Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

71 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Lakas sa Diyos

Sa Biblia, mababasa natin sa Roma 12:15: "Makipagkatuwa kayo sa mga nagkakatuwa, at makipag-iyák naman sa mga nag-iiyak." Ipinapaalala nito sa atin na nais ng Diyos na maging sensitibo tayo sa lungkot at paghihirap ng ating kapwa. Higit pa ito sa pakikiramay o pakikisimpatiya. Ito ay pakikidalamhati, pakikibahagi sa pasanin ng iba.

Kung anak ka ng Diyos, dapat ay mababakas sa iyo ang habag, kabutihan, kapakumbabaan, kahinahunan, at pagtitiyaga. Magpakita ka ng tunay na malasakit sa kapwa. Hindi puwedeng maging manhid, malamig, at walang pakialam lalo na’t tayo’y bahagi ng katawan ni Cristo. Dapat tayong makibahagi sa kalungkutan ng mga nagdadalamhati, umiyak kasama ng mga umiiyak, at magbigay ng pag-asa sa mga nawawalan na nito.

Kung may pagkakataon kang tumulong sa iyong kapwa ngayon, huwag kang mag-atubili. Tiyak na pagpapalain ka ng Ama sa langit dahil dito. Kung nagluluksa ang iyong kapatid, samahan mo siya kahit sa katahimikan lang. Huwag mo siyang pabayaan. Aliwin mo ang mga biyuda, mga ulila, mga may sakit, at ipanalangin mo sila sa Diyos na maawa at yakapin sila ng Kanyang walang hanggang pag-ibig.

Kailangan natin ang isa't isa, lalo na sa panahon ng pagsubok. Dito natin mas higit na kailangan ang pagkakaisa, pag-unawa, at ang tunay na pagmamahal na nagmumula sa puso ni Hesus.


Roma 12:15

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis.

Filipos 2:1-2

Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Cristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Banal na Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa?

upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya.

At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama.

Mga minamahal, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap nʼyo, at gawin nʼyo ito nang may takot at paggalang sa Dios.

Sapagkat ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod nʼyo ang kalooban niya.

Gawin nʼyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo,

para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila

habang pinaninindigan nʼyo ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. At kung gagawin nʼyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Cristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo.

Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo.

At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin.

Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko riyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, para masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo.

Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin.

2 Corinto 1:3-4

Purihin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siyaʼy maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob.

Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.

Mga Awit 18:32-34

Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.

Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa, upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.

Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana.

Lucas 8:21

Sumagot si Jesus, “Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Dios ang siya kong ina at mga kapatid.”

1 Juan 2:9

Ang sinumang nagsasabing siyaʼy nasa liwanag ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin.

1 Juan 3:15

Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay isang mamamatay-tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may buhay na walang hanggan.

Lucas 17:3

Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo.

Mateo 18:15

“Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik mo siya sa Dios.

1 Juan 3:16

Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: ibinigay ni Jesu-Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid.

Jeremias 31:13

Kung magkagayon, ang kanilang mga dalagaʼt binata pati ang matatanda ay sasayaw sa tuwa. Papalitan ko ng kagalakan ang pag-iiyakan nila. At sa halip na magdalamhati sila, bibigyan ko sila ng kaaliwan.

Mga Awit 28:7

Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

2 Tesalonica 2:16-17

Aliwin at palakasin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng Dios na ating Ama. Mahal tayo ng Dios at siya ang nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at kalakasan, at matibay na pag-asa dahil sa biyaya niya. At nawaʼy bigyan din niya kayo ng lakas ng loob na maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.

Roma 14:15

Kung nasasaktan ang iyong kapatid dahil sa kinakain mo, hindi na naaayon sa pag-ibig ang ginagawa mo. Huwag mong ipapahamak ang kapatid mo kay Cristo dahil lang sa pagkain, dahil namatay din si Cristo para sa kanya.

2 Tesalonica 3:15

Ngunit huwag nʼyo siyang ituring na kaaway, kundi paalalahanan siya bilang kapatid.

Mga Awit 29:11

Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.

Mga Awit 18:2

Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

Mga Awit 34:18

Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

Mga Hebreo 2:18

At dahil siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tinukso siya, matutulungan niya ang mga dumaranas ng tukso.

Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa kagipitan ay tumulong.

Mateo 5:4

Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Dios.

Filemon 1:20

Kaya kapatid, pagbigyan mo sana ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Paligayahin mo ang puso ko bilang kapatid kay Cristo.

Mga Awit 119:50

Ang inyong mga pangako ang siyang nagpapalakas, at umaaliw sa akin sa kahirapang aking dinaranas.

Mga Awit 9:9

Panginoon, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan.

Pahayag 21:4

Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”

Pahayag 22:4-5

Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan.

Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Dios ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.

Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Mga Awit 31:24

Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon.

Roma 8:18

Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa napakagandang kalagayan na mapapasaatin balang araw.

Mga Awit 147:3

Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

Mga Awit 46:1-3

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”

Kasama natin ang Panginoong Makapangyarihan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan.

Kaya huwag tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan.

Humampas man at umugong ang mga alon na naglalakihan, at mayanig ang kabundukan.

Filemon 1:7

Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya na nagpasigla sa kanila.

1 Juan 4:20

Ang nagsasabing mahal niya ang Dios ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Dahil kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya mahal, paano pa kaya niya magagawang mahalin ang Dios na hindi naman niya nakikita?

Santiago 4:11

Mga kapatid, huwag ninyong siraan ang isaʼt isa. Ang naninira o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. At kung ikaw ang humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad nito kundi isa nang hukom.

2 Corinto 13:11

Hanggang dito na lamang, mga kapatid, at paalam na sa inyo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at sundin ninyo ang mga payo ko. Magkaisa kayo at mamuhay nang payapa. Nang sa ganoon, ang Dios na pinanggagalingan ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.

Mga Awit 73:26

Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

Isaias 40:29-31

Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod.

May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios.

Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal,

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Mga Kawikaan 18:19

Mas madali pang sakupin ang isang napapaderang bayan kaysa sa makipagbati sa kapatid na nasaktan. Kung paanong mahirap wasakin ang mga kandado ng tarangkahan ng palasyo, mahirap din pigilin ang alitan ng dalawang tao.

Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Isaias 12:2

Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”

Filipos 4:13

Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.

Mga Awit 121:1-2

Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?

Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.

Mga Awit 46:5

Ang Dios ay nakatira sa lungsod na ito kaya hindi ito magigiba. Itoʼy kanyang ipagtatanggol sa kinaumagahan.

Mga Awit 62:5-6

Sa Dios ko lang matatamo ang kapahingahan dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.

Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan kaya ligtas ako sa kapahamakan.

Roma 8:31

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

Efeso 6:10

At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan.

1 Mga Cronica 16:11

Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.

Mga Awit 94:17-19

Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon, maaaring patay na ako ngayon.

Nang sabihin kong parang mamamatay na ako, ang inyong pag-ibig at awa Panginoon ang tumulong sa akin.

Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.

Mga Awit 119:28

Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako.

Mga Hebreo 11:34

hindi sila napaso sa nagliliyab na apoy, at nakaligtas sila sa kamatayan sa pamamagitan ng espada. Ang iba sa kanilaʼy mahihina, pero pinalakas sila ng Dios. At naging makapangyarihan sila sa digmaan at nilupig ang mga dayuhang hukbo.

2 Timoteo 1:7

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Exodus 15:2

Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya.

Deuteronomio 31:6

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.”

Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo,

upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?”

dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”

Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Mga Awit 138:3

Nang tumawag ako sa inyo sinagot nʼyo ako. Pinalakas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

1 Pedro 5:10

Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Dios para maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi rin sa walang hanggang kaluwalhatian niya sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Cristo.

Mga Awit 91:1-2

Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.

walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan.

Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta.

Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato.

Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas.

Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin.

Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.

Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.”

Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.”

Mga Awit 27:1

Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.

Efeso 3:16

Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espiritwal nʼyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu

Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.

Mga Awit 18:1-2

Iniibig ko kayo Panginoon. Kayo ang aking kalakasan.

Kayoʼy sumakay sa isang kerubin, at mabilis na lumipad na dala ng hangin.

Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman, at nagtago kayo sa maitim na ulap.

Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan, at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.

Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Dios na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit.

Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban at nataranta silang nagsitakas.

Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito, pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.

At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo at inahon mula sa malalim na tubig.

Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.

Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan. Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.

Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.

Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

1 Corinto 16:13

Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.

Mga Awit 84:5-7

Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo at nananabik na makapunta sa inyong templo.

Habang binabaybay nila ang tuyong lambak ng Baca, iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan.

Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Dios doon sa Zion.

Filipos 1:6

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.

2 Mga Cronica 20:15

Sinabi ni Jahaziel, “Makinig po kayo, Haring Jehoshafat, at lahat kayong nakatira sa Juda at Jerusalem! Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa napakaraming sundalong ito, dahil ang pakikipaglaban ay hindi sa inyo kundi sa Dios.

1 Juan 4:4

Ngunit mga anak ko, kayoʼy sa Dios at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad at sinungaling na propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay higit na makapangyarihan kaysa kay Satanas, na siyang naghahari ngayon sa mga makamundo.

Panalangin sa Diyos

Ama ng kaluwalhatian, kay ganda Mo po. Taos-puso po akong nagpapasalamat na ako'y Iyong natagpuan at pinalaya mula sa aking mga kasalanan. Itinataas ko po ang aking mga kamay at nananalangin, hinihiling ko po na palakasin Ninyo ang aking mga kapatid. Sa anumang pagsubok na kanilang dinaranas, nawa'y ang Iyong Espiritu Santo ang siyang umaliw sa kanila at makasumpong sila ng kanlungan sa Iyong kapayapaan. Dalangin ko po na sa oras ng kanilang pangangailangan, Ikaw ang maging balsamo at ginhawa sa kanilang mga sugat. Nawa'y magkaisa po kaming lahat bilang magkakapatid at sama-samang malampasan ang anumang pagsubok. Huwag po sana kaming maging manhid o walang pakialam sa pinagdaraanan ng iba. Bagkus, tulad ng sinasabi sa Iyong salita, "Makipagkatuwa sa mga nagagalak, at makipagluksa sa mga nagluluksa." Panginoon Hesus, nawa'y maging maunawain kami at patuloy na magpalakas-loob sa isa't isa nang may pagmamahal. Sa ngalan ni Hesus, Amen.