Kaibigan, ang Diyos ang lumikha sa'yo, ang iyong tagapagtanggol, ang iyong tagapagtaguyod. Siya ang makapangyarihan sa lahat, mahabagin, mapagpatawad, at mabuti.
Malalaman natin Siya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Alam mo, interesado Siya sa buhay mo. Mahal ka Niya at may magandang plano Siya para sa'yo.
Kahit ano pa man ang mangyari, alam na Niya. Wala Siyang hindi alam. Ang pagmamahal Niya ay walang katapusan. Sabi nga sa Isaias 41:13, “Ako ang Panginoon mong Diyos, ang umaalalay sa iyong kanang kamay; ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot, tutulungan kita.’” Ganyan ang Diyos, lagi Siyang nandyan para sa atin. Kailangan lang natin Siyang lapitan.
Siya ang lumikha at nag-aalaga sa lahat ng bagay. Iniligtas Niya ang mundo sa pamamagitan ng Kanyang anak, si Hesukristo.
Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin. Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising. Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama, at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip. Mayroon silang sinasabing masasama laban sa iyo, at kanilang dinudusta, pati na ang pangalan mo. Lubos akong nasusuklam sa sinumang muhi sa iyo, ang lahat ng nag-aalsa laban sa iyo'y di ko gusto. Lubos akong nagagalit, lubos din ang pagkasuklam, sa ganoong mga tao ang turing ko ay kaaway. O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid. Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman. Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim.
Walang nilalang na makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit ng ating mga sarili.
sakali mang tayo'y usigin nito. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi, at alam niya ang lahat ng bagay.
Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig? Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos, ang siyang lumikha ng buong daigdig? Hindi siya napapagod; sa isipan niya'y walang makakaunawa.
Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan.
Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat.
Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat, “Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon? Sino ang maaaring maging tagapayo niya?
“Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.”
Alam mo ba kung bakit ang ulap ay lumulutang? Iyan ay gawa ng makapangyarihan niyang kamay. Tunay at ganap ang kanyang kaalaman.
Ang paningin ni Yahweh sa tao'y di iniaalis, laging nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit.
“At ikaw naman, Solomon, anak ko, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at paglingkuran mo siya nang buong puso at pag-iisip, sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang ating damdamin at nauunawaan ang ating binabalak at iniisip. Kung lalapit ka sa kanya, tatanggapin ka niya. Ngunit kung tatalikuran mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.
Batid ni Yahweh mga plano nating baluktot, katulad lang ng hininga, madaling malagot.
Walang makakapagtago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat ako'y nasa lahat ng lugar sa langit at sa lupa.
Magmula sa langit, kanyang minamasdan ang lahat ng tao na kanyang nilalang. Nagmamasid siya at namamahala sa lahat ng tao sa balat ng lupa. Ang isip nila'y sa kanya nagmula walang nalilingid sa kanilang gawa.
Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang mga pinakamalalim na bagay na may kinalaman sa Diyos. Walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos.
Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.
Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.
Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
ito'y iyong mababatid pagkat sa iyo'y walang lihim, sa iyo ay walang lingid na isipan at damdamin.
At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, ayon sa kalooban ng Diyos.
Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumasaliksik sa puso ng mga tao. Ginagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay, at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa.”
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin, isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring.
Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.
Naghahayag ng mga lihim at kahiwagaan; nakatatalos sa mga nasa kadiliman, sapagkat ang kaliwanagan sa kanya'y nananahan.
Subalit hindi ipinagkatiwala ni Jesus ang kanyang sarili sa kanila, sapagkat kilala niya ang lahat ng mga tao. Hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat nalalaman niya ang nasa isip ng lahat ng tao.
Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso. Walang nilalang na makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit ng ating mga sarili.
maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.
Sino ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh? May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya? Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan? Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan? Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa?
“‘Lahat ng ginagawa mo'y aking nalalaman, ang pinagmulan mo at patutunguhan. Hindi na rin lingid ang iyong isipan, alam kong sa akin ika'y nasusuklam.
Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig; natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit.
Nilukuban ako ng Espiritu ni Yahweh at sinabi sa akin, “Sabihin mong ipinapasabi ni Yahweh: Mga Israelita, hindi lingid sa akin ang inyong mga pinagsasabi. Alam ko ang binabalak ninyo.
Kapag sinabi mong, “Wala akong pakialam sa taong iyan,” ito'y hindi maikakaila sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na nakatunghay sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito.
Nakikita ko ang lahat ng ginagawa nila. Walang anumang maitatago sa akin; hindi mawawala sa aking paningin ang kanilang mga kasalanan.
Nagtataka ang sarili't alam mo ang aking buhay, di ko kayang unawain iyang iyong karunungan.
Aming mga kasalanan, sa harap mo'y nahahayag, mga sala naming lihim ay kita mo sa liwanag.
Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan. Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig, pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.
Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh, walang maaaring maghambog, sapagkat alam mo ang lahat ng bagay, ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.
Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.
Akin din ang mga ibong lumilipad sa itaas, at ang lahat na may buhay sa parang ay akin lahat.
Lumapit kayo kay Yahweh upang tulong niya'y hingin, sa tuwina'y parangalan siya at sambahin. Inyong alalahanin ang mga kamangha-mangha niyang gawa, ang matuwid na paghatol at gawang kahanga-hanga.
Kaawa-awa ang mga nagtatago kay Yahweh habang sila'y gumagawa ng mga panukala. Sila na nagsasabing: “Doon kami sa gitna ng dilim upang walang makakakilala o makakakita sa amin!”
Saan ako magpupunta, upang ako'y makatakas? Sa iyo bang Espiritu, ako ba'y makakaiwas?
pakinggan ninyo sila mula sa langit na inyong tahanan at sila'y patawarin. Ibigay ninyo sa kanila ang nararapat sa kanilang mga gawa, sapagkat kayo lamang ang nakakaalam kung ano ang nasa puso ng mga tao.
Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya. Dahil sa kahangalan mong ito, mula ngayo'y lagi kang magkakaroon ng digmaan.”
Kayo'y pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin sa mula't mula pa at pinabanal ng Espiritu Santo, upang maging masunurin kay Jesu-Cristo at nilinis sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumagana nawa sa inyo ang kagandahang-loob at kapayapaan.
Kapag siya'y nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.
Ganoon ang sinabi ng Panginoon na nagpahayag ng mga bagay na ito mula pa noong una.’”
Sinusunod ko ang iyong kautusa't mga aral, ang anumang gawain ko ay kita mo't namamasdan. (Taw)
“Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan.
Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.
“Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito. Ngayo'y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noon.
Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin; kaya huwag ipagyabang ang iyong lakbayin.
Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang; kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan.
Itong Diyos na lumikha nitong ating mata't tainga, akala ba ninyo'y bingi at ni hindi makakita?
Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman.
Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu.
Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman.
“Maaari bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na templo na aking itinayo!
Ngunit matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos, at doo'y nakatatak: “Kilala ng Panginoon kung sinu-sino ang tunay na kanya,” at, “Ang bawat nagsasabing siya'y sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan.”
Mula sa isang tao'y nilikha niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda niya sa simula't simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan. Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin;
Ang lunsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik, sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda. Purihin si Yahweh! At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.
Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin;
Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa, ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.
Sa iisang Diyos, na sa lahat ay ganap ang karunungan—sa kanya iukol ang karangalan magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.]
Kung pagsamba sa ating Diyos kusa naming itinigil, at sa ibang mga diyos doon kami dumalangin, ito'y iyong mababatid pagkat sa iyo'y walang lihim, sa iyo ay walang lingid na isipan at damdamin.
Kung paanong ang daigdig ng mga patay ay hayag kay Yahweh, ang laman ng puso sa kanya'y di maikukubli.
Ipagtanggol ninyo ang inyong panig. Magsanggunian kayo. Sino ang makakapagsabi ng mga bagay na magaganap? Hindi ba akong si Yahweh, ang Diyos na nagliligtas sa kanyang bayan? Walang ibang diyos maliban sa akin.
Ang sabi ni Daniel: “Purihin magpakailanman ang pangalan ng Diyos, pagkat siya'y marunong at makapangyarihang lubos. Siyang nakakapagbago ng mga kapanahunan, naglalagay at nag-aalis ng mga hari sa luklukan; siyang nagbibigay ng karunungan sa matatalino at kaalaman sa may pang-unawa. Naghahayag ng mga lihim at kahiwagaan; nakatatalos sa mga nasa kadiliman, sapagkat ang kaliwanagan sa kanya'y nananahan.
na ibinuhos niya sa atin. Ayon sa kanyang karunungan at kaalaman, ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban ayon sa kanyang layunin na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo
Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa, at maaasahan ang kanyang salita! Siya ay kalasag ng mga umaasa, at ng naghahanap ng kanyang kalinga.
Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag.
Ako'y bigyan mo ng dunong at ng tunay na kaalaman, yamang ako'y nagtiwala sa utos mong ibinigay.
Nasaan ka nang likhain ko ang mundo? Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo. Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom? Sino ang nagpasya tungkol sa lawak nito? Sino ang sumukat, alam mo ba ito?
Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.
Tumingala kayo sa langit! Sino ba ang lumikha ng mga bituin? Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos, at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan? Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan, walang nawala sa kanila kahit isa man.
Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.”
Purihin si Yahweh! O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya'y tunay na nakalulugod.
Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao.
Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan? Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan? Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa?
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan, aawitin nila nang may kagalakan ang iyong katuwiran.
at upang maipaunawa sa lahat kung paano isasagawa ng Diyos ang kanyang lihim na plano. Sa mga nakaraang panahon ay inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay.
Sa pamamagitan niya nahahayag ang lahat ng nakatagong kayamanan ng karunungan at kaalaman ng Diyos.
Ngunit likas sa Diyos ang kaalaman at kapangyarihan, taglay niya'y karunungan at katalinuhan.
Sa daigdig, ikaw, Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.
Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
Pagkatapos nito, sumagot ang Diyos kay Job sa pamamagitan ng malakas na bagyo, Ang dagat ay nilagyan ko ng hangganan, upang ito'y manatili sa likod ng mga harang. Sinabi kong sila'y hanggang doon na lang, at huwag lalampas ang alon na naglalakihan. Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang-liwayway? Ang daigdig ba ay naigawa mo ng tanglaw, upang ang masasama'y mabulabog sa taguan? Malinaw na gaya ng tatak sa putik, nang makulayan ay tumingkad gaya ng damit. Masasamang tao'y nasisilaw sa liwanag ng araw, sa paggawa ng karahasan sila'y napipigilan. “Nakapunta ka na ba sa mga bukal ng karagatan? Ang sahig ng dagat ay iyo bang nalakaran? May nakapagturo na ba sa iyo sa mga pintuan na pasukan tungo sa madilim na daigdig ng mga patay? Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo? Sumagot ka kung alam mo. “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag, at ang kadiliman, saan ba ito nagbubuhat? “Sino kang mag-aalinlangan sa aking kaalaman? Lalo lamang lumilitaw ang iyong kamangmangan.
Alam niya na alabok itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan.
Sa simula pa'y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin.
Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha.
Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat,
Sa inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat. Sa inyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan at kayo ang naghahari sa lahat. Taglay ninyo ang kapangyarihan at kadakilaan, at kayo ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.
Ang taglay mong katapatan, kailanma'y di kukupas, katuruan mo'y totoo at ito ay walang wakas.
Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin, para tulungan ang mahihina. Tuwing umaga'y nananabik akong malaman kung ano ang ituturo niya sa akin.
Ang mga dating pahayag ko ay natupad na. Mga bagong bagay ang sasabihin ko ngayon bago pa mangyari ang mga ito.”
ang hiwaga na sa mahabang panahon ay inilihim sa maraming sali't saling lahi, ngunit ngayo'y inihayag na sa kanyang mga hinirang.
Maliit na bahagi lang ito ng kanyang kapangyarihan, na hindi pa rin natin lubos na maunawaan. Sino kaya ang tatarok sa tunay niyang kadakilaan?”
Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.
Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging katulad ng kanyang Anak. Sa gayon, siya ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid.
Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.
Purihin natin at luwalhatiin magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita! Amen.
“May mga bagay na sadyang inilihim ng Diyos nating si Yahweh. Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin at ng ating mga anak magpakailanman.
Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan. Taong masunurin, pupurihing lubos. Purihin ang Diyos magpakailanman!
Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala.
Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay? Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan? Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?
“Masusukat mo ba ang kapangyarihan ng Diyos? Kanyang kadakilaan, iyo bang maaabot? Higit itong mataas kaysa kalangitan, at mas malalim kaysa daigdig ng mga patay. Malawak pa iyon kaysa sanlibutan, higit na malaki kaysa karagatan.
Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman. Ngunit ang umiibig sa Diyos ay kilala ng Diyos.
Nilikha mo ako, O Yahweh, ako'y iyong iningatan; bigyan ako ng unawa upang batas mo'y malaman.
Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.
Ako si Yahweh; 'yan ang aking pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri'y sa akin, hindi sa diyus-diyosan. Ang mga dating pahayag ko ay natupad na. Mga bagong bagay ang sasabihin ko ngayon bago pa mangyari ang mga ito.”
Gayunpaman, sa mga taong matatag na sa buhay espirituwal ay nangangaral kami ng salita ng karunungan, hindi karunungan ng mundong ito, o ng mga tagapamahala sa mundong ito na ang kapangyarihan ay lilipas. Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan.
Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat, kaya't ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, ayon sa kalooban ng Diyos.
Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila malabong larawan sa salamin, subalit darating ang araw na ang lahat ay makikita natin nang harapan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.
Ito ang sabi ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan? Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya; kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito! Kayo'y makigalak at makipagsaya, lahat kayong tumangis para sa kanya. Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya, tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina. Sabi ni Yahweh: “Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan. Ang kayamanan ng ibang bansa ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog. Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina. Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak. Ikaw ay magagalak kapag nakita mo ang lahat ng ito; ikaw ay lalakas at lulusog. Sa gayon, malalaman mong akong si Yahweh ang tumutulong sa mga sumusunod sa akin; at siya ring nagpaparusa sa mga kaaway.” Darating si Yahweh na may dalang apoy at nakasakay sa mga pakpak ng bagyo upang parusahan ang mga kinamumuhian niya. Apoy at espada ang gagamitin niya sa pagpaparusa sa mga nagkasala; tiyak na marami ang mamamatay. Ang sabi ni Yahweh, “Malapit na ang wakas ng mga naglilinis ayon sa tuntunin ng pagsambang pagano, sumasama sa nagpuprusisyon patungo sa mga sagradong hardin, at kumakain ng karne ng baboy, daga at iba pang hayop na marumi. “Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan. Malalaman din nilang ako ang nagpaparusa sa kanila. Ngunit magtitira ako ng ilan upang ipadala sa iba't ibang bansa. Susuguin ko sila sa Tarsis, sa Libya at sa Lydia, mga dakong sanay sa paggamit ng pana. Magsusugo rin ako sa Tubal at Javan, at sa mga baybaying hindi pa ako nababalita sa aking kabantugan. Ipahahayag nila sa lahat ng bansa kung gaano ako kadakila. Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.
Ang Diyos ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay, ang buhay ng bawat isa ay nasa kanyang mga kamay.
Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal,
Ang taglay kong sulirani'y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko'y nakasulat sa iyong aklat.
Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.”
Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan. Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit; pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago. Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.
Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay ginawa mula sa mga hindi nakikita.
Ang mensaheng ito'y mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, mahusay ang kanyang payo at kahanga-hanga ang kanyang karunungan.
Pinakamalalim na hiwaga'y kanyang inihahayag, maitim na kadilima'y pinapalitan niya ng liwanag.
Ayon sa Magandang Balitang aking ipinapangaral, gayon ang mangyayari sa Araw na ang mga lihim ng mga tao'y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
“Ibinigay na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya.
Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
Inihiwalay siya sa lipunan at nanirahang kasama ng maiilap na asno. Ang isip niya'y pinalitan ng isip ng hayop. Kumain siya ng damo, tulad ng mga baka. Sa labas siya natutulog at doo'y nababasa ng hamog. Ganyan ang kanyang kalagayan hanggang sa kilalanin niya na ang Kataas-taasang Diyos ang namamahala sa kaharian ng mga tao, at inilalagay niya sa trono ang sinumang nais niya.
Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.
“Hindi ba't ipinagbibili ang limang maya sa halaga lamang ng dalawang salaping tanso? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi kinakalimutan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya't huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”
Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan ay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban.
ipinakilala ng Diyos na ang kanyang pagpili ay ayon sa sarili niyang layunin at hindi batay sa gawa ng tao. Kaya't bago pa ipanganak ang mga bata, at bago pa sila makagawa ng anumang mabuti o masama, sinabi na ng Diyos kay Rebecca, “Maglilingkod ang mas matanda sa nakababata.”
Sa iyo rin nagmumula silang lahat na may buhay, ang liwanag na taglay mo ang sa amin ay umaakay.
Sumumpa si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Mangyayari ang aking balak, matutupad ang aking layon;
Mga minamahal, huwag ninyong kalilimutan na sa Panginoon, ang isang araw ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay tulad ng isang araw lamang.
Kaya't huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.