Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

56 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pag-ampon

Alam mo, itinuturo sa atin ni Jesus sa Kanyang salita na huwag nating kalimutan ang mga ulila. Napakaraming pangangailangan at kakulangan sa mga batang inabandona, at wala silang kasalanan sa buhay na kanilang kinalalagyan. Dapat tayong maawa sa kanila, at kung may kakayahan kang tumulong, huwag mong ipagkait ito.

Pagpapalain ka ng Diyos, dahil sa pagtanggap mo sa isa sa mga batang ito, tinatanggap mo rin Siya. Isang malaking biyaya ang maging magulang sa mga batang ito, ang mabigyan sila ng tahanan at pamilya, lalo na sa mga batang hindi pinalad na magkaroon nito. Napakaganda talaga nito.

Higit sa lahat, nailigtas mo ang isang bata mula sa paghihirap at sa mga di magagandang sitwasyon na madalas nating nakikita sa buhay. Bilang anak ng Diyos, maipapakita mo sa kanila ang pagmamahal, makapag-iiwan ka ng marka sa kanilang buhay, at higit sa lahat, maituturo mo sa kanila ang daan patungo sa kaligtasan. Naku, grabe 'di ba? Kaya sige, ituloy mo lang 'yan sa tulong ng Diyos!


Galacia 4:5

para palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa ganoon ay maging anak tayo ng Dios.

Roma 9:4

Bilang mga Israelita itinuring sila ng Dios na kanyang mga anak; ipinakita niya sa kanila ang kanyang kadakilaan; gumawa ang Dios ng mga kasunduan sa kanila; ibinigay sa kanila ang Kautusan; tinuruan sila ng tunay na pagsamba; maraming ipinangako ang Dios sa kanila;

Roma 8:15

At ang Espiritu na tinanggap ninyo ay hindi kayo inalipin upang muling matakot, sa halip ginawa kayong mga anak ng Dios. Ngayon, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, matatawag na ninyong “Ama” ang Dios.

Efeso 1:5

noong una paʼy itinalaga na niya tayo para maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ayon na rin ito sa kanyang layunin at kalooban.

Roma 8:23

At hindi lamang ang buong nilikha, kundi pati tayong mga tumanggap ng Banal na Espiritu na siyang unang kaloob ng Dios ay dumaraing din habang naghihintay tayo na matubos ang ating mga katawan at mahayag ang ganap na katayuan natin bilang mga anak ng Dios.

Mga Hebreo 11:24

Dahil sa pananampalataya, nang malaki na si Moises ay tumanggi siyang tawaging anak ng prinsesa ng Egipto.

2 Corinto 6:18

At akoʼy magiging Ama ninyo, at kayo namaʼy magiging mga anak ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Exodus 2:10

Nang lumaki na ang sanggol, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa at itinuring siya ng prinsesa bilang tunay niyang anak. Pinangalanan ng prinsesa ang bata na Moises, dahil sinabi niya, “Kinuha ko siya sa tubig.”

Ester 2:7

Si Mordecai ay may pinsang dalaga. Nang itoʼy maulila, inalagaan niya ito, pinalaki at itinuring na parang sarili niyang anak. Ang pangalan niya ay Hadasa na tinatawag ding Ester. Maganda si Ester at maganda rin ang hugis ng katawan nito.

2 Mga Hari 2:12

Nakita ito ni Eliseo at sumigaw siya, “Ama ko! Ama ko! Ang mga karwahe at mangangabayo ng Israel!” At hindi na niya nakita si Elias. Pagkatapos, pinunit niya ang kanyang damit bilang pagpapakita ng kalungkutan niya. Dinampot niya ang balabal ni Elias na nahulog, at bumalik siya sa tabi ng Ilog ng Jordan at tumayo roon.

Job 31:18

Pero mula pa noong kabataan ko, tumutulong na ako sa mga ulila, at sa buong buhay ko hindi ko pinabayaan ang mga biyuda.

Ruth 4:16

Palaging kinukuha ni Naomi ang bata at kinakalong. At siya ang nagbabantay nito.

1 Mga Hari 11:20

Kinalaunan, nanganak ng lalaki ang asawa ni Hadad at pinangalanan nila siyang Genubat. Si Tapenes ang nagpalaki sa bata roon sa palasyo. Tumira ang bata roon kasama ng mga anak ng Faraon.

Juan 1:12-13

Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios.

Naging anak sila ng Dios hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang o dahil sa kagustuhan ng tao kundi dahil sa kalooban ng Dios.

Galacia 3:7

Malinaw na ang mga sumasampalataya sa Dios ang siyang mga tunay na anak ni Abraham.

Mga Gawa 7:21

At nang napilitan na silang iwan siya, kinuha siya ng anak na babae ng Faraon at inalagaan na parang tunay niyang anak.

Mga Hukom 17:10

Sinabi ni Micas, “Dito ka na lang tumira kasama ko. Gagawin kitang tagapayo ko at pari. At bawat taon, bibigyan kita ng sampung pirasong pilak, bukod pa sa mga damit at pagkain na ibibigay ko sa iyo.” Pumayag ang Levita sa sinabi ni Micas at itinuring siya ni Micas na isa sa kanyang mga anak.

2 Samuel 7:14

Kikilalanin niya akong ama at kikilalanin ko siyang anak. Kung magkakasala siya, didisiplinahin ko siya gaya ng pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak.

Galacia 4:4-5

Ngunit nang dumating na ang takdang panahon, isinugo ng Dios ang kanyang Anak sa mundo. Ipinanganak siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan

para palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa ganoon ay maging anak tayo ng Dios.

1 Juan 3:1

Pag-isipan ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay nga na tayoʼy mga anak niya! Kaya hindi tayo nakikilala ng mga tao sa mundo dahil hindi nila kilala ang Dios.

Juan 1:12

Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Dios.

1 Juan 3:1-2

Pag-isipan ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay nga na tayoʼy mga anak niya! Kaya hindi tayo nakikilala ng mga tao sa mundo dahil hindi nila kilala ang Dios.

At dito makikilala kung sino ang mga anak ng Dios at kung sino ang mga anak ng diyablo: ang lahat ng hindi gumagawa ng matuwid o hindi nagmamahal sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Dios.

Ito ang aral na narinig ninyo nang sumampalataya kayo: Dapat tayong magmahalan.

Huwag nating tularan si Cain, na kampon ng diyablo kaya pinatay niya ang kanyang kapatid. At bakit niya pinatay ang kanyang kapatid? Sapagkat masama ang mga gawa niya, at matuwid naman ang mga gawa ng kanyang kapatid.

Kaya huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung galit sa inyo ang mga makamundo.

Alam nating inilipat na tayo sa buhay na walang hanggan mula sa kamatayan dahil minamahal natin ang ating mga kapatid. Ang sinumang hindi nagmamahal sa kanyang kapwa ay nananatili sa kamatayan.

Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay isang mamamatay-tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may buhay na walang hanggan.

Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: ibinigay ni Jesu-Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid.

Kung mayroon man sa atin ang nasa mabuting pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba natin na sumasakanya ang pag-ibig ng Dios?

Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan.

Sa ganitong paraan, mapapatunayan natin na tayo nga ay nasa katotohanan at magiging panatag ang ating kalooban sa kanyang harapan

Mga minamahal, mga anak na tayo ng Dios. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Alam natin na sa pagbabalik ni Cristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin kung sino talaga siya.

Roma 9:8

Ang ibig sabihin, hindi lahat ng anak ni Abraham ay itinuturing na anak ng Dios, kundi ang mga anak lamang na ipinanganak ayon sa ipinangako.

Mga Hebreo 12:5-6

Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Dios sa inyo bilang mga anak niya: “Anak, huwag mong balewalain ang pagdidisiplina ng Panginoon, at huwag kang panghinaan ng loob kung sinasaway ka niya.

Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo niya ang itinuturing niyang mga anak.”

Galacia 3:26

Kayong lahat ay mga anak ng Dios dahil sa pananampalataya ninyo kay Cristo Jesus.

Efeso 1:4-6

noong una paʼy itinalaga na niya tayo para maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ayon na rin ito sa kanyang layunin at kalooban.

Purihin natin ang Dios dahil sa kamangha-mangha niyang biyaya na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak.

Mga Awit 68:5

Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.

Mga Awit 27:10

Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin.

Isaias 49:15

Pero sumagot ang Panginoon, “Makakalimutan ba ng isang ina ang kanyang anak? Hindi ba niya pagmamalasakitan ang isinilang niyang sanggol? Maaaring makalimot ang isang ina, pero ako, hindi makalilimot sa inyo!

Roma 8:16-17

Ang Banal na Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Dios.

At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng Dios at kasama ni Cristo na magmamana ng mga pagpapalang inilaan niya. Sapagkat kung magtitiis tayo kagaya ni Cristo noon, darating ang araw na pararangalan din tayong kasama niya.

Colosas 3:12

Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.

Isaias 43:6-7

Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga at sa timog na hayaang bumalik sa kanilang lupain ang iyong mga lahi, at hayaang umuwi saan mang sulok ng mundo.

Sila ang mga taong aking tinawag. Nilikha ko sila para sa aking karangalan.”

Mga Hebreo 2:11

Si Jesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya.

Roma 9:25-26

Ito ang sinabi ng Dios sa aklat ni Hoseas: “Ang dating hindi ko mga tao ay tatawagin kong, ‘Mga tao ko.’ At ang dating hindi ko mahal ay mamahalin ko.

At sa mga sinabihang, ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’ silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Dios na buhay.’ ”

Lucas 6:36

Maging maawain kayo tulad ng inyong Ama.”

Efeso 2:19

Kaya kayong mga hindi Judio ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kaisa na ng mga pinabanal at kabilang sa pamilya ng Dios.

1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Galacia 4:6-7

At dahil mga anak na tayo ngayon ng Dios, isinugo ng Dios ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating puso, kaya makakatawag na tayo sa kanya ng “Ama.”

Ngayon, hindi na tayo mga alipin kundi mga anak. At kung mga anak tayo ng Dios, tagapagmana rin tayo ng mga pangako niya.

Santiago 1:27

Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito.

Roma 8:29

Sapagkat alam na ng Dios noon pa man kung sinu-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Jesus para siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.

Mateo 18:5

“At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.

Mateo 12:49-50

Itinuro niya ang mga tagasunod niya at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid.

At hindi rin ba ninyo nabasa sa Kautusan na ang mga pari ay nagtatrabaho sa templo kahit sa Araw ng Pamamahinga? Isa itong paglabag sa tuntunin ng Araw ng Pamamahinga, pero hindi sila nagkasala.

Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama sa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Juan 14:18

“Hindi ko kayo iiwan ng walang kasama; babalik ako sa inyo.

Efeso 3:14-15

Tuwing naaalala ko ang plano ng Dios, lumuluhod ako sa pagsamba sa kanya.

Siya ang Ama ng mga nasa langit at nasa lupa na itinuturing niya na kanyang buong pamilya.

Deuteronomio 14:1

“Mga anak kayo ng Panginoon na inyong Dios. Kaya kung magluluksa kayo sa patay, huwag ninyong susugatan ang mga sarili ninyo o aahitan ang mga ulo ninyo.

Galacia 4:1-3

Ito ang ibig kong sabihin: Habang bata pa ang tagapagmana, wala siyang ipinagkaiba sa mga alipin kahit kanya ang lahat ng ari-arian.

May pinapahalagahan pa kayong mga araw, buwan, panahon at mga taon!

Nag-aalala ako na baka nasayang lang ang lahat ng pagsisikap ko sa inyo.

Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, na tularan ninyo ako, dahil kahit isa akong Judio, tinalikuran ko ang pagsunod sa Kautusan ng mga Judio at naging katulad ninyong hindi Judio. Wala kayong kasalanan sa akin.

Alam naman ninyo na ang pagkakasakit ko ang naging dahilan kaya ko naipangaral sa inyo ang Magandang Balita sa unang pagkakataon.

Kahit naging pagsubok sa inyo ang sakit ko, hindi nʼyo ako hinamak o itinakwil. Sa halip, tinanggap nʼyo pa nga ako na parang isang anghel ng Dios o parang ako na mismo si Jesu-Cristo.

Napakasaya natin noon. Ano ang nangyari? Ako mismo ang makakapagpatunay na kung maaari lang noon ay dinukit na ninyo ang inyong mga mata para ibigay sa akin.

Naging kaaway na ba ninyo ako dahil sinasabi ko ang katotohanan?

May mga tao riyan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa inyo, pero hindi mabuti ang hangarin nila. Gusto lang nila akong siraan, para sila ang sundin ninyo.

Hindi masamang magpakita sila ng pagmamalasakit kahit wala ako sa piling nʼyo, bastaʼt mabuti lang ang hangarin nila.

Minamahal kong mga anak, hanggaʼt hindi nakikita sa inyo ang buhay ni Cristo, maghihirap akong parang isang babaeng nanganganak.

Itinatagubilin siya sa mga taong nag-aalaga sa kanya at namamahala ng mga ari-arian niya hanggang sa araw na itinakda ng kanyang ama.

Kung maaari lang sana, makapunta na ako riyan at makausap kayo nang maayos dahil nag-aalala ako ng labis sa inyo!

Ngayon, sabihin nga ninyo sa akin, kayong mga nais magpailalim sa Kautusan, hindi ba ninyo alam ang sinasabi sa Kautusan?

Sinasabi roon na may dalawang anak si Abraham. Ang isaʼy anak niya sa kanyang alipin na si Hagar, at ang isa naman ay anak niya sa asawa niya na si Sara.

Ang kanyang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak. Ngunit ang anak niya sa kanyang asawa ay ipinanganak ayon sa pangako ng Dios.

Maaari nating tingnan ang dalawang babaeng ito bilang isang paghahalintulad. Kumakatawan sila sa dalawang kasunduan. Si Hagar ay kumakatawan sa kasunduan na ibinigay ng Dios kay Moises sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak na mga alipin ang mga anak niya.

Si Hagar, na kumakatawan sa Bundok ng Sinai sa Arabia ay kumakatawan din sa kasalukuyang Jerusalem. Sapagkat ang mga tao sa Jerusalem ay naging alipin ng Kautusan.

Ngunit ang asawang si Sara ay hindi alipin, at siya ang kumakatawan sa Jerusalem na nasa langit, at siya ang ating ina dahil hindi tayo alipin ng Kautusan.

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: “Matuwa ka, baog na babae, ikaw na hindi pa nagkakaanak! Humiyaw ka sa kagalakan, ikaw na hindi pa nakakaranas ng sakit sa panganganak. Sapagkat kahit iniwan ka ng asawa mo, mas marami ang magiging anak mo kaysa sa babaeng kapiling ang kanyang asawa.”

Mga kapatid, mga anak kayo ng Dios ayon sa pangako niya, tulad ni Isaac na ipinanganak ayon sa pangako ng Dios.

Noong una, si Isaac na ipinanganak ayon sa Espiritu ay inusig ni Ishmael na ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak. Ganoon din ang nangyayari ngayon; inuusig tayo ng mga taong nais magpaalipin sa Kautusan.

Ganoon din naman ang kalagayan natin bago dumating si Cristo  – inalipin tayo ng mga panuntunan ng mundong ito.

Isaias 49:15-16

Pero sumagot ang Panginoon, “Makakalimutan ba ng isang ina ang kanyang anak? Hindi ba niya pagmamalasakitan ang isinilang niyang sanggol? Maaaring makalimot ang isang ina, pero ako, hindi makalilimot sa inyo!

“O Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Isinulat ko ang pangalan mo sa aking mga palad. Palagi kong iniisip na maitayong muli ang iyong mga pader.

Mga Awit 68:5-6

Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.

Ibinibigay niya sa isang pamilya ang sinumang nag-iisa sa buhay. Pinalalaya rin niya ang mga binihag nang walang kasalanan at binibigyan sila ng masaganang buhay. Ngunit ang mga suwail, sa mainit at tigang na lupa maninirahan.

Jeremias 31:9

Mag-iiyakan sila sa tuwa at mananalangin habang dinadala ko sila pauwi. Dadalhin ko sila sa mga bukal, dadaan sila sa magandang daan at hindi sila matitisod. Sapagkat ako ang ama ng Israel; at si Efraim ang panganay kong anak.

Efeso 4:6

Iisa ang Dios natin at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat.

Roma 8:14

Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ay mga anak ng Dios.

Lucas 20:36

Hindi na rin sila mamamatay dahil matutulad na sila sa mga anghel. Silaʼy mga anak ng Dios dahil muli silang binuhay.

Mateo 5:9

Mapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, dahil tatawagin silang mga anak ng Dios.

1 Pedro 1:3-4

Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa dakila niyang awa sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may nakahandang mana ang Dios para sa atin. Ang manang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas.

Panalangin sa Diyos

Dakila at makapangyarihang Diyos, lubos po ang aming pasasalamat sa 'Yo sa biyayang maging mga magulang ampon at tanggapin ang bagong kasapi ng aming pamilya at tahanan. Gabayan Mo po kami na mahalin, pangalagaan, at ituro sa kanya ang Iyong daan. Nawa'y lumaki siyang puno ng pagmamahal at kaisa ng aming mga anak, at buksan din po nila ang kanilang mga puso sa kanya bilang kapatid. Ilayo Mo po sila sa alitan, di pagkakaunawaan at inggit. Panginoon, nawa'y masaksihan namin ang kanilang paglaki na may pagkakaisa at kapayapaan. Bigyan Mo po kami ng karunungan at biyaya upang maging mga magulang puno ng pagmamahal at gabay ng Iyong Banal na Espiritu. Sa pangalan ni Hesus, Amen.