Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

74 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Espirituwal na Lakas

Kailangan nating patuloy na hanapin ang presensya ng Diyos, dahil doon natin matatagpuan ang panibagong lakas na kailangan natin. Siya ang ating kanlungan, ang matibay na taguan mula sa mga atake ng kaaway.

Tulad ni Pablo, mayroon din tayong lakas na mula sa Diyos, na siyang nagpapanibago ng ating mga puso at tumutulong sa atin na manatiling matatag sa Kanya. Sa mga panahong puno ng pagsubok at pagkalito, masasaksihan mo ang kapangyarihan ng Diyos na gumagawa sa iyo.

Ang lakas na ito ay hindi galing sa iyo, kundi galing mismo sa Espiritu ng iyong Ama na labis na nagmamahal sa iyo. Ito ang magbibigay sa iyo ng kakayahang dumaan sa apoy nang hindi nasusunog, magbibigay sa iyo ng matibay na mga paa upang makalakad sa matataas na lugar, mga pakpak na parang agila upang hindi ka manghina, at lakas na parang kalabaw upang hindi ka sumuko.

Marami ang magtataka kapag nakita nila ang gawa ng Diyos sa buhay mo, kahit hindi mo ikwento ang pinagdaanan mo; malalaman nila na nakapagpatuloy ka dahil sa biyaya at pagmamahal ni Hesus. At doon mo maikukwento ang Kanyang mga kababalaghan, maipapahayag mo ang Kanyang mga dakilang gawa, at magiging buhay na patotoo ka ng kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng nakapaligid sa iyo.


2 Corinto 12:9

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo.

Habakuk 3:19

Siya ang nagbibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar.”

Isaias 40:29-31

Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod.

May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios.

Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal,

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Mga Awit 118:14

Ang Panginoon ang aking kalakasan at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin.

Jeremias 6:27

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Ginawa kitang tulad ng tagasuri ng mga metal, para masuri mo ang pag-uugali ng aking mga mamamayan.

Joel 3:16

Aatungal na parang leon ang Panginoon mula sa Zion; dadagundong ang kanyang tinig mula sa Jerusalem. Kaya mayayanig ang lupa at langit. Pero ang Panginoon ang matibay na kanlungan para sa mga Israelita na kanyang mamamayan.

Mga Awit 144:2

Siya ang aking Dios na mapagmahal at matibay na kanlungan. Siya ang kumakanlong sa akin kaya sa kanya ako humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.

Efeso 6:10

At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan.

2 Samuel 22:33

Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.

Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Mga Hebreo 2:18

At dahil siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tinukso siya, matutulungan niya ang mga dumaranas ng tukso.

Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Mga Awit 29:11

Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.

2 Samuel 22:2

Ito ang awit niya: “Panginoon, kayo ang aking matibay na bato na kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin. Bilang kanlungan na bato, makakapagtago ako sa inyo.

1 Mga Cronica 29:12

Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.

2 Samuel 22:3

Sa inyo ako tumatakbo at kumakanlong. Inililigtas nʼyo ako sa mararahas na tao.

Mga Awit 37:39

Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon. Siya ang nag-iingat sa kanila sa panahon ng kaguluhan.

Filipos 4:13

Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.

Jeremias 32:17

“O Panginoong Dios, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa.

Deuteronomio 20:4

Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ang sasama sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!’

Deuteronomio 31:6

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.”

Lucas 4:18

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, dahil pinili niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Magandang Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na malaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,

Lucas 1:37

Sapagkat walang imposible sa Dios.”

Mga Awit 59:17

O Dios, kayo ang aking kalakasan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo, dahil kayo ang aking kanlungan at Dios na sa akin ay nagmamahal.

Mga Awit 34:19

Marami ang paghihirap ng mga matuwid, ngunit inililigtas sila ng Panginoon sa lahat ng ito.

Josue 1:9

Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon.”

Mga Awit 31:2

Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan.

2 Samuel 22:23

Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos. Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.

Mga Awit 81:1

Umawit kayo nang may galak sa Dios na nagbibigay sa atin ng kalakasan. Sumigaw kayo nang may tuwa sa Dios ni Jacob!

Exodus 15:2

Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya.

Isaias 40:29

Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod.

Mga Awit 18:2

Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

Isaias 12:2

Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”

Mga Awit 31:2-3

Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan.

Itinago nʼyo sila sa ilalim ng inyong pagkalinga. At doon ay ligtas sila sa mga masamang balak at pang-iinsulto ng iba.

Purihin ang Panginoon, dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akin noong akoʼy naipit sa isang sinasalakay na bayan.

Doon akoʼy natakot at nasabi ko, “Binalewala na ako ng Panginoon.” Ngunit narinig niya pala ang aking kahilingan, at akoʼy kanyang tinulungan.

O, kayong tapat niyang mga mamamayan, mahalin ninyo ang Panginoon. Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya, ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas.

Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon.

Dahil kayo ang bato na matibay na kong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan.

Mga Awit 73:26

Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

2 Timoteo 1:7

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Mga Awit 28:7

Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

Isaias 25:8

Aalisin din ng Panginoong Dios ang kamatayan at papahirin niya ang mga luha ng lahat ng tao. Aalisin niya ang kahihiyan ng kanyang mga mamamayan sa buong mundo. Mangyayari nga ito dahil sinabi mismo ng Panginoon.

1 Mga Cronica 16:11

Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.

Mga Awit 71:3

Kayo ang aking maging batong kanlungan na lagi kong malalapitan. Ipag-utos nʼyo na iligtas ako, dahil kayo ang aking matibay na batong pananggalang.

Mga Awit 18:32-34

Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.

Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.

Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana.

Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Mga Awit 27:1

Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.

Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Mga Hebreo 11:34

hindi sila napaso sa nagliliyab na apoy, at nakaligtas sila sa kamatayan sa pamamagitan ng espada. Ang iba sa kanilaʼy mahihina, pero pinalakas sila ng Dios. At naging makapangyarihan sila sa digmaan at nilupig ang mga dayuhang hukbo.

1 Corinto 16:13

Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.

Mga Kawikaan 18:10

Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.

Mga Awit 31:24

Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon.

Roma 8:37

Pero kahit ganito ang kalagayan natin, kayang-kaya nating pagtagumpayan ito sa tulong ni Cristo na nagmamahal sa atin.

Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Colosas 1:11

Nawaʼy palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, para makatagal at makapagtiis kayo sa lahat ng bagay nang may kagalakan.

Mga Awit 138:3

Nang tumawag ako sa inyo sinagot nʼyo ako. Pinalakas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

1 Pedro 5:10

Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Dios para maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi rin sa walang hanggang kaluwalhatian niya sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Cristo.

Efeso 3:16

Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espiritwal nʼyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu

1 Juan 4:4

Ngunit mga anak ko, kayoʼy sa Dios at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad at sinungaling na propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay higit na makapangyarihan kaysa kay Satanas, na siyang naghahari ngayon sa mga makamundo.

Mga Awit 112:7

Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

Mga Kawikaan 24:10

Kapag ikaw ay nawalan ng pag-asa sa panahon ng kahirapan, nagpapakita lang ito na ikaw ay mahina.

Mga Awit 119:28

Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako.

Isaias 26:3

Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.

Mga Awit 62:5-6

Sa Dios ko lang matatamo ang kapahingahan dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.

Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan kaya ligtas ako sa kapahamakan.

2 Corinto 4:16

Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu.

Filipos 3:14

Tulad ng isang manlalaro, nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Dios na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Roma 12:12

At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

Mga Hebreo 12:1-2

Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin.

Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya.

Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay.

Kaya palakasin ninyo ang sarili nʼyo at patibayin ang inyong loob.

Lumakad kayo sa matuwid na daan upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na mahihina ang pananampalataya, ay hindi matisod at mapilayan kundi lumakas.

Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.

Ingatan nʼyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Dios. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay.

Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng sekswal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espiritwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan.

At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya.

Ang paglapit nʼyo sa Dios ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila –  ang Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin.

Nakarinig din sila ng tunog ng trumpeta at boses ng nagsasalita. At nang marinig nila ang boses na iyon, nagmakaawa silang huwag na itong magsalita pa sa kanila

Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.

Mga Awit 112:1-3

Purihin ang Panginoon! Mapalad ang taong may takot sa Panginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.

Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at parang matutunaw sila dahil sa kahihiyan. Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama.

Ang mga anak niya ay magiging matagumpay, dahil ang angkan ng mga namumuhay nang matuwid ay pagpapalain.

Yayaman ang kanyang sambahayan, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.

Colosas 2:6-7

Dahil tinanggap nʼyo na si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo nang karapat-dapat sa kanya.

Patuloy kayong lumago at tumibay sa kanya. Magpakatatag kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at maging mapagpasalamat din kayo.

Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo,

upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?”

dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”

Mga Awit 143:10

Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban, dahil kayo ang aking Dios. Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu sa landas na walang kapahamakan.

1 Tesalonica 5:24

Tapat ang Dios na tumawag sa inyo, at gagawin niya itong mga sinasabi namin.

Mga Awit 18:1-2

Iniibig ko kayo Panginoon. Kayo ang aking kalakasan.

Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin.

Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman, at nagtago kayo sa maitim na ulap.

Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan, at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.

Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Dios na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit.

Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban at nataranta silang nagsitakas.

Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito, pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.

At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo at inahon mula sa malalim na tubig.

Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.

Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.

Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.

Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

Roma 5:3-5

At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.

Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios.

At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Galacia 5:22

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan,

Panalangin sa Diyos

Ama naming mabuti at tapat! Lumalapit ako sa'yo, kinikilala kong kailangan kita. Nang wala ka, wala akong dahilan para magpatuloy at manatigi. Panginoong Hesukristo, kailangan ko ang lakas mo para makabangon. Nauubos na ang aking sigla. Hinihiling ko na itayo mo ako at tulungan akong huwag mawalan ng pananampalataya, upang patuloy akong makausad. Sabi mo sa iyong salita, "Masasabi ng mahihina, 'Malakas ako sa Kanya.'" Panginoon, naubos na po ang aking lakas, pero isang bagay ang sigurado ako, sa'yo nagmumula ang aking katatagan. Ngayon, idinideklara ko ang sabi ng iyong salita, "Binibigyan niya ng lakas ang nanghihina, at ang walang kapangyarihan ay pinupuno niya ng kalakasan." Hinihiling ko na ako'y iyong panibaguhin, tulad ng mga agila, upang ako'y muling makalipad at maabot ang kaitaasan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.