Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


104 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tsismis

104 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tsismis

Alam mo, nabasa ko sa Efeso na dapat puro mabubuting salita lang ang lumalabas sa bibig natin. Yung tipong makakapagpatibay sa kapamilya, kaibigan, kakilala, kahit sino pa. Yung tipong makakagaan ng loob nila, lalo na kung may pinagdadaanan sila.

Isipin mo, ang dila mo, parang instrumento 'yan ni Lord. Gusto niyang gamitin 'yan para maghatid ng pagpapala at magpalakas ng loob ng iba. Kaya dapat, alisin natin 'yung mga salitang hindi galing sa Kanya, 'yung mga salitang walang kabuluhan o nakakasakit pa nga.

Mag-ingat tayo sa mga sinasabi natin, kasi haharap din tayo kay Lord balang araw. 'Di ba? Mas mabuti nang magpapala kaysa manira, 'di ba? Iwasan din natin ang tsismis. Hindi nakalulugod 'yan sa Diyos.

Maging instrumento tayo ng Kanyang salita. Kapag ginawa natin 'yan, siguradong sasamahan tayo ng biyaya at awa Niya. Ilayo natin ang dila natin sa kasamaan at ang mga labi natin sa pagsisinungaling.

Nakita mo ba, ang taong masama ang ugali, nakakapagdulot ng gulo. Pero ang taong nagpoprotekta sa kapwa, parang nakakapagligtas ng buhay. Kaya piliin natin ang maging mabuti, ha?


Mga Kawikaan 11:13

Walang maitatago sa bibig ng madaldal, ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:28

Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:16

Huwag kayong magkakalat ng anumang nakakasira ng puri ng inyong kapwa, ni sasaksi laban sa inyong kapwa upang ipahamak lamang siya. Ako si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:9

Ang labi ng walang Diyos, sa iba ay mapanira, ngunit ang dunong ng matuwid ay nagliligtas ng kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:11

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:19

Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis, kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13

Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:1

Kaya nga, talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit at paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:2-3

Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay, at laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan, at ang kapwa'y hindi niya sisiraan. Di siya gumagawa ng masama sa kanyang kaibigan, tungkol sa kapwa'y di nagkakalat ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:20

Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:8

Ang tsismis ay masarap pakinggan, gustung-gusto ng lahat na pag-uusapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:3

O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:2

Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36

“Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1

“Huwag kayong gagawa ng anumang pahayag na walang katotohanan. Huwag kayong magsisinungaling para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:5-6

Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang. Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan. Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:11

Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa isa't isa. Ang naninira o humahatol sa kanyang kapatid ay naninira at humahatol sa Kautusan. At kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan kundi isang hukom nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:4

Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:26

Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29-30

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, maruruming pag-iisip, pagkainggit, pagpaslang, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahilig sa tsismis, ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David; subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay. mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:23

Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:13

Bukod dito, sila'y nagiging tamad at nag-aaksaya ng panahon sa pangangapitbahay; at sila'y nagiging tsismosa, mahihilig makialam sa buhay ng may buhay at nagsasalita ng mga bagay na hindi nila dapat sabihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:1-3

O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong Templo? Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado? Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay, at laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan, at ang kapwa'y hindi niya sisiraan. Di siya gumagawa ng masama sa kanyang kaibigan, tungkol sa kapwa'y di nagkakalat ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:16

“Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:19

Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:6

Yaong mga dumadalaw sa akin ay hindi tapat; ang balitang masasama ang palaging sinasagap, at saan ma'y sinasabi upang ako ay mawasak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:27

Ang laman ng isip ng tampalasan ay puro kasamaan, ang kanyang mga labi ay parang nakakapasong apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:8

Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15

“Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:18

Ang nagtatanim ng poot ay puno ng kasinungalingan, ang naninira sa kanyang kapwa ay isang taong mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:1

Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:11

Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag-ukulan ninyo ng pansin ang sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro namin sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:8

Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:9

Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:22

Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:18

Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:31-32

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:5

Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin; di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:20

Nangangamba akong baka pagpunta ko riyan ay may makita ako sa inyong hindi ko magustuhan, at kayo naman ay may makita sa aking hindi ninyo magustuhan. Baka ang matagpuan ko'y pag-aaway-away, pag-iinggitan, pag-aalitan, pagmamaramot, pagsisiraan, pagtsitsismisan, pagmamataas at kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10

Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:6

Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:28

Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:9

“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:20

Ang nagsasabing, “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:3

Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:23

Kung paanong ang hanging timog ay nagdadala ng ulan, nagdadala naman ng galit ang paninira ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:2-4

Balak mo'y wasakin ang iba, ng iyong matalim na dila ng pagsisinungaling. Higit na matindi ang iyong pag-ibig sa gawang masama, higit na nais mo'y kasinungalingan kaysa gawang tama. (Selah) Taong sinungaling ang iba'y gusto mong saktan sa salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:14-15

Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:1

Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:18

Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:21

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:13

Huwag na tayong humatol sa isa't isa. Huwag rin tayong maging dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng ating kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:5

Kaya't huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:23

Ang bawat pagsisikap ay may pakinabang, ngunit ang puro salita, ang bunga ay kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:1-2

“Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.” “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:20

Mabuti nang di hamak ang hangal kaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:11

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:37

“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:2

Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:3

Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2-3

Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa. Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan. Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:20

Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid, at kay daming kapintasang sa kanila'y nasisilip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:18-19

Ang taong nandaraya saka sasabihing nagbibiro lang ay tulad ng baliw na naglalaro ng sandatang nakamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:2

Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:13

Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong na hindi naman niya nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:9

Mga kapatid, huwag kayong magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:28

Tinitimbang ng matuwid kung ano ang sasabihin, ngunit di na iniisip ng masama ang kanyang sasalitain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:34

Lahi ng mga ulupong! Paano kayong makakapagsabi ng mabubuting bagay gayong kayo'y masasama? Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:22

Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:14-15

Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo, upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng sanlibutang baluktot at masama. Sa gayon, magsisilbi kayong mga ilaw sa kanila, tulad ng mga bituing nagniningning sa kalangitan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:2

Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:16

Iwasan mo ang mga usapang walang paggalang sa Diyos, sapagkat ang mga iyan ang lalong naglalayo ng mga tao sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:24

Ilayo mo sa iyong bibig ang salitang mahahalay, ilayo ang mga labi sa kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:15

Huwag nawang mangyaring magdusa ang sinuman sa inyo dahil siya'y mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o pakialamero.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:7

Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:22

Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay manganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 64:2-3

ipagtanggol ako sa mga pakana't lihim na sabwatan, niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan. Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas, tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:45

Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong puno ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:28

Huwag kang sasaksi laban sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan, ni magsasabi ng kasinungalingan laban sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:9

Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:1-2

Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Sikapin ninyong matutunan kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon. Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon. Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na ginagawa nila nang lihim. Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:5

Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:18-20

Ang taong nandaraya saka sasabihing nagbibiro lang ay tulad ng baliw na naglalaro ng sandatang nakamamatay. Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad. Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:34-35

“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:3

Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:12-13

Kaya't mag-ingat kayo sa inyong pagkilos at pananalita, sapagkat hahatulan kayo ayon sa kautusang nagpapalaya sa inyo. Walang awang hahatulan ang di-marunong maawa; ngunit mangingibabaw ang awa sa paghatol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:5

Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:16

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:4

siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:18

Ang taong sumasaksi laban sa kapwa nang walang katotohanan ay tulad ng tabak, pambambo o palasong pumapatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila ka at karapat-dapat sa lahat ng papuri, aking Diyos. Sa sandaling ito, sinasamba kita dahil sa iyong walang hanggang awa at kabutihan. Walang araw na hindi mo ipinakita ang iyong katapatan sa aking buhay. Ikaw ay laging nandito para sa akin at kilala mo ako nang lubusan. Alam mo ang aking paggising at pagtulog. Kaya nga sa oras na ito, hinihiling ko na suriin mo ang aking puso. Kung may makita kang kahit anong kasamaan o kalikuan, patawarin mo ako. Hugasan mo ako sa aking mga kasalanan at linisin mo ako sa aking mga pagkakamali. Ayokong may lumabas na anumang masasamang salita sa aking bibig; bagkus, gusto kong magsalita ng iyong katotohanan. Kaya nga hinihiling ko na ilayo mo ako sa lahat ng panlilinlang. Ayokong maging manhid sa aking kapwa. Tulungan mo akong ingatan ang reputasyon ng aking kapatid at huwag magsalita ng masama tungkol sa kanila dahil alam kong hindi mo ito kalugod-lugod. Para akong nagsusumamo, parang naglalagay ng baga sa aking bibig upang linisin ang lahat ng karumihan, dahil gusto kong maging isang sisidlan ng karangalan sa iyong mga kamay. Nawa'y sa tuwing bubuka ang aking bibig, ito ay upang magbigay ng pagpapala sa iba. Maraming salamat sa lahat, aking mahal na Hesus. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas