Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


122 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kawalang-katarungan

122 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kawalang-katarungan

Alam mo, sabi sa Kawikaan 17:15, "Ang nagpapawalang-sala sa masama, at ang humahatol sa matuwid, kapwa karumaldumal sa Panginoon." Kapwa kinaiinisan ng Diyos ang pagtatakip sa kasalanan ng masama at ang panghuhusga sa walang-sala. Ipinapakita Niya sa atin na ang Kanyang katarungan ay walang kinikilingan at walang puwang ang korapsyon. Lagi Niyang hinahanap ang balanse at ang katotohanan, dahil Siya ay matuwid sa lahat ng Kanyang daan.

Sa Isaias 1:17 naman, tinawag tayo ng Diyos na kumilos laban sa kawalan ng katarungan: "Matuto kayong gumawa ng mabuti; hanapin ninyo ang katarungan; tulungan ninyo ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang ulila; ipaglaban ninyo ang biyuda." Isipin mo, hinihikayat tayo nitong maging instrumento ng pagbabago at ipaglaban ang katarungan sa lahat ng aspeto, hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa. Ang kawalan ng katarungan ay isang malaking problema na nararanasan ng milyun-milyong tao sa buong mundo. Kaya dapat tayong manalangin sa Diyos na ilayo tayo sa anumang gawain ng kasamaan at kawalan ng hustisya.

Paalala rin sa atin sa Mikas 6:8, "Sinabi niya sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti, at kung ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon: gumawa lamang nang may katarungan, magmahal nang may kaawaan, at lumakad nang may kababaang-loob kasama ng iyong Diyos." Bilang mga Kristiyano, responsibilidad nating sundin ang halimbawa ni Hesus at maging instrumento ng katarungan sa mundong ito na kadalasan ay salat dito. Mahalagang tandaan na ang katarungan ay wala sa ating mga kamay, kundi nasa kamay ng Diyos. Dapat tayong magtiwala sa Kanyang kapangyarihan at hanapin ang Kanyang patnubay sa ating paglaban para sa katarungan.


2 Pedro 2:9

Kaya, alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya, at kung paano paparusahan ang masasama hanggang sa araw na sila'y hatulan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:15

Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:8

Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:35

“Huwag kayong mandaraya sa pagsukat, pagtitimbang o pagbilang ng anuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:17

Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:15

Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 5:24

Sa halip ay padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:22

Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 10:1-2

Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao, Kung paanong pinarusahan ko ang mga kahariang sumasamba sa mga diyus-diyosan; na higit na marami ang mga larawang inanyuan kaysa naroon sa Jerusalem at Samaria, hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga diyus-diyosan nito, ang ginawa ko sa Samaria at sa mga imahen nito?” Ngunit kapag natapos na ni Yahweh ang kanyang layunin sa Bundok Zion at sa Jerusalem, paparusahan niya ang hari ng Asiria dahil sa kanyang kayabangan, kataasan at kapalaluan. Sapagkat ang sabi niya: “Nagawa ko iyan dahil sa taglay kong lakas at karunungan, inalis ko ang hangganan ng mga bansa, at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan; ibinagsak ko sa lupa ang mga nakaupo sa trono. Kinamkam ko ang kayamanan ng mga bansa na parang nasa isang pugad. Tinipon ko ang buong lupa tulad ng pagtipon sa mga itlog na iniwanan, wala man lamang pakpak na nagbalak lumipad, walang bibig na bumubuka o huning narinig.” Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito? Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito? Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito? Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma, at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan, parang sigang maglalagablab nang walang katapusan. Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy, ang Banal na Diyos ay magniningas, at susunugin niya sa loob ng isang araw maging ang mga tinik at dawag. Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin, kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao. Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat, ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos. upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan, upang alisan ng karapatan ang mahihirap, at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3-4

Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa. Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 43:1

Hatulan mong ako'y walang kasalanan, Panginoon, at laban sa masasama, ako'y iyong ipagtanggol; sa masama't sinungaling, ilayo mo ako ngayon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:7

Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y balewala sa mga taong swapang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 4:4-5

Sa narinig kong ito, ako ay nanalangin, “Tingnan mo kami O Diyos kung paano kami kinukutya! Mangyari sana sa kanila ang masamang hangad nila laban sa amin. Maubos nawa ang kanilang ari-arian at madala silang bihag sa ibang lupain. Huwag mo silang patawarin at huwag mong kalimutan ang kanilang mga kasalanan, sapagkat hinamak nila kaming mga nagtatrabaho.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:27-29

Masama'y itakwil, mabuti ang gawin, upang manahan kang lagi sa lupain. Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay. Ang mga matuwid, ligtas na titira, at di na aalis sa lupang pamana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:5

“Darating na ako,” sabi ni Yahweh, “Upang saklolohan ang mga inaapi. Sa pinag-uusig na walang magkupkop, hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:8-9

“Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:6-7

Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. Kayo namang mga nagtitiis ay aaliwin niyang kasama namin kapag ang Panginoong Jesus ay inihayag na mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 18:20

Magalak ka, o langit, sa nangyari sa kanya! Magalak kayo, mga hinirang ng Diyos, mga apostol at mga propeta sapagkat hinatulan na siya ng Diyos dahil sa ginawa niya sa inyo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:14

Napakasama ng ginawa sa akin ng panday na si Alejandro. Pagbabayarin siya ng Panginoon sa kanyang mga ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:19

Huwag ninyong pipilipitin ang katarungan at huwag kayong magtatangi ng tao ni tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:8

Ang sabi ni Yahweh: “Ako'y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko'y katarungan. Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin, walang hanggang tipan ang aking gagawin para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:5

Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 22:3

“Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala. Huwag ninyong sasaktan o aapihin ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo. Huwag kayong papatay ng mga taong walang kasalanan sa banal na lunsod na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 5:11-12

Ginigipit ninyo ang mahihirap at hinuhuthot ang kanilang ani. Kaya't hindi ninyo matitirhan ang bahay na batong inyong itinayo, ni malalasap man lang ang alak mula sa malalawak ninyong ubasan. Alam ko kung gaano karami ang inyong ginawang kasamaan, at kung gaano kabigat ang inyong mga kasalanan. Kayo'y humihingi ng suhol sa mga taong matuwid, at ipinagkakait ninyo sa mga mahihirap ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:17-18

Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:1-2

Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Hindi magtatagal, sila'y mapaparam, kahit hanapin mo'y di masusumpungan. Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila. Ang taong masama'y laban sa matuwid, napopoot siyang ngipi'y nagngangalit. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama, pagkat araw nila lahat ay bilang na. Taglay ng masama'y pana at patalim, upang ang mahirap dustai't patayin, at ang mabubuti naman ay lipulin. Ngunit sa sariling tabak mamamatay, pawang mawawasak pana nilang taglay. Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala. Lakas ng masama ay aalisin, ngunit ang matuwid ay kakalingain. Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin, ang lupang minana'y di na babawiin. Kahit na sumapit ang paghihikahos, di daranasin ang pagdarahop. Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:20

Katarungan lamang ang inyong paiiralin, at kayo'y mabubuhay nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:6

Sa bagay na ito, huwag ninyong gawan ng masama at dayain ang inyong kapatid, sapagkat paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:10-11

Kahit mahabag ka sa taong masama, hindi rin siya matututong mamuhay nang tapat; kahit na kasama siya ng bayang matuwid, kadakilaan ni Yahweh ay hindi pa rin mapapansin. Nagbabala ka ng parusa, O Yahweh, ngunit hindi rin nila ito pinansin. Kaya ipadama mo sa kanila ang nakahandang parusa, upang makita nila ang pagmamahal mo sa iyong bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:6-7

“Huwag ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mahihirap. Huwag kayong magbibintang nang walang katotohanan. Huwag ninyong hahatulan ng kamatayan ang isang taong walang kasalanan; paparusahan ko ang sinumang gagawa ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:16

“Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:5

Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:21-22

“Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan; alalahanin ninyong naging dayuhan din kayo sa Egipto. Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:16-17

Nakita ko rin sa mundong ito na ang katarungan at pagiging matuwid ay nababahiran pa rin ng kasamaan. Sa loob-loob ko'y hahatulan ng Diyos ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:5

Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin; di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 2:6-7

Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Israel, kaya sila'y paparusahan ko. Dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga matutuwid, at ibinentang alipin sa halagang isang pares ng sandalyas ang mga taong hindi makabayad ng utang. Niyuyurakan nila ang mga abâ; ipinagtutulakan nila ang mahihirap. Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing alipin, kaya't nalalapastangan ang aking banal na pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:5

Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Darating ako upang hatulan ang mga mangkukulam, ang mga mangangalunya, ang mga bulaang saksi, ang mga nandaraya sa kanilang mga manggagawa, ang mga nagsasamantala sa mga biyuda, sa mga ulila't mga dayuhan at ang mga hindi gumagalang sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:5

Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:21

Ang paghatol nang may kinikilingan ay hindi mainam, ngunit dahil sa suhol may hukom na gumagawa ng ganitong kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 9:24

Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa akin, sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga ginagawa ko. Ito ang mga bagay na nais ko. Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 29:21

Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri, mga sinungaling na saksi at mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7-9

Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 58:1-2

Tama ba ang hatol ng mga pinuno? Ang hatol ba ninyo'y pantay at totoo? Ang mga matuwid nama'y magagalak kung ang masasama'y parusahang ganap; pagkakita nila sa dugong dumanak, hindi mangingiming doon na tumahak. Saka sasabihin ng mga nilalang, “Ang mga matuwid ay gantimpalaan; tunay ngang may Diyos, na hukom ng lahat!” Hindi! Pagkat ang inyong binabalangkas pawang karahasa't gawaing di tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:4

Ang kaharian ay matatag kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:6-7

“Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin. Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit. At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:14-15

“Huwag ninyong ipagkakait ang kaukulang bayad sa inyong mahihirap at nangangailangang manggagawa, maging siya ma'y kapwa Israelita o dayuhan na nakikipamayan sa inyo. Bago lumubog ang araw, ibigay na ninyo sa kanya ang sweldo niya para sa maghapon sapagkat iyon lamang ang inaasahan niya sa buhay. Kapag hindi ninyo ibinigay agad, at dumaing siya kay Yahweh, iyon ay pananagutan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:21

“Ang Jerusalem na dating tapat sa akin, ngayo'y naging isang masamang babae. Dati'y puspos siya ng katarungan at katuwiran! Ngayon nama'y tirahan na ng mga mamamatay-tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:22-23

Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman. Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:15-16

Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila, iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha. Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:20

Kawawa kayo, mga baligtad ang isip! Ang mabuting gawa ay minamasama, at minamabuti naman iyong masama, ang kaliwanaga'y ginagawang kadiliman at ang kadilima'y itinuturing na kaliwanagan. Sa lasang mapait ang sabi'y matamis, sa lasang matamis ang sabi'y mapait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:31

Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:42

“Kahabag-habag kayong mga Pariseo! Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng yerbabuena, ruda, at iba pang halamang panimpla sa pagkain, ngunit kinakaligtaan naman ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Dapat lamang na gawin ninyo ito ngunit hindi dapat kaligtaan ang mas mahahalagang bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 8:4-6

Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan, at kayong umaapi sa mga dukha. Ang sabi ninyo sa inyong sarili, “Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang. Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani. Kailan ba matatapos ang Sabbath, para maipagbili namin ang mga trigo? Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan, at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili. Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak, at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas. At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1-3

“Huwag kayong gagawa ng anumang pahayag na walang katotohanan. Huwag kayong magsisinungaling para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan. “Anim na taon ninyong tatamnan ang inyong mga bukirin at anim na taon din ninyong aanihin ang bunga. Sa ikapitong taon, huwag ninyo itong tatamnan at huwag din ninyong aanihin ang anumang tutubo roon. Bayaan na ninyo iyon sa mga kapatid ninyong mahirap, at ang matira ay ipaubaya na ninyo sa mga maiilap na hayop. Ganoon din ang gagawin ninyo sa inyong mga ubasan at taniman ng olibo. “Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw ay titigil kayo sa paggawa upang makapahinga rin ang inyong mga baka, asno, alipin at ang mga manggagawang dayuhan. “Pakinggan ninyong mabuti itong mga sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong mananalangin sa mga diyus-diyosan, ni babanggitin man ang kanilang pangalan. “Ipagpipista ninyo ako nang tatlong beses isang taon. Ipagdiriwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Tulad ng sinabi ko sa inyo, pitong araw na huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa. Ito'y gagawin ninyo sa takdang araw ng unang buwan, ang buwan ng pag-alis ninyo sa Egipto. Walang haharap sa akin nang walang dalang handog. “Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pag-aani tuwing aanihin ninyo ang unang bunga ng inyong mga bukirin. “At ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng mga Tolda sa pagtatapos ng taon, sa pitasan ng ubas at ng mga bungangkahoy. Tatlong beses isang taon, lahat ng lalaki ay haharap sa Panginoong Yahweh. “Huwag ninyong sasamahan ng tinapay na may pampaalsa ang mga hayop na ihahandog ninyo sa akin, at huwag ninyong hahayaang matira sa kinabukasan ang taba ng mga hayop na handog ninyo sa pagpipista para sa akin. “Dadalhin ninyo bilang handog sa bahay ni Yahweh na inyong Diyos ang mga pinakamainam na unang ani ng inyong mga bukirin. “Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina. Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan. “Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo. Papakinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya'y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag nagrebelde kayo sa kanya. Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway. Pangungunahan kayo ng aking anghel patungo sa lupain ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Cananeo, Hivita at Jebuseo, at sila'y lilipulin ko. Huwag ninyong yuyukuran o sasambahin ang kanilang mga diyus-diyosan, ni tutularan ang kanilang ginagawa. Durugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan pati mga haliging ginamit nila sa pagsamba. Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman. Isa man sa mga babaing Israelita ay walang makukunan o mababaog. At bibigyan ko kayo ng mahabang buhay. “Dahil sa gagawin ko, masisindak ang lahat ng haharap sa inyo. Malilito ang mga bansang makakalaban ninyo at magtatakbuhan dahil sa takot. Habang kayo'y papalapit, guguluhin ko ang inyong mga kaaway at palalayasin ko ang mga Hivita, Cananeo at Heteo sa kanilang lupain. Hindi ko muna sila paaalising lahat sa loob ng isang taon para hindi mapabayaan ang lupain at nang hindi dumami ang mga maiilap na hayop. Ngunit huwag rin ninyong kikilingan ang mahihirap dahil lang sa kanilang kalagayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:15

“Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya'y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:18

Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:11

Ang taong nagkakamal ng salapi sa pandaraya ay parang ibong pumipisa sa hindi niya itlog. Mawawala ang mga kayamanang iyon sa panahon ng kanyang kalakasan, at sa bandang huli, siya'y mapapatunayang isang hangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:1

Iginala ko ang aking paningin sa buong daigdig, at nakita ko ang kawalan ng katarungan. Ang mga inaapi ay lumuluha ngunit walang tumulong sa kanila sapagkat makapangyarihan ang sumisiil sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:23

“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Dapat ninyong gawin ang mga ito nang hindi kinakaligtaan ang ibang utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:23

Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama, siya ay namumuhi sa timbangang may daya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:22-23

Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, tiyak na papakinggan ko sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:14-15

Itinakwil namin ang katarungan at lumayo kami sa katuwiran. Ang katotohanan ay nahandusay sa mga liwasang-bayan, at hindi makapanaig ang katapatan. Hindi matagpuan ang katotohanan, kaya nanganganib ang buhay ng mga tao, na ayaw gumawa ng kasamaan. Nang makita ni Yahweh na wala nang katarungan, siya ay nalungkot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 27:19

“‘Sumpain ang sinumang magkait ng katarungan sa mga dayuhan, ulila at biyuda.’ “Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 3:14-15

Ipapataw na ni Yahweh ang kanyang hatol sa matatanda at mga pinuno ng kanyang bayan: “Ubasan ng mahihirap inyong sinamsam, inyong mga tahanan puro nakaw ang laman. Bakit ninyo inaapi ang aking bayan at sinisikil ang mahihirap?” Ito ang sabi ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:5

Ang pagkiling sa may sala ay isang kamalian; gayundin naman kung ipagkakait ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:7-9

Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan. Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:6

“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:26-29

“Tumira sa aking bayan ang manggagawa ng kasamaan; mga nanghuhuli ng ibon ang katulad nila. Ang pagkakaiba lamang, mga tao ang binibitag nila. Kung paanong pinupuno ng isang nanghuhuli ng ibon ang kanyang hawla, gayon nila pinupuno ng mga ninakaw ang kanilang mga bahay. Kaya naging mayaman sila at naging makapangyarihan. Lagi silang busog at matataba. Sukdulan na ang kanilang kasamaan. Inaapi nila ang mga ulila at hindi makatarungan ang paglilitis na kanilang ginagawa. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa. “Dahil dito'y paparusahan ko sila; maghihiganti ako sa kanilang bansa. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:24-25

Ang hukom na nagpapawalang-sala sa may kasalanan ay itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Habakuk 1:3-4

Bakit puro kaguluhan at kasamaan ang ipinapakita mo sa akin? Sa magkabi-kabila'y nagaganap ang pagwasak at ang karahasan; laganap ang karahasan at ang labanan. Ang batas ay walang bisa at walang pakinabang, at hindi umiiral ang katarungan. Sa husgado ay laging natatalo ng masasama ang walang kasalanan, kaya't nababaluktot ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:11

sapagkat walang kinikilingan ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:2

“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:7-8

Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17

Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:16

Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:8

Huwag kayong tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa tao sa katuwiran at ikinaaapi naman ng mga walang sala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:20-21

Sa iyo ba ay papanig mga hukom na masama, na ang laging kapasyaha'y ang hatol na hindi tama? Sama-sama silang lagi't ang matuwid ang kalaban, ang hatol sa walang sala ay hatol na kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 21:16

Nang malaman ni Ahab na patay na si Nabot, pumunta siya sa ubasan upang angkinin iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:8

Huwag kang magtataka kung makita mong ang mahihirap ay inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Alalahanin mong ganoon din ang ginagawa ng nakatataas sa kanila at bawat pinuno ay may nakasasakop ding mas mataas na pinuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:23

Ang katarungan ay hindi nakakamtan, kung itong masama, suhol ay patulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:35-36

Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako'y hubad at ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 22:13

“Kahabag-habag ang magiging wakas ng taong nagtatayo ng kanyang bahay sa pamamagitan ng pandaraya, at naglalagay ng mga silid dito sa pamamagitan ng panlilinlang. Pinagtatrabaho niya ang kanyang kapwa nang walang kabayaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:15

At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:23

Ang bukid ng mahihirap, may pangakong kasaganaan, ngunit ito'y nasasayang dahil sa kawalan ng katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 10:3

Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa, pagdating ng pagkawasak na magmumula sa malayo? Kanino kayo lalapit upang humingi ng tulong, at kanino ninyo iiwanan ang inyong kayamanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:1-4

Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. Sinasabi nating pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon. Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.” Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. Si Elias ay isang tao na tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman. Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming kasalanan. Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw. Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:10

Buhat sa puso ko'y aking ihahayag, “Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad! Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap, at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:21

“Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan; alalahanin ninyong naging dayuhan din kayo sa Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:23

sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 27:8-9

Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa, kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya? Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:25

Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng hambog, ngunit ang tahanan ng isang biyuda ay iingatan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:7

Ang matalinong nandadaya ay para na ring mangmang. Ang suhol ay sumisira sa dangal ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:28

Mga nagpapakumbaba'y iyong inililigtas, ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:8-9

“Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos, at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog. Mga dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan, mga kababalaghan niya ay walang katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:3

Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handog ang mga gawang makatuwiran at makatarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:15

Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa. Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap; huwag kayong tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao; o sa mga gumagawa ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 24:2-4

“Binabago ng mga tao ang hangganan ng mga lupa, nagnanakaw ng mga hayop na iba ang nag-alaga. Kahit ang kanyang ina sa kanya'y nakakalimot; parang punong nabuwal, inuuod at nabubulok. Pagkat inapi niya ang babaing di nagkaanak, at ang mga biyuda ay kanyang hinamak. Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas; kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas. Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay, sa bawat sandali, siya'y nagbabantay. Umunlad man ang masama, ngunit panandalian lamang, natutuyo ring tulad ng damo at halaman, parang bungkos ng inani na binunot sa taniman. Kasinungalingan ba ang sinasabi ko? Sinong makapagpapatunay na ito'y di totoo?” Tinatangay nila ang asno ng mga ulila, kinakamkam sa mga biyuda ang bakang isinangla. Ang mahirap ay itinataboy sa lansangan; at dahil sa takot, naghahanap ito ng taguan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:8

Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 15:15

Sinabi naman ni Jeremias, “Yahweh, ikaw ang nakakaalam ng lahat. Alalahanin mo ako't tulungan. Ipaghiganti mo ako sa mga umuusig sa akin. Huwag kang papayag sa kanila at baka ako'y kanilang patayin. Ako'y hinahamak nila dahil sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:12

Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang, at pananatilihin ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 8:9

Lahat ng ito'y nakita ko habang pinagmamasdan ang mga pangyayari sa buong mundo, ang iba'y may kapangyarihan, at ang iba naman ay api-apihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:10-11

Tinanong siya ng mga tao, “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?” Sumagot siya sa kanila, “Sinumang mayroong dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Gayon din ang gawin ng sinumang may pagkain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Ang tumutulong sa mahirap ay di magkukulang, ngunit susumpain ang nagbubulag-bulagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 34:12

Hindi gumagawa ng masama ang Diyos na Makapangyarihan, hindi niya kailanman binabaluktot ang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:11

Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan, at nagpaparusa sa masama sa bawat araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:27

Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:3

Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1-2

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya. Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas. Kung paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim, ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiran at papuri sa harap ng lahat ng bansa. Sinugo niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway; sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:4

Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:9

Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:9

“Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan; naranasan na ninyo ang maging dayuhan sapagkat kayo man ay naging dayuhan din sa Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:7

Masama ang gawain ng taong hangal. Ipinapahamak nila ang mahihirap sa pamamagitan ng kasinungalingan, at gumagawa ng paraan upang hindi pakinabangan ang kanilang karapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at kagila-gilalas ka, Panginoon ko. Makapangyarihan, Kataas-taasan, at matuwid sa lahat ng iyong mga daan. Wasto ang iyong mga gawa, at ang iyong mga isipan ay puno ng karunungan. Ikaw lamang ang nakaaalam ng laman ng puso at nakakakita kung may landas ng kasamaan sa aking buhay. Nasa iyong harapan ako, wala akong anumang maitatago sa iyong presensya. Kilalang-kilala mo ako. Nakita mo ang aking paghiga at pagbangon. Ang iyong paningin ay laging nasa akin. Dalangin ko po na bigyan mo ako ng malinis na puso at panibaguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko. Nawa'y makalakad ako sa iyong katuwiran palagi at huwag matagpuan sa landas ng kasamaan at kasalanan. Panibaguhin mo ako. Nais kong ang lahat ng aking gawain ay maging salamin ng iyong pag-ibig. Tulungan mo akong mahalin ang aking kapwa at huwag maging di-makatarungan kaninuman. Bagkus, nais kong lumakad sa iyong katuwiran, pag-ibig, at kabutihan. Sinamba kita, Panginoon ko. Lagyan mo ako ng takot sa iyong presensya. Patnubayan mo ang aking mga hakbang sa lahat ng oras. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas