Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

99 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Proteksyon ng Diyos sa Trabaho


Mga Awit 91:1-2

Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.

walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan.

Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta.

Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato.

Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas.

Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin.

Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.

Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.”

Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.”

Mga Awit 121:7-8

Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.

Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.

Mga Kawikaan 16:3

Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka.

Mga Awit 23:1-3

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman.

Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay.

Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan.

2 Tesalonica 3:3

Pero tapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa diyablo.

Mga Kawikaan 19:21

Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.

Mga Awit 18:2

Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

1 Corinto 15:58

Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Magpakasipag kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, dahil alam ninyo na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa kanya.

Mga Awit 118:6

Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?

Isaias 32:17

At ang bunga ng katuwiran ay ang mabuting kalagayan, kapayapaan, at kapanatagan magpakailanman.

Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Mga Awit 37:3

Magtiwala ka sa Panginoon at gumawa ng mabuti. Sa gayon ay mananahan ka nang ligtas sa lupaing ito.

1 Juan 4:4

Ngunit mga anak ko, kayoʼy sa Dios at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad at sinungaling na propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay higit na makapangyarihan kaysa kay Satanas, na siyang naghahari ngayon sa mga makamundo.

Mga Awit 18:32

Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.

Mga Awit 63:8

Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako ng inyong kanang kamay upang hindi ako mapahamak.

Mateo 11:28

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Mga Awit 121:5

Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo; siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.

Nehemias 4:14

Habang pinag-iisipan ko ang kalagayan namin, ipinatawag ko ang mga pinuno, mga opisyal at ang mga mamamayan, at sinabi ko sa kanila, “Huwag kayong matakot sa mga kalaban. Alalahanin natin ang makapangyarihan at kamangha-manghang Panginoon. Makipaglaban tayo para mailigtas natin ang ating mga kamag-anak, mga anak, mga asawa, pati ang ating mga bahay.”

1 Pedro 3:12

Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang mga panalangin nila, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.”

Mga Awit 91:15

Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.

Isaias 26:3

Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.

Mga Awit 62:8

Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.

Mga Kawikaan 4:23

Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.

Jeremias 29:11

Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan nʼyo at hindi sa kasamaan nʼyo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan.

Mga Awit 37:5

Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.

2 Mga Cronica 20:15

Sinabi ni Jahaziel, “Makinig po kayo, Haring Jehoshafat, at lahat kayong nakatira sa Juda at Jerusalem! Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa napakaraming sundalong ito, dahil ang pakikipaglaban ay hindi sa inyo kundi sa Dios.

Isaias 50:7

Pero hindi ako nakadama ng hiya, dahil tinulungan ako ng Panginoong Dios. Kaya nagmatigas ako na parang batong buhay dahil alam kong hindi ako mapapahiya.

Efeso 3:20

Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin.

Isaias 41:13

Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.

Mga Awit 37:39

Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon. Siya ang nag-iingat sa kanila sa panahon ng kaguluhan.

Juan 10:28

Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila sa aking kamay.

Mga Awit 144:2

Siya ang aking Dios na mapagmahal at matibay na kanlungan. Siya ang kumakanlong sa akin kaya sa kanya ako humihingi ng kalinga. Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.

2 Samuel 22:31

Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.

Mateo 6:34

Kaya huwag na kayong mag-alala tungkol sa kinabukasan, dahil ang bukas ay may sarili nang alalahanin. Sapat na ang mga alalahaning dumarating sa bawat araw.”

Mga Awit 94:19

Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.

1 Corinto 16:13

Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.

Mga Kawikaan 3:24

Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan.

Mga Awit 61:3

dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.

Isaias 33:6

Siya ang magpapatatag sa inyo. Iingatan niya kayo at bibigyan ng karunungan at kaalaman. At ang mahalagang kayamanan ninyo ay ang pagkatakot sa Panginoon.

Efeso 6:13

Kaya gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios, para sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag.

Mga Awit 33:20

Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon. Siya ang tumutulong at sa atin ay nagtatanggol.

Deuteronomio 1:30

Ang Panginoon na inyong Dios ang mangunguna at makikipaglaban para sa inyo, kagaya ng nakita ninyong ginawa niya sa Egipto

Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin.

Mga Awit 5:12

Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.

Juan 16:33

Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”

Mga Kawikaan 14:26

Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.

Mga Awit 118:8

Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa tao.

Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

2 Tesalonica 3:16

Nawaʼy ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon.

Mga Awit 91:14

Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin.

Filipos 4:13

Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.

Mga Awit 55:22

Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.

Efeso 6:10-11

At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan.

Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo.

Mga Awit 91:11-12

Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta.

Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato.

Roma 8:31

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Mga Awit 27:1

Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.

Colosas 3:23

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao.

Mga Awit 112:7

Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

Deuteronomio 28:6

Pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo.

Mga Kawikaan 18:10

Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.

1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Mga Awit 37:23-24

Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.

Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal, dahil hinahawakan siya ng Panginoon.

Deuteronomio 31:6

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.”

Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Mga Awit 34:7

Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios, at ipinagtatanggol niya sila.

Exodus 14:14

Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa.”

Josue 1:9

Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon.”

Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

2 Timoteo 1:7

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Isaias 54:17

Walang anumang sandatang ginawa na magtatagumpay laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang laban sa iyo. Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod. Bibigyan ko sila ng tagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

1 Corinto 10:31

Ito ang maisasagot ko riyan: Anuman ang inyong gawin, kumain man o uminom, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios.

Mga Awit 91:4

Iingatan ka niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng kanyang katapatan.

Mga Hebreo 13:5-6

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.”

Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?”

Isaias 12:2

Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”

Mga Awit 56:3

Kapag akoʼy natatakot, magtitiwala ako sa inyo.

Juan 14:27

“Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.

2 Corinto 12:9

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo.

Mga Kawikaan 12:21

Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit sa masama, pawang kaguluhan ang mararanasan.

Jeremias 17:7-8

Pero mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa akin.

Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang mga ugat ay umaabot sa tubig. Ang punongkahoy na itoʼy hindi manganganib, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga.

Mga Hebreo 4:16

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Mga Awit 121:3

Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal. Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.

Deuteronomio 20:4

Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ang sasama sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!’

2 Mga Cronica 16:9

Sapagkat nakatingin ang Panginoon sa buong mundo para palakasin ang mga taong matapat sa kanya. Kamangmangan ang iyong ginawa! Kaya mula ngayon makikipaglaban ka na.”

Mga Awit 91:5-6

Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na nakakatakot, o sa palaso ng mga kaaway, o sa sakit at mga salot na sumasapit sa gabi man o sa araw.

1 Tesalonica 5:24

Tapat ang Dios na tumawag sa inyo, at gagawin niya itong mga sinasabi namin.

Mga Kawikaan 16:9

Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.

Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.

Mga Awit 3:3

Ngunit kayo ang aking kalasag. Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.

Mateo 6:33

Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Mga Kawikaan 10:22

Ang pagpapala ng Panginoon ay nagpapayaman at hindi niya ito dinadagdagan ng anumang kalungkutan.

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.

Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Mga Awit 121:1-2

Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?

Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.

Exodus 23:20

“Ngayon, isinugo ko ang anghel para bantayan at gabayan kayo sa lugar na inihanda ko para sa inyo.

Mga Awit 138:7

Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan, ang buhay koʼy inyong iniingatan. Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway. Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Isaias 30:15

Sinabi pa ng Panginoong Dios, ang Banal na Dios ng Israel, “Magbalik-loob kayo sa akin at pumanatag, dahil ililigtas ko kayo. Huwag kayong mabahala kundi magtiwala sa akin, dahil palalakasin ko kayo. Pero tumanggi kayo