Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


106 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Aborsyon

106 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Aborsyon

Alam mo, ang buhay ay galing sa Diyos. Siya ang nagbibigay ng saysay sa ating pagkatao. Kahit pa may mga pagsubok at humahadlang sa Kanyang plano, lagi Niyang hinahangad ang ikabubuti natin. Nasa plano Niya mula pa sa umpisa na dumami tayo at punuin ang mundo. Kaya mahalagang maintindihan natin na ang anumang bagay na nagdudulot ng kamatayan ay hindi kailanman kalooban ng Diyos. Ang pagpapalaglag ay hindi bahagi ng Kanyang plano para sa mundong ito.

Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, tandaan mo na laging nariyan ang Diyos para sa iyo. Kung ikaw man ay nabuntis nang hindi inaasahan o bunga ng isang masakit na karanasan, ang buhay na nasa iyong sinapupunan ay may karapatang mabuhay at umunlad. Ang pagpapalaglag ay hindi ang solusyon at maaari itong magdulot ng mabigat na pasanin sa iyong damdamin at kalooban.

Magtiwala ka na kaya kang pagalingin at palayain ng Diyos. May magandang plano Siya para sa iyo at sa iyong magiging anak. Lumapit ka sa Kanya, ipagkatiwala mo sa Kanya ang iyong mga problema, at humingi ka ng tawad sa Kanya. Talikuran mo ang anumang pag-iisip na hahantong sa pagpapalaglag at magsisi ka nang buong puso. Handa ang Diyos na ibigay ang Kanyang pagpapala sa iyo. Kahit pakiramdam mo ay nag-iisa ka, tandaan mo na laging kasama mo ang Banal na Espiritu upang aliwin at palakasin ka sa iyong paglalakbay.


Mga Awit 139:13-16

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:27

Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3

Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:15

Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, pinili niya ako bago pa ako ipanganak at tinawag upang maglingkod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:24

“Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:10-11

Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa, mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala. Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong iiwanan, pagkat walang sasaklolo sa papalapit na kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:41-44

Nang marinig ni Elizabeth ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:1

Makinig kayo mga taong naninirahan sa malalayong mga bansa. Pinili na ako ni Yahweh bago pa isilang, at hinirang niya ako para siya'y paglingkuran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 21:22-25

“Kung ang nag-aaway ay makasakit ng nagdadalang-tao at dahil doo'y nakunan ito, ngunit walang ibang pinsala, ang nakasakit ay magbabayad ng halagang hihingin ng asawa ng babae ayon sa kapasyahan ng mga hukom. Ngunit kung may iba pang pinsalang tinamo ang babae, paparusahan ang nakasakit: buhay din ang kabayaran sa buhay, mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa, sunog sa sunog, sugat sa sugat, galos sa galos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:7

Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:9

Ang babaing baog pinagpapala niya, binibigyang anak para lumigaya. Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:16

Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:19

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:1-2

Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin. Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising. Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama, at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:10

“Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit. [

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-17

Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:7

Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:9

Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:3-4

“Makinig kayo sa akin, lahi ni Jacob, kayong nalabi sa bayang Israel; kayo'y inalagaan ko mula sa inyong pagsilang. Ako ang inyong Diyos. Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:16-17

Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:4-5

Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:18-19

Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira, tulad ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya'y tulad ng korderong walang dungis at kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 11:5

Kung hindi mo maaaring malaman kung paanong ang hininga ay pumapasok sa katawan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina, lalong hindi maaabot ng isip mo kung paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:14

Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:6

Sa simula at mula pa wala akong inasahang sa akin ay mag-iingat, kundi tanging ikaw lamang; kaya naman ikaw, Yahweh, pupurihin araw-araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:14

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:15-16

Inilalapit ng mga tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang mga kamay. Nang ito'y makita ng mga alagad, sinaway nila ang mga tao. Ngunit tinawag ni Jesus ang mga bata at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat para sa mga katulad nila ang kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:9

Ang sabi ni Yahweh: “Huwag ninyong isipin na ang bayan ko'y hahayaang umabot sa panahong dapat nang iluwal, at pagkatapos ay pipigilin sa pagsilang.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:4-5

Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal. Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:7

Huwag kayong magbibintang nang walang katotohanan. Huwag ninyong hahatulan ng kamatayan ang isang taong walang kasalanan; paparusahan ko ang sinumang gagawa ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:29-31

Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:73

Nilikha mo ako, O Yahweh, ako'y iyong iningatan; bigyan ako ng unawa upang batas mo'y malaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:11-12

Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 9:6

Sinumang pumatay ng kanyang kapwa, buhay ang kabayaran sa kanyang ginawa, sapagkat sa larawan ng Diyos ang tao'y nilikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:3-4

Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:2

Akong si Yahweh ang sa iyo ay lumalang; tinulungan na kita mula nang ikaw ay isilang. Huwag kang matakot, ikaw na aking lingkod, ang bayan kong minamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:5

Ako'y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:10

Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:16

“Hindi dapat parusahan ng kamatayan ang mga magulang dahil sa krimeng nagawa ng anak ni ang anak dahil sa krimeng nagawa ng magulang; ang mismong may sala lamang ang siyang dapat patayin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 26:9

Sa parusa ng masasama, huwag mo akong idamay, ilayo rin sa parusa ng mahihilig sa pagpatay—

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:16-17

Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:15

Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid, at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay wala sa mamamatay-tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:5

“Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:38

Ang pinatay nila'y mga batang musmos, batang walang malay para ipanghandog sa diyus-diyosan ng lupang Canaan, kaya't ang lupain sa ginawa nila'y pawang nadungisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:116

Ang lakas na pangako mo, upang ako ay mabuhay, ibigay mo't ang pag-asa ko ay hindi mapaparam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:1

Iginala ko ang aking paningin sa buong daigdig, at nakita ko ang kawalan ng katarungan. Ang mga inaapi ay lumuluha ngunit walang tumulong sa kanila sapagkat makapangyarihan ang sumisiil sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:22

Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:3-4

Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:13-14

Iibigin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo. Magkakaroon kayo ng maraming anak, at bibigyan ng masaganang ani, inumin at langis. Pararamihin niya ang inyong mga hayop. Tutuparin niya ito pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno. Pagpapalain niya kayo nang higit sa alinmang bansa. Walang magiging baog sa inyo, maging tao o maging alagang hayop man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:26-27

Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:9

Ang palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya? Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito? Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:12-14

Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas. Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:10

Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:11

Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin; wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:137

Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:26

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:2

Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 25:21-22

Hindi magkaanak si Rebeca, kaya't nanalangin kay Yahweh si Isaac. Dininig naman siya at si Rebeca'y naglihi. Kambal ang kanyang dinadala at nasa tiyan pa'y nagtutulakan na ang dalawa. Kaya't nasabi ng ina, “Kung ngayon pa'y ganito na ang nangyayari sa akin, bakit pa ako mabubuhay?” Kaya't siya'y nagtanong kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:15-16

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali. Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo'y nakaukit sa aking mga palad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:15

Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki, kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:7-8

Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang. Kung tayo'y nabubuhay, para sa Panginoon tayo nabubuhay; at kung tayo'y namamatay, para sa Panginoon tayo namamatay. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo'y sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:32

Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin, dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin. (He)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:21

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 3:11-12

“Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina, o kaya'y noong ako'y isilang niya? Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan, at binigyan ng gatas sa dibdib niya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:1-2

Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas. Alam kong walang pinakamabuti sa tao kundi magpakaligaya at gawin ang pinakamabuti habang siya'y nabubuhay. Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao'y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Alam kong mamamalagi ang lahat ng ginawa ng Diyos: wala nang kailangang idagdag, wala ring dapat bawasin. Gayon ang ginawa ng Diyos upang ang tao'y magkaroon ng takot sa kanya. Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari. Nakita ko rin sa mundong ito na ang katarungan at pagiging matuwid ay nababahiran pa rin ng kasamaan. Sa loob-loob ko'y hahatulan ng Diyos ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay. Tungkol sa tao, naisip kong sila ay sinusubok ng Diyos upang ipakilalang ang tao ay tulad lamang ng mga hayop. Ang hantungan ng tao at ng hayop ay iisa; lahat ay mamamatay. Ang tao'y walang kaibahan sa hayop, sapagkat ang lahat ay walang kabuluhan. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:18

kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:12

Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:45

Ako nama'y mamumuhay nang payapa at malaya, yamang ako sa utos mo'y sumusunod namang kusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:11

At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:9

Sa presensya ni Yahweh doon ako mananahan, doon ako mananahan sa daigdig nitong buháy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:19-20

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal. Kapag kayo at ang mga anak ninyo ay manunumbalik kay Yahweh upang buong puso't kaluluwang sundin ang kanyang mga utos na aking binabanggit sa inyo ngayon, Ibigin ninyo si Yahweh, sundin siya at manatiling tapat sa kanya upang kayo at ang inyong salinlahi ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:5-6

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 10:3-4

Tama ba namang iyong pagmalupitan, parusahan at itakwil ang likha ng iyong kamay? At ang gawain ba ng masamang tao ang iyong magugustuhan? Ang iyo bang nakikita'y tulad din ng nakikita namin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:4

Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:19-20

Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Biglang lumindol nang malakas sapagkat bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon. Iginulong nito ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 4:10-11

At sinabi ni Yahweh, “Cain, ano itong ginawa mo? Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid, at humihingi ng katarungan. Sinusumpa kita ngayon, at hindi mo na maaaring bungkalin ang lupa dahil dumanak doon ang dugo ng kapatid mo na iyong pinaslang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:1-6

Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin. Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising. Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama, at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip. Mayroon silang sinasabing masasama laban sa iyo, at kanilang dinudusta, pati na ang pangalan mo. Lubos akong nasusuklam sa sinumang muhi sa iyo, ang lahat ng nag-aalsa laban sa iyo'y di ko gusto. Lubos akong nagagalit, lubos din ang pagkasuklam, sa ganoong mga tao ang turing ko ay kaaway. O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid. Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman. Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim. Ika'y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki'y nag-iingat. Nagtataka ang sarili't alam mo ang aking buhay, di ko kayang unawain iyang iyong karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:28

Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:15

Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:17

Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:12-13

Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran. Ang buhay nila'y palaging sasagana, mga anak nila'y magmamana sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:12

Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:31

Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikaanim na araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:15-16

Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:5

“Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:10

Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa, mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:15

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 31:15

Pagkat ang Diyos na sa akin ay lumalang, siya ring lumikha sa aking mga utusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:5

Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:13

“Huwag kang papatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathala ng kaluwalhatian, sa ngalan ni Hesus, humihingi po ako ng kapatawaran sa pagnanasang naitanim sa aking puso na iwaksi ang batang ito na iyong hinuhubog sa aking sinapupunan. Lagyan mo po ako, Hesus, ng pananabik at pagkauhaw na hanapin ang iyong presensya at kalugdaan ka. Dalanginin mo po ang aking puso at pagalingin ang aking mga sugat. Ipinagkakatiwala ko sa iyong mga kamay ang batang ito na dumating sa aking buhay anuman ang dahilan. Isinasamo ko po, Panginoon, na ako'y iyong patnubayan at bigyan ng karunungan upang makagawa ng mabubuting desisyon ukol sa kanyang paglaki at paghubog. Punuin mo po ang aking puso ng pagmamahal at pag-aaruga sa kanya upang mapag-alagaan ko siya sa iyong tulong at paglalaan. Ilayo mo po ako sa pagnanasang wakasan ang kanyang buhay. Espiritu Santo, kailangan ko po ng iyong pag-aaliw at kapayapaan dahil pakiramdam ko'y di ko na kaya. Palayain mo po ako sa lahat ng kasamaan, sa lahat ng manipulasyon, at isara mo po ang aking mga tainga sa tinig ni satanas. Tulungan mo po akong mapanatili ang malalim na pakikipag-ugnayan sa iyo at magkaroon ng de-kalidad na oras sa iyong presensya, nagpupuyat at nag-aayuno sa lahat ng oras. Panginoon, hinihiling ko po na araw-araw mong paibayuhin sa akin ang iyong pag-ibig at ang alab na hanapin ka, anuman ang aking makita sa aking paligid, sapagkat nasusulat: "Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin." Linisin at dalanginin mo po ako upang mahalin ang batang ito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas