Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


128 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Idolatriya

128 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Idolatriya

Kaibigan, alam mo ba, sabi sa Exodo 20:4-5, “Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o nasa lupa sa ibaba, o nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa akin". Isipin mo, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan, 'yan ang tinatawag na idolatrya. Matagal na itong ginagawa ng diyablo, 'di ba? Gusto niyang agawin ang lugar ng Diyos sa puso natin.

Kung ikaw man ay sumasamba sa mga santo o birhen, kailangan mong maintindihan na hindi sila ang sinasamba mo kundi si Satanas mismo. Mabigat na kasalanan ito, at kung hindi ka magsisisi, maaari kang mapunta sa impyerno. Naku, nakakatakot 'di ba?

Tandaan mo, ang Diyos lang ang dapat sambahin at yukuran. Siya lang ang makapangyarihan, ang lumikha ng langit, lupa, at lahat ng naririto. 'Wag tayong magtiwala sa mga rebulto na gawa lang sa yeso, kahoy, o metal. Wala silang maitutulong sa atin. Hindi nila tayo kayang ipagtanggol.

Manalangin tayo kay Hesus na bigyan tayo ng kaliwanagan at palayain tayo sa idolatrya. Sambahin natin ang pangalan ng Diyos lamang. Tiwala lang, kaibigan. Nandyan ang Diyos para sa atin.


Leviticus 26:1

“Huwag kayong gagawa ng mga diyus-diyosan o magtatayo ng mga inukit na rebulto o sagradong haligi, o mga batong hinugisan upang sambahin sa inyong lupain. Ako si Yahweh, ang Diyos ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:4

“Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:14

Kaya nga, mga minamahal, iwasan ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:3-6

“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin. “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:4

“Huwag kayong maglilingkod sa mga diyus-diyosan ni gagawa ng mga imahen upang sambahin. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:4

Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunud-sunod, sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama; at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba, hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:3-5

“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin. “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:7-9

“‘Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin. “‘Huwag kang gagawa ng diyus-diyosang imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:7

Huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila. Ayon sa nasusulat, “Umupo ang mga tao upang magkainan at mag-inuman, at tumayo upang magsayaw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:4-8

Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos, sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos. Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita, at hindi rin makakita, mga matang pinasadya; di rin naman makarinig ang kanilang mga tainga, ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila. Totoo nga na may kamay ngunit walang pakiramdam, mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang, ni wala kang naririnig kahit munting tinig man lang. Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala, lahat sila ay katulad ng gayong diyos na ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 11:2

Ngunit habang siya'y tinatawag ko, lalo naman siyang lumalayo. Lagi na lamang siyang naghahandog sa mga Baal, at nagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:15

Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto, kamay ng mga tao ang humugis at bumuo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:20

pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:20

Sinabi ni Yahweh, “Halikayong lahat na mga natitirang buháy mula sa lahat ng bansa; kayong mga mangmang na nagpapasan ng mga imaheng kahoy at dumadalangin sa mga diyus-diyosan na hindi makakapagligtas. Ang mga taong ito'y walang nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:21

Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5

Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:13

“Pakinggan ninyong mabuti itong mga sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong mananalangin sa mga diyus-diyosan, ni babanggitin man ang kanilang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:23

Huwag kayong gagawa ng anumang diyus-diyosan, pilak man o ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:14-15

Huwag kayong maglilingkod sa diyus-diyosan ng mga bayang pupuntahan ninyo sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ay mapanibughuing Diyos; kapag sumamba kayo sa diyus-diyosan magagalit siya sa inyo at lilipulin niya kayong lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 15:23

Ang pagsuway sa kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan. Sapagkat itinakwil mo ang salita ni Yahweh, itinakwil ka rin niya bilang hari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:6

Ikaw ay namumuhi sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosang walang halaga, ngunit sa iyo, Yahweh, ako umaasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:23

Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na lumalakad, at ng mga hayop na gumagapang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 5:13

Wawasakin ko ang inyong mga diyus-diyosan at mga haliging itinuturing ninyong sagrado, at hindi na kayo sasamba sa ginawa ng inyong mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:8

Ako si Yahweh; 'yan ang aking pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri'y sa akin, hindi sa diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:7

Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:24

“Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:9

Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:16

Paparusahan ko ang aking bayan dahil sa kanilang kasalanan; tumalikod sila sa akin. Naghandog sila at sumamba sa mga diyus-diyosang ginawa ng kanilang mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:21-23

Kahit na kilala nila ang Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip. Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila'y mga hangal. Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na lumalakad, at ng mga hayop na gumagapang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Habakuk 2:18

Ano ang kabuluhan ng diyus-diyosan? Tao lamang ang gumawa nito, at pawang kasinungalingan ang sinasabi nito. Ano ang ginagawa nitong mabuti upang pagkatiwalaan ng gumawa? Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:3

Sinasadya nilang ako ay galitin, naghahandog sila sa mga sagradong hardin, at nagsusunog ng mga insenso sa mga altar ng pagano.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 32:1-6

Nang magtagal si Moises sa bundok, ang mga Israelita'y lumapit kay Aaron. Sinabi nila, “Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin. Hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na iyan na naglabas sa amin sa Egipto.” Hayaan mong lipulin ko sila at ikaw at ang iyong lahi'y gagawin kong isang malaking bansa.” Nagmakaawa si Moises kay Yahweh: “Huwag po! Huwag ninyong lilipulin ang mga taong inilabas ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng inyong dakilang kapangyarihan. Kapag nilipol ninyo sila, masasabi ng mga Egipcio na ang mga Israelita'y inilabas ninyo sa Egipto upang lipulin sa kabundukan. Huwag na po kayong magalit sa kanila at huwag na ninyong ituloy ang inyong parusa sa kanila. Alalahanin ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila'y pararamihing tulad ng mga bituin sa langit at magiging kanila habang panahon ang lupang ipinangako ninyo.” Hindi nga itinuloy ni Yahweh ang balak na paglipol sa mga Israelita. Pagkaraan noon, si Moises ay bumalik mula sa bundok dala ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos. Ang Diyos mismo ang gumawa ng dalawang tapyas na bato at nag-ukit ng mga utos na nakasulat doon. Nang pabalik na sila, narinig ni Josue ang sigawan ng mga tao. Sinabi niya kay Moises, “May ingay ng labanan sa kampo.” “Ang naririnig ko'y hindi sigaw ng tagumpay o ng pagkatalo, kundi awitan,” sagot ni Moises. Nang sila'y malapit na sa kampo, nakita ni Moises ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Dahil dito, nagalit siya. Ibinalibag niya sa paanan ng bundok ang mga tapyas na bato at ito'y nadurog. “Kung gayon, tipunin ninyo ang mga hikaw na ginto ng inyong asawa't mga anak at dalhin sa akin,” sagot ni Aaron. Kinuha niya ang guya at sinunog. Pagkatapos, dinurog niya ito nang pino saka ibinuhos sa tubig at ipinainom sa mga Israelita. Hinarap niya si Aaron, “Ano bang ginawa nila sa iyo at pumayag kang gawin ang malaking kasalanang ito?” Sumagot si Aaron, “Huwag ka nang magalit sa akin, kapatid ko. Alam mo naman kung gaano katigas ang kanilang ulo. Ayaw nilang paawat sa paggawa ng kasamaang ito. Sinabi nila sa akin na igawa ko sila ng mga diyos na mangunguna sa kanila sapagkat hindi raw nila alam kung ano na ang nangyari sa iyo. Kaya't tinanong ko sila kung sino ang may ginto. Ibinigay naman nila sa akin ang mga alahas, tinunaw ko sa apoy at lumabas ang guyang iyon.” Nakita ni Moises na nagkakagulo ang mga tao sapagkat sila'y pinabayaan ni Aaron na sumamba sa diyus-diyosan. At naging katawatawa sila sa paningin ng mga kaaway na nakapaligid. Kaya't tumayo si Moises sa pintuan ng kampo at sumigaw, “Lumapit sa akin ang lahat ng nasa panig ni Yahweh!” At lumapit sa kanya ang mga Levita. Sinabi niya sa kanila, “Ipinapasabi ni Yahweh, ng Diyos ng Israel: ‘Kunin ninyo ang inyong mga tabak, galugarin ninyo ang buong kampo at patayin ang lahat ng inyong makita, maging kapatid, kaibigan o sinuman.’” Sinunod ng mga Levita ang utos ni Moises at may tatlong libong katao ang napatay nila nang araw na iyon. Sinabi ni Moises, “Ngayo'y inilaan ninyo ang inyong mga sarili sa paglilingkod kay Yahweh dahil sa pagkapatay ninyo sa inyong mga anak at mga kapatid. Kaya, tatanggapin ninyo ngayon ang kanyang pagpapala.” Ganoon nga ang kanilang ginawa. Kinabukasan, sinabi ni Moises sa mga tao, “Napakalaki ng nagawa ninyong kasalanan. Aakyat ako ngayon sa bundok at mananalangin kay Yahweh, baka sakaling maihingi ko kayo ng tawad.” Umakyat nga sa bundok si Moises at nanalangin kay Yahweh. Sinabi niya, “Napakalaking pagkakasala ang nagawa ng mga tao; gumawa sila ng diyus-diyosang ginto. Ipinapakiusap ko pong patawarin na ninyo sila. Kung hindi ninyo sila mapapatawad, burahin na rin ninyo sa inyong aklat ang aking pangalan.” Sumagot si Yahweh, “Kung sino ang nagkasala sa akin ay siya kong buburahin sa aking aklat. Ngayon, pangunahan mo sila sa lugar na sinabi ko sa iyo at papatnubayan kayo ng aking anghel. Ngunit darating ang araw na paparusahan ko ang mga Israelita dahil sa kanilang mga kasalanan.” At pinadalhan ni Yahweh ng sakit ang mga tao sapagkat pinagawa nila ng guya si Aaron. Kinuha ni Aaron ang mga hikaw at tinunaw; ibinuhos niya sa isang hulmahan at ginawang hugis ng guya. Pagkayari, sinabi nila: “Israel, narito ang diyos mong naglabas sa iyo sa Egipto!” Nang ito'y makita ni Aaron, gumawa siya ng altar sa harap nito at sinabi sa mga tao, “Ipagpipista natin bukas si Yahweh.” Kinabukasan, maaga silang bumangon at naghandog ng mga hayop at sinunog sa altar. Nagpatay pa sila ng hayop na kanilang pinagsalu-saluhan. Sila'y nagpakabusog, nag-inuman at mahalay na nagkasayahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 17:16

Habang sina Silas at Timoteo'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, napansin niyang puno ng mga diyus-diyosan ang lungsod kaya't nabagabag ang kanyang espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 9:16-17

Nakita ko ang pagkakasalang ginawa ninyo laban kay Yahweh. Gumawa kayo ng guyang ginto, at lumihis sa daang itinuro niya sa inyo. Dahil dito, ibinagsak ko sa lupa ang dalawang tapyas ng batong dala ko, at nagkadurug-durog iyon sa harapan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:5

Sinabi ni Yahweh, “Saan ninyo ako itutulad? Mayroon bang makakapantay sa akin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 18:21

Huwag ninyong ibibigay ang alinman sa inyong mga anak upang sunugin bilang handog kay Molec sapagkat ito'y paglapastangan sa pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:7

Lahat silang sumasamba sa kanilang diyus-diyosan, mahihiya sa kanilang paghahambog na mainam. Mga diyos nilang ito ay yuyuko sa Maykapal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:15-18

Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto, kamay ng mga tao ang humugis at bumuo. Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka, mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita; mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig, hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig. Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala, matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 12:29-31

“Kapag napalayas na ng Diyos ninyong si Yahweh ang mga tao sa lupaing iyon at kayo na ang nakatira roon, Gibain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang mga sinasambang haligi, sunugin ang mga imahen ng kanilang diyosang si Ashera, durugin ang kanilang mga diyus-diyosan, at alisin sa lugar na iyon ang anumang bakas nila. huwag ninyong tutularan ang kasuklam-suklam nilang gawain. Huwag na ninyong alamin pa kung paano sila sumamba sa mga diyos nila, baka gayahin pa ninyo ang mga iyon. Huwag ninyong gagawin kay Yahweh ang karumal-dumal na gawain nila sa pagsamba sa kanilang diyus-diyosan gaya ng pagsusunog ng kanilang anak bilang handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:3-5

Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan. Isang punongkahoy na pinutol sa gubat, inanyuan ng mga dalubhasang kamay, at pinalamutian ng ginto at pilak. Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal. Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita; pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat hindi sila makakagawa ng masama, at wala ring magagawang mabuti.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 11:11

Kaya binalaan ko sila na sila'y aking lilipulin, at wala isa mang makakaligtas. At kapag sila'y humingi ng tulong sa akin, hindi ko sila papakinggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 14:3-5

“Ezekiel, anak ng tao, ang mga ito'y nahumaling na sa diyus-diyosan at naibunsod sa kasamaan. Hindi ko sila tutugunin sa pagsangguni nila sa akin. Sabihin mo na lamang sa kanila na ipinapasabi kong huwag sasangguni sa mga propeta ang sinumang Israelitang sumasamba sa diyus-diyosan na naging dahilan ng patuloy nilang pagkakasala. Kapag sumangguni sila, tuwiran kong ibibigay sa kanila ang sagot na nararapat sa marami nilang diyus-diyosan. Sa pamamagitan ng sagot kong ito, manunumbalik sa akin ang mga Israelitang ito na nahumaling sa pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 10:14

Sa inyong mga diyus-diyosan kayo humingi ng tulong sa panahon ng inyong kagipitan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 27:15

“‘Sumpain ang sinumang gumawa ng anumang imahen upang sambahin kahit palihim, ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh.’ “Ang buong bayan ay sasagot ng: ‘Amen.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 17:29

Sapagkat tayo'y mga anak ng Diyos, huwag nating akalain na ang kanyang pagka-Diyos ay mailalarawan ng ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at gawa ng kamay ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:25

Sunugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan. Huwag ninyong pagnanasaan ang mga pilak o gintong ginamit sa mga iyon sapagkat ito ang magiging patibong sa inyo dahil iyon ay kasuklam-suklam kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:8

Punô ng diyus-diyosan ang kanilang bayan; mga rebultong gawa lamang, kanilang niyuyukuran, mga bagay na inanyuan at nililok lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 16:1

Pagkamatay ng dalawang anak ni Aaron dahil sa kanilang paglapit nang di nararapat sa harapan ni Yahweh,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 16:30

sapagkat sa araw na ito ay tutubusin kayo sa inyong mga kasalanan upang maging malinis kayo sa harapan ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:22

Sinasabi mong huwag mangangalunya, bakit ka nangangalunya? Nasusuklam ka sa mga diyus-diyosan, bakit ninanakawan mo ang mga templo nila?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:37

Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 33:51-52

“Ganito ang sabihin mo sa mga Israelita: Pagkatawid ninyo ng Jordan papuntang Canaan, palayasin ninyo ang mga naninirahan doon, durugin ninyo ang kanilang mga rebultong bato at imaheng metal. Gibain din ninyo ang mga sambahan nila sa burol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:10

Kaya't sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin. At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:21

Pinanibugho nila ako sa mga diyos na hindi totoo, sa pagsamba sa kanila'y ginalit nila ako, kaya't bayang hangal kahit hindi akin ay siyang gagamitin, upang aking bayan galitin at panibughuin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 17:12

Naglingkod sila sa mga diyus-diyosan na mahigpit na ipinagbabawal ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:58

Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit, nang makita ang dambana ng larawang iniukit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:26

Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang, ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 20:7

Sinabi ko sa kanila noon na talikuran nila ang mga diyus-diyosan ng Egipto at huwag nilang sambahin ang mga iyon sapagkat ako ang Diyos nilang si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:36

Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran, sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 10:2

Ang mga diyus-diyosan ay wala ng kabuluhan; ang pangitain ng mga manghuhula ay pawang kasinungalingan; ang mga panaginip nila'y walang katotohanan; ang kanilang sinasabi'y wala ring kabuluhan. Kaya't mga tao'y parang tupang naliligaw, pagkat walang pastol na sa kanila'y umaakay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 81:9

Ang diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:4

Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos, sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:17-18

Pagdating ng araw na iyon, ang mga palalo ay papahiyain, at ang mga maharlika ay pababagsakin, pagkat si Yahweh lamang ang dapat dakilain, at mawawala ang lahat ng diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:13

Ang diyus-diyosang tinatawag ninyo'y hindi makatutulong o makakapagligtas, kahit kayo'y managhoy; ang mga diyos ninyo'y lilipad kung hangin ay umihip, kaunting ihip lamang, sila'y itataboy. Subalit ang taong sa aki'y may tiwala at laging umaasa, ang banal na bundok at ang lupaing ito'y mamanahin niya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 51:17-18

Sa ganitong kalagayan ay magiging mangmang at walang kaalaman ang lahat ng tao. Bawat panday ay inilalagay sa kahihiyan ng nililok niyang diyus-diyosan; sapagkat hindi tunay na diyos at walang buhay ang kanyang ginawa. Walang kabuluhan ang mga iyon, at dapat sumpain malilipol sila pagdating ng araw ng pagpaparusa sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:18

At dahil sa dugong pinadanak nila sa lupain, at dahil sa kanilang mga diyus-diyosan, ibinuhos ko sa kanila ang aking matinding poot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:2-3

Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa: “Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika. Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin, at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:25

Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo'y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 44:10

Ang mga Levita na tumalikod sa akin at nalulong sa pagsamba sa diyus-diyosan ay paparusahan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 4:8-9

Noong hindi pa ninyo nakikilala ang Diyos, kayo'y alipin ng mga bagay na hindi totoong mga diyos. Ngunit ngayong nakikilala na ninyo ang Diyos, o mas tamang sabihin, ngayong nakikilala na kayo ng Diyos, bakit kayo bumabalik sa mga tuntuning walang bisa at walang halaga? Bakit gusto na naman ninyong paalipin sa mga iyon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:7

Subalit hindi lahat ay nakakaalam nito. May mga taong nasanay na sa pagsamba sa mga diyus-diyosan noong una, kaya't hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng ganoong pagkain, inaakala pa rin nila na iyon ay handog sa diyus-diyosan. Dahil mahina ang kanilang budhi, ang akala nila'y nagkakasala sila kapag kumain sila niyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:18

Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa inyo dahil sa kanilang mga pangitain. Ngunit ang totoo, nagyayabang lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:16

O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi, “Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:36-39

Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran, sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan. Pati anak nilang babae't lalaki'y inihaing lubos, sa diyus-diyosan, mga batang ito ay ginawang handog. Ang pinatay nila'y mga batang musmos, batang walang malay para ipanghandog sa diyus-diyosan ng lupang Canaan, kaya't ang lupain sa ginawa nila'y pawang nadungisan. Ang sarili nila yaong nadungisan sa gayong ginawa, sa Diyos na si Yahweh sila ay nagtaksil at pawang sumamâ.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:18

Nangunguha ng panggatong ang kanilang mga anak, nagpaparikit ng apoy ang kalalakihan, at nagluluto ng tinapay ang kababaihan upang ihandog sa diyus-diyosang tinatawag nilang reyna ng kalangitan. Naghahandog din sila ng mga inumin sa ibang diyos, upang saktan ang aking kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:18-20

Saan ninyo ihahambing ang Diyos at kanino ninyo siya itutulad? Siya ba'y maihahambing sa mga imaheng ginawa ng tao, na binalutan ng ginto, at ipinatong sa pilak? Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem, tapos na ang kanilang pagdurusa sapagkat nabayaran na nila ng lubos ang kasalanang ginawa nila sa akin.” Hindi rin siya maitutulad sa rebultong kahoy matigas man ang kahoy at hindi nabubulok, na nililok upang hindi tumumba at mabibili lang sa murang halaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:24

Huwag ninyong yuyukuran o sasambahin ang kanilang mga diyus-diyosan, ni tutularan ang kanilang ginagawa. Durugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan pati mga haliging ginamit nila sa pagsamba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:20

Mayroon silang sinasabing masasama laban sa iyo, at kanilang dinudusta, pati na ang pangalan mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:4-6

Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga diyus-diyosan ay larawan ng mga bagay na di-totoo, at alam nating iisa lamang ang Diyos. Kahit na may tinatawag na “mga diyos” sa langit at sa lupa, at ang mga tinatawag na “mga diyos” at “mga panginoon” ay marami, subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:17

O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan, akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:18

Ang mga taong gayon ay mga mangmang at hindi inuunawa ang kanilang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mga mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:16

Hindi ba ninyo alam na kapag nagpasakop kayo sa sinumang inyong sinusunod, kayo'y nagiging alipin nito, maging ito'y kasalanang hahantong sa kamatayan, o ang pagsunod sa Diyos na hahantong sa pagiging matuwid?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:3

Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, mga pagnanasa ng laman, paglalasing, walang habas na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:4

Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:17

“Huwag kayong gagawa ng diyus-diyosang metal at sasamba sa mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:16-17

Pinanibugho nila si Yahweh dahil sa mga diyus-diyosan. Poot niya'y pinag-alab sa pagsambang kasuklam-suklam. Naghain sila ng handog sa mga demonyo, sa mga diyus-diyosang hindi nila alam kung ano; ngayon lamang dumating mga diyos na bago, na hindi sinamba ng kanilang mga lolo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 8:10-12

Pumasok nga ako at sa palibot ng pader ay nakita ko ang larawan ng lahat ng hayop na gumagapang, nakakapandiring mga halimaw, at ang iba't ibang diyus-diyosan ng Israel. Sa harap ng mga ito, nakatayo ang pitumpung matatanda ng Israel sa pangunguna ni Jaazanias na anak ni Safan. Bawat isa'y nagsusunog ng insenso. Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, nakita mo ang ginagawa nila sa madilim na silid na ito? Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita roon sapagkat wala ako roon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 19:26-27

Nakikita ninyo't naririnig kung ano ang ginagawa ng Pablong iyan. Sinasabi niyang ang mga diyos na ginawa ng kamay ng tao ay hindi raw diyos, at marami siyang napapaniwala, hindi lamang dito sa Efeso kundi sa buong Asia. Nanganganib na magkaroon ng masamang pangalan ang ating hanapbuhay. Hindi lang iyon, nanganganib din na ang templo ng dakilang diyosang si Artemis ay mawalan ng kabuluhan, at ang dakilang diyosa na sinasamba ng Asia at ng buong daigdig ay hindi na igagalang.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:3

Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:4

Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:29

Mapapahiya kayo dahil sa mga punongkahoy na inyong sinamba, at sa mga halamanang itinuring ninyong banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:3-4

Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak, kahit sa kaninong di makapagligtas; kung sila'y mamatay, balik sa alabok, kahit anong plano nila'y natatapos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:30

Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi ko kasamang mag-ipon ay nagkakalat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:13

Magkaroon kayo ng takot kay Yahweh, paglingkuran ninyo siya at sa kanyang pangalan kayo manumpa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:2

Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa, nagkukunwari at nagdadayaan sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:17

Sapagkat ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:14

“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuing Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:9

Anumang pakana ng masama ay kasalanan, at kinamumuhian ng tao ang nanunuya sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:3

Ginagawa ng tao ang kanyang maibigan, at matutuwa pang gumawa ng kasamaan. Para sa kanya ay walang kaibahan ang handog na toro o kaya ay tao; ang handog na tupa o patay na aso; ang handog na pagkaing butil o dugo ng baboy; ang pagsusunog ng insenso o ang pagdarasal sa diyus-diyosan. Natutuwa sila sa nakakahiyang pagsamba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 14:6

“Sabihin mo nga sa bayang Israel na ipinapasabi ko: Magsisi na kayo at tigilan na ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:7

Matutuwa ako at magagalak, dahil sa pag-ibig mong wagas. Paghihirap ko'y iyong nakikita, alam mo ang aking pagdurusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:9

Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 4:15-16

“Nang kayo'y kausapin ni Yahweh mula sa apoy sa Sinai, wala kayong nakitang anyo, kaya mag-ingat kayong mabuti. Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:22

Tatalikuran na ninyo ang mga diyus-diyosang yari sa pilak at ginto; ibabasura ninyo ang mga iyon at sasabihing: “Lumayo kayo sa akin!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 14:15

“Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan! Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinapangaral namin sa inyo ang Magandang Balita upang talikuran ninyo ang mga walang kabuluhang bagay na iyan, at manumbalik kayo sa Diyos na buháy na lumikha ng langit, lupa, dagat, at lahat ng naroroon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:25

Tinalikuran nila ang katotohanan tungkol sa Diyos at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:9

Ikaw, Yahweh, ay Dakila at hari ng buong lupa, dakila ka sa alinmang mga diyos na ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:24

Kayo at ang inyong gawa'y walang kabuluhan; ang sumasamba sa inyo ay kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 21:11

Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:10

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:1

Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan, hindi namin maaangkin, pagkat ito'y iyo lamang; walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 44:2-5

Ito ang kanyang sinabi: “Nakita ninyo ang kapahamakang nangyari sa Jerusalem at sa mga lunsod ng Juda. Ngayon ay wasak na ang mga ito, at wala nang naninirahan doon. Kaya sumagot si Jeremias sa lahat ng mga nagsabi sa kanya nito, “Hindi nakakalimutan ni Yahweh ang mga sinunog ninyong handog sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem, kayo at ang inyong mga ninuno, mga hari, mga pinuno, at lahat ng nasa lupain. Umabot na sa sukdulan ang inyong kasamaan kaya winasak ni Yahweh ang inyong lupain. Dumating sa inyo ang kapahamakang ito sapagkat nagsunog kayo ng mga handog na ito, at iyan ay kasalanan kay Yahweh. Hindi rin ninyo sinunod si Yahweh o tinupad ang kanyang mga utos at tuntunin.” Sinabi pa ni Jeremias sa mga tao, “Pakinggan ninyo ang pahayag ni Yahweh, lahat kayong taga-Juda na nakatira sa Egipto. Ito'y mga mensahe ni Yahweh, ang Makapangyarihang Diyos ng Israel. Kayo at ang inyong mga asawang babae ay nagsabi ng ganito: ‘Gagawin namin ang aming ipinangako; magsusunog kami ng mga handog sa reyna ng kalangitan, at mag-aalay ng handog na alak sa kanya.’ Patunayan ninyo at tuparin ang inyong mga ipinangako. Ngunit pakinggan ninyo ang sabi ng Panginoong Yahweh, kayong taga-Juda na naninirahan sa Egipto, “Isinusumpa ko sa aking dakilang pangalan na ang pangalan ko'y hindi na muling sasambitin ng mga taga-Juda. Hindi ko na ipapahintulot na gamitin ang aking pangalan sa panunumpa sa lupain ng Egipto. Magbabantay ako upang padalhan kayo ng kasamaan at hindi kabutihan; lahat ng lalaking taga-Juda na nasa Egipto ay mamamatay sa digmaan at sa gutom, hanggang maubos silang lahat. Pagkatapos noon, saka mapapatunayan ng lahat ng nalabi sa Juda, na naninirahan sa Egipto, kung kaninong salita ang natupad, ang sa kanila o ang sa akin. Ito ang palatandaang ibibigay ko sa inyo na kayo'y aking paparusahan sa lugar na ito upang malaman ninyo na magaganap nga ang kasamaang sinalita ko laban sa inyo. Ginawa ko ito dahil sa kasamaan nila. Nagsunog sila ng insenso at naglingkod sa mga diyos na hindi nila nakikilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno. Ito'y mga salita ni Yahweh: si Faraon Hofra, hari sa Egipto, ay ibibigay ko sa kanyang mga kaaway na nagnanais pumatay sa kanya, katulad ng ginawa ko kay Haring Zedekias ng Juda, na ibinigay ko kay Haring Nebucadnezar na kaaway niya at nais siyang patayin.” Gayunman, patuloy kong sinugo sa inyo ang aking mga lingkod na propeta. Sinabi nila sa inyo, ‘Huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na bagay na iyan.’ Subalit hindi sila nakinig; hindi nila pinagsisihan at tinalikuran ang kanilang kasamaan at patuloy rin silang nagsunog ng handog sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 8:3

Nakita kong iniunat ang tila kamay. Hinawakan ako nito sa buhok at itinaas sa kalagitnaan ng langit at ng lupa. Dinala ako sa Jerusalem, sa pagpasok sa patyo, sa gawing hilaga, sa may kinalalagyan ng rebulto na naging dahilan ng paninibugho ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:9

Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto, at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:25

May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 18:21

Lumapit si Elias at sinabi sa taong-bayan, “Hanggang kailan pa kayo mag-aalinlangan? Kung si Yahweh ang tunay na Diyos, siya ang sundin ninyo; at kung si Baal naman, kay Baal kayo maglingkod.” Hindi umimik ang bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:20-21

Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha, sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa. Kanilang nilimot ang Diyos na si Yahweh, ang Tagapagligtas, ang kanyang ginawa doon sa Egipto'y kagila-gilalas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:115

Kaya kayong masasama, ako'y inyo nang lubayan, pagkat ang utos ng Diyos, hindi ko tatalikuran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:2

Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na; ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:19-20

Anong ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang ang diyus-diyosan, o ang pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? Sa gayon, nabautismuhan silang lahat sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises. Hindi! Ang ibig kong sabihin, ang mga pagano ay nag-aalay ng kanilang handog sa mga demonyo, at hindi sa Diyos. Ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:15-17

Ang kaputol na kahoy nito ay ginagawang panggatong at ang kaputol naman ay ginagawang diyus-diyosan. Ang isang piraso ay iginagatong para magbigay ng init sa kanya at para igatong sa pagluluto. Ang isang piraso ay ginagawang rebulto para sambahin. Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawang panggatong. Dito siya nag-iihaw ng karne at nasisiyahan siyang kumain nito. Kung nadarama niya ang init ng apoy ay nasasabi niya ang ganito: “Salamat at hindi na ako giniginaw!” Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:20-21

pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos na tapat at totoo! Purihin Ka po, Panginoon, sa Iyong katarungan, kabanalan, at sa Iyong pagiging karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Ama naming nasa langit, sa ngalan ni Hesus, inaamin ko pong ako'y makasalanan at ang kasalanan ang naglalayo sa akin sa Iyo. Kaya po ngayon, sa harap ng Iyong trono, tinatalikuran ko ang lahat ng impluwensya ni satanas na nais akong igapos sa pagsamba sa diyus-diyusan at sa lahat ng karumihan. Naniniwala po ako na si Hesus ay namatay para sa aking mga kasalanan at buong puso akong nagsisisi sa lahat ng aking nagawa. Kinikilala kita, Hesus, bilang Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay. Mahal kong Diyos, nais ko po sa kaibuturan ng aking puso na paglingkuran at pasayahin Ka, dahil nauunawaan ko pong Ikaw lamang ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan at magpagaling ng mga sugatan, sapagkat si Hesus lamang ang tanging tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao. Buong puso akong naniniwala na binuhay Mo Siya mula sa mga patay at sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo, ako'y pinalaya mula sa kamatayan, panlilinlang, at mga kasinungalingan ni satanas. Sa ngalan ni Hesus, ako'y bagong nilalang, malinis, nabago, at may tagumpay. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas