Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 9:9 - Ang Salita ng Dios

9 Panginoon, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 Ang muog para sa naaapi ay ang Panginoon, isang muog sa magugulong panahon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 9:9
26 Mga Krus na Reperensya  

At ang mga puno sa gubat ay aawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo.


Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway, dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.


Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.


Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.


Sa oras ng kaguluhan, pakinggan sana ng Panginoon ang iyong mga daing. At sanaʼy ingatan ka ng Dios ni Jacob.


Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan.


Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon. Siya ang nag-iingat sa kanila sa panahon ng kaguluhan.


Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.


Kasama natin ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan.


Ang Dios ay nasa mga muog ng Jerusalem, at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem.


Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”


Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.


O Dios, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.


Pigilan nʼyo ang kasamaang ginagawa ng mga tao, at pagpalain nʼyo ang mga matuwid, dahil kayo ay Dios na matuwid, at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan.


Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!” Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag. Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan.


Natutuwa sila sa presensya ng Panginoon dahil darating siya upang hatulan ang lahat ng tao sa buong mundo. Hahatulan niya sila nang matuwid at walang kinikilingan.


Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.


Ang bawat isa sa kanilaʼy magiging kanlungan sa malakas na hangin at bagyo. Ang katulad nilaʼy ilog na dumadaloy sa disyerto, at lilim ng malaking bato sa mainit at tuyong lupain.


Ako ang magiging kanlungan ninyo. Pero sa mga taga-Israel at taga-Juda, katulad ako ng isang batong naging katitisuran sa mga tao, at nakakapagpadapa sa kanila. At para sa mga taga-Jerusalem, para akong isang bitag.


Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.


“Kayong mga taga-Jerusalem, binabato ninyo at pinapatay ang mga propeta na isinugo ng Dios sa inyo. Maraming beses ko na kayong gustong tipunin at alagaan gaya ng isang inahing manok na nagtitipon ng kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, pero ayaw ninyo.


Ang walang hanggang Dios ang inyong kanlungan; palalakasin niya kayo sa pamamagitan ng walang hanggan niyang kapangyarihan. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway sa inyong harapan, at iuutos niya sa inyo ang pagpapabagsak sa kanila.


At ang dalawang bagay na ito –  ang pangako niya at panunumpa  – ay hindi mababago, dahil hindi magagawang magsinungaling ng Dios. Kaya tayong mga nagpakalinga sa kanya ay may matibay na pag-asang pinanghahawakan na gagawin niya ang ipinangako niya sa atin.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas