Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


117 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagyayabang

117 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagyayabang

Alam mo, minsan nakakalimutan natin kung saan tayo nanggaling. Pinipili ng Diyos ang mga itinuturing na mababa at walang halaga sa mundo, yung mga parang wala, para ipakita Niya ang Kanyang kapangyarihan. Para walang sinuman ang makapagyabang sa harapan Niya.

Araw-araw, kailangan nating tandaan na kailangan natin ang Diyos. Umaasa tayo sa Kanyang walang hanggang pagmamahal. Kasi yung nagyayabang, akala mo kaya niya ang lahat mag-isa, umaasa lang sa sarili niyang kakayahan at galing.

Gusto ng Diyos na mamuhay tayo nang walang kayabangan. Kasi malayo ang tingin Niya sa mga mapagmataas, pero binibigyan Niya ng biyaya yung mga nakakaalam na hindi nila kayang mabuhay kung wala Siya.

Kapag parang gusto mong magyabang, alalahanin mo kung sino ka dati, noong wala ka pang Diyos sa buhay mo. Tingnan mo kung gaano kabuti ang Diyos sa'yo. Ibigay mo sa Kanya ang lahat ng papuri at karangalan. Kasi dati, nasa kadiliman ka, pero ngayon, maliwanag na ang buhay mo. Kaya huwag kang magyayabang kahit kailan. Lahat ng meron ka at kung sino ka ngayon, dahil 'yan sa grasya at pagmamahal na ibinuhos ng Diyos sa buhay mo. (1 Corinto 1:28-29)


1 Samuel 2:3

Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh, walang maaaring maghambog, sapagkat alam mo ang lahat ng bagay, ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:31

Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ginawa ng Panginoon ang kanyang ipagmalaki.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:1

Huwag ipagyayabang ang araw ng bukas, pagkat di mo alam kung anong magaganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:18

Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:3

Kung inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 9:24

Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa akin, sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga ginagawa ko. Ito ang mga bagay na nais ko. Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:27

Kaya't ano ngayon ang ating maipagmamalaki? Wala! At bakit naman tayo magmamalaki? Dahil ba sa ating pagsunod sa Kautusan? Hindi! Kundi dahil sa ating pananampalataya kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 7:14

Ipinagmalaki ko kayo sa kanya, at hindi naman ako napahiya. Sapagkat kung paanong lahat ng sinasabi ko sa inyo ay totoo, napatunayang totoo rin ang lahat ng sinabi ko kay Tito tungkol sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:28-29

Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hinahamak, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa harap ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:3

Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:16

Ngunit kayo'y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 10:17

Tulad ng sinasabi sa kasulatan, “Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:21

Kaya't huwag ipagmalaki ninuman na siya'y tagasunod ng sinuman, sapagkat ang lahat ay para sa inyo:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:2

Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:14

Huwag nawang mangyari sa akin na ipagmalaki ko ang anumang bagay bukod sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sa pamamagitan nito, ang mundong ito'y patay na para sa akin, at ako nama'y patay na rin sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 10:15

Hindi kami lumalampas sa hangganan sa pamamagitan ng pagyayabang sa pinaghirapan ng iba. Sa halip, umaasa kaming tatatag ang inyong pananampalataya sa Diyos, at dahil diyan ay lalawak pa ang aming saklaw sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:3

Ipinagyayabang ng masasama ang kanilang mga hangarin; si Yahweh ay nilalait at sinusumpa ng mga sakim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:14

Ang taong puro pangako lamang ay parang ulap at hanging walang dalang ulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:9

hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:23

Ipinagmamalaki mong saklaw ka ng Kautusan, ngunit nilalapastangan mo naman ang Diyos sa pamamagitan ng paglabag mo sa Kautusan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:2

Huwag kang pabigla-bigla sa pananalangin. Isipin mo munang mabuti ang ipapangako mo sa kanya sapagkat nasa langit siya at ikaw ay nasa lupa. Mag-ingat ka sa pagsasalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:16

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 9:23

Ang sabi ni Yahweh: “Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan o ng malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:4

Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang, ito ang siyang gabay ng mga makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:9

ganito ang kanyang sagot, “Ang kagandahang-loob ko ay sapat na para sa iyo, sapagkat lubusang nahahayag ang aking kapangyarihan kapag ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:30

mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 4:2

Kung itinuring siya ng Diyos na matuwid dahil sa mga nagawa niya, may maipagmamalaki sana siya. Ngunit wala siyang maipagmalaki sa paningin ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:6

Ang pagmamalaki ay kinukuwintas, at ang dinaramit nila'y pandarahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:26

Ang nagtitiwala sa sariling kakayahan ay mangmang, ngunit ang sumusunod sa magandang payo ay malayo sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:4

Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 20:11

Sumagot ang hari ng Israel, “Sabihin mo kay Haring Ben-hadad na ang tunay na sundalo ay hindi nagyayabang hangga't hindi pa natatapos ang labanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:4

“Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:11

Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:5

Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:5-6

Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang. Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan. Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:5

At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:16-17

Di ka dapat mabagabag, ang tao man ay yumaman, lumago man nang lumago yaong kanyang kabuhayan; hindi ito madadala kapag siya ay namatay, ang yaman ay hindi niya madadala sa libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:3

Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa, kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:8-9

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:4

Gaano bang katagal pa ang masama'y maghahambog, upang sila'y magmalaki sa kanilang gawang buktot?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 10:12

Hindi kami nangangahas na ipantay o ihambing man lamang ang aming sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahangal nila! Ang sarili rin nila ang ginagawa nilang sukatan at pamantayan ng kanilang sarili!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:26

Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:12

Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan, ngunit ang pagpapakumbaba, ay karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:21

Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:12

Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1

Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:5

Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin; di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:10

Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:23

Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan, ngunit ang mapagpakumbaba ay magtatamo ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 23:9

Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang nagplano nito upang hamakin ang kanilang kataasan at hiyain ang mga taong dinadakila ng sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:7

Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:18

Patahimikin mo ang mga sinungaling, ang mga palalong ang laging layunin, ang mga matuwid ay kanilang hamakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:15

Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 14:11

Sapagkat ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:2

Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:1-2

Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Hindi magtatagal, sila'y mapaparam, kahit hanapin mo'y di masusumpungan. Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila. Ang taong masama'y laban sa matuwid, napopoot siyang ngipi'y nagngangalit. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama, pagkat araw nila lahat ay bilang na. Taglay ng masama'y pana at patalim, upang ang mahirap dustai't patayin, at ang mabubuti naman ay lipulin. Ngunit sa sariling tabak mamamatay, pawang mawawasak pana nilang taglay. Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala. Lakas ng masama ay aalisin, ngunit ang matuwid ay kakalingain. Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin, ang lupang minana'y di na babawiin. Kahit na sumapit ang paghihikahos, di daranasin ang pagdarahop. Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:32

Kung sa kahangalan mo'y naging palalo ka at nagbalak ng masama, mag-isip-isip ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:10

Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:1

“Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:2

Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:51

Labis akong hinahamak nitong mga taong hambog, ngunit di ko sinusuway ang bigay mong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:16

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:13

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan. Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:6

Hindi kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa”?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:18

Sa pamamagitan ng mayayabang na pananalita na panay kahangalan lamang, ginagamit nila ang pagnanasa ng laman upang maakit sa kahalayan ang mga nagsisimula pa lamang lumayo sa mga taong namumuhay nang may kalikuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:4

siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:2

Tumayo ka at sa lupa'y igawad ang iyong hatol, ang hambog ay hatulan mo ng parusang nauukol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:17-18

Huwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan. Kapag ginawa mo iyon, magagalit sa iyo si Yahweh at sila'y hindi na niya paparusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:21

Kawawa rin kayo, mga nag-aakalang kayo'y marurunong, at matatalino sa inyong sariling palagay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:7

Sapagkat iyon ay maninikit sa iyong lalamunan. Aanyayahan ka nga niyang kumain at uminom, ngunit hindi bukal sa kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:6

Kung ang Diyos mang si Yahweh ay dakila at mataas, hindi niya nililimot ang abâ at mahihirap; kumubli ma'y kita niya ang hambog at ang pasikat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:17

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:1-2

“Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.” “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:15

Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:1

Kaya nga, talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit at paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:20

Mabuti nang di hamak ang hangal kaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:5

Ang lahat ng kaaway ko'y lagi akong ginugulo, ang palaging iniisip ay kanilang saktan ako;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:12

Ang mga masama'y ito ang kagaya, di na kinukulang ay naghahanap pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:7-8

Madalas na sinasabi, “Hindi kami pansin ni Yahweh, hindi kami nakikita ni pansin ng Diyos ni Jacob.” Unawain ninyo, bayan, kayong kulang ang isipan; hanggang kailan pa durunong kayong mga taong mangmang?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:3-4

at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad. “Sumama ang loob ng ibang mga lingkod ng hari sa pangyayaring iyon, kaya't pumunta sila sa hari at nagsumbong. Ipinatawag ng hari ang lingkod na iyon. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran nang buo ang kanyang utang. Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos pusong patatawarin ang inyong kapatid.” Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:8

Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:19

Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:4

Sino ka upang humatol sa lingkod ng iba? Ang panginoon lamang niya ang makahahatol kung siya'y karapat-dapat o hindi. At ituturing naman siyang karapat-dapat sapagkat kayang gawin iyon ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:25

Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng hambog, ngunit ang tahanan ng isang biyuda ay iingatan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12-13

Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:69

Ang gawain nitong hambog sadyang ako ay siraan, ngunit buong puso ko ring sinusunod ang iyong aral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3-4

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang hindi ninyo kayang gampanan. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:2

Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:31

Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1-2

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya. Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang mga titik na ginagamit ko sa pagsulat sa inyo sa pamamagitan ng sarili kong kamay. Gusto lamang ng mga namimilit sa inyo na kayo'y magpatuli na makita silang gumagawa ng magagandang bagay. Ginagawa nila iyon upang huwag silang usigin dahil sa krus ni Cristo. Kahit na silang mga tuli ay hindi naman tumutupad sa Kautusan; nais lamang nilang patuli kayo upang maipagmalaki nila na kayo man ay tumupad sa tuntuning iyon. Huwag nawang mangyari sa akin na ipagmalaki ko ang anumang bagay bukod sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sa pamamagitan nito, ang mundong ito'y patay na para sa akin, at ako nama'y patay na rin sa mundo. Hindi mahalaga kung tuli man o hindi ang isang tao. Ang mahalaga ay kung siya ay bago nang nilalang. Manatili nawa ang kapayapaan at habag ng Diyos sa lahat ng namumuhay ayon sa tuntuning ito, at sa buong bayan ng Diyos. Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking mga paghihirap, sapagkat ipinapakita ng mga pilat sa aking katawan na ako'y lingkod ni Jesus. Mga kapatid, sumainyo nawang lahat ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen. Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:6-7

Huwag kang magmamataas sa harap ng hari, ni ihanay ang sarili sa mga taong pili. Pagkat mas mabuting sabihin sa iyong, “Halika rito,” kaysa hamakin ka sa harap ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:23-24

O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:11

Ang palagay ng mayaman ay marunong siya, ngunit ang mahirap na may unawa ay mabuti pa sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:23-24

Ipinagmamalaki mong saklaw ka ng Kautusan, ngunit nilalapastangan mo naman ang Diyos sa pamamagitan ng paglabag mo sa Kautusan! Ayon nga sa nasusulat, “Ang pangalan ng Diyos ay nilalait ng mga Hentil dahil sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:5-7

Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang mga lalagyan ng talata sa kanilang noo at braso, at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang nais nila ay ang mga upuang pandangal sa mga handaan at ang mga pangunahing upuan sa sinagoga. Gustung-gusto nilang binabati sila sa mga palengke, at tawaging ‘guro.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:1-3

O taong malakas, bakit ka nagyabang sa gawa mong mali? Pag-ibig ng Diyos ang mamamalagi. Balak mo'y wasakin ang iba, ng iyong matalim na dila ng pagsisinungaling. Higit na matindi ang iyong pag-ibig sa gawang masama, higit na nais mo'y kasinungalingan kaysa gawang tama. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:16

Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:13

Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “Ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo ng kasalanan at sa gayo'y maging matigas ang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:3-5

Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:23

Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:10

Ngunit ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? At ikaw naman, bakit mo hinahamak ang iyong kapatid? Tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:6

Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng higit pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:4

Ang sabi ng masasamang tao, “Diyos ay walang pakialam,” sabi nila'y “walang Diyos,” dahil sa kanilang kahambugan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:33-34

Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting pagkatao.” Magpakatino kayo at talikuran ang pagkakasala. Ang iba sa inyo'y hindi kilala ang Diyos. Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:21-22

Huwag mong pakinggan ang lahat ng sasabihin sa iyo ng tao at baka kalaunan ay mismong alila mo ang humamak sa iyo; sapagkat alam mo sa iyong sarili kung gaano na karami ang iyong hinamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:29

Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:14

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:25

Ang taong gahaman ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh, uunlad ang kabuhayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Diyos, maraming salamat po sa lahat ng iyong ginawa para sa akin. Salamat po sa 'yong walang hanggang pag-ibig na bumalot sa aking buhay at pinuspos ako ng iyong biyaya at pagpapala. Salamat po dahil hindi mo ako pinabayaan; ang iyong makapangyarihang kamay ay laging sumusuporta sa akin. Panginoong Hesus, nais ko pong maging repleksyon ng iyong pagmamahal sa bawat araw. Nais ko pong maging katulad mo at makilala ka sa lahat ng aking mga landas, sapagkat ikaw ang dahilan ng aking pag-iral at pamumuhay sa mundong ito. Hinihiling ko po sa iyo na bigyan mo ako ng bagong puso araw-araw at huwag mo akong hayaang magmalaki sa anumang aking magagawa o mayroon. Gabayan nawa ako ng iyong Banal na Espiritu sa lahat ng katotohanan at bihisan ako ng kapakumbabaan. Bigyan mo po ako ng pusong mapagkumbaba sa iyong harapan tuwing umaga, sapagkat nais ko pong palagayin ka sa lahat ng oras. Sinisinta kita, aking Diyos. Salamat po sa lahat ng bagay. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas