Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagnanakaw, Pagnanakaw

111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagnanakaw, Pagnanakaw

Alam mo, sabi sa Biblia, bawal ang magnakaw. Kasalanan 'yan sa mata ng Diyos at labag din sa batas ng tao. Walang justification, walang reward, puro parusa lang ang aabutin.

Kaya, linisin natin ang ating mga puso mula sa kasamaan at iwasan ang mga landas na patungo sa kapahamakan. Wala kang mapapala sa pagnanakaw, parang sinasakal mo lang ang sarili mo. Kahit gaano kaliit o kalaki ang ninakaw mo, kung hindi sa'yo, hindi sa'yo. Wala kang maidadahilan sa Diyos, kahit gaano kahirap ang buhay.

Sabi nga sa Biblia, "Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip ay magtrabaho siya, na gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay, upang mayroon siyang maibigay sa nangangailangan." Imbes na mang-agaw, gusto ni Jesus na maging mapagbigay tayo at laging may maibahagi sa iba.

Kaya dapat magtrabaho tayo nang marangal. Huwag nating babalewalain ang pinaghirapan ng iba. 'Wag mong isipin na porke hindi ka nahuli sa unang beses, ligtas ka na. Darating ang araw na mabubunyag ang lahat at baka makulong ka pa nang matagal.

Isipin mo kung ano ang makakabuti sa buhay mo. Huwag kang padala sa bugso ng damdamin o hayaang bulagin ka ng sitwasyon. Hanapin mo ang Diyos. Sa kanyang walang hanggang awa, ipagkakaloob Niya ang kailangan mo ayon sa kanyang kayamanan at kaluwalhatian.

Huwag kang mahulog sa patibong ng kaaway. Humingi ka ng tulong. Iwanan mo na ang mga maling gawain at hayaan mong ang Banal na Espiritu ang gumabay sa'yo. Sundin mo ang mga utos ng Diyos, manatili kang matatag sa kanyang salita at makikita mo kung paano ka niya aalagaan sa bawat araw.


Mga Awit 62:10

Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:2

Ang yamang buhat sa masama ay di papakinabangan, ngunit ang katuwiran ay maglalayo sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:6

Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:11

“Huwag kayong magnanakaw, mandaraya, o magsisinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:22-23

Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman. Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 5:3-4

Sinabi niya sa akin, “Diyan nakasulat ang mga sumpa sa daigdig. Sa kabila ay sinasabing aalisin sa lupain ang lahat ng magnanakaw; sa kabila naman ay sinasabing aalisin din ang lahat ng sinungaling. Ipadadala ko ito sa sambahayan ng mga magnanakaw at sa sambahayan ng mga sinungaling. Mananatili ito sa sambahayang iyon upang ubusin sila nang lubusan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:10

nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:18

“Alin sa mga iyon?” tanong niya. Sumagot si Jesus, “Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19

Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:8

Tumayo si Zaqueo at sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako'y may nadayang sinuman, isasauli ko ito sa kanya ng maka-apat na beses.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:22

Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:70

Ang ganoong mga tao'y sadyang kapos ng unawa, ngunit sa pagsunod sa utos mo, ako'y natutuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:21

Nagtuturo ka sa iba, bakit di mo turuan ang iyong sarili? Nangangaral kang masama ang magnakaw, bakit ka nagnanakaw?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:10

ni kupitan man. Dapat silang maging tapat sa lahat ng pagkakataon, upang maipakita nila sa lahat nilang ginagawa ang kagandahan ng katuruan ng Diyos na ating Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:6

Sa bagay na ito, huwag ninyong gawan ng masama at dayain ang inyong kapatid, sapagkat paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:30

Ako'y laban sa mga propetang gumagamit ng salita ng ibang propeta at sinasabing iyon ang aking mensahe.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:8

Ang sabi ni Yahweh: “Ako'y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko'y katarungan. Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin, walang hanggang tipan ang aking gagawin para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:1-4

“Kapag ang isang tao'y nagnakaw ng baka o tupa at ito'y pinatay o ipinagbili, papalitan niya ito: lima ang ipapalit sa isang baka, at apat naman sa isang tupa. “Kung mamatay, mapinsala o inagaw ang isang asno, baka, tupa o anumang hayop na paalaga ngunit walang nakakita sa pangyayari, ang nag-aalaga ay manunumpa sa harapan ni Yahweh upang patunayan na wala siyang kinalaman sa pangyayari. Ito'y dapat paniwalaan ng may-ari at wala nang pananagutan ang tagapag-alaga. Ngunit kung ninakaw ang hayop, magbabayad ang tagapag-alaga. Kung ang hayop naman ay pinatay ng isang hayop na mabangis, ipapakita ng tagapag-alaga ang bahaging natira at wala siyang pananagutan. “Kapag ang isang tao'y nanghiram ng isang hayop at ito'y namatay o napinsala nang hindi nakikita ng may-ari, babayaran ito ng nanghiram. Ngunit kung naroon ang may-ari, hindi ito babayaran, lalo na kung inupahan; ang upa ang magiging kabayaran. “Kapag ang isang dalagang hindi pa nakatakdang ikasal ay inakit at sinipingan ng isang lalaki, siya ay pakakasalan ng lalaking iyon at bibigyan ng kaukulang dote. Kung hindi pumayag ang ama na ipakasal ang babae, ibibigay na lang sa ama ang halagang katumbas ng dote. “Ang mga mangkukulam ay dapat patayin. “Sinumang makipagtalik sa hayop ay dapat patayin. Kailangan siyang magbayad. Kung walang ibabayad, siya ang ipagbibili at ang pinagbilhan ang ibabayad sa kanyang ninakaw. Kung ang ninakaw naman ay makita sa kanya at buháy pa, doble lamang ang ibabayad niya. “Kapag ang magnanakaw ay pumasok nang gabi at siya ay napatay ng may-ari ng bahay, walang pananagutan ang nakapatay. Kung ang pagkapatay ay naganap pagkasikat ng araw, mananagot ang nakapatay. “Sinumang maghandog sa diyus-diyosan ay dapat patayin sapagkat kay Yahweh lamang dapat maghandog. “Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan; alalahanin ninyong naging dayuhan din kayo sa Egipto. Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, tiyak na papakinggan ko sila. Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayo'y mabibiyuda rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak. “Kapag nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga nagpapatubo. Kapag may nagsanla sa inyo ng balabal, ibalik ninyo iyon sa kanya bago lumubog ang araw sapagkat iyon lamang ang pambalot niya sa katawan; wala siyang kukumutin sa pagtulog. Kapag siya'y dumaing sa akin, papakinggan ko siya sapagkat ako'y mahabagin. “Huwag ninyong lalapastanganin ang Diyos ni mumurahin ang mga pinuno ng inyong bayan. “Huwag ninyong kalilimutang maghandog ng inaning butil, alak na mula sa katas ng ubas at langis sa takdang panahon. “Ihahandog ninyo sa akin ang inyong mga panganay na lalaki. Ihahandog din ninyo sa akin ang panganay ng inyong mga baka at tupa. Huwag ihihiwalay sa ina ang panganay nitong lalaki hanggang sa ikapitong araw mula sa kapanganakan; sa ikawalong araw, ihahandog siya sa akin. “Kayo'y aking bayang pinili. Kaya huwag kayong kakain ng karne ng hayop na pinatay ng mabangis na hayop; ipakain ninyo iyon sa mga aso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 24:1

Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:27

Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan, ngunit ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay nang matagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7

Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1

“Huwag kayong gagawa ng anumang pahayag na walang katotohanan. Huwag kayong magsisinungaling para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:61

Mga taong masasama kahit ako ay gapusin, ang bigay mong mga utos ay di pa rin lilimutin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:7

“Sinumang dumukot sa kapwa niya Israelita, upang alipinin o ipagbili ay dapat patayin. Sa ganitong paraan ninyo aalisin ang kasamaang tulad nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:9

Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:24

Ang anak na ninakawan ang kanyang magulang at sasabihing ito'y hindi kasalanan, ay masahol pa sa karaniwang magnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 24:2

“Binabago ng mga tao ang hangganan ng mga lupa, nagnanakaw ng mga hayop na iba ang nag-alaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:6-7

mga taong naghahambog, sa yaman ay nananalig, dahilan sa yaman nila'y tumaas ang pag-iisip. Hindi kaya ng sinumang ang sarili ay matubos, hindi kayang mabayara't tubusin sa kamay ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:11

Naghasik kami sa inyo ng pagpapalang espirituwal; malaking bagay ba naman kung umani kami ng mga materyal na pakinabang mula sa inyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:2

Inaapi ang mga dukha ng palalo't walang-awa; nawa'y sila ang mahuli sa patibong nilang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:10

Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:18

ang makitang magnanakaw ang nagiging kaibigan, at taong mapang-apid ang siya ninyong kasamahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:12

Ang mga masama'y ito ang kagaya, di na kinukulang ay naghahanap pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:43-44

Unawain ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya'y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:23

Naging suwail ang iyong mga pinuno, kasabwat sila ng mga magnanakaw; tumatanggap ng mga suhol at mga regalo; hindi ipinagtatanggol ang mga ulila; at walang malasakit sa mga biyuda.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:23

Ang bawat pagsisikap ay may pakinabang, ngunit ang puro salita, ang bunga ay kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 26:10

mga taong walang magawâ kundi kasamaan, at palaging naghihintay na sila ay suhulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29-30

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, maruruming pag-iisip, pagkainggit, pagpaslang, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahilig sa tsismis, ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David; subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay. mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:12

Ang nais ng masama ay puro kasamaan, ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:11

Para silang asong gutom, walang kabusugan; sila'y mga pastol na walang pang-unawa. Ginagawa nila ang anumang magustuhan at walang iniisip kundi sariling kapakanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:11

Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:1

Kakila-kilabot ang mangyayari sa mga hindi na natutulog dahil sa pagbabalak ng kasamaan at maagang bumabangon upang agad itong isagawa sa sandaling magkaroon ng pagkakataon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:14

Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami po naman, ano ang dapat naming gawin?” “Huwag kayong kukuha ng pera kaninuman nang sapilitan o sa pamamagitan ng hindi makatuwirang paratang, at masiyahan kayo sa inyong sweldo,” sagot niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:17

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:3

Ipinagyayabang ng masasama ang kanilang mga hangarin; si Yahweh ay nilalait at sinusumpa ng mga sakim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:40-42

Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal. Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, pasanin mo iyon ng dalawang milya. Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:10

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:119

Sa lahat ng masasama, basura ang iyong tingin, kaya naman ang turo mo ang siya kong iibigin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:8

Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:16-17

Di ka dapat mabagabag, ang tao man ay yumaman, lumago man nang lumago yaong kanyang kabuhayan; hindi ito madadala kapag siya ay namatay, ang yaman ay hindi niya madadala sa libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:17

Anumang nakuha sa pandaraya ay parang masarap na pagkain, ngunit kapag tumagal ay para kang kumain ng buhangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:70-72

Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot, isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod. Ang alagang dati nito ay kawan ng mga hayop, nang maghari sa Israel, nanguna sa bayan ng Diyos. Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 7:10

Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda, ang mga ulila, ang mga dayuhan o ang mahihirap. Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:19

“‘Huwag kang magnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:16-17

Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala. Lakas ng masama ay aalisin, ngunit ang matuwid ay kakalingain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:7

“Kapag ang salapi o anumang ari-arian ng isang tao'y ipinagkatiwala sa kanyang kapwa at ang mga ito'y nawala sa bahay, pagbabayarin nang doble ang kumuha kapag ito'y mahuli.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:8

ang isang taong nag-iisa sa buhay, walang kaibigan ni kamag-anak ngunit walang tigil sa pagtatrabaho. Wala siyang kasiyahan. Ni hindi niya itinatanong sa sarili kung kanino mauuwi ang kanyang pinagpaguran. Ito man ay walang kabuluhan, isang miserableng pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:28

Siya'y laging nakaabang tulad ng magnanakaw, at sinumang maakit niya ay natututong magtaksil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Ang tumutulong sa mahirap ay di magkukulang, ngunit susumpain ang nagbubulag-bulagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3

Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:6

“Huwag ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mahihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:94

Ang lingkod mo'y iyong-iyo, kaya ako ay iligtas, ang pagsunod sa utos mo ay siya kong sinisikap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:24

Ang makipagsabwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan: Kapag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman, ngunit paparusahan naman ng Diyos kapag ang sinabi'y kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:10

Ang tumutukso sa mabuti upang magpakasama ay mabubulid sa sariling pakana, ngunit ang taong may tapat na pamumuhay ay magmamana ng maraming kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:11

Ang lahat ng yaman niya'y ilitin ng nagpautang, agawin ng ibang tao, ang bunga ng pagpapagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:1-3

Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. Sinasabi nating pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon. Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.” Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. Si Elias ay isang tao na tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman. Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming kasalanan. Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:15

Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa. Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap; huwag kayong tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao; o sa mga gumagawa ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:13-14

“Parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan; pananalita nila'y pawang panlilinlang. Ang labi nila'y may kamandag ng ahas.” “Punô ng pagmumura at masasakit na salita ang kanilang bibig.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:155

Iyang mga masasama'y tiyak na di maliligtas, dahilan sa kautusang hindi nila ginaganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:13

Sinabi niya, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:5

“Darating na ako,” sabi ni Yahweh, “Upang saklolohan ang mga inaapi. Sa pinag-uusig na walang magkupkop, hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:7

Ang masama'y ipinapahamak ng sariling karahasan, pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:30-37

Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’” At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?” “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21-22

Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa. Lahat ng mga taong pinagpala ni Yahweh, lupang masagana, kanilang bahagi; ngunit ang sinuman na kanyang sumpain, sa lupaing iyon ay palalayasin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:6

Hindi magagawang damit ang mga sapot, hindi nito matatakpan ang kanilang mga katawan. Ang mga ginagawa nila'y kasamaan, pawang karahasan ang gawa ng kanilang mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:3

Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:118

Ang lumabag sa utos mo ay lubos mong itatakwil, ang kanilang panlilinlang ay wala ring sasapitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:22

Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan, higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 79:12

Iyong parusahan yaong mga bansang sa iyo, O Yahweh, lumalapastangan, parusahan sila ng pitong ibayo sa gawang pag-uyam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:2

Mapalad ang taong nagsasagawa nito, siya na tumatalima sa tuntuning ito. Iginagalang niya ang Araw ng Pamamahinga, at lumalayo sa gawang masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:1

O taong malakas, bakit ka nagyabang sa gawa mong mali? Pag-ibig ng Diyos ang mamamalagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:17

Ang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:25

Gutom ang papatay sa taong batugan, pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:24

“Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:10

Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan, kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 53:4

Ang tanong ng Diyos, “Sila ba'y mangmang at walang kaalaman? Ayaw manalangin, kaya't bayan ko'y pinagnanakawan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:21

pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:16

Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:17

“Tubig na ninakaw ay ubod ng tamis, tinapay na nakaw, masarap na labis.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:8

“Ang tanong ko nama'y, matuwid bang pagnakawan ng tao ang Diyos? Hindi! Ngunit pinagnanakawan ninyo ako. Sa paanong paraan? Sa mga ikasampung bahagi at mga handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:1

“Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, kundi umaakyat sa di dapat pagdaanan ay magnanakaw at tulisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:9

Nagnanakaw kayo, pumapatay, nangangalunya, nanunumpa sa hindi katotohanan, naghahandog kay Baal, at sumasamba sa mga diyus-diyosang hindi ninyo nakikilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:30

Ang sinumang magnakaw ay tiyak na nagkasala, kahit iyon ay pamawi sa gutom na taglay niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:15

“Huwag kang magnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:1

“Kapag ang isang tao'y nagnakaw ng baka o tupa at ito'y pinatay o ipinagbili, papalitan niya ito: lima ang ipapalit sa isang baka, at apat naman sa isang tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 2:26

“Tulad ng magnanakaw na napapahiya kapag nahuli, kayong lahat na sambahayan ni Israel ay mapapahiyang gaya niya; ang inyong mga hari at mga pinuno, mga pari at mga propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:19

Alam mo ang mga utos ng Diyos, ‘Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:28

Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Espiritu Santo, ikaw ang aking gabay, ang aking aliw, at ang siyang bumabago sa akin. Dalangin ko po na tulungan mo ako at palayain mula sa lahat ng bagay na nagbibigkis sa akin sa kasalanan. Sabi ng iyong salita: “Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa, bagkus ay magpagal, na gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay, upang siya'y may maibahagi sa nangangailangan.” Panginoong Hesus, patawarin mo po ako sa bawat taong aking tinakot at nilapastangan upang nakawin ang kanilang pag-aari, patawad po sa lahat ng aking ninakaw, dahil man sa pangangailangan o sa pagsasamantala. Panibaguhin at palakasin Mo po ang aking kalooban, tulungan mo akong hubarin ang aking dating pagkatao na puno ng mapandayang pagnanasa upang hindi ko na bigyan ng puwang ang kasalanan sa aking buhay. Tinatalikuran ko na po ang lahat ng karumihan at lahat ng bagay na nagtutulak sa akin sa pagnanakaw. Ilayo Mo po sa akin, Panginoon, ang lahat ng taong may masamang impluwensya sa akin at ang mga nagnanais ng aking kapahamakan; alisin Mo sila sa aking landas. Sabi ng iyong salita: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan.” Panginoon, tulungan Mo po akong magtagumpay at isara ang pinto sa kasalanan. Nawa’y kamuhian at itakwil ng aking puso ang pagnanakaw, pangangalunya, pornograpiya, pagsisinungaling, kalibugan, kasakiman, at lahat ng uri ng karumihan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas