Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA PAGPUPURI AT PAGSAMBA

MGA TALATA TUNGKOL SA PAGPUPURI AT PAGSAMBA

Nakatira ang Diyos natin sa gitna ng papuri ng Kanyang bayan. Araw-araw, may dahilan tayo para magpuri at sumamba sa Kanya. Natutuwa Siya sa papuring mula sa puso mo, 'yung totoong pagsamba na may pusong puno ng pasasalamat.

Kapag nagpupuri tayo, may mga himalang nangyayari sa buhay natin. Sa papuri, mayroong kagalingan, mayroong kalayaan. Ang Diyos Ama natin sa Langit, ang daming ginawa Niyang kabutihan sa buhay mo simula pa noong nilikha ka Niya. Lagi Siyang tapat at binabantayan ka Niya. Kaya purihin mo Siya dahil Siya ay mabuti at ang Kanyang pag-ibig ay bago bawat umaga.

“Mapuno nawa ang aking bibig ng iyong pagpuri, ng iyong kaluwalhatian buong araw.” (Mga Awit 71:8). Pupunuin ng Diyos ang bibig mo ng papuri, sabi nga sa Kanyang salita. Magpasalamat ka lang sa lahat ng kabutihan Niya at ibubuhos Niya sa'yo ang papuring mula sa puso mo.

“Kaya't aawitan kita ng papuri, O aking Diyos, at hindi ako tatahimik. Panginoong DIYOS ko, magpakailanman akong magpapasalamat sa iyo.” (Mga Awit 30:12)


Mga Awit 59:16

Ngunit aawit ako, pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas, sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas; pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito, at aking kanlungan kapag lugmok ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:3-4

Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay, kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan. Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat, at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-2

Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, ‘Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’ Kaya't sa galit ko, ako ay sumumpang hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.” Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-2

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 16:25

Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:6

Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:4-5

Awitan natin ang Diyos, purihin ang kanyang ngalan, maghanda ng isang landas upang kanyang maraanan; ang pangalan niyang Yahweh, magalak na papurihan. Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo, tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga balo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:1-2

Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay. Ang tagumpay ni Yahweh, siya na rin ang naghayag, sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:2

Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 13:5-6

Nananalig ako sa pag-ibig mong wagas, magagalak ako dahil ako'y ililigtas. O Yahweh, ika'y aking aawitan, dahil sa iyong masaganang kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:19

Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:23

Habang ako'y tumutugtog ay sisigaw na may galak, masigla kong aawiting: “Ako'y iyong iniligtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 108:3

Sa gitna ng mga bansa kita'y pasasalamatan, Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng mga hirang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:1

Purihin si Yahweh! O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya'y tunay na nakalulugod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:33

Aawitan ko si Yahweh, palagi kong aawitan, siya'y aking pupurihin habang ako'y nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1

Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:5

Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa, ibalita ninyo ito sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:3

Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:17

Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:1-3

Lahat ng matuwid dapat na magsaya, dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila; kayong masunuri'y magpuri sa kanya! Ang binabalangkas niyong mga bansa, kanyang nababago't winawalang-bisa. Ngunit ang mga panukala ni Yahweh, hindi masisira, ito'y mananatili. Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos; mapalad ang bayang kanyang ibinukod. Magmula sa langit, kanyang minamasdan ang lahat ng tao na kanyang nilalang. Nagmamasid siya at namamahala sa lahat ng tao sa balat ng lupa. Ang isip nila'y sa kanya nagmula walang nalilingid sa kanilang gawa. Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay, ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal; kabayong pandigma'y di na kailangan, upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay; di makakapagligtas, lakas nilang taglay. Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay. Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan, tugtugin ang alpa't awit ay saliwan; Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya. Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala. Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig! Isang bagong awit, awiting malakas, kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:10

Umawit kayo ng isang bagong awit para kay Yahweh, ang buong daigdig sa kanya ay magpuri! Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag; kayong lahat na nilalang sa karagatan! Umawit kayong lahat na nasa malalayong kapuluan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:5-6

Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan. Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:1-2

Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig! “Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin, “Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain; sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.” Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan. Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan, at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan. Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:3-5

Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain. Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan, ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan. Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita, at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:11

Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:4

Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:14

Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan; siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:23-25

Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan, ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan. Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian. Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan. Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan, siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:6

Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:4

Awitan natin ang Diyos, purihin ang kanyang ngalan, maghanda ng isang landas upang kanyang maraanan; ang pangalan niyang Yahweh, magalak na papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:171

Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 81:1-2

Masiglang awitan ang Tagapagligtas, itong Diyos ni Jacob, awitang may galak. Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo, ako ang tumubos sa iyo sa Egipto; pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo. “Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin, di ako sinunod ng bayang Israel, sa tigas ng puso, aking hinayaang ang sarili nilang gusto'y siyang sundan. Ang tangi kong hangad, sana ako'y sundin, sundin ang utos ko ng bayang Israel; ang kaaway nila'y aking lulupigin, lahat ng kaaway agad lilipulin. Silang namumuhi't sa aki'y napopoot, ay magsisiyuko sa laki ng takot, ang parusa nila'y walang pagkatapos. Ngunit ang mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo'y ipapakain ko; at ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo'y aking idudulot.” Umawit sa saliw ng mga tamburin, kasabay ng tugtog ng lira at alpa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1

Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:1

Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:3

Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 117:1

Purihin si Yahweh! Dapat na purihin ng lahat ng bansa. Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:5-6

Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa, ibalita ninyo ito sa buong daigdig. Mga taga-Zion, sumigaw kayo at umawit nang buong galak, sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal na Diyos ng Israel.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:7

Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-2

Sumigaw sa galak ang mga nilalang! O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang. Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami nang mabigat. Sa mga kaaway ipinaubaya, sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa. Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo. Pati pangako ko, nang may suliranin, ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin. Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah) Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon. Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 52:9

Magsiawit kayo, mga guhong pader nitong Jerusalem; sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan; iniligtas na niya itong Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:1-2

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam. sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay, para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan. Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha, bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.” Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami, kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili. Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat, kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak. Sinuman ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin, ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin. Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang, ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan. Sa lupain nila'y mayroong taggutom na ipinarating itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain. Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki, tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose; mga paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena, pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya. Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh, na siyang nangakong siya'y tutubusin. Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:11

At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:17

Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:9

Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 13:6

O Yahweh, ika'y aking aawitan, dahil sa iyong masaganang kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1

Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 57:8-9

Gumising ka, kaluluwa, gumising ka't purihin siya! Gumising ka't tugtugin mo yaong lumang lira't alpa; tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga. Sa gitna ng mga bansa, kita'y pasasalamatan; Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng iyong bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:49

Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 59:16-17

Ngunit aawit ako, pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas, sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas; pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito, at aking kanlungan kapag lugmok ako. Pupurihin kita, tagapagtanggol ko at aking kanlungan, Diyos kong mapagmahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:1

Ang aking awitin ay ang katapatan at ang katarungan; ako'y umaawit patungkol sa iyo, O Yahweh kong mahal;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:1-2

Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan. Ako'y ginawa mong sinlakas ng torong mailap sa gubat, ako'y pinagpala't pawang kagalakan aking dinaranas. Aking nasaksihan yaong pagkalupig ng mga kaaway, pati pananaghoy ng mga masama'y aking napakinggan. Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay. Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami. Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa. Ito'y patotoo na si Yahweh ay tunay na matuwid, siya kong sanggalang, matatag na batong walang karumihan. Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:6

Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:17

Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:9

at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat, “Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin, At aawitan ko ang iyong pangalan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:2

Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:2

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:1-2

Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyukod at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan; dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:3

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:3

at ang kapwa'y hindi niya sisiraan. Di siya gumagawa ng masama sa kanyang kaibigan, tungkol sa kapwa'y di nagkakalat ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:10

May tiwala ako sa Diyos, pangako niya'y iingatan, pupurihin ko si Yahweh sa pangakong binitiwan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:10-12

Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan. Babanggitin nilang tunay na dakila ang iyong kaharian, at ibabalitang tunay kang dakila't makapangyarihan. Dakila mong gawa'y upang matalastas ng lahat ng tao, mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:11

Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako'y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:2

Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok. Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod, sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1-3

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah) Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:12-13

Purihin si Yahweh, mga taga-Jerusalem! Purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Zion! Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 25:1

Pinili ni David at ng mga pinuno ng mga Levita ang mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun upang manguna sa pagsamba. Tungkulin nilang magpahayag ng salita ng Diyos sa saliw ng lira, alpa, at pompiyang. Ito ang listahan ng kanilang mga pangalan at ang kani-kanilang tungkulin:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1-2

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Sa aking paligid laging gumagala ang mga kaaway, winasak ko sila at lakas ni Yahweh ang naging patnubay. Kahit saang dako ako naroroon ay nakapaligid, winasak ko sila sapagkat si Yahweh ay nasa aking panig. Ang katulad nila ay mga bubuyog na sumasalakay, dagliang nasunog, sa apoy nadarang; winasak ko sila sapagkat si Yahweh ang aking sanggalang. Sinalakay ako't halos magtagumpay ang mga kaaway, subalit si Yahweh, ako'y tinutulungan. Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan; siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang: “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay! Ang lakas ni Yahweh ang siyang nagdulot ng ating tagumpay, sa pakikibaka sa ating kaaway.” Aking sinasabing hindi mamamatay, ako'y mabubuhay ang gawa ni Yahweh, taos sa aking puso na isasalaysay. Pinagdusa ako at pinarusahan nang labis at labis, ngunit ang buhay ko'y di niya pinatid. Ang mga pintuan ng banal na templo'y inyo ngayong buksan, ako ay papasok, at itong si Yahweh ay papupurihan. Ang taga-Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag, “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:22

Mga ginawa mo'y ihahayag ko sa aking mga kababayan, sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 23:16

“Tugtugin mo ang iyong alpa, babaing haliparot, libutin mo ang lunsod; galingan mo ang pagtugtog sa alpa, umawit ka ng maraming awitin upang ikaw ay muling balikan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:4

Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari, pupurihin ka ng lahat at ika'y ipagbubunyi;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:30

At pagkaawit ng isang himno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:171-172

Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin. Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit, sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:5

Itong aking kaluluwa'y tunay na masisiyahan, magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:7

Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:4

Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim, ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:1

Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:1

Marapat na ikaw, O Diyos, sa Zion ay papurihan, dapat nilang tupdin doon ang pangakong binitiwan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 24:14

Silang nakaligtas ay aawit dahil sa kagalakan, mula sa kanluran ay kanilang dadakilain si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:11

Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:22

Dapat ding dumulog, na dala ang handog ng pasasalamat, lahat ng ginawa niya'y ibalita, umawit sa galak!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:1

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:172

Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit, sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:21

Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:4

Ako'y nagagalak sa iyong ginawa na kahanga-hanga, sa lahat ng ito ako'y umaawit dahilan sa tuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:3

Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:1

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:12

Sinabi niya sa Diyos, “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang iyong pangalan, sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:18

Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang, sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan. Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:1

Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:4

Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:4-6

Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit! Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit, at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin. Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 20:5

Sa pagtatagumpay mo kami ay magbubunyi, magpupuri sa Diyos sa aming pagdiriwang. Ibigay nawa ni Yahweh ang lahat mong kahilingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:12

Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:3

Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti, ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 142:7

Sa suliranin ko, ako ay hanguin, at ang pangalan mo'y aking pupurihin, sa gitna ng madlang mga lingkod mo rin sa kabutihan mong ginawa sa akin!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:1-2

Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama. Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:19

Ngunit muling mabubuhay ang mga anak mong namatay, mga bangkay ay gigising at aawit na may galak; kung paanong ang hamog sa lupa ay nagpapasariwa, ang espiritu ng Diyos ay nagbibigay-buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:1

O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:25

Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:65

Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon; parang taong nagpainit sa alak na iniinom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:1

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:47

Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis, di masukat ang galak ko, pagkat aking iniibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:29

Masaya kayong aawit sa pagdiriwang ninyo sa gabi ng banal na kapistahan. At sa himig ng tugtog ng plauta, aakyat kayong masaya sa bundok ni Yahweh, ang tagapagtanggol ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:30

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at huli, ang simula at wakas. Pupurihin kita, O Diyos ko, nang buong puso ko sapagkat dakila ang iyong mga gawa, at hindi mabilang ang iyong mga kababalaghan. Panginoon, ikaw ang aking kaluwalhatian at siyang nagtataas ng aking ulo. O Yahweh, pupurihin ka ng lahat ng hari sa lupa, at aawitin nila na ikaw ay dakila at sakdal ang iyong mga daan. Sabi ng iyong salita: "Awitan si Yahweh, kayong mga banal niya, at ipagdiwang ang alaala ng kanyang kabanalan." Mahal kita, O Yahweh! Lakas ko, batuhan ko at kanlungan ko. O kaluluwa ko, purihin si Yahweh, at pagpalain ng buong pagkatao ko ang kanyang banal na pangalan. Si Yahweh ang aking kalakasan at awit; si Yahweh ang aking kaligtasan! Siya ang aking Diyos, at pupurihin ko siya; siya ang Diyos ng aking ama, at dadakilain ko siya. Ikaw ang siyang nagpapatawad ng lahat ng aking mga kasalanan, siyang nagpapagaling ng lahat ng aking mga karamdaman; siyang tumutubos sa aking buhay mula sa hukay, siyang nagpuputong sa akin ng mga biyaya at awa. Ikaw ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, sa iyo ang lahat ng kaluwalhatian at karangalan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas