Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA KABANALAN

MGA TALATA TUNGKOL SA KABANALAN

Tinawag tayo ng Diyos para mamuhay sa kabanalan. Ang kabanalan ay ang pagiging dalisay, inialay, at hiwalay para sa Kanya. Para mapanatili natin ang kadalisayang ito, kailangan nating lumayo sa lahat ng hindi kalugod-lugod sa Kanya. Ang Kanyang salita ang pinakamagandang gabay para malaman natin kung ano ang hindi Niya gusto.

Basahin mo ang Kanyang salita araw-araw para mas makilala mo Siya. Sa ganitong paraan, malalaman mo ang mabuti at masama, ang naglalapit at naglalayo sa iyo sa Panginoon. "Paano ba pananatilihin ng isang binata ang kadalisayan ng kanyang pamumuhay? Sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong salita." (Mga Awit 119:9).

Ibinigay ni Hesukristo ang Kanyang buhay para linisin at gawin tayong banal. Kung tunay mong mahal ang ating Ama sa Langit, lalayuan mo ang lahat ng naglalayo sa iyo sa Kanya. Ingatan mo ang sarili mo araw-araw at sikaping maging banal sa lahat ng iyong ginagawa.

Kailangan mong sikaping hanapin ang kabanalang nais ng Diyos para sa iyo para makita mo Siya. Sabi nga sa Biblia, "Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at mamuhay nang banal; kung wala ito, walang sinuman ang makakakita sa Panginoon." (Hebreo 12:14). Inaasahan ng ating Ama sa Langit na haharap ka sa Kanya nang banal, na ilalayo mo ang lahat ng nagpaparumi sa iyong katawan at espiritu.

Maraming bersikulo tungkol sa kabanalan ang mababasa mo rito at kung gaano ito kahalaga sa ating Panginoong Hesukristo.


Mga Awit 111:10

Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan. Taong masunurin, pupurihing lubos. Purihin ang Diyos magpakailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:7

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:7

Sa pagtitipon man ng lahat ng hinirang, may banal na takot sa iyo at paggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:28-29

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot, sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay apoy na tumutupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:9

Kung si Yahweh ay dumating, sa likas niyang kabanalan, humarap na nanginginig ang lahat sa sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:7

Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:13

Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 8:13

Ngunit si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang dapat ninyong kilalanin bilang Banal. Siya ang dapat ninyong igalang at dapat katakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:9

Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:11

Ngunit sa may pagkatakot, kasiyahan niya'y labis, sa kanilang may tiwala sa matatag niyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:27

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay bukal ng buhay, at ang taong mayroon nito'y malayo sa bitag ng kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:12-13

“Bayang Israel, ano nga ba ang nais ni Yahweh mula sa inyo? Ang gusto lang naman niya'y igalang ninyo siya, sundin ang kanyang mga utos, ibigin siya, paglingkuran ng buong puso't kaluluwa, at tuparin ang kanyang mga bilin at tuntunin. Ito rin naman ay para sa inyong kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:14

Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:120

Dahil sa iyo, ang damdam ko'y para akong natatakot, sa hatol mong igagawad, natatakot akong lubos. (Ayin)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:161

Mga taong namumuno na kulang sa katarungan, usigin man nila ako, susundin ko'y iyong aral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:20

Sinabi sa kanila ni Moises, “Huwag kayong matakot, sapagkat sinusubok lang kayo ng Diyos. Nais lang niyang magkaroon kayo ng takot sa kanya sapagkat ayaw niya kayong magkasala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:50

Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:19

Bawat kailangan ng taong tapat at may takot sa kanya, kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:12

“Bayang Israel, ano nga ba ang nais ni Yahweh mula sa inyo? Ang gusto lang naman niya'y igalang ninyo siya, sundin ang kanyang mga utos, ibigin siya, paglingkuran ng buong puso't kaluluwa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:10-11

Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:23

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:11

Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:17

Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang Emperador.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 2:11

Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:5

Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana; pangako ni Yahweh ay di nasisira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:33

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:2

Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:23-24

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:7

Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal, makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal, luluhod ako tanda ng aking paggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17

Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:11

Kay Yahweh ay magtiwala, kayong may takot sa kanya, siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 28:28

“At sinabi niya sa tao, ‘Ang pagsunod at paggalang sa Panginoon ay karunungan; at ang paglayo sa kasamaan ay siyang tunay na kaalaman.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 20:41

Doon ko tatanggapin ang inyong mga handog pagkatapos ko kayong tipunin mula sa mga lugar na pinagtapunan ko sa inyo, at doon ko rin ipapakita sa mga bansa na ako ay banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:38

Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:13

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan. Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:10

Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:57

Ikaw lamang, O Yahweh, ang lahat sa aking buhay, kaya ako'y nangangakong susundin ang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:10-11

Hindi siya nalulugod sa kabayong malalakas, kahit mga piling kawal hindi siya nagagalak. Ngunit sa may pagkatakot, kasiyahan niya'y labis, sa kanilang may tiwala sa matatag niyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:27

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagpapahaba ng buhay, ngunit ang mga araw ng masama ay di magtatagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:1

Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:6

Siya ang magpapatatag sa bansa, inililigtas niya ang kanyang bayan, at binibigyan ng karunungan at kaalaman; ang pangunahing yaman nila, si Yahweh'y sundin at igalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:2

Ang gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay lumalakad sa katuwiran, ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya ay nasa likong daan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:29

Sana nga'y manatili ang takot nila sa akin at lagi nilang sundin ang aking mga utos upang maging matiwasay ang buhay nila at ng kanilang mga anak habang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:4

Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit; sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:7

Kaya, gaano man kadalas ang iyong panaginip, gaano man karami ang walang kabuluhan mong salita at gawa, magkaroon ka ng takot sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:11

Sapagkat nasusulat, “Sabi ng Panginoon, ‘Dahil ako'y buháy, ang lahat ay luluhod sa harap ko, at ang bawat isa'y magpupuri sa Diyos.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:11

Ang kalooban mo'y ituro sa akin, at tapat ang puso ko na ito'y susundin; turuang maglingkod nang buong taimtim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:15

“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1

Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taos-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:74

Ang sa iyo'y natatakot, kapag ako ay nakita, matutuwa sa lingkod mong sa iyo ay umaasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:9

Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang, may ipinangakong walang hanggang tipan; Banal at dakila ang kanyang pangalan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:7

Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:8

Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:3

Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:28

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:17

Walang kinikilingan ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa mga ginawa nila. At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, mamuhay kayong may takot sa kanya habang kayo'y nasa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:10

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:4

Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:10

Kayong lahat na may paggalang kay Yahweh, at sumusunod sa utos ng kanyang lingkod, maaaring ang landas ninyo ay maging madilim, gayunma'y magtiwala kayo at umasa sa kapangyarihan ng Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:29

Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:23-24

O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:29

Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:23

Kayong lingkod ni Yahweh, siya'y inyong purihin! Kayong lahi ni Jacob, siya'y inyong dakilain, bayan ng Israel, luwalhatiin siya't sambahin!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:6

Hindi mabibigo ang taong matuwid, di malilimutan kahit isang saglit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:4

Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:18

Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:9

Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 76:7

Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan! Sino ang tatayo sa iyong harapan kapag nagalit ka sa mga kinapal?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:20

Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya, ngunit ikaw naman ay nananatili sa puno dahil sa iyong pananampalataya. Kaya't huwag kang magmalaki, sa halip ay matakot ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3

sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:5

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang, sa kanilang pagdiriwang ay magsaya't mag-awitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:31

Sana ang iyong karangala'y manatili kailanman, sa lahat ng iyong likha ang madama'y kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:12

pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:30-31

Kahit na ang mga kabataan ay napapagod at nanlulupaypay. Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:7

Masamang balita'y hindi nagigitla, matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:26

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:4

Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:10

May tiwala ako sa Diyos, pangako niya'y iingatan, pupurihin ko si Yahweh sa pangakong binitiwan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 12:14

Kung mamumuhay kayong may takot kay Yahweh, kung maglilingkod kayo sa kanya at susundin ang kanyang kalooban, kung hindi kayo susuway sa kanyang mga utos, at kung kayo at ang inyong hari ay susunod kay Yahweh na inyong Diyos, magiging maayos ang inyong pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:7

Magtiwala ka, Israel, magtiwala ka kay Yahweh, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nakahandang sa sinuman ay tumubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:18

“Hindi sila marunong matakot sa Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:157

Kay rami ng kaaway ko, at mga mapang-alipin, ngunit ang iyong kautusan ay patuloy kong susundin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:12

Sinabi ni Yahweh, “Ako ang nagbibigay ng iyong lakas. Bakit ka matatakot sa kapwa mo tao? Mamamatay rin silang tulad ng damo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1

Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:113

Ako'y galit sa sinumang sa iyo ay hindi tapat, ang tunay kong iniibig ay ang iyong mga batas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, banal at kagila-gilalas ang iyong pangalan, walang makakapantay sa iyong kabanalan! Lumalapit ako sa iyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo dahil nais kong igalang ka sa pamamagitan ng aking pamumuhay at pag-iisip. Dalangin ko na lalo mong luwalhatiin ang aking buhay. Nasaan man ako, nawa’y mamuhay ako sa kabanalan. At ang aking pinakamahusay na paraan ng pagpapatotoo sa iba ay hindi lamang sa salita, kundi maging sa aking gawa. Sabi nga po sa iyong salita, “Ang pagkatakot kay Yahweh ang pasimula ng karunungan, at ang pagkakilala sa Banal ang tunay na kaalaman.” Ama, palakasin mo ako upang patuloy akong magmatiyaga at maging mapagbantay sa pananalangin. Nawa’y mapanatili ko ang aking sarili na walang bahid at dungis hanggang sa pagbabalik ng aking Panginoong Hesus. Ama, nilikha mo ako na kawangis mo, tulungan mo akong maging isang patotoo ng pagbabago sa pamamagitan ng iyong Espiritu Santo. Nawa ang aking pinakadakilang pagpapatunay ng pag-ibig at paggalang sa iyo ay ang mamuhay sa takot at pagtatalaga sa iyo. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas