. Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon, hindi siya mapakali kapag trumpeta ay umugong. Sa tunog ng trumpeta'y halinghing ang sagot niya. Ang ingay ng digmaan, dinig nito kahit malayo pa; maging ang utos ng kapitan sa mga kasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:19

“Sundin ninyo ang aking mga tuntunin. Huwag ninyong palalahian ang hayop na inyong alaga sa hayop na di nito kauri. Huwag din kayong maghahasik ng dalawang uri ng binhi sa isang bukid. Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa dalawang uri ng sinulid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:29-31

May apat na bagay na kasiya-siyang pagmasdan sa kanilang paglakad: Di ako nakapag-aral, kaya ako ay mangmang, walang karunungan, walang alam sa Maykapal. Ang leon, pinakamatapang na hayop at kahit kanino ay di natatakot. Ang tandang na magilas, ang kambing na mabulas, at ang hari sa harap ng bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:21

Sino ang nakakatiyak kung ang kaluluwa ng tao ay aakyat sa itaas at ang kaluluwa ng hayop ay mahuhulog sa kalaliman?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:24

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa—maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.” At gayon nga ang nangyari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 17:14

Sapagkat ang buhay ng bawat hayop ay nasa dugo, kaya huwag kayong kakain ng dugo. Ang sinumang lumabag dito'y ititiwalag sa sambayanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:3

Ginagawa ng tao ang kanyang maibigan, at matutuwa pang gumawa ng kasamaan. Para sa kanya ay walang kaibahan ang handog na toro o kaya ay tao; ang handog na tupa o patay na aso; ang handog na pagkaing butil o dugo ng baboy; ang pagsusunog ng insenso o ang pagdarasal sa diyus-diyosan. Natutuwa sila sa nakakahiyang pagsamba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:7

“Sa mga hayop at mga ibon ika'y may matututunan, magtanong ka sa kanila, at ikaw ay tuturuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:17

Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:14-15

Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:17

Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 39:13-18

“Ang pakpak ng ostrits buong gandang kumakampay, nagbabadya kaya iyon kahit bahagyang pagmamahal? Ang kanyang mga itlog sa lupa ay iniiwan, ito'y hinahayaang sa lupa ay mainitan. Di niya iniisip na baka ito'y matapakan, o baka madurog ng mailap na nilalang. Sa mga inakay niya siya ay malupit, hindi niya alintanang hirap niya'y di masulit, sapagkat pang-unawa ay di ko siya binigyan, di ko hinatian ng kahit kaunting katalinuhan. Ngunit napakabilis kapag siya'y tumatakbo, pinagtatawanan lang niya kahit ang kabayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:12

Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya, mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 63:14

Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan, ang Espiritu ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan, at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan! Amang mapagmahal, lumikha ng langit at lupa. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa kalikasan, salamat sa iyong paglalaan at pag-abot sa aming hapag ng mga biyayang aming kailangan. Itanim mo po sa aking puso ang pagmamahal at pangangalaga sa lupang ipinagkatiwala mo sa akin, turuan mo akong mahalin ang iyong nilikha. Tulungan mo akong pahalagahan at igalang ang buhay ng mga hayop, ng mga kagubatan. Sabi nga po sa iyong salita: “Iyo ang langit, iyo rin ang lupa; ang mundo at lahat ng naririto, ikaw ang lumikha.” Nawa’y hindi namin abusuhin ang kalikasan. Hinihiling ko po na bigyan mo ako ng kakayahang pangalagaan ang mga hayop at ang iyong nilikha dahil pananagutan ko rin ito. Dalangin ko rin po ang mga taong nagtatrabaho at nagsisikap na protektahan ang mga hayop at halaman, ang mga nagtatanggol sa kagandahan ng kalikasan, ang mga nanganganib na maubos na mga nilalang, at ang mga nagsusumikap para sa isang mundong malinis at walang polusyon. Idinadalangin ko rin po na ang lahat ay matutong gamitin nang may karunungan at katinuan ang kalikasan at ang mga biyayang ibinibigay nito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas