Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

122 Mga Talata sa Bibliya na Pagninilay-nilay

Kapag naiisip mo ang salita ng Diyos, doon mo mahahanap ang kailangan mong kapanatagan. Sa gitna ng mga araw-araw na pagtatalo sa isip mo, ang pinakamagandang paraan para mapagtagumpayan ang mga ito ay ang pagtutuon ng pansin sa mga banal na kasulatan.

Inaanyayahan kitang kumapit sa Biblia at gawin itong isa sa mga paborito mong libro. Doon mo matatagpuan ang gabay, karunungan, kaalaman, kalayaan, pagpapanumbalik, at marami pang iba.

Ngayon na ang araw para suriin kung ano ang pumupuno sa isip mo. Alisin ang mga bagay na hindi nakabubuti at hayaang punuin ka ng Diyos habang binubulay-bulay mo ang kanyang salita.


1 Juan 5:12

Ang sinumang nasa kanya ang Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang sinumang wala sa kanya ang Anak ng Dios ay walang buhay na walang hanggan.

Jeremias 1:5

“Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa.”

Deuteronomio 6:5

Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas.

Ezekiel 36:26

Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin.

Marcos 10:27

Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Imposible ito sa tao pero hindi sa Dios, dahil ang lahat ay posible sa Dios.”

Mga Awit 119:15-16

Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan.

Palapit na nang palapit ang masasamang umuusig sa akin, ang mga taong tumatanggi sa inyong kautusan.

Ngunit malapit kayo sa akin, Panginoon; at ang inyong mga utos ay maaasahan.

Sa pag-aaral ko ng inyong mga turo, naunawaan ko noon pa man na ang inyong mga katuruan ay magpapatuloy magpakailanman.

Masdan nʼyo ang dinaranas kong paghihirap at akoʼy inyong iligtas, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong kautusan.

Ipagtanggol nʼyo ako at iligtas, panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako.

Hindi maliligtas ang masasama, dahil hindi nila ipinamumuhay ang inyong mga tuntunin.

Napakamaawain nʼyo Panginoon; panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong paghatol.

Marami ang umuusig sa akin, ngunit hindi ako lumayo sa inyong mga turo.

Kinasusuklaman ko ang mga hindi tapat sa inyo, dahil hindi nila sinusunod ang inyong salita.

Tingnan nʼyo Panginoon kung paano ko sinusunod ang inyong mga tuntunin. Panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong tapat na pag-ibig.

Magagalak ako sa inyong mga tuntunin, at ang inyong mga salitaʼy hindi ko lilimutin.

Mga Awit 1:2-3

Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan.

Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa.

Josue 1:8

Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.

Mga Awit 19:14

Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas!

Mga Awit 104:34

Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay. Akoʼy magagalak sa Panginoon.

Jeremias 33:3

“Tumawag ka sa akin at sasagutin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga kahanga-hanga at mahihiwagang bagay na hindi mo pa alam.

Efeso 2:8

Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Dios, at hindi galing sa inyo.

Mga Awit 26:2

Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon. Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan,

1 Pedro 2:24

Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.

Mga Awit 119:48

Iginagalang ko ang inyong mga utos na aking minamahal, at pinagbubulay-bulayan ko ang inyong mga tuntunin.

Mateo 18:11

Sapagkat ako, na Anak ng Tao, ay naparito sa mundo upang iligtas ang mga nawawala.]

Filipos 4:8

Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.

Mga Awit 143:5

Naalala ko ang inyong mga ginawa noong una; pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng inyong ginawa.

2 Timoteo 2:7

Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at ipapaunawa sa iyo ng Dios ang lahat ng ito.

Mga Awit 145:5

Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa.

Mga Awit 111:2

Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon; iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa.

Mga Awit 119:11

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Mga Awit 119:15

Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan.

Mga Awit 119:55

Panginoon, sa gabi ay inaalala ko kayo at iniisip ko kung paano ko masusunod ang inyong kautusan.

Lucas 2:19

Pero iningatan ito ni Maria sa kanyang puso, at pinagbulay-bulayan ang lahat ng ito.

Mga Awit 77:12

Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa.

Mga Awit 16:8

Panginoon palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

Mga Kawikaan 4:20-22

Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo.

Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo.

Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at mahabang buhay sa sinumang makakasumpong nito.

Isaias 26:3

Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.

Mga Awit 63:6

Sa aking paghiga, kayo ang naaalala ko. Sa buong magdamag kayo ang iniisip ko.

Mga Awit 46:10

Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”

Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Mateo 6:33

Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Mga Awit 119:105

Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

Colosas 3:2

Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Mga Awit 37:4

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Mga Kawikaan 16:3

Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka.

Mga Awit 62:1-2

Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.

Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin.

Hindi lang isang beses kong narinig na sinabi ng Dios na nasa kanya ang kapangyarihan

at tapat ang kanyang pag-ibig. Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang mga ginawa.

Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.

Mga Awit 143:8

Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin ang inyong pag-ibig, dahil sa inyo ako nagtitiwala. Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan na dapat kong daanan, dahil sa inyo ako nananalangin.

Mga Awit 37:7

Pumanatag ka sa piling ng Panginoon, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila.

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.

Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Mga Hebreo 4:12

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Dios, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.

Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo,

upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?”

dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”

Galacia 5:22-23

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan,

kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

Mga Awit 119:28

Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako.

Isaias 55:8-9

Sinabi ng Panginoon, “Ang pag-iisip ko ay hindi katulad ng pag-iisip ninyo at ang pamamaraan ko ay hindi katulad ng pamamaraan ninyo.

Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo.

Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Mga Kawikaan 2:6

Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa.

Mga Awit 86:11

Panginoon, ituro nʼyo sa akin ang inyong pamamaraan, at susundin ko ito nang may katapatan. Bigyan nʼyo ako ng pusong may takot sa inyo.

1 Juan 1:9

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.

Mga Kawikaan 3:7

Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama.

Mga Awit 119:130

Ang pagpapahayag ng inyong mga salita ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga wala pang kaalaman.

Efeso 3:20

Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin.

Mga Awit 119:36

Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman.

Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Mga Kawikaan 14:29

Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan.

Mga Awit 118:24

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

1 Tesalonica 5:16-18

Lagi kayong magalak,

laging manalangin,

at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

Mga Awit 119:165

Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal.

Mga Awit 103:1-5

Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan.

Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang.

Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya.

Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan.

Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya.

Dahil alam niya ang ating kahinaan, alam niyang nilikha tayo mula sa lupa.

Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago.

At kapag umiihip ang hangin, itoʼy nawawala at hindi na nakikita.

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.

Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat.

Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong makapangyarihan niyang mga anghel na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa langit na naglilingkod sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa lahat ng dako na kanyang pinaghaharian. Purihin ang Panginoon!

Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman.

Inililigtas niya ako sa kapahamakan, at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.

Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay, kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.

Mga Hebreo 10:24-25

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan.

Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Isaias 26:12

Panginoon, ilagay nʼyo po kami sa mabuting kalagayan, sapagkat ang lahat ng aming nagagawa ay nagagawa namin sa tulong ninyo.

Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Mga Kawikaan 15:1

Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot.

Mga Awit 112:7

Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

Mateo 5:14-16

“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago.

Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay.

Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”

Roma 12:12

At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

Mga Awit 55:22

Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.

Isaias 30:15

Sinabi pa ng Panginoong Dios, ang Banal na Dios ng Israel, “Magbalik-loob kayo sa akin at pumanatag, dahil ililigtas ko kayo. Huwag kayong mabahala kundi magtiwala sa akin, dahil palalakasin ko kayo. Pero tumanggi kayo

1 Corinto 10:31

Ito ang maisasagot ko riyan: Anuman ang inyong gawin, kumain man o uminom, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios.

Mga Awit 118:6-7

Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?

Kasama ko ang Panginoon, siya ang tumutulong sa akin. Makikita ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway.

Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Mga Kawikaan 28:1

Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit ang matuwid ay matapang tulad ng leon.

Efeso 4:29

Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.

Mga Awit 30:5

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

2 Timoteo 1:7

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

1 Juan 4:18

Walang anumang takot sa pag-ibig. Pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, itoʼy dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig.

Mga Awit 8:3-4

Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

Mateo 7:7-8

“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo.

Sapagkat ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.

Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”

Mga Awit 34:18

Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Mga Awit 119:72

Para sa akin, ang kautusang ibinigay nʼyo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming kayamanan.

Filipos 4:19

At dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.

Colosas 3:12

Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.

Mga Awit 119:174

Panginoon, nananabik ako sa inyong pagliligtas. Ang kautusan nʼyo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan.

Roma 5:1-2

Kaya ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin sa ating Panginoong Jesu-Cristo, mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios.

Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo.

Hindi lang iyan, nagagalak tayo sa relasyon natin sa Dios ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik na ang magandang relasyon natin sa Dios dahil sa kanya.

Dumating ang kasalanan sa mundo dahil sa paglabag ni Adan sa utos ng Dios. At dahil sa kasalanan, dumating din ang kamatayan. Kaya lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao, dahil nagkasala ang lahat.

Nasa mundo na ang kasalanan bago pa man ibigay ng Dios ang Kautusan. Pero hindi pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan kung wala namang Kautusan.

Ganoon pa man, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga taong hindi naman nagkasala nang tulad ni Adan na lumabag sa utos ng Dios. Si Adan ay larawan ng Cristo na nooʼy inaasahang darating.

Pero magkaiba ang dalawang ito, dahil ang kaloob ng Dios ay hindi katulad sa kasalanan ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa maraming tao ang kasalanan ni Adan, pero mas nakakahigit ang biyaya at kaloob ng Dios na dumating sa maraming tao sa pamamagitan ng isang tao na walang iba kundi si Jesu-Cristo.

Ibang-iba ang idinulot ng kaloob ng Dios sa idinulot ng kasalanan ni Adan. Ang kasalanan ni Adan ay nagdulot ng kaparusahan, pero ang kaloob na ibinigay ng Dios sa kabila ng maraming kasalanan ay nagdulot ng kapatawaran.

Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan, pero dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Jesu-Cristo ang mga taong tumanggap ng masaganang biyaya at kaloob ng Dios ay itinuring niyang matuwid, at maghahari sila sa buhay na walang hanggan.

Kaya dahil sa kasalanan ng isang tao, ang lahat ay nahatulang maparusahan. Ganoon din naman, dahil sa matuwid na ginawa ng isang tao, ang lahat ay maituturing na matuwid at mabibigyan ng bagong buhay.

Kung sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging makasalanan, ganoon din naman, dahil sa pagsunod ng isang tao marami ang itinuring ng Dios na matuwid.

Sa pamamagitan ni Jesus at dahil sa ating pananampalataya, tinatamasa natin ngayon ang biyaya ng Dios at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asa na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios.

Mga Awit 19:1

Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay.

Mga Kawikaan 19:21

Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.

Mga Awit 133:1

Napakagandang tingnan ang mga mamamayan ng Dios na namumuhay nang may pagkakaisa.

Mga Hebreo 12:1

Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin.

Mga Awit 51:10

Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat.

Efeso 6:10-11

At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan.

Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo.

Mga Awit 147:3

Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.

Mateo 6:21

Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”

Mga Awit 56:3

Kapag akoʼy natatakot, magtitiwala ako sa inyo.

Mga Kawikaan 3:24

Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan.

1 Corinto 16:14

At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

Mga Awit 121:1-2

Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?

Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.

Colosas 3:16

Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.

Mga Awit 119:173

Palagi sana kayong maging handa na akoʼy tulungan, dahil pinili kong sundin ang inyong mga tuntunin.

Filipos 1:6

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.

Roma 6:13

Huwag na ninyong gamitin ang alin mang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasalanan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Dios bilang mga taong binigyan ng bagong buhay. Ilaan ninyo sa Dios ang inyong katawan sa paggawa ng kabutihan.

Mga Awit 119:50

Ang inyong mga pangako ang siyang nagpapalakas, at umaaliw sa akin sa kahirapang aking dinaranas.

Mga Awit 9:10

Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.

2 Corinto 4:16-18

Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu.

Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang at hindi naman gaanong mabigat. At dahil sa aming mga paghihirap, may inihahandang gantimpala ang Dios para sa amin na mananatili magpakailanman at hinding-hindi mapapantayan.

Kaya hindi namin pinapahalagahan ang mga bagay na nakikita sa mundong ito kundi ang mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, pero ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Mga Awit 127:1

Kung wala ang tulong ng Panginoon sa pagtayo ng bahay, walang kabuluhan ang pagtatayo nito. Kung wala ang pag-iingat ng Panginoon sa bayan, walang kabuluhan ang pagbabantay dito.

Mateo 11:29

Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo,

Mga Awit 133:3

Katulad din ito ng hamog sa Bundok ng Hermon na umaabot sa Bundok ng Zion. At dito sa Zion ay nangako ang Panginoon na magbibigay nang pagpapala, at itoʼy ang buhay na walang hanggan.

Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

Roma 8:31

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

2 Timoteo 3:16-17

Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay,

para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios.

Panalangin sa Diyos

Dakila at Makapangyarihang Diyos, Ikaw lamang ang karapat-dapat sa lahat ng papuri at karangalan! Nagpapasalamat ako sa iyong Salita at sa Espiritu Santo na siyang aking gabay at katulong. Mahal kong Diyos, alisin mo po sana ang lahat ng abala sa aking isipan, bigyan mo ako ng pusong nakakaunawa at espiritung handang matuto upang maging anak na tapat sa iyong mga salita at isabuhay ito saan man ako mapunta. Turuan mo akong basahin ang bawat talata nang may kahinahunan at pananabik upang malaman ko ang iyong mensahe para sa akin ngayon. Bigyan mo ako ng katatagan at pagmamahal sa iyong salita, sapagkat nasusulat, “Sa wakas, mga kapatid, ang lahat ng totoo, lahat ng marangal, lahat ng matuwid, lahat ng dalisay, lahat ng kaibig-ibig, lahat ng kapuri-puri, kung mayroong anumang kagalingan at kung mayroong anumang kapurihan, pag-isipan ninyo ang mga bagay na ito.” Espiritu Santo, turuan mo akong mamuhay ayon sa mga banal na kasulatan sapagkat ito ang nagpapakita sa akin ng daan at ng iyong mga pangako. Ipinapahayag ko na ang aking puso ay mapupuno ng pang-unawa at karunungan habang pinagninilayan ko ang iyong mga aral, sa pangalan ni Hesus, Amen.