Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




2 Samuel 22:4 - Magandang Balita Biblia (2005)

4 Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas. Purihin si Yahweh!

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

4 Ako'y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 Ako'y tatawag sa Panginoon na siyang karapat-dapat papurihan, at ako'y inililigtas sa aking mga kaaway.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Ako'y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas. Purihin si Yahweh!

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas. Purihin si Yahweh!

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

4 Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.

Tingnan ang kabanata Kopya




2 Samuel 22:4
20 Mga Krus na Reperensya  

Nang marinig ng mga kaaway ang awitan, ginulo sila ni Yahweh. Dahil dito, sila-sila ang nagkagulo.


Sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias ay nanawagan sa mga tao upang sumamba. Sabi nila: “Tumayo tayo at purihin ang Diyos nating si Yahweh. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Purihin ang kanyang dakilang pangalan, na higit na dakila sa lahat ng papuri!”


Sinong mangangahas upang magpahayag na siya'y dakila? Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa?


Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.


Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.


ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.


Sa ganoong kalagayan, si Yahweh ang tinawag ko, at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako.


Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa aking mga kaaway ako'y inililigtas. Karapat-dapat purihin si Yahweh!


Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa.


Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.


Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin.”


Kay Yahweh lang ako hihingi ng saklolo; aking natitiyak, ililigtas ako.


Kapag sumapit ang sandaling tumawag ako sa iyo, tiyak na malulupig ang lahat ng kalaban ko; pagkat aking nalalamang, “Ang Diyos ay nasa panig ko.”


At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya!


Si Yahweh ay tunay na dakila, marapat na papurihan higit sa sinumang diyos, siya'y dapat na igalang.


dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.”


“Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nilalang mo at pinapanatili.”


Umaawit sila nang malakas, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, parangal, papuri at paggalang!”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas