Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


107 Mga talata sa Bibliya tungkol sa La Plata

107 Mga talata sa Bibliya tungkol sa La Plata

Minsan, napapagod din tayo sa mga problema natin, lalo na sa pera, kasi karamihan sa atin, kailangan talaga natin ng sapat na pera para sa pang-araw-araw. Pero, bilang mga anak ng Diyos, dapat nating ilapit ang mga problema natin, pati na 'yung sa pera, sa Banal na Kasulatan, kasi doon lang natin makikita ang sagot na kailangan natin mula sa Panginoon. Manalangin tayo na ang salita ng Diyos ay maging liwanag sa ating landas at tanglaw sa ating mga paa. “Ang Diyos ang ating kanlungan at kalakasan, handang saklolo sa oras ng kagipitan. Kaya't hindi tayo matatakot kahit magunaw ang mundo, kahit gumuho ang mga bundok sa kailaliman ng dagat.” (Awit 46:1-2)




1 Mga Cronica 22:16

ginto, pilak, tanso at bakal. Ngayon, simulan mo na ang pagpapagawa, at gabayan ka sana ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:33

Hindi ko hinangad ang inyong mga kayamanan at mga damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 28:4

Sa pamamagitan ng iyong karunungan at pang-unawa ay yumaman ka, at nakapag-imbak ng mga ginto at pilak sa iyong taguan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:19

Ang maibibigay ko ay higit pa sa purong ginto at pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:9

Huwag kayong magbaon ng pera,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 13:2

Napakayaman na ni Abram, marami na siyang hayop, pilak at ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:9

Nagpagawa po sila sa mga panday at mga platero ng mga dios-diosan na binalutan ng pilak mula sa Tarshish at ginto mula sa Ufaz. Pagkatapos, binihisan po nila ang mga ito ng damit na asul at kulay ube na tinahi ng bihasang mananahi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 20:16

Sinabi rin niya kay Sara, “Bibigyan ko ang kapatid mo ng 1,000 pirasong pilak bilang katibayan sa lahat ng kasamahan ninyo na hindi kita nagalaw at para hindi sila mag-isip na nakagawa ka ng masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:11

Kapag ang salitang binigkas ay angkop sa pagkakataon, itoʼy parang gintong mansanas na nakalagay sa isang lalagyang pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:16

Higit na mabuti ang magkaroon ng karunungan at pang-unawa, kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 7:19

Itatapon nila sa mga lansangan ang mga pilak at ginto nila na parang maruruming bagay. Hindi sila maililigtas ng mga ito sa araw na ipadama ko ang aking poot. Hindi rin nila ito makakain para mabusog sila dahil ito ang dahilan kung bakit sila nagkasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 13:9

At ang ikatlong bahaging matitira ay lilinisin ko tulad ng pilak na pinadadalisay sa apoy. Susubukin ko sila tulad ng gintong sinusubok sa apoy kung tunay o hindi. Tatawag sila sa akin at diringgin ko sila. Sasabihin ko, ‘Sila ang aking mga mamamayan.’ At sasabihin din nila, ‘Ang Panginoon ang aming Dios.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 23:15-16

“Ginoo, ang lupa ay nagkakahalaga ng 400 pirasong pilak. Pero ano naman iyon sa ating dalawa. Sige, ilibing mo na ang asawa mo.” Pumayag si Abraham sa halagang sinabi ni Efron. Kaya nagkilo siya ng 400 pirasong pilak ayon sa bigat na pinagbabasihan noon ng mga mangangalakal. At ibinayad niya ito kay Efron sa harap ng mga Heteo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:35

Pinagpala ng Panginoon ang aking amo at napakayaman na niya ngayon. Binigyan siya ng Panginoon ng maraming tupa, kambing, baka, kamelyo, asno, pilak, ginto at mga aliping lalaki at babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 37:28

Kaya pagdaan ng mga mangangalakal na Ishmaelita, iniahon nila si Jose mula sa balon at ipinagbili nila sa halagang 20 pilak. At dinala si Jose ng mga Ishmaelita sa Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 42:25

Pagkatapos, iniutos ni Jose na punuin ng pagkain ang mga sako ng kanyang mga kapatid at ibalik sa mga sako nila ang kani-kanilang bayad, at pabaunan sila ng kanilang mga pangangailangan sa kanilang paglalakbay. Nasunod lahat ang iniutos ni Jose.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 44:8

Alam nʼyo rin na mula sa Canaan ay dinala namin pabalik sa inyo ang perang nakita namin sa aming mga sako. Kaya bakit magnanakaw pa kami ng pilak o ginto sa bahay ng amo ninyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 3:22

Ang mga Israelitang babae ay manghihingi ng mga alahas na pilak at ginto at mga damit sa mga kapitbahay nila na Egipcio at sa mga babaeng bisita nito. At ipapasuot ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga anak. Sa pamamagitan nito, masasamsam ninyo ang mga ari-arian ng mga Egipcio.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 11:2

Sabihin mo sa mga Israelita, lalaki man o babae, na humingi sila ng mga alahas na pilak at ginto sa mga kapitbahay nila na Egipcio.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 12:35-36

Sinunod ng mga Israelita ang sinabi sa kanila ni Moises na humingi sa mga Egipcio ng mga alahas na pilak at ginto, at mga damit. Niloob ng Panginoon na maging mabuti ang mga Egipcio sa mga Israelita, kaya ibinigay ng mga Egipcio ang mga hinihingi nila. Sa ganitong paraan, nasamsam nila ang mga ari-arian ng mga Egipcio.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:23

Kaya huwag kayong gagawa ng mga dios-diosang pilak o ginto para sambahing kasama nang pagsamba sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 21:32

Kung nakasuwag ang toro ng alipin, lalaki man o babae, kailangang magbayad ang may-ari nito ng 30 pirasong pilak sa amo ng alipin, at kailangang batuhin ang toro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:17

Kung hindi pumayag ang ama ng dalaga na ibigay ang kanyang anak na maging asawa ng nasabing lalaki, magbabayad pa rin ang lalaki ng dote.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 25:3

Ito ang mga handog na tatanggapin mo mula sa kanila: ginto, pilak, tanso,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 26:19

Ang mga tablang ito ay isinuksok sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 30:16

Gamitin mo ang pera para sa mga pangangailangan sa Toldang Tipanan. Bayad ito ng mga Israelita para sa kanilang buhay, at sa pamamagitan nitoʼy aalalahanin ko sila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 35:5

Maghandog kayo sa Panginoon mula sa mga ari-arian ninyo. Maghandog nang maluwag sa inyong puso ng mga ginto, pilak, tanso,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 36:24

Ang mga tabla ay isinuksok nila sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 5:15

Kapag ang taoʼy lumabag sa utos ng Panginoon dahil sa hindi niya ibinigay ang anumang nauukol para sa Panginoon, kahit hindi niya sinasadya, kailangang maghandog siya ng lalaking tupa na walang kapintasan bilang kabayaran sa kanyang kasalanan. Maaari rin niyang bayaran ng pilak na katumbas ng halaga ng lalaking tupa ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Itoʼy handog na pambayad ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 22:11

Pero maaaring kumain ang inyong aliping binili, o ipinanganak sa tahanan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 27:3

kung babayaran niya ng pilak, ang kanyang halaga ay kinakailangang ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari: Sa edad na isang buwan hanggang apat na taon lalaki: limang pirasong pilak babae: tatlong pirasong pilak Sa edad na lima hanggang 19 na taon lalaki: 20 pirasong pilak babae: sampung pirasong pilak Sa edad na 20 hanggang 59 na taon lalaki: 50 pirasong pilak babae: 30 pirasong pilak Sa edad na 60 taon pataas lalaki: 15 pirasong pilak babae: sampung pirasong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 27:16

Kung ang inihandog naman sa Panginoon ay bahagi ng lupaing minana sa kanyang mga magulang, itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng binhing maaaring ihasik sa lupaing iyon: Sa bawat kalahating sako ng binhing maihahasik, ang halaga ng lupa ay 20 pirasong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 27:25

Ang lahat ng halaga ng mga ito na inihandog sa Panginoon ay kinakailangang ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 3:50

Ang kanyang nakolekta ay 1,365 pirasong pilak, ayon sa timbang ng pilak sa timbangan na ginagamit ng mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 18:16

Tubusin ninyo ito kung isang buwan na ang edad at kailangang tubusin ninyo ito sa halagang limang pirasong pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 31:22

Ang anumang bagay na hindi nasusunog gaya ng ginto, pilak, tanso, bakal, lata o tingga ay kailangang ilagay sa apoy para maging malinis ito. Pagkatapos, hugasan ito ng tubig na ginagamit sa paglilinis. Ang kahit anong hindi nasusunog ay hugasan lang sa tubig na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:25

Sunugin ninyo ang mga imahen na dios-diosan nila, at huwag ninyong hahangarin ang mga ginto at pilak nito. Huwag na huwag ninyo itong kukunin dahil magiging bitag ito sa inyo, at kasuklam-suklam ito sa Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:13

at dumami na ang inyong mga hayop, pilak, ginto at mga ari-arian,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:18

Pero alalahanin ninyo na ang Panginoon na inyong Dios ang siyang nagbigay sa inyo ng kakayahang maging mayaman, at ginawa niya ito para matupad niya ang kasunduan niya sa inyong mga ninuno, katulad ng ginawa niya ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 17:17

Hindi siya dapat magkaroon ng maraming asawa dahil baka tumalikod siya sa Panginoon. At hindi dapat siya nagmamay-ari ng maraming pilak at ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:19

Pagmumultahin siya ng 100 pirasong pilak at ibibigay ito sa ama ng babae, dahil ipinahiya niya ang isang birheng Israelita. At dapat ay huwag niyang hihiwalayan ang babae habang nabubuhay siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 23:19-20

“Kung magpapautang kayo sa kapwa ninyo Israelita, huwag ninyo itong tutubuan, pera man ito o pagkain o anumang bagay na maaaring patubuan. “Ang anak sa labas ay hindi makakasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon pati na ang kanyang angkan hanggang sa ikasampung salinlahi. Maaari kayong magpautang nang may patubo sa mga dayuhan, pero hindi sa mga kapwa ninyo Israelita. Gawin ninyo ito para pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng ginagawa ninyo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 25:13-15

“Huwag kayong mandaraya sa inyong pagtimbang at pagtakal. Gumamit kayo ng tamang timbangan at takalan, para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 6:19

Ang lahat ng bagay na gawa sa pilak, ginto, tanso, o kayaʼy bakal ay ihihiwalay para sa Panginoon, at dapat itong ilagay sa taguan ng kayamanan ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 7:21

Sa mga bagay na nasamsam natin, may nakita akong isang magandang damit na mula sa Babilonia, pilak na mga dalawang kiloʼt kalahati at isang baretang ginto na may bigat na kalahating kilo. Naakit ako sa mga ito, kaya kinuha ko. Ibinaon ko ito sa lupa sa loob ng tolda ko. Ang pilak ang nasa pinakailalim.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 17:2-4

Isang araw, sinabi ni Micas sa kanyang ina, “Narinig ko pong isinumpa nʼyo ang kumuha ng inyong 1,100 pirasong pilak. Narito ang pilak, ako po ang kumuha.” Pagkatanggap nito ng kanyang ina, sinabi nito, “Anak, pagpalain ka sana ng Panginoon. Ihahandog ko itong pilak sa Panginoon para hindi dumating sa iyo ang sumpa. Gagamitin ko ito na pangtapal sa kahoy na imahen na ipapagawa ko. Ihahandog ko nga ito sa Panginoon para maligtas ka sa sumpa.” Pagkatapos, kumuha ang kanyang ina ng 200 pilak at ibinigay sa platero. Ginamit ito ng platero na pangtapal sa kahoy na imahen. Nang natapos na, inilagay ang dios-diosan sa bahay ni Micas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:36

Lahat ng matitira sa mga angkan mo ay mamamalimos ng pera o pagkain sa mga angkan ng paring ito. Magmamakaawa sila na gawing alipin man lang ng mga pari para makakain lang sila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 9:8

Sumagot ang utusan, “Mayroon pa po akong isang pirasong pilak. Ibibigay ko po ito sa lingkod ng Dios para sabihin niya sa atin kung saan natin makikita ang mga asno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 8:10-11

Kaya pinapunta niya ang anak niyang si Joram kay Haring David para kamustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. (Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer.) Nagdala si Joram ng mga regalong gawa sa pilak, ginto at tanso. Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na nasamsam niya mula lahat ng bansang tinalo niya –

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 7:51

Nang matapos na ni Solomon ang lahat ng gawain para sa templo ng Panginoon, dinala niya sa bodega ng templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 10:21

Ang lahat ng kopang inuman ni Haring Solomon ay purong ginto at ang lahat ng gamit sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon ay purong ginto rin. Hindi ginawa ang mga ito sa pilak dahil maliit lang ang halaga nito nang panahon ni Solomon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 15:18

Pinagkukuha ni Asa ang lahat ng pilak at ginto na naiwan sa mga bodega ng templo ng Panginoon at sa kanyang palasyo. Ipinagkatiwala niya ito sa kanyang mga opisyal at inutusan niya sila na dalhin ito kay Haring Ben Hadad ng Aram doon sa Damascus kung saan ito nakatira. Si Ben Hadad ay anak ni Tabrimon at apo ni Hezion.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 5:5

Sinabi ng hari ng Aram, “Lumakad ka, dalhin mo ang sulat ko sa hari ng Israel.” Kaya umalis si Naaman na may dalang regalo na 350 kilong pilak, 70 kilong ginto at sampung pirasong damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 12:13-15

Hindi ginamit ang perang dinala sa templo sa paggawa ng mga pilak na planggana, mga panggupit ng mitsa ng mga ilaw, mga mangkok, mga trumpeta o kahit anong gamit na ginto o pilak para sa templo ng Panginoon. Ibinayad ang pera sa mga manggagawa ng templo at sa mga materyales. Hindi na sila hinihingan ng listahan kung paano ginastos ang pera, dahil tapat at mapagkakatiwalaan sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 15:19-20

Nang pumunta si Haring Tiglat Pileser ng Asiria sa Israel para lusubin ito, binigyan siya ni Menahem ng 35 toneladang pilak para tulungan siya nito na mapatibay pa ng husto ang paghahari niya. Si Azaria ay 16 na taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 52 taon. Ang ina niya ay si Jecolia na taga-Jerusalem. Kinuha ni Menahem ang mga pilak sa mga mayayaman ng Israel sa pamamagitan ng pagpilit sa bawat isa sa kanila na magbigay ng tig-50 pirasong pilak. Kaya huminto sa paglusob ang hari ng Asiria at umuwi sa bansa niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 22:4

“Pumunta ka sa punong pari na si Hilkia at ipaipon mo sa kanya ang perang dinala ng mga tao sa templo ng Panginoon, na kinolekta ng mga paring nagbabantay sa pintuan ng templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 18:10-11

pinapunta niya ang anak niyang si Hadoram kay Haring David para kamustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. (Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer.) Nagdala si Hadoram ng mga regalong gawa sa ginto, pilak, at tanso. Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na naagaw niya mula sa mga sumusunod na bansa – ang Edom, Moab, Ammon, Filistia at Amalek.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:2-7

Ginawa ko ang lahat para maihanda ang mga materyales para sa templo ng aking Dios – maraming ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, mamahaling bato na onix, at iba pang mamahaling hiyas at mga batong may ibaʼt ibang kulay, at marami ring marmol. Pagkatapos, sinabi ni David sa lahat ng tao, “Purihin nʼyo ang Panginoon na inyong Dios.” Kaya pinuri nila ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno. Yumukod sila at nagpatirapa bilang pagpaparangal sa Panginoon at sa kanilang hari. Nang sumunod na araw, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog: 1,000 toro, 1,000 lalaking tupa at 1,000 batang tupa. Nag-alay din sila ng mga handog na inumin at iba pang mga handog para sa mga Israelita. Masaya silang nagkainan at nag-inuman sa presensya ng Panginoon nang araw na iyon. Muli, idineklara nilang hari si Solomon na anak ni David. Pinahiran si Solomon ng langis sa presensya ng Panginoon bilang hari, at pinahiran din ng langis si Zadok bilang pari. Kaya umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari, kapalit ng ama niyang si David. Naging maunlad si Solomon, at sumunod sa kanya ang buong Israel. Nangako ang lahat ng opisyal, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng anak na lalaki ni Haring David na magpapasakop sila kay Haring Solomon. Niloob ng Panginoon na maging tanyag si Solomon sa buong Israel at binigyan ng karangalang hindi nakamit ng ibang hari sa Israel. Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel sa loob ng 40 taon – 7 taon sa Hebron at 33 taon sa Jerusalem. Nabuhay siya nang matagal, mayaman at marangal. Namatay siya nang matandang-matanda na at ang anak niyang si Solomon ang pumalit sa kanya bilang hari. Ang kasaysayan tungkol sa paghahari ni Haring David, mula sa simula hanggang katapusan ay nakasulat sa mga aklat ng mga propeta na sina Samuel, Natan at Gad. At dahil sa kagustuhan kong maitayo ang templo ng aking Dios, ibibigay ko pati ang personal kong mga ginto at pilak, bukod pa ang mga materyales na naipon ko para sa banal na templo. Naisulat dito kung paano siya naghari, at kung gaano siya naging makapangyarihan, at ang lahat ng nangyari sa kanya at sa Israel, at sa mga nakapaligid na kaharian. Ang ibibigay ko ay 100 toneladang ginto mula sa Ofir, at 250 toneladang pilak. Ito ay gagamiting pangtapal sa mga dingding ng templo, at para naman sa lahat ng mga kagamitan na gagawin ng mga platero. Ngayon, sino ang gustong magbigay para sa Panginoon?” Pagkatapos, kusang-loob na nagbigay ang mga pinuno ng mga pamilya, mga pinuno ng mga lahi ng Israel, mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, at ang mga opisyal na itinalaga sa pamamahala ng mga ari-arian ng hari. Nagbigay sila para sa pagpapagawa ng templo ng Dios ng 175 toneladang ginto, 10,000 perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 1:15

Nang panahong siya ang hari, ang pilak at ginto sa Jerusalem ay parang ordinaryong mga bato lang, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng ordinaryong mga kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 9:14

bukod pa rito ang mga buwis na dala ng mga negosyante. Nagbibigay din sa kanya ng mga ginto at pilak ang lahat ng hari ng Arabia at ang mga gobernador ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 24:14

Nang matapos ang trabaho, isinauli nila sa hari at kay Jehoyada ang sobrang pera at ginamit ito sa paggawa ng mga kagamitan sa templo ng Panginoon  – ang mga ginagamit sa pagsamba, sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog, pati na ang mga mangkok at mga sisidlan na ginto at pilak. At habang nabubuhay si Jehoyada, nagpatuloy ang pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa templo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 1:4

Ang mga natitirang tao sa mga lugar na tinitirhan nʼyong mga Israelita ay dapat tumulong sa inyong paglalakbay. Magbibigay sila ng mga pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, at pagtulong na kusang-loob para sa templo ng Dios sa Jerusalem.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 7:15-16

Inuutusan din kita na dalhin mo ang mga ginto at pilak na kusang-loob kong ibinibigay at ng mga tagapayo ko sa Dios ng Israel na nananahan sa Jerusalem. Dalhin mo rin ang lahat ng pilak at ginto na matatanggap mo galing sa lalawigan ng Babilonia, pati na rin ang mga kusang-loob na tulong ng mga mamamayan ng Israel at ng mga pari nila para sa templo ng kanilang Dios sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 5:11

Ngayon din ibalik nʼyo ang mga bukirin, mga ubasan, mga taniman ng olibo, at mga bahay ng may utang sa inyo. Ibalik nʼyo rin ang tubo ng mga pinahiram ninyong pera, trigo, bagong katas ng ubas at langis.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 7:70-71

Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nag-ambag para sa muling pagpapatayo ng templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, 50 mangkok na gagamitin sa templo, at 530 pirasong damit para sa mga pari. Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay para sa ganitong gawain ng 168 kilong ginto at 1,200 kilong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ester 3:9

Kung gusto ninyo, Mahal na Hari, mag-utos kayo na patayin silang lahat. At magbibigay po ako ng 350 toneladang pilak sa mga pinuno ng inyong kaharian, at ilalagay nila ito sa taguan ng kayamanan ng hari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 22:25

At ang Dios na Makapangyarihan ang ituring mong ginto at mamahaling pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 27:16-17

“Kahit mag-ipon ng maraming pilak at damit ang masamang tao, hindi rin siya ang makikinabang nito. Ang matutuwid at walang kasalanan ang magsusuot ng kanyang mga damit at ang maghahati-hati sa kanyang mga pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 28:1

“May mga minahan kung saan matatagpuan ang pilak at may mga lugar kung saan dinadalisay ang ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:6

Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan, gaya ng purong pilak na pitong ulit na nasubukan sa nagliliyab na pugon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:10

O Dios, tunay ngang binigyan nʼyo kami ng pagsubok, na tulad ng apoy na nagpapadalisay sa pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:72

Para sa akin, ang kautusang ibinigay nʼyo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:4

na parang naghahanap ka ng pilak o anumang nakatagong kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:14

Higit pa ito sa pilak at ginto,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:10-11

Pahalagahan ninyo ang karunungan at ang pagtutuwid ko sa inyong ugali kaysa sa pilak at ginto. Sapagkat higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa mamahaling hiyas at hindi ito matutumbasan ng mga bagay na hinahangad mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:20

Ang salita ng matuwid ay mahalaga tulad ng pilak, ngunit ang isip ng masama ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:3

Sinusubok ng Panginoon ang puso ng tao katulad ng pilak at ginto na sinusubok sa apoy kung ito ay tunay o hindi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:1

Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan kaysa sa maraming kayamanan. Ang paggalang ng tao sa iyo ay mas mahalaga pa kaysa pilak at ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:4

Kailangang ang pilak ay maging dalisay muna bago ito magawa ng panday.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:21

Pilak at ginto sa apoy sinusubok, ang tao naman ay nasusubok sa pamamagitan ng papuring kanyang natatanggap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 2:8

Nakaipon ako ng napakaraming ginto, pilak at iba pang mga kayamanang galing sa mga hari at mga lugar na aking nasasakupan. Marami akong mang-aawit, lalaki man o babae at marami rin akong mga asawa  – ang kaligayahan ng isang lalaki.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:10

Ang taong maibigin sa pera at iba pang kayamanan, kailanman ay hindi masisiyahan. Wala rin itong kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:22

Jerusalem, datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak, pero ngayon ay wala ka nang silbi. Noon para kang mamahaling alak, pero ngayon ay para ka nang alak na may halong tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:7

Sagana sa pilak at ginto ang lupain ng Israel, at hindi nauubos ang kanilang kayamanan. Napakarami nilang kabayo, at hindi mabilang ang mga karwahe nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 13:17

Makinig kayo! Ipapalusob ko ang Babilonia sa mga taga-Media na hindi nagpapahalaga sa pilak at ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:10

Lilinisin ko kayo pero hindi katulad ng paglilinis sa pilak, dahil lilinisin ko kayo sa pamamagitan ng paghihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:2

Bakit ninyo ginugugol ang inyong mga salapi sa mga bagay na hindi makakain? Bakit nʼyo inuubos ang mga sweldo ninyo sa mga bagay na hindi makakapagpabusog sa inyo? Makinig kayo sa akin at makakakain kayo ng mga masasarap na pagkain, at talagang mabubusog kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 6:30

Tatawagin silang, ‘Itinakwil na Pilak’ dahil itinakwil ko sila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 4:1

Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng kumupas na ginto o ng mamahaling bato na nagkalat sa lansangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:17

Ginamit mo rin ang mga pilak at gintong alahas na ibinigay ko sa iyo sa paggawa ng mga lalaking dios-diosan na sinamba mo. Kaya para ka na ring nangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 22:20-22

katulad ng taong nagtitipon ng pilak, tanso, bakal, tingga at lata sa nagniningas na hurno para tunawin. Titipunin ko kayo sa Jerusalem para ibuhos sa inyo ang galit ko at doon ko kayo parurusahan na parang mga metal na tinutunaw. Kung paanong ang pilak ay tinutunaw sa hurno, tutunawin din kayo sa Jerusalem at malalaman ninyo na ako, ang Panginoon, ang nagpadama ng galit ko sa inyo!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 27:12

“ ‘Nakipagkalakalan sa iyo ang Tarshish dahil sagana ka sa kayamanan. Ang ibinayad nila sa iyo ay pilak, bakal, lata at tingga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:32

Ang ulo nito ay purong ginto, ang mga bisig at dibdib ay pilak, ang tiyan at hita ay tanso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 2:8

“Hindi niya naisip na ako ang nagbigay sa kanya ng mga butil, ng bagong katas ng ubas, langis, at maraming pilak at ginto na ginawang rebulto ni Baal na kanilang dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 3:2

Kaya binili ko siya sa halagang 15 pirasong pilak at apat na sakong sebada.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 2:6

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Israel, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 8:6

Nagmamadali kayong makapagbenta ng mga butil na hinaluan ng ipa, para makabili kayo ng taong dukha na ipinagbibiling alipin dahil hindi siya makabayad ng kanyang utang, kahit ang utang niya ay kasinghalaga lamang ng isang pares ng sandalyas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:11

Hindi maaaring pabayaan ko na lang kayo sa mga pandaraya ninyo sa inyong timbangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hagai 2:8

Sapagkat ang mga ginto at mga pilak ay akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 11:12-13

Sinabi ko sa kanila, “Kung sa palagay ninyo ay dapat akong bigyan ng sahod, ibigay ninyo ang sahod ko. Ngunit kung hindi, sa inyo na lang.” Kaya binayaran nila ako ng 30 pirasong pilak bilang sahod ko. Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ilagay mo ang pilak na iyan sa kabang-yaman ng templo.” Kaya kinuha ko ang 30 pirasong pilak, na inaakala nilang sapat na bilang aking sahod, at inilagay ko iyon sa kabang-yaman ng templo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:15

Sinabi niya sa kanila, “Ano po ang ibabayad ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip si Jesus?” Noon din ay binigyan nila si Judas ng 30 pirasong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:3-5

Nang malaman ng traydor na si Judas na hinatulan ng kamatayan si Jesus, nagsisi siya sa kanyang ginawa at isinauli ang 30 pirasong pilak sa mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Judio. Dinuraan nila si Jesus at kinuha ang tungkod sa kanyang kamay at paulit-ulit nilang inihampas sa kanyang ulo. Matapos nilang kutyain si Jesus, hinubad nila sa kanya ang kapa at isinuot muli sa kanya ang damit niya. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod upang ipako sa krus. Nang nasa labas na sila ng lungsod, nakita nila ang isang lalaking taga-Cyrene na ang pangalan ay Simon. Sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus. Pagdating nila sa lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay “lugar ng bungo,” pinainom nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo, pero nang matikman ito ni Jesus ay hindi niya ininom. Ipinako nila si Jesus sa krus, at pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan. Pagkatapos, naupo sila at binantayan si Jesus. Naglagay sila ng karatula sa ulunan ni Jesus, at ganito ang nakasulat na paratang laban sa kanya: “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Judio.” May dalawa ring tulisan na ipinako sa krus kasabay ni Jesus, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Ininsulto si Jesus ng mga taong napapadaan doon. Napapailing sila Sinabi niya sa kanila, “Nagkasala ako dahil ibinigay ko sa inyo ang isang taong walang kasalanan.” Pero sumagot sila, “Ano ang pakialam namin diyan? Problema mo na iyan.” at sinasabi, “Hindi baʼt sinasabi mong gigibain mo ang templo at muli mong itatayo sa loob ng tatlong araw? Bakit hindi mo iligtas ang iyong sarili? Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, bumaba ka sa krus!” Ganoon din ang pangungutya ng mga namamahalang pari, ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng mga Judio. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba, pero hindi niya mailigtas ang kanyang sarili. Hindi baʼt siya ang Hari ng Israel? Kung bababa siya sa krus, maniniwala na kami sa kanya. Nagtitiwala siya sa Dios at sinasabi niyang siya ang Anak ng Dios. Ngayon, tingnan natin kung talagang ililigtas siya ng Dios!” Maging ang mga tulisang ipinakong kasama niya ay nang-insulto rin sa kanya. Nang mag-alas dose na ng tanghali, dumilim ang buong lupain sa loob ng tatlong oras. Nang mag-alas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus nang malakas, “Eloi, Eloi, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?” Nang marinig iyon ng mga nakatayo roon, sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias.” Agad namang tumakbo ang isang tao at kumuha ng espongha at isinawsaw sa maasim na alak. Ikinabit niya ito sa dulo ng isang patpat at idinampi sa bibig ni Jesus upang sipsipin niya. Pero sinabi naman ng iba, “Hayaan mo siya. Tingnan natin kung darating nga si Elias para iligtas siya.” Itinapon ni Judas sa templo ang salapi. Pagkatapos ay umalis siya at nagbigti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:6

Pero sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala akong pera. Ngunit may ibibigay ako sa iyo: Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:18-19

Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 18:12

Wala nang bibili ng kanilang mga ginto, pilak, mamahaling bato, at perlas; at ng kanilang mga telang linen, seda at mga telang kulay ube at pula. Wala na ring bibili ng kanilang mababangong kahoy, mga kagamitang yari sa pangil ng elepante at yari sa mamahaling kahoy, tanso, bakal at marmol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, Banal, dakila, mahalaga, dalisay at perpekto, walang makakapantay sa iyong kabanalan. Amang Banal, turuan mo akong lumakad sa matuwid na landas, hinihiling ko po na bigyan mo ako ng karunungan upang magabayan ako sa balukot at sirang sistemang ating ginagalawan ngayon. Nawa'y ang presensya ng iyong Banal na Espiritu ang mauna sa aking buhay, upang ang pinakamahalaga para sa akin ay ang matutong manatiling matatag ang pananampalataya at ang aking pag-uugali ay naaayon sa iyong kalooban. Sabi ng iyong salita: "Higit na mabuti ang makamtan ang karunungan kaysa ginto; at higit na mabuti ang magtamo ng unawa kaysa pilak." Nauunawaan ko pong hindi ako dapat mabahala sa araw ng bukas, kundi lalo pang pahalagahan ang iyong mga pangako sa aking puso, sapagkat ikaw ang tagapaglaan ng lahat ng bagay; at tunay ngang ikaw ang may-ari ng ginto at pilak. Panginoon, hawakan mo po ang aking mga iniisip at ang aking pananalita, upang sa oras ng aking pagpapahayag, ang aking mga salita ay maging kaaya-aya at may pag-iingat, nang hindi nakakasakit o nakakahiya kaninuman. Sabi mo sa iyong salita: "Mansanas na ginto sa sisidlang pilak ang salitang binigkas na wasto." Salamat Ama, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas