Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


53 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Dugo ni Hesukristo

53 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Dugo ni Hesukristo

Napakalakas ng dugo ni Cristo, binibigyan tayo nito ng buhay at buhay na walang hanggan. Nililinis tayo nito mula sa lahat ng kasalanan at pinagagaling ang anumang karamdaman, sa katawan man, sa isip, o sa kaluluwa. Wala nang makakapigil sa kapangyarihan ng dugo ni Hesus; walang sakripisyong makapapantay sa kalayaan at pagbabagong hatid ng pagpapahayag na may kapangyarihan ang Kanyang dugo.

Tinubos tayo ng sakripisyo Niya sa krus mula sa ating mga kasalanan. Kapag lumalapit tayo sa Kanyang dugo upang linisin at hugasan ang ating mga kasalanan, tayo ay pinalalaya at malaya tayong makakalapit sa ating Ama sa Langit. Ang bawat patak ng dugong dumanak sa krus ay simbolo ng pagmamahal ni Hesus para sa atin.

Pahahalagahan natin ngayon ang pag-ibig na ito at magalak tayo rito, dahil naabot na tayo ng Kanyang dugo at tayo ay ganap nang malaya upang lumakad sa kalooban ng Panginoon.

Sinasabi sa Hebreo 9:22, “Sapagka't ayon sa Kautusan ay halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at kung walang pagbububo ng dugo ay walang kapatawaran.” Ipinapaalala nito sa atin ang kahalagahan ng sakripisyo ni Hesus.




1 Juan 1:7

Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Dios na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kanyang Anak sa lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:14

Kung nakakalinis ang mga ito, di lalo na ang dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Banal na Espiritu, inialay ni Cristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Dios. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan para matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Dios na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:53

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang kainin ninyo ang katawan ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:12

Ganyan din ang nangyari kay Jesus, pinatay siya sa labas ng bayan para malinis niya ang mga tao sa mga kasalanan nila sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:22

Ayon sa Kautusan, nililinis sa pamamagitan ng dugo ang halos lahat ng bagay na ginagamit sa pagsamba. At kung walang pagbubuhos ng dugo bilang handog sa Dios, wala ring kapatawaran ng mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:20

at sa pamamagitan ni Cristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:13

Ngunit kayo ngayon ay na kay Cristo na. Malayo kayo noon sa Dios, pero ngayon ay malapit na kayo sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:7

Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:9

At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Dios dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 12:11

Ngunit natalo na siya ng ating mga kapatid sa pamamagitan ng dugo ng Tupa at ng katotohanang ipinangangaral nila. Hindi sila takot na ialay ang kanilang buhay alang-alang sa kanilang pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 12:13

Ang dugong ipinahid ninyo sa hamba ng pintuan ninyo ang magiging tanda na nakatira kayo roon. Kapag nakita ko ang dugo, lalampasan ko ang bahay ninyo, at walang salot na sasapit sa inyo kapag pinarusahan ko ang Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:28

dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:28

Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng mga mananampalatayang pinababantayan sa inyo ng Banal na Espiritu. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Dios na kanyang tinubos sa pamamagitan ng sariling dugo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:25

Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Dios para ipakita na matuwid siya. Noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:20-21

Idinadalangin ko rin kayo sa Dios na siyang pinagmumulan ng kapayapaan. Siya ang bumuhay sa ating Panginoong Jesus na ating Dakilang Pastol. At dahil sa kanyang dugo, pinagtibay niya ang walang hanggang kasunduan. Nawaʼy ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng inyong kailangan para masunod ninyo ang kalooban niya. At sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, nawaʼy gawin niya sa atin ang kalugod-lugod sa kanyang paningin. Purihin natin siya magpakailanman. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:6

Si Jesus na naparito sa mundo ay napatunayang Anak ng Dios sa pamamagitan ng tubig nang magpabautismo siya at sa pamamagitan ng dugo nang mamatay siya. Hindi lang sa tubig kundi sa pamamagitan din ng dugo. At ang mga bagay na itoʼy pinatotohanan din sa atin ng Banal na Espiritu, dahil ang Espiritu ay katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:5-6

Ginawa niya tayong mga hari at mga pari upang maglingkod sa Dios na kanyang Ama. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailanman. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:19-20

Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Jesus. Dahil kung napatawad na sila sa pamamagitan ng mga handog, hindi na sana sila uusigin ng kanilang budhi, at hindi na nila kailangang maghandog pa. Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang katawan, binuksan niya para sa atin ang bagong daan patungo sa Pinakabanal na Lugar na nasa kabila ng tabing. At ang daang ito ang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:12

Minsan lang pumasok si Cristo sa Pinakabanal na Lugar. At hindi dugo ng kambing o ng guya ang dala niya kundi ang sarili niyang dugo. At sa pamamagitan ng kanyang dugo, tinubos niya tayo sa mga kasalanan natin magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 14:24

Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:2

Siya ang ibinigay na handog para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng mga kasalanan natin kundi pati na rin ng kasalanan ng buong mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:27-28

Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Dios, at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Uminom kayong lahat nito, dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:19-20

Sapagkat minabuti ng Dios na ang pagka-Dios niya ay manahan nang lubos kay Cristo, Mahal kong mga taga-Colosas, pinabanal at matatapat na kapatid na nakay Cristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama. at sa pamamagitan ni Cristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:27

Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom ng inumin ng Panginoon nang hindi karapat-dapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:25-26

Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8-9

Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin. At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Dios dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:21

Kailanmaʼy hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:56

Ang kumakain ng aking katawan at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:19-22

Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Jesus. Dahil kung napatawad na sila sa pamamagitan ng mga handog, hindi na sana sila uusigin ng kanilang budhi, at hindi na nila kailangang maghandog pa. Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang katawan, binuksan niya para sa atin ang bagong daan patungo sa Pinakabanal na Lugar na nasa kabila ng tabing. At ang daang ito ang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan. At dahil mayroon tayong dakilang punong pari na namamahala sa pamilya ng Dios, lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:18-19

Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:20

Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:14

Ngunit para sa akin, wala akong ibang ipinagmamalaki maliban sa kamatayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa krus. At dahil sa kamatayan niya sa krus, wala nang halaga para sa akin ang mga bagay sa mundo, at wala rin akong halaga para sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:5

Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:53-54

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang kainin ninyo ang katawan ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Pero ang kumakain ng aking katawan at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:25

Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:4

Sinabi niya sa kanila, “Nagkasala ako dahil ibinigay ko sa inyo ang isang taong walang kasalanan.” Pero sumagot sila, “Ano ang pakialam namin diyan? Problema mo na iyan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:20

Iligtas nʼyo ang buhay ko sa espada ng aking mga kaaway na tulad ng mga pangil ng aso,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 5:9

at umaawit sila ng bagong awit na ito: “Kayo po ang karapat-dapat na kumuha ng kasulatan at magtanggal ng mga selyo nito, dahil kayo ay pinatay, at sa pamamagitan ng inyong dugo ay tinubos nʼyo ang mga tao para sa Dios. Ang mga taong ito ay mula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 7:14

Sumagot ako, “Hindi ko po alam. Kayo po ang nakakaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:26

Hindi baʼt ang Cristo ay kailangang magtiis ng lahat ng ito bago siya parangalan ng Dios?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:6

Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Cristo para mamatay, kaya hindi na tayo dapat alipinin pa ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:32

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:24

Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:7

Linisin at hugasan nʼyo ako sa aking mga kasalanan upang lubusang luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:14

Kaya sa pamamagitan lang ng minsang paghahandog, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga pinabanal niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:16

Ngayong iisang katawan na lang tayo sa pamamagitan ng kamatayan niya sa krus, winakasan na niya ang alitan natin at ibinalik niya tayo sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:14

May pananagutan dapat tayo sa Dios dahil hindi natin matupad ang Kautusan. Pero inalis ito ng Dios sa pamamagitan ng pagkapako ni Cristo sa krus. Kaya hindi na tayo parurusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:1

Kaya ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin sa ating Panginoong Jesu-Cristo, mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:39

Lumayo siya nang kaunti, lumuhod at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:42

“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:26

Dahil kung kailangang ulit-ulitin, maraming beses sanang nagdusa si Cristo mula pa nang likhain ang mundo. Pero minsan lamang siya naparito sa mundo para alisin ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. Ginawa niya ito nitong mga huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal na Ama sa Langit, sa iyo po ang lahat ng kapurihan at karangalan! Sa ngalan ni Hesus, nagpapasalamat po ako sa iyong dugong ibinuhos sa krus, dahil doon ay natanggap ko ang iyong kapatawaran. At malaya akong makalalapit sa iyong harapan, walang takot at walang hadlang. Dahil sa iyong dugo, binigyan mo ako ng kapangyarihang madaig ang lahat ng kasinungalingan at patibong ng kaaway sa aking buhay. Panginoong Hesus, sa araw na ito, tinatakpan ko ng iyong mahalagang dugo ang aking tahanan, ang aking buhay, at ang buhay ng aking pamilya, at idinideklara ko ang kalayaan, pagpapanumbalik, at kagalingan sa bawat isa sa amin. Sabi sa iyong salita: “At ang dugo ay magiging tanda sa inyo sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pag nakita ko ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo upang lipulin kayo, pag sinaktan ko ang lupain ng Egipto.” Ama, salamat po sa bisa ng iyong dugo, dahil doon ay mayroon kaming proteksyon, buhay, at kapangyarihan laban sa lahat ng sakit, salot, at kamatayan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas