Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

110 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Blasphemy

Madalas nating nababasa sa Biblia ang tungkol sa paglapastangan sa Diyos. Hindi ito basta-basta lang. Isipin mo, sa Exodo 20:71 pa lang, malinaw na ang utos, “Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi patatawarin ng Panginoon ang sinumang bumanggit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan.”

Direktang inaatake nito ang kabanalan ng Diyos at kawalan ng respeto sa Kanya. Itinuro rin ni Jesus ang kahalagahan ng pag-iingat sa ating mga salita. Sabi niya sa Mateo 12:362, “Sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng mga tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinasabi nila.” Kaya, dapat nating pag-isipan mabuti ang ating mga sinasabi at iwasan ang anumang uri ng paglapastangan.

Nakakasakit sa Diyos ang paglapastangan at dapat itong iwasan ng lahat ng nagnanais mamuhay ayon sa Kanyang salita. Sana, ang pagninilay na ito ay magtulak sa’yo na maging maingat sa iyong pananalita at hanapin ang biyaya at paglingap ng Diyos sa lahat ng iyong sasabihin.

Napakalaking bagay nito. Mapapatawad pa ang ibang kasalanan, pero ang paglapastangan laban sa Espiritu Santo ay hindi, kailanman. Huwag nating kwestyunin ang pagkilos ng Espiritu Santo. Hindi natin trabaho ang manghusga ng puso o intensyon ng iba. Si Jesus lang ang makakagawa niyan. Kaya mag-ingat tayo, baka mapahamak ang ating kaluluwa. Nawa’y lagi nating tandaan ito at sikaping parangalan ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa at sinasabi.


Mateo 12:31

Kaya't sinasabi ko sa inyo, mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang paglapastangan sa Espiritu Santo.

Pahayag 13:6

Nilapastangan nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon.

Leviticus 24:16

Ang lumapastangan sa pangalan ni Yahweh, maging katutubong Israelita o dayuhan, ay babatuhin ng taong-bayan hanggang sa mamatay.

Mateo 12:31-32

Kaya't sinasabi ko sa inyo, mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang paglapastangan sa Espiritu Santo.

Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong darating.”

Pahayag 13:1

Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalapastangan sa Diyos.

Pahayag 17:3

At napasailalim ako ng kapangyarihan ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa dakong ilang. Nakita ko roon ang isang babaing nakasakay sa isang pulang halimaw. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay. Nakasulat sa buong katawan nito ang mga pangalang lumalait sa Diyos.

Exodus 20:7

“Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.

Ezekiel 20:27

“Kaya, Ezekiel, sabihin mo sa kanila na ito ang ipinapasabi ni Yahweh na kanilang Diyos: Minsan pa'y nilapastangan ako at pinagtaksilan ng inyong mga ninuno.

Marcos 3:28-29

Tandaan ninyo ito: maaaring patawarin ang tao sa lahat ng kanyang kasalanan at paglapastangan,

ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran, sapagkat siya ay nagkasala ng walang hanggang kasalanan.”

Daniel 3:29

Kaya, ipinag-uutos ko: Sinuman mula sa alinmang lahi, bansa o wika na magsasalita laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego ay papatayin at ang kanilang bahay ay wawasakin. Walang ibang diyos na makakapagligtas sa tao, tulad ng ginawa ng kanilang Diyos.”

Leviticus 19:12

Huwag kayong manunumpa sa aking pangalan kung ito ay walang katotohanan. Iyon ay paglapastangan sa pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.

Colosas 3:8

Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita.

Mga Gawa 18:6

Nang siya'y salungatin at laitin ng mga ito, ipinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit bilang babala sa kanila. Sinabi niya, “Kasalanan na ninyo kung kayo'y mapahamak! Hindi ko na sagutin iyon! Mula ngayo'y sa mga Hentil na ako mangangaral.”

Mga Gawa 19:37

Hindi naman nagnanakaw sa templo ang mga taong dinala ninyo rito. Hindi rin nila nilalait ang ating diyosa.

Exodus 22:28

“Huwag ninyong lalapastanganin ang Diyos ni mumurahin ang mga pinuno ng inyong bayan.

Roma 2:24

Ayon nga sa nasusulat, “Ang pangalan ng Diyos ay nilalait ng mga Hentil dahil sa inyo.”

Isaias 52:5

Ganyan din ang nangyari sa inyo nang kayo'y bihagin sa Babilonia. Binihag kayo at hindi binayaran. Nagmamayabang ang mga bumihag sa inyo. Walang humpay ang kanilang paglait sa aking pangalan.

Santiago 2:7

Hindi ba't sila rin ang lumalait sa marangal na pangalang ibinigay sa inyo ng Diyos?

2 Pedro 2:12

Ang mga taong ito'y parang mga hayop na walang isip at ipinanganak upang hulihin at patayin. Kinakalaban nila ang mga bagay na hindi nila nauunawaan, kaya't papatayin din sila tulad ng maiilap na hayop.

Pahayag 13:5

Pinahintulutang magsalita ng kayabangan ang halimaw, lumapastangan sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan.

Pahayag 16:9

Napaso nga sila, ngunit sa halip na magsisi at talikuran ang kanilang mga kasalanan at magpuri sa Diyos, nilapastangan pa nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihang magpadala ng ganoong mga salot.

2 Mga Hari 19:6

sinabi ni Isaias sa mga ito, “Sabihin ninyo sa inyong hari na ipinapasabi ni Yahweh na huwag siyang matakot sa mga panlalait ng hari ng Asiria.

Deuteronomio 5:11

“‘Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang gumamit nito nang walang kabuluhan.

Pahayag 16:11

at sinumpa nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang hirap at tinamong mga pigsa. Ngunit hindi rin sila nagsisi at tumalikod sa masasama nilang gawain.

Marcos 3:28

Tandaan ninyo ito: maaaring patawarin ang tao sa lahat ng kanyang kasalanan at paglapastangan,

Exodus 23:13

“Pakinggan ninyong mabuti itong mga sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong mananalangin sa mga diyus-diyosan, ni babanggitin man ang kanilang pangalan.

Mga Gawa 6:11

Kaya't lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na magpatotoo laban sa kanya ng ganito, “Narinig naming nilalait niya si Moises at ang Diyos.”

Mateo 12:32

Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong darating.”

Lucas 12:10

“Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.

1 Mga Hari 21:10

Kumuha kayo ng dalawang sinungaling na saksi na maghaharap ng ganitong sumbong laban sa kanya: ‘Nilapastangan niya ang Diyos at ang hari.’ Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lunsod at batuhin hanggang mamatay.”

Isaias 37:6

sumagot siya, “Sabihin ninyo sa inyong hari na ganito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Huwag kayong matakot sa mga paglapastangan sa akin ng sugo ng hari ng Asiria.

Marcos 3:29

ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran, sapagkat siya ay nagkasala ng walang hanggang kasalanan.”

Mga Gawa 26:11

Pinarusahan ko sila sa lahat ng mga sinagoga upang piliting talikuran ang kanilang pananampalataya. Sa tindi ng poot ko'y inusig ko sila kahit sa mga lungsod sa ibang bansa.”

Mateo 26:65

Pagkarinig nito, pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang damit at sinabi, “Nilapastangan niya ang Diyos! Hindi na natin kailangan ng mga saksi. Narinig ninyo ngayon ang kanyang paglapastangan!

1 Timoteo 1:13

kahit na noong una'y nilapastangan, inusig at nilait ko siya. Sa kabila nito'y nahabag sa akin ang Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong ako'y hindi pa sumasampalataya.

Mga Awit 74:18

Ngunit iyong gunitaing nagtatawa ang kaaway, yaong mga masasama'y dumudusta sa iyong ngalan;

Mga Awit 139:20

Mayroon silang sinasabing masasama laban sa iyo, at kanilang dinudusta, pati na ang pangalan mo.

Roma 3:8

Kung gayon, bakit nga hindi natin sabihin, “Gumawa tayo ng masama kung mabuti naman ang magiging bunga nito”? Ganyan daw ang itinuturo namin, sabi ng mga naninira sa amin. Sila'y paparusahan ng Diyos, at iyan ang nararapat.

1 Timoteo 6:1

Ang mga alipin ay dapat magpakita ng buong paggalang sa kanilang mga amo upang walang masabing masama laban sa pangalan ng Diyos at sa ating aral.

2 Timoteo 3:2

Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos.

Leviticus 21:6

Ingatan nilang malinis ang kanilang sarili sa harapan ng Diyos at huwag nilang lalapastanganin ang pangalan ng Diyos. Sila ang naghahain ng handog sa akin, kaya dapat silang maging banal.

Mga Awit 74:10

Hanggang kailan, aming Diyos, magtatawa ang kaaway, ang paghamak nila sa iyo, ito ba ay walang hanggan?

Mateo 9:3

May ilang tagapagturo ng Kautusan na naroon at sinabi nila sa kanilang sarili, “Nilalapastangan niya ang Diyos.”

Mga Gawa 13:45

Inggit na inggit naman ang mga Judio nang makita nila ang napakaraming tao, kaya't nilait nila at sinalungat si Pablo.

Mga Awit 74:23

Ang hangarin ng kaaway ay huwag mong lilimutin, ang sigaw ng kaaway mo'y patuloy at walang tigil.

Isaias 65:7

sa kanilang kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ninuno. Nagsusunog sila ng insenso sa kabundukan at ako'y sinusuway nila sa kaburulan. Karapat-dapat na parusa ang igagawad ko sa kanilang mga gawa.

1 Timoteo 1:20

Kabilang sa mga iyon sina Himeneo at Alejandro, na ipinaubaya ko na sa kapangyarihan ni Satanas upang turuan silang huwag lumapastangan sa Diyos.

Mateo 27:39

Kinukutya siya ng mga nagdaraan. Pailing-iling nilang

Mga Awit 10:3

Ipinagyayabang ng masasama ang kanilang mga hangarin; si Yahweh ay nilalait at sinusumpa ng mga sakim.

Mga Awit 73:9

Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw, labis kung mag-utos sa mga nilalang;

2 Pedro 2:10

lalo na ang sumusunod sa mahahalay na pagnanasa ng katawan at ayaw kumilala sa maykapangyarihan. Pangahas at mapagmataas ang mga huwad na gurong ito. Wala silang pakundangan sa mga tagalangit, at sa halip ay nilalapastangan pa nila ang mga ito.

1 Mga Hari 21:13

Lumabas ang dalawang bayarang saksi at siya'y pinaratangan ng ganito: “Nilapastangan ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Kaya't si Nabot ay inilabas sa lunsod at binato hanggang mamatay.

Mateo 15:19

Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri.

Isaias 43:27-28

Nagkasala sa akin ang kauna-unahan mong ninuno, gayon din ang iyong mga pinuno.

Ang aking santuwaryo ay nilapastangan ng iyong mga pinuno, kaya pinabayaan kong mawasak ang Israel, at mapahiya ang aking bayan.”

Mga Awit 44:16

Ang malaking kahihiyang ngayo'y aking tinataglay, ay bunga ng pang-iinis at pagkutya ng kaaway.

Ezekiel 35:12

Sa gayon, malalaman din ninyo na alam ko ang inyong kalapastanganan nang sabihin ninyong ang kaburulan ng Israel ay winasak upang inyong sakupin.

Mga Awit 107:11

Ang dahilan nito— sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos; mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod.

Pahayag 13:5-6

Pinahintulutang magsalita ng kayabangan ang halimaw, lumapastangan sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan.

Nilapastangan nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon.

Judas 1:15

upang hatulan ang lahat. Paparusahan niya ang lahat ng ayaw kumilala sa Diyos dahil sa kanilang mga kasamaan at paglapastangan sa Diyos!”

Jeremias 23:16

Ganito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Huwag ninyong papakinggan ang mga propetang nagpapahayag sa inyo. Pawang kasinungalingan lamang ang sinasabi nila. Ang mga pangitaing kanilang sinasabi ay kathang-isip lamang nila at hindi nagmula sa akin.

Isaias 36:20

Kung ang mga diyos na iyon ay walang nagawa upang ipagtanggol ang kanilang bansa, gaano pa ang inyong si Yahweh? Hindi rin maililigtas nito ang Jerusalem sa aking mga kamay.’”

Roma 1:30

mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

Ezekiel 5:11

Kayong lahat ay buong lupit kong ibabagsak dahil sa inyong kasamaan at paglapastangan sa aking Templo sa pamamagitan ng kasuklam-suklam ninyong gawain.

Leviticus 18:21

Huwag ninyong ibibigay ang alinman sa inyong mga anak upang sunugin bilang handog kay Molec sapagkat ito'y paglapastangan sa pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.

Mga Bilang 15:30

“Ngunit ititiwalag sa sambayanan ang sinumang magkasala nang sinasadya, maging siya'y katutubong Israelita o dayuhang nakikipamayan, sapagkat iyon ay paglapastangan kay Yahweh.

2 Mga Hari 19:22

“‘Sino ba ang iyong nilalait at pinagtatawanan, at hinahamak ng iyong pagsigaw? Hindi mo na ako iginalang, ang Banal na Diyos ng Israel!

Job 15:13

Bakit ba ang galit mo'y sa Diyos ibinubunton at sa kanya iniuukol ang salitang walang hinahon?

Mateo 26:74-75

Sumagot si Pedro, “Parusahan nawa ako ng Diyos kung nagsisinungaling ako! Hindi ko kilala ang taong iyan.” Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok.

Naalala ni Pedro ang sinabi ni Jesus, “Bago tumilaok ang manok, tatlong beses mo akong ikakaila.” Lumabas siya at tumangis nang buong kapaitan.

Isaias 57:4

Sino ba ang inyong pinagtatawanan? Sino ba ang inyong hinahamak? Mga anak kayo ng sinungaling.

2 Samuel 12:14

Ngunit dahil nilapastangan mo si Yahweh, ang magiging anak mo ang mamamatay.”

Mateo 5:34-37

Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong manunumpa kapag kayo'y nangangako. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagkat ito'y trono ng Diyos;

o kaya'y, ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagkat ito'y kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagkat ito'y lungsod ng dakilang Hari.

Huwag mo ring ipanumpa ang iyong ulo, sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo ay hindi mo kayang paputiin o paitimin.

Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.”

Ezekiel 36:20

Ngunit sa mga lugar na kinapuntahan nila, binigyang-daan nila ang mga tao upang hamakin ang aking pangalan. Sinabi ng mga tao sa kanila, ‘Hindi ba sila'y mga mamamayan ni Yahweh, bakit pinaalis sa kanilang bayan?’

Jeremias 7:30

“Napakasama ng ginawa ng mga taga-Juda. Ang mga diyus-diyosang kinasusuklaman ko'y inilagay nila sa aking Templo. Nilapastangan nila ang aking tahanan. Akong si Yahweh ang maysabi nito.

Marcos 7:22

mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan.

Mga Awit 89:51-52

Ganito tinuya ng iyong kaaway ang piniling haring saan ma'y inuyam.

Si Yahweh ay ating purihin magpakailanman! Amen! Amen!

Isaias 65:3

Sinasadya nilang ako ay galitin, naghahandog sila sa mga sagradong hardin, at nagsusunog ng mga insenso sa mga altar ng pagano.

2 Tesalonica 2:4

Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.

Mga Awit 50:16-17

Ang tanong ng Panginoon sa masama't mga buktot, “Bakit ninyo inuusal ang aking mga utos? Gayundin ang kasunduang hindi ninyo sinusunod?

Kapag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at ni ayaw na tanggapin ang aking mga utos;

Jeremias 23:11

“Wala nang takot sa akin ang mga propeta at ang mga pari; gumagawa sila ng kasamaan maging sa loob ng aking Templo,” ang sabi ni Yahweh.

Isaias 5:24

Kaya kung paanong ang dayami ng trigo at ang tuyong damo ay sinusunog ng apoy, gayundin ang bulaklak nila'y parang alikabok na papaitaas; at ang ugat nila'y dagling mabubulok. Sapagkat tinalikuran nila ang batas ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, at ang salita ng Banal na Diyos ng Israel ay kanilang binaliwala.

Juan 10:33

Sumagot ang mga Judio, “Hindi dahil sa mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat ipinapantay mo ang iyong sarili sa Diyos, gayong tao ka lamang.”

2 Mga Cronica 32:17

May sulat pa ang hari na lumalait kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang sinasabi: “Hindi maipagtatanggol ng Diyos ni Ezequias ang kanyang bayan laban sa akin, tulad ng mga diyos ng mga bansang walang nagawa sa akin.”

Isaias 10:15

Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito? Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito? Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito?

Isaias 66:3

Ginagawa ng tao ang kanyang maibigan, at matutuwa pang gumawa ng kasamaan. Para sa kanya ay walang kaibahan ang handog na toro o kaya ay tao; ang handog na tupa o patay na aso; ang handog na pagkaing butil o dugo ng baboy; ang pagsusunog ng insenso o ang pagdarasal sa diyus-diyosan. Natutuwa sila sa nakakahiyang pagsamba.

Mga Awit 31:18

Patahimikin mo ang mga sinungaling, ang mga palalong ang laging layunin, ang mga matuwid ay kanilang hamakin.

Jeremias 8:12

Ikinahiya ba nila ang kanilang masasamang gawa? Hindi! Hindi na sila marunong mahiya! Makapal na ang kanilang mukha. Kaya nga, babagsak sila tulad ng iba. Ito na ang kanilang magiging wakas kapag sila'y aking pinarusahan. Ito ang sabi ni Yahweh.

Roma 2:23-24

Ipinagmamalaki mong saklaw ka ng Kautusan, ngunit nilalapastangan mo naman ang Diyos sa pamamagitan ng paglabag mo sa Kautusan!

Ayon nga sa nasusulat, “Ang pangalan ng Diyos ay nilalait ng mga Hentil dahil sa inyo.”

Isaias 57:6

Makinis na bato'y sinasamba ninyo na tulad ng diyos, kayo'y kumukuha ng pagkain at alak upang ihandog; sa gawa bang ito, ako'y malulugod?

Pahayag 2:9

Alam ko ang mga kapighatian na dinaranas mo. Alam kong mahirap ka, ngunit ang totoo'y mayaman ka. Nalalaman ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga nagpapanggap na mga Judio; ngunit ang totoo, sila'y mga kampon ni Satanas.

1 Pedro 4:14

Pinagpala kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos.

2 Timoteo 3:5

Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.

Mga Gawa 7:51

“Napakatigas ng ulo ninyo! Ang mga puso at tainga ninyo ay parang sa mga pagano! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang ginagawa ninyo ngayon. Lagi ninyong nilalabanan ang Espiritu Santo.

Deuteronomio 18:20-22

Ngunit ang sinumang propetang magsalita para sa ibang diyos o kaya'y magkunwaring nagsasalita para sa akin subalit hindi ko naman inatasan, ang propetang tulad niyon ay dapat patayin.’

“Upang matiyak ninyo kung ang sinabi ng propeta ay galing kay Yahweh o hindi,

ito ang palatandaan: kapag hindi nangyari o nagkatotoo ang sinabi niya, iyon ay hindi mula kay Yahweh; ang mensahe niya ay gawa-gawa lamang niya. Huwag ninyo siyang katatakutan.

Jeremias 23:36

Ngunit huwag na ninyong sasabihin kahit kailan ang, ‘Ito ang nakakabigat kay Yahweh.’ Mabibigatan talaga ang sinumang gagamit ng mga salitang ito, sapagkat binabaluktot niya ang salita ng kanyang Diyos, ang Diyos na buháy, ang Makapangyarihan sa lahat, si Yahweh.

Mga Gawa 9:4

Natumba siya sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”

Isaias 41:29

Lahat ng diyus-diyosan ay walang kabuluhan. Wala silang magagawang anuman dahil sila'y mahihina at walang kapangyarihan.”

1 Corinto 6:10

nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.

Mga Awit 119:53

Nag-aapoy ang galit ko sa tuwing nakikita ko, yaong mga masasamang lumalabag sa batas mo.

Ezekiel 8:12-13

Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, nakita mo ang ginagawa nila sa madilim na silid na ito? Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita roon sapagkat wala ako roon.

Masahol pa riyan ang makikita mo.”

Jeremias 14:14-15

Subalit ganito ang sagot ni Yahweh: “Pawang kasinungalingan ang sinasabi ng mga propetang iyan; hindi ko sila sinugo, inutusan, o kinausap man. Ang mga pangitaing kanilang sinasabi sa inyo ay hindi galing sa akin, kundi pawang kathang-isip lamang nila.

Ito ang gagawin ko sa mga propetang hindi ko sinugo ngunit nagpapahayag sa aking pangalan at nagsasabing hindi daranas ng taggutom ang lupain—lilipulin ko sila sa pamamagitan ng digmaan at taggutom.

Mga Awit 44:15

At lagi kong alaala mapait na karanasan, aking puso ay nanlumo sa malaking kahihiyan.

Mga Awit 119:139-140

Nag-aapoy ang galit ko, sa puso ko'y nag-aalab, pagkat yaong kaaway ko sa utos mo'y yumuyurak.

Nagagalak na susundin ko ang iyong kautusan, higit pa sa kagalakang dulot nitong kayamanan.

Ang pangako mo sa amin ay subok na't walang mintis, kaya naman ang lingkod mo'y labis itong iniibig.

Ezekiel 13:6-9

Pawang kasinungalingan ang ipinahayag nila. Ang pahayag nila'y, ‘Sinasabi ni Yahweh,’ kahit hindi ko sila sinusugo. Sa kabila noon, inaasam nilang pangyayarihin ko ang kanilang ipinahayag.

Huwad ang kanilang pangitain at kasinungalingan ang kanilang pahayag sapagkat sabi nila'y ipinapasabi ko iyon bagama't wala akong sinasabing ganoon.”

Kaya't ipinapasabi sa kanila ng Panginoong Yahweh: “Huwad ang inyong pangitain at kasinungalingan ang inyong pahayag. Ako'y laban sa inyo.

Paparusahan ko ang mga propetang may huwad na pangitain at nagpapahayag ng kasinungalingan. Hindi sila mapapabilang sa lupong sanggunian ng aking bayan o sa aklat-talaan ng bayan ng Israel. Hindi na kayo makakapasok muli sa lupaing ito. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.

Mateo 12:34

Lahi ng mga ulupong! Paano kayong makakapagsabi ng mabubuting bagay gayong kayo'y masasama? Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig.

Juan 8:49

Sumagot si Jesus, “Hindi ako sinasapian ng demonyo. Pinaparangalan ko ang aking Ama ngunit ako'y nilalapastangan ninyo.

Roma 12:14

Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.

Mateo 7:21-23

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’

Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’”

Exodus 34:14

“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuing Diyos.

Panalangin sa Diyos

Dakila at walang hanggan naming Diyos, sa iyo ang kapurihan at karangalan. Ikaw ang karapat-dapat sambahin, puno ng kadakilaan at kapangyarihan. Nasa iyo ang walang hanggan, banal at makapangyarihan. Kay buti at kay ganda mo, aming mahal na Ama. Salamat sa iyong kabutihan sa akin. Salamat sa iyong pag-ibig at awa na bumabalot sa akin. Nagpapasalamat ako sa buhay na kaloob mo. Salamat sa pagtuturo mo sa akin sa pamamagitan ng iyong mahalagang salita. Doon ko nakikita ang patnubay para lumakad nang matuwid sa iyong harapan. Salamat sa iyong paggabay, pagtutuwid, at pagpapakita ng iyong katotohanan. Ang iyong salita ay lampara sa aking mga paa at ilaw sa aking landas. Araw-araw, nais kong sundin ang iyong mga utos at kalooban. Bigyan mo ako ng pagnanais para sa iyong presensya upang magkaroon ako ng malinis na puso sa harap mo. Hesus, salamat sa Espiritu Santo. Lagi kong nararamdaman ang kanyang pag-aaliw at pagmamahal. Hindi ko kailanman hahamakin ang kanyang presensya dahil naranasan ko ang kanyang kapangyarihan sa aking buhay. Hinihiling ko na patawarin mo ang mga taong nagdududa sa iyong kalooban. Nawa'y mabuksan ang kanilang mga mata at puso upang maligtas ang kanilang mga kaluluwa mula sa kadiliman. Patawad po, Panginoon, sa mga lumalapastangan sa iyong salita at gumagawa ng masama laban sa iyong katawan. Mahabag ka sa gitna ng kasamaan at bigyan mo ng kalayaan at kaligtasan ang iyong mga anak. Sa ngalan ni Hesus, Amen.