Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Samuel 22:3 - Ang Salita ng Dios

3 Sa inyo ako tumatakbo at kumakanlong. Inililigtas nʼyo ako sa mararahas na tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 ang aking Diyos, ang aking malaking bato, na sa kanya'y nanganganlong ako, ang aking kalasag, at sungay ng aking kaligtasan, ang aking matayog na muog at aking kanlungan. Tagapagligtas ko, ikaw ang nagliligtas sa akin mula sa karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 22:3
52 Mga Krus na Reperensya  

Pagkatapos noon, nagsalita ang Panginoon kay Abram sa pamamagitan ng isang pangitain. Sinabi niya, “Abram, huwag kang matakot dahil ako ang magiging kalasag mo at gagantimpalaan kita.”


Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.


Buhay kayo, Panginoon! Karapat-dapat kayong purihin at dakilain, O Dios na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!


Inilalayo nʼyo ako sa mararahas kong kalaban, at pinagtagumpay nʼyo ako sa kanila.


Sa hinirang nʼyong hari ay nagbigay kayo ng maraming tagumpay. Ang inyong pagmamahal ay ipinadama nʼyo kay David at sa kanyang lahi magpakailanman.”


Sinabi sa akin ng Dios, na bato na kanlungan ng Israel, ‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Dios,


Sinisira ng masasamang tao ang mga plano ng mga dukha, ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila.


Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit.


Madali sanang mawala sa lupa ang mga taong nagpaparatang ng mali laban sa kanilang kapwa. Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila.


Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.


Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.


Siya ang aking Dios na mapagmahal at matibay na kanlungan. Siya ang kumakanlong sa akin kaya sa kanya ako humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.


Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.


Sa oras ng kagipitan ay itatago niya ako sa kanyang templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar.


Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.


Ngunit kayo ang aking kalasag. Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.


Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan.


Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.


Kasama natin ang Panginoong Makapangyarihan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan.


Kaya huwag tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan.


Kasama natin ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan.


Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.


Panginoon, lituhin nʼyo ang aking mga kaaway at guluhin nʼyo ang kanilang mga pag-uusap. Dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.


Ngunit ako ay aawit tungkol sa inyong kapangyarihan. Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa inyong pag-ibig. Sapagkat kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan.


dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.


Naging halimbawa ang buhay ko para sa marami, dahil kayo ang aking naging kalakasan at tagapag-ingat.


Ililigtas niya sila sa mga malulupit at mapang-api dahil para sa kanya, ang buhay nilaʼy mahalaga.


Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.


Pagpalain nʼyo O Dios, ang tagapagtanggol namin, ang hari na inyong pinili.


O Dios, sinasalakay ako ng grupo ng mayayabang na tao para patayin. Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.


Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.


Panginoon, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan.


Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya.


Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.


Ang bawat salita ng Dios ay tunay na mapagkakatiwalaan. Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.


Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”


Ang bawat isa sa kanilaʼy magiging kanlungan sa malakas na hangin at bagyo. Ang katulad nilaʼy ilog na dumadaloy sa disyerto, at lilim ng malaking bato sa mainit at tuyong lupain.


Isangguni ninyo sa isaʼt isa, at ihayag ang inyong usapin. Sino ang humula noon tungkol sa mga bagay na mangyayari? Hindi baʼt ako, ang Panginoon? Wala nang ibang Dios, ako lang, ang Dios na matuwid at Tagapagligtas.


Sinabi ko, “O Panginoon, kayo po ang kalakasan at tagapagkalinga ko sa panahon ng pagdadalamhati. Lalapit po sa inyo ang mga bansa mula sa buong mundo at sasabihin nila, ‘Walang kwenta ang mga dios-diosan ng aming mga ninuno. Wala silang nagawa na anumang kabutihan.


Sapagkat ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel ay nagsasabi, ‘Makikita mo sa kapanahunan mo na patitigilin ko ang kasiyahan at kagalakan sa lugar na ito, pati ang kaligayahan ng mga bagong kasal.’


at nagagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas!


Sinugo niya sa atin ang makapangyarihang Tagapagligtas mula sa angkan ng lingkod niyang si David.


Ipinangako niya na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway at sa lahat ng napopoot sa atin.


At pagkatapos ay magtatanong ang Panginoon sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga dios, ang batong kanlungan ninyo?


Siya ang Bato na kanlungan; matuwid ang lahat ng gawa niya at mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan. Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala; makatarungan siya at maaasahan.


Pinagpala kayo, mga mamamayan ng Israel! Wala kayong katulad – isang bansa na iniligtas ng Panginoon. Ang Panginoon ang mag-iingat at tutulong sa inyo, at siya ang makikipaglaban para sa inyo. Gagapang ang inyong mga kaaway papunta sa inyo, at tatapakan ninyo sila sa likod.”


Ngunit nang mahayag ang biyaya at pag-ibig ng Dios na ating Tagapagligtas,


Masaganang ibinigay sa atin ng Dios ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas,


Sinabi rin niya, “Magtitiwala ako sa Dios.” At idinagdag pa niya, “Narito ako, kasama ang mga anak ng Dios na kanyang ibinigay sa akin.”


At nanalangin si Hanna, “Nagagalak ako sa Panginoon! Dahil sa kanyang ginawa, hindi na ako mahihiya. Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway. Nagagalak ako sa pagliligtas niya sa akin.


Walang ibang banal maliban sa Panginoon. Wala siyang katulad. Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Dios.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas