Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Jeremias 31:9 - Ang Salita ng Dios

9 Mag-iiyakan sila sa tuwa at mananalangin habang dinadala ko sila pauwi. Dadalhin ko sila sa mga bukal, dadaan sila sa magandang daan at hindi sila matitisod. Sapagkat ako ang ama ng Israel; at si Efraim ang panganay kong anak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 Sila'y darating na may iyakan, at may mga pakiusap na papatnubayan ko silang pabalik, palalakarin ko sila sa tabi ng mga batis ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila kakatisuran; sapagkat ako'y ama sa Israel, at ang Efraim ang aking panganay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Uuwi silang nag-iiyakan habang daan, nananalangin samantalang inaakay ko pabalik. Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig, pararaanin sa patag na landas upang hindi sila madapa. Sapagkat ang Israel ay aking anak, at si Efraim ang aking panganay.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Uuwi silang nag-iiyakan habang daan, nananalangin samantalang inaakay ko pabalik. Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig, pararaanin sa patag na landas upang hindi sila madapa. Sapagkat ang Israel ay aking anak, at si Efraim ang aking panganay.”

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 Uuwi silang nag-iiyakan habang daan, nananalangin samantalang inaakay ko pabalik. Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig, pararaanin sa patag na landas upang hindi sila madapa. Sapagkat ang Israel ay aking anak, at si Efraim ang aking panganay.”

Tingnan ang kabanata Kopya




Jeremias 31:9
43 Mga Krus na Reperensya  

Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O Panginoon, Dios ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman!


At pinatnubayan niya sila papunta sa lungsod na matitirahan.


Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay.


Ituturing ko siyang panganay kong anak, ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng hari.


Pagkatapos, sabihin mo sa kanya, ‘Sinabi ng Panginoon na: Itinuturing ko ang Israel na panganay kong anak na lalaki,


Aakayin ko ang mga mamamayan kong bulag sa katotohanan, sa daan na hindi pa nila nadadaanan. Liliwanagan ko ang dinaraanan nilang madilim at papantayin ko ang mga baku-bako sa landas na kanilang dinadaanan. Gagawin ko ito at hindi ko sila pababayaan.


Pararangalan ako ng maiilap na hayop, pati na ng mga asong-gubat at mga kuwago, dahil maglalagay ako ng mga bukal sa disyerto para may mainom ang mga pinili kong mamamayan.


Ito pa ang sinabi ng Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel, na lumikha sa kanya, “Nagrereklamo ba kayo sa mga ginagawa ko? Inuutusan nʼyo ba ako sa mga dapat kong gawin?


Sasabihin ko, ayusin ninyo ang daan na dadaanan ng aking mga mamamayan.”


Nasaan na siya na gumabay sa atin nang tumawid tayo sa dagat? Ni hindi tayo natisod katulad ng mga kabayong dumadaan sa malinis na lugar.


Sapagkat kayo ang aming Ama, kahit na hindi kami kilalanin ni Abraham at ni Jacob na kanilang lahi. Totoo, Panginoon, kayo ang aming Ama, ang aming Tagapagligtas mula pa noon.


Pero, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad ninyoʼy magpapalayok, at kami naman ay parang putik. Kayo ang gumawa sa aming lahat.


Ako mismo ang nagsasabi, ‘Natutuwa ako na ituring kayong mga anak ko at bigyan ng magandang lupain na pinakamagandang pamana sa buong mundo.’ At akala koʼy tatawagin ninyo akong ‘Ama’ at hindi na kayo hihiwalay sa akin.


At ngayon sinasabi ninyo sa akin, ‘Ama ko, kayo po ay kasama ko mula noong bata pa ako.


Sumagot ang Panginoon, “Kayong mga mamamayan ng Efraim ay aking minamahal na mga anak. Kahit palagi akong nagsasalita laban sa inyo, nalulugod pa rin ako sa inyo. Nananabik ako at nahahabag sa inyo.


“Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing sa panahong iyon, ang mga mamamayan ng Israel at Juda ay iiyak na lalapit sa akin, ang Panginoon na kanilang Dios.


sa pamamagitan ng anghel, at nagtagumpay siya. Umiiyak siya habang nagmamakaawang pagpalain siya ng anghel. Nakita niya ang Dios sa Betel, at doon nakipag-usap ang Dios sa kanya.


Pero sa bandang huli, magbabalik-loob silang muli sa Panginoon nilang Dios at sa lahi ni David na kanilang hari. Buong paggalang silang lalapit sa Panginoon dahil sa kanyang kabutihan.


“Bibigyan ko ang mga angkan ni David at ang mga taga-Jerusalem ng espiritung maawain at mapanalanginin. Pagmamasdan nila ako na kanilang sinibat, at iiyak sila katulad ng magulang na umiiyak sa pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak o anak na panganay.


Sinabi ni Malakias sa mga Israelita: Hindi baʼt iisa ang ating ama? At iisang Dios ang lumalang sa atin? Bakit hindi tayo nagiging tapat sa isaʼt isa? Sa ginagawa nating ito, binabalewala natin ang kasunduan ng Dios sa ating mga ninuno.


“Ang mga lahi nina Efraim, Manase at Benjamin ay magkakampo sa kanluran, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at bilang ng kanilang mga tauhan: Lahi Pinuno Bilang Efraim Elishama na anak ni Amihud 40,500 Manase Gamaliel na anak ni Pedazur 32,200 Benjamin Abidan na anak ni Gideoni 35,400


Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya, “Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang, na nagsasabi: ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon. Tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang dadaanan.’ ”


Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Dios.


Kaya manalangin kayo ng katulad nito: ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa kayo ng mga tao.


Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, dahil bubusugin kayo. Mapalad kayong mga umiiyak ngayon, dahil tatawa kayo.


Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.


At akoʼy magiging Ama ninyo, at kayo namaʼy magiging mga anak ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”


“Mga anak kayo ng Panginoon na inyong Dios. Kaya kung magluluksa kayo sa patay, huwag ninyong susugatan ang mga sarili ninyo o aahitan ang mga ulo ninyo.


Ganito pa ba ang igaganti ninyo sa Panginoon, kayong mga mangmang at kulang sa pang-unawa? Hindi baʼt siya ang inyong ama na lumikha sa inyo at nagtaguyod na kayoʼy maging isang bansa?


Lumakad kayo sa matuwid na daan upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na mahihina ang pananampalataya, ay hindi matisod at mapilayan kundi lumakas.


Lumapit kayo sa pagtitipon ng mga itinuturing na mga panganay ng Dios, na ang mga pangalan nila ay nakasulat sa langit. Lumapit kayo sa Dios na siyang hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong itinuring na matuwid ng Dios at ginawa na niyang ganap.


Noong namumuhay pa si Jesus sa mundong ito, umiiyak siyang nananalangin at nagmamakaawa sa Dios na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig naman siya dahil lubos siyang naging masunurin.


Sapagkat ang Tupang nasa trono ang magiging pastol nila, at dadalhin sila sa mga bukal na nagbibigay-buhay, at papahirin na ng Dios ang lahat ng luha sa kanilang mga mata.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas