Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Samuel 22:3 - Magandang Balita Biblia (2005)

3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 ang aking Diyos, ang aking malaking bato, na sa kanya'y nanganganlong ako, ang aking kalasag, at sungay ng aking kaligtasan, ang aking matayog na muog at aking kanlungan. Tagapagligtas ko, ikaw ang nagliligtas sa akin mula sa karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

3 Sa inyo ako tumatakbo at kumakanlong. Inililigtas nʼyo ako sa mararahas na tao.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 22:3
52 Mga Krus na Reperensya  

Pagkaraan ng lahat ng ito, si Abram ay nagkaroon ng isang pangitain. Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Abram, huwag kang matakot. Ako ang iyong kalasag na mag-iingat sa iyo. Bibigyan kita ng napakalaking gantimpala.”


Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag.


“Mabuhay si Yahweh! Purihin ang aking batong tanggulan. Dakilain ang aking Diyos! Ang bato ng aking kaligtasan.


Iniligtas ako sa aking kaaway, ako'y inilayo sa sumasalakay; sa taong marahas, ipinagsanggalang.


Pinagkaloobang magtagumpay lagi, ang abang lingkod mong piniling hari; di mo kailanman pababayaan ang iyong pinili, na si Haring David at ang kanyang mga susunod na lahi.”


Nagsalita ang Diyos ng Israel, ganito ang sinabi niya sa akin: ‘Ang haring namamahalang may katarungan at namumunong may pagkatakot sa Diyos,


Hadlangan man nila ang balak ng mga taong hamak, ngunit si Yahweh ang sa kanila'y mag-iingat.


Sa mga masama ako ay iligtas, iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas;


At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa; ang marahas nama'y bayaang mapuksa.


Sa mga masama ako ay iligtas; iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas, na ang nilalayon ako ay ibagsak.


Sa aking paligid, nang ako'y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman.


Matibay kong muog at Tagapagligtas, at aking tahanang hindi matitinag; Tagapagligtas kong pinapanaligan, nilulupig niya sakop kong mga bayan.


Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang.


Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.


Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.


Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.


Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)


Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.


Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)


Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay;


Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)


Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.


Sila ay wasakin, Yahweh, guluhin mo; pag-uusap nila'y bayaang malito, yamang karahasan ang nakikita ko, at sa lunsod nila ay nagkakagulo.


Ngunit aawit ako, pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas, sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas; pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito, at aking kanlungan kapag lugmok ako.


pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan, matibay na muog laban sa kaaway.


Sa marami ang buhay ko ay buhay na mahiwaga, malakas kang katulong ko na di nila maunawa;


Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.


Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.


Basbasan mo, aming Diyos, itong hari naming mahal, pagpalain mo po siya pagkat ikaw ang humirang.


Mayroong mga taong ayaw kang kilanlin, taong mararahas, na ang adhikain ay labanan ako't ang buhay ay kitlin.


Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.


Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.


Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. Siya'y aking Diyos na aking pupurihin, Diyos ng aking ama, aking dadakilain.


Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.


“Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya.


Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang aking tagapagligtas.


Sila'y magiging kanlungan sa malakas na hangin at pananggalang sa nagngangalit na bagyo; ang katulad nila'y batis sa tuyong lupain, parang malaking batong kublihan sa disyerto!


Ipagtanggol ninyo ang inyong panig. Magsanggunian kayo. Sino ang makakapagsabi ng mga bagay na magaganap? Hindi ba akong si Yahweh, ang Diyos na nagliligtas sa kanyang bayan? Walang ibang diyos maliban sa akin.


O Yahweh, ikaw ang aking lakas at tanggulan; ang aking takbuhan sa oras ng kagipitan. Sa iyo magsisilapit ang mga bansa mula sa kadulu-duluhan ng daigdig at kanilang sasabihin, “Ang mga diyos ng aming mga ninuno'y pawang bulaan at walang kabuluhan.


Ako si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel. Pakinggan mo ang aking sasabihin: Sasalantain ko ang lugar na ito. Hindi na maririnig pa ang mga himig ng kagalakan at katuwaan. Hindi na maririnig ang masasayang tinig ng mga ikakasal. Ang kaganapan ng mga bagay na ito'y masasaksihan ng mga narito.


at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,


Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa angkan ni David na kanyang lingkod.


na ililigtas niya tayo mula sa ating mga kaaway, mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.


Pagkatapos itatanong ng Diyos sa kanyang bayan, ‘Nasaan ngayon ang inyong mga diyos, tanggulang inyong pinagkatiwalaan?


“Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.


Bansang Israel, ikaw ay mapalad! Walang bansa na iyong katulad, pagkat si Yahweh ang sa iyo'y nagligtas. Siya ang kalasag ng iyong kaligtasan, at tabak ng iyong tagumpay. Magmamakaawa ang iyong mga kaaway, ngunit sila'y iyong tatapakan.


Ngunit nang mahayag sa atin ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas,


Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo,


Sinabi rin niya, “Ako'y mananalig sa Diyos.” At dugtong pa niya, “Narito ako, at ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos.”


Ganito ang naging panalangin ni Ana: “Pinupuri kita, Yahweh dahil sa iyong kaloob sa akin. Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan, sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan.


“Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas