Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

MGA TALATA NG KAPANGYARIHAN

Nakakagaan ng loob na malaman na kahit ano pa mang pagsubok ang dumating sa buhay natin, mayroon tayong kapangyarihan ng Diyos na ating masasandalan. Tayo na mga anak ng Diyos, hindi kailanman nag-iisa sa anumang sitwasyon. Lagi Siyang naroon, nauuna sa atin, lumalaban sa ating mga laban at pinupuno tayo ng Kanyang kapangyarihan para makamit natin ang tagumpay sa anumang pinagdadaanan natin ngayon.

Sabi nga sa 2 Corinto 12:9-10, sapat na sa atin ang biyaya ng Diyos dahil ang Kanyang kapangyarihan ay nagiging ganap sa ating kahinaan. Ang ganda lang isipin na sa gitna ng mga problema at kahinaan natin, naroon Siya, pinapalakas tayo at ginagawang perpekto ang Kanyang kapangyarihan sa buhay natin. Parang "Kaya mo 'yan!" ang sinasabi Niya sa atin.

Binihisan tayo ng Diyos ng Kanyang kapangyarihan. Sabi sa Lucas 24:49, "At, narito, ipinadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama: datapuwa't kayo'y magsipanatili kayo sa lungsod ng Jerusalem, hanggang sa kayo'y masangkapan ng kapangyarihan mula sa itaas." Mayroon tayong Diyos na makapangyarihan sa lahat. Walang imposible sa Kanya. Magtiwala ka lang sa Kanya at kikilos Siya sa buhay mo.


Deuteronomio 6:5

Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas.

Colosas 3:23

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao.

Mateo 22:37

Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’

Deuteronomio 4:29

Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.

Mga Awit 119:10

Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya tulungan nʼyo akong huwag lumihis sa inyong mga utos.

Mga Awit 119:2

Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban.

Jeremias 29:13

Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.

Mga Awit 86:12

Panginoon kong Dios, buong puso ko kayong pasasalamatan. Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman,

Mga Awit 9:1

Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga.

Mga Awit 28:7

Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

Mga Awit 119:7

Akoʼy magpupuri sa inyo nang may malinis na puso, habang pinag-aaralan ko ang inyong matuwid na mga utos.

Mga Awit 119:34

Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan.

Mga Awit 51:17

Ang handog na nakalulugod sa inyo ay pusong nagpapakumbaba at nagsisisi sa kanyang kasalanan. Ito ang handog na hindi nʼyo tatanggihan.

Mga Awit 146:1

Purihin ang Panginoon! Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.

Mga Awit 119:58

Buong puso akong nakikiusap sa inyo na ako ay inyong kahabagan ayon sa inyong pangako.

Mga Awit 138:1

Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso. Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga dios.

Mga Awit 145:2

Pupurihin ko kayo araw-araw, at itoʼy gagawin ko magpakailanman.

Mga Awit 139:14

Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Mga Awit 37:31

Ang Kautusan ng Dios ay iniingatan niya sa kanyang puso, at hindi niya ito sinusuway.

Juan 4:23-24

Tandaan mo, darating ang panahon, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan. Ganito ang uri ng mga sumasamba na hinahanap ng Ama.

Ang Dios ay espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”

Mga Awit 119:11

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Mga Awit 62:8

Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.

Mga Awit 111:1

Purihin ang Panginoon! Buong puso kong pasasalamatan ang Panginoon sa pagtitipon ng mga matuwid.

Mga Awit 30:12

para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

1 Samuel 12:24

Pero dapat kayong magkaroon ng takot sa Panginoon at maglingkod sa kanya nang tapat at buong puso. Alalahanin ninyo ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya sa inyo.

Mga Awit 119:69

Kahit na akoʼy sinisiraan ng mga taong mapagmataas, buong puso ko pa ring tinutupad ang inyong mga tuntunin.

Colosas 3:23-24

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao.

Alam naman ninyong may gantimpala kayong matatanggap sa Panginoon, dahil si Cristo na Panginoon natin ang siyang pinaglilingkuran ninyo.

Juan 4:24

Ang Dios ay espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”

Mga Awit 104:33

Aawit ako sa Panginoon habang nabubuhay. Aawit ako ng papuri sa aking Dios habang may hininga.

Ezekiel 36:26

Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin.

Mga Awit 40:8

O Dios, nais kong sundin ang kalooban ninyo. Ang inyong mga kautusan ay iniingatan ko sa aking puso.”

Mga Awit 59:16

Ngunit ako ay aawit tungkol sa inyong kapangyarihan. Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa inyong pag-ibig. Sapagkat kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan.

1 Mga Cronica 16:29

Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa kanyang presensya. Sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kanyang kabanalan.

Mga Awit 34:1

Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras. Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya.

Mga Awit 100:2

Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.

Mga Hebreo 13:15

Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Dios sa pamamagitan ni Jesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.

Roma 12:1

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Mga Awit 103:1

Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan.

Mga Awit 97:12

Kayong matutuwid, magalak kayo sa Panginoon. Pasalamatan siya at purihin ang kanyang pangalan!

Isaias 29:13

Sinabi ng Panginoon, “Ang mga taong itoʼy nagpupuri at nagpaparangal sa akin sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, pero ang puso nilaʼy malayo sa akin. At ang pagsamba nila sa akin ay ayon lamang sa tuntunin ng tao.

Deuteronomio 10:12-13

“At ngayon, O mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Dios sa inyo ay igalang ninyo siya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa,

at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin niya na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.

Mga Awit 132:7-9

Sinabi namin, “Pumunta tayo sa tirahan ng Panginoon, at sumamba tayo sa kanya sa harap ng kanyang trono.”

Sige na po Panginoon, pumunta na kayo sa inyong templo kasama ng Kaban ng Kasunduan na sagisag ng inyong kapangyarihan.

Sanaʼy palaging mamuhay ng matuwid ang inyong mga pari, at umawit nang may kagalakan ang inyong mga tapat na mamamayan.

Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.

Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

1 Mga Cronica 29:9

Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.

Mga Awit 146:1-2

Purihin ang Panginoon! Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.

Mga taga-Zion, ang Panginoon na inyong Dios ay maghahari magpakailanman. Purihin ang Panginoon!

Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Dios ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.

Mga Awit 37:4

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Santiago 4:8

Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin nʼyo ang inyong puso.

Mga Awit 27:8

Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo.

Roma 15:9

Sinugo rin si Cristo para ipakita ang awa ng Dios sa mga hindi Judio, nang sa ganoon ay papurihan din nila ang Dios. Ayon nga sa Kasulatan, “Pasasalamatan kita sa piling ng mga hindi Judio, at aawit ako ng mga papuri sa iyo.”

Mga Awit 147:1

Purihin ang Panginoon! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.

Efeso 5:19

Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Roma 15:16

na maging lingkod ni Cristo Jesus para sa mga hindi Judio. Naglilingkod ako sa kanila na tulad ng isang pari at ipinangangaral ko ang Magandang Balita ng Dios. Ginagawa ko ito para maging handog sila na katanggap-tanggap sa Dios, na itinalaga sa kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Mga Awit 96:9

Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon. Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan.

Filipos 3:3

Ngunit tayo ang totoong tuli, dahil sumasamba tayo sa Dios sa tulong ng Banal na Espiritu, at ipinagmamalaki ang ginawa ni Cristo Jesus. Hindi tayo nagtitiwala sa mga panlabas na seremonya o panuntunan para maligtas tayo.

Mga Awit 147:11

Ang Panginoon ay nalulugod sa mga may takot sa kanya at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

Mga Awit 149:1

Purihin ang Panginoon! Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon. Purihin nʼyo siya sa pagtitipon ng kanyang tapat na mga mamamayan.

Mga Awit 119:10-11

Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya tulungan nʼyo akong huwag lumihis sa inyong mga utos.

Higit pa ang aking pang-unawa kaysa sa matatanda, dahil sinusunod ko ang inyong mga tuntunin.

Iniiwasan ko ang masamang pag-uugali, upang masunod ko ang inyong mga salita.

Hindi ako lumihis sa inyong mga utos, dahil kayo ang nagtuturo sa akin.

Kay tamis ng inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa sa pulot.

Sa pamamagitan ng inyong mga tuntunin, lumalawak ang aking pang-unawa, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng gawaing masama.

Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

Tutuparin ko ang aking ipinangako na susundin ang inyong matuwid na mga utos.

Hirap na hirap na po ako Panginoon; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako.

Tanggapin nʼyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri sa inyo, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga utos.

Kahit na akoʼy palaging nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan.

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Mga Awit 40:3

Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya.

Mateo 15:8-9

‘Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila, ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso.

Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, sapagkat ang mga itinuturo nila ay mga utos lang ng tao.’ ”

2 Corinto 9:7

Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Dios ang mga nagbibigay nang may kagalakan.

Mga Awit 145:18

Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo.

Mga Awit 20:5

Sa pagtatagumpay mo kami ay sisigaw sa kagalakan, at magdiriwang na nagpupuri sa ating Dios. Ibigay nawa ng Panginoon ang lahat mong kahilingan.

Mga Awit 42:1-2

Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik, O Dios, ako sa inyoʼy nananabik.

Para bang tumatagos na sa aking mga buto ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway. Patuloy nilang sinasabi, “Nasaan na ang Dios mo?”

Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!

Akoʼy nauuhaw sa inyo, Dios na buhay. Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?

Mga Awit 66:2

Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit.

Panalangin sa Diyos

Salamat po Panginoon, ikaw ang aking manggagamot, tagapaglaan, at tagapagtanggol. Ikaw ang lumalaban sa aking mga laban at nagdadala sa akin mula sa isang kaluwalhatian patungo sa isa pa. Sa iyong dakilang pangalan, Hesus, lumalapit ako sa iyo. Nagpapasalamat ako dahil ang panalangin ang pinakamakapangyarihang sandata laban sa anumang problema at ang susi na nagbubukas ng lahat ng pinto. Panginoon, tinawag mo kaming maging asin ng lupa at ilaw ng mundo, upang maipakita ang iyong kaluwalhatian at kapangyarihan saan man kami magpunta. Sabi mo sa iyong salita, "At tunay na inilagay kita upang ipakita sa iyo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangalan ay maipahayag sa buong lupa." Panginoon Hesus, tulungan mo akong maging matatag at manalangin sa lahat ng oras nang may buong panalangin at pagsamo sa Espiritu, turuan mo akong maging mapagbantay at tumindig bilang tagapamagitan, na gumagawa ng pananggalang para sa aking pamilya, sa aking bansa, at sa aking mga kapatid sa pananampalataya. Sa pangalan ni Hesus, Amen.