Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

MGA TALATA PARA SA MGA ALAY

Isipin mo, ang pag-aalay ay pagbibigay, at nakalulugod ito sa Diyos natin. Kapag naghahanda ka ng alay para sa Kanya, dapat yung pinakamabuti mo ang ibinibigay, yung bukal sa puso. Dapat masaya tayo, kasi mas sobra-sobra pa ang biyaya Niya sa atin kahit hindi natin deserve. Kung yung sobra lang ang ibibigay natin, ganun din lang kaliit ang ibabalik sa atin. Dapat magbigay tayo na parang para sa sarili natin, hindi napipilitan o naghihintay ng kapalit.

Huwag nating ipagmalaki ang pagbibigay natin, o humingi ng papuri. Dapat tahimik lang, parang hindi alam ng kaliwang kamay ang ginagawa ng kanan. Mahal ng Panginoon ang masayang nagbibigay, kasi kilala Niya ang puso natin. Magbigay tayo ayon sa kakayahan natin, huwag malungkot o napipilitan, dahil mahal ng Diyos ang masayang nagbibigay. (2 Corinto 9:7)

Ang pag-aalay ay pagbibigay ng bahagi ng biyayang ibinigay muna sa atin ng Diyos, bilang tanda ng pagsamba. Kapag nagbibigay ang Diyos, sagana at bukas-palad Siya. Kaya kapag bukal sa puso ang pag-aalay natin, binubuksan din natin ang pinto para sa masaganang biyaya Niya. Habang mas marami kang binibigay, mas marami ka ring matatanggap.


Santiago 4:4

Kayong mga hindi tapat sa Dios, hindi nʼyo ba alam na kaaway ng Dios ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Dios ang sarili niya.

Mga Awit 1:1

Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya.

2 Juan 1:10-11

Kung may dumating man sa inyo na iba ang ipinangangaral tungkol kay Cristo, huwag nʼyo siyang tanggapin sa inyong tahanan, ni huwag nʼyo siyang batiin nang may pagpapala.

Sapagkat ang sinumang bumati sa kanya ng ganoon ay nakikibahagi sa masasama niyang gawain.

Mga Kawikaan 14:7

Iwasan mo ang mga hangal dahil wala kang mabuting matututunan sa kanila.

Mga Kawikaan 22:24-25

Huwag kang makipagkaibigan sa taong madaling magalit,

baka mahawa ka sa kanya, at mabulid sa ganoong pag-uugali.

1 Juan 2:15

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

Mga Kawikaan 13:20

Kapag ang lagi mong kasama ay isang taong marunong, magiging marunong ka rin, ngunit kung hangal ang lagi mong kasama ay mapapahamak ka.

1 Corinto 5:11

Ang tinutukoy ko na huwag ninyong pakikisamahan ay ang mga nagsasabing silaʼy mga kapatid sa Panginoon pero mga imoral, sakim, sumasamba sa dios-diosan, mapanlait, lasenggo, at magnanakaw. Ni huwag kayong makisalo sa kanila sa pagkain.

Mga Kawikaan 18:24

May mga pagkakaibigang hindi nagtatagal, ngunit may pagkakaibigan din na higit pa sa magkapatid ang pagsasamahan.

1 Corinto 15:33

Huwag kayong palilinlang sa kasabihang iyan. Sa halip, ito ang inyong paniwalaan: “Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali.”

Mga Kawikaan 16:28

Ang taong nanlilibak ng kapwa ay nagsisimula ng away, at ang matalik na magkaibigan ay kanyang pinaghihiwalay.

Mga Panaghoy 1:2

Buong pait siyang umiiyak magdamag. Mga luha niyaʼy dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Walang dumamay sa kanya, isa man sa kanyang mga minamahal. Pinagtaksilan siya ng lahat ng kaibigan niya, na ngayoʼy kanyang kaaway.

Mga Kawikaan 17:9

Kung patatawarin mo ang kasalanan ng iyong kaibigan, mananatili ang inyong samahan, ngunit kung patuloy mong uungkatin ang kanyang kasalanan, masisira ang inyong pagkakaibigan.

2 Tesalonica 3:6

Mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, iniuutos namin sa inyo na layuan nʼyo ang sinumang kapatid na tamad at hindi sumusunod sa mga ipinangaral namin sa inyo.

Mga Kawikaan 27:6

Ang masakit na pagsaway ng isang kaibigan ay may katuturan, ngunit ang halik ng kaaway ay hindi maaasahan.

Tito 3:10-11

Pagsabihan mo ang taong sumisira sa inyong pagkakaisa. Itakwil mo siya kung pagkatapos ng dalawang babalaʼy hindi pa rin siya nagbabago.

Alam nʼyo na masama ang ganyang tao, at ang kanyang mga kasalanan mismo ang nagpapatunay na parurusahan siya.

Mga Kawikaan 3:32

Sapagkat nasusuklam ang Panginoon sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid.

Mga Kawikaan 16:29

Ang taong nabubuhay sa karahasan ay nanghihikayat ng kanyang kapwa sa kasamaan.

Mga Kawikaan 19:4

Ang mayaman ay maraming kaibigan, ngunit ang mahirap namaʼy iniiwanan ng kaibigan.

Mga Kawikaan 28:19

Ang masipag na magsasaka ay sasagana sa pagkain, ngunit maghihirap ang taong nag-aaksaya ng oras niya.

2 Mga Cronica 19:2

sinalubong siya ni propeta Jehu na anak ni Hanani at sinabi, “Bakit tinulungan mo ang masama at inibig ang napopoot sa Panginoon? Dahil dito, nagalit ang Panginoon sa iyo.

Mga Awit 119:115

Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, upang masunod ko ang mga utos ng aking Dios.

Mga Awit 26:4-5

Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling at mapagpanggap.

Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-sama ng masasamang tao, at hindi ako nakikisama sa kanila.

2 Tesalonica 3:14-15

Kung mayroon mang ayaw sumunod sa mga sinabi namin sa sulat na ito, tandaan nʼyo kung sino siya at iwasan para mapahiya siya.

Ngunit huwag nʼyo siyang ituring na kaaway, kundi paalalahanan siya bilang kapatid.

Mga Kawikaan 24:1

Huwag kang mainggit sa mga taong masama o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila.

Eclesiastes 9:18

Mas makapangyarihan ang karunungan kaysa sa mga sandata ng digmaan. Pero ang isang makasalanan ay makakasira ng maraming kabutihan.

Mga Kawikaan 12:26

Ginagabayan ng taong matuwid ang kanyang kaibigan, ngunit ililigaw ka ng taong masama.

Mga Awit 1:1-3

Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya.

Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan.

Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa.

Efeso 5:11

Huwag kayong makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng mga taong nasa kadiliman, sa halip, ipamukha nʼyo sa kanila ang kasamaan nila.

2 Corinto 6:14

Huwag kayong makiisa sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim hindi rin sila maaaring magsama.

Mga Awit 139:19-22

O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao!

Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.

Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo. Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan.

Panginoon, kinamumuhian ko ang mga namumuhi sa inyo. Kinasusuklaman ko ang mga kumakalaban sa inyo.

Labis ko silang kinamumuhian; ibinibilang ko silang mga kaaway.

Galacia 5:9

Isipin nʼyo sana na ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina.

Galacia 5:7-9

Mabuti noon ang mga ginagawa ninyo. Sino ang pumigil sa inyo sa pagsunod sa katotohanan?

Hindi maaaring ang Dios ang pumigil sa inyo dahil siya ang tumawag sa inyo sa pananampalataya.

Isipin nʼyo sana na ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina.

Mga Kawikaan 27:17

Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa-bakal, ang tao namaʼy matututo sa kanyang kapwa-tao.

1 Pedro 5:8

Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.

1 Juan 2:15-17

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

Sapagkat ang lahat ng kamunduhan – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.

Ang mundo at lahat ng bagay dito na hinahangad ng tao ay mawawala, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay mabubuhay magpakailanman.

Roma 16:17-18

Mga kapatid, mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila.

Ang mga taong ganyan ay hindi naglilingkod sa Panginoong Jesu-Cristo, kundi sa sarili nilang hangarin sila sumusunod. Dinadaya nila ang mga kulang sa kaalaman sa pamamagitan ng mahuhusay at magaganda nilang pananalita.

1 Timoteo 6:11-12

Ngunit ikaw, bilang lingkod ng Dios, iwasan mo ang mga bagay na iyan. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, banal, may matibay na pananampalataya, mapagmahal, mapagtiis at mabait sa kapwa.

Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Dios para sa buhay na ito nang ipahayag mo ang pananampalataya mo sa harap ng maraming saksi.

Mga Kawikaan 1:10-15

Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan.

Huwag kang sasama kapag sinabi nilang, “Halika, sumama ka sa amin! Mag-abang tayo ng sinumang papatayin kahit walang dahilan.

Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila para matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay.

Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam.

Sige na, sumama ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.”

Anak, huwag kang sumama sa kanila; iwasan mo sila.

Mga Kawikaan 10:9

May kapayapaan ang taong namumuhay nang matuwid, ngunit ang masama ang pamumuhay ay malalantad.

Mga Kawikaan 19:20

Dinggin mo at sundin ang mga payo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali, at sa bandang huli ay magiging marunong ka.

1 Pedro 4:4

Pero nagtataka ngayon sa inyo ang mga taong hindi kumikilala sa Dios kung bakit hindi na kayo nakikisama sa magulo at maluho nilang pamumuhay. Kaya nagsasalita sila ng masama sa inyo.

Mateo 7:15

“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo.

Mga Kawikaan 15:12

Ang taong nangungutya ay ayaw ng sinasaway; ayaw ding tumanggap ng payo mula sa taong may karunungan.

Mga Kawikaan 25:19

Ang pagtitiwala sa taong hindi mapagkakatiwalaan sa oras ng pangangailangan ay walang kwenta tulad ng paang pilay o ngiping umuuga.

Mga Kawikaan 19:27

Anak, kung hindi ka makikinig sa mga pangaral para maituwid ang iyong pag-uugali, tinatanggihan mo ang mga turo na nagbibigay ng karunungan.

Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Banal na Espiritu ang dapat tumulong sa kanya para magbalik-loob sa Panginoon. Ngunit gawin nʼyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso.

2 Timoteo 2:22

Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.

Mga Awit 101:4

Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip; hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.

Colosas 3:2

Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

Roma 1:29-32

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa

Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa kanyang pagkatao, isinilang siya sa lahi ni Haring David, at sa kanyang banal na espiritu, napatunayang siya ang makapangyarihang Anak ng Dios, nang siyaʼy nabuhay mula sa mga patay.

at mapanirang-puri. Napopoot sila sa Dios, mga walang galang at mapagmataas. Naghahanap sila ng magagawang masama, at suwail sa mga magulang nila.

Silaʼy mga hangal, mga traydor, at walang awa.

Alam nila ang utos ng Dios na dapat parusahan ng kamatayan ang mga taong gumagawa ng mga kasalanang ito, pero patuloy pa rin silang gumagawa nito, at natutuwa pa sila na ginagawa rin ito ng iba.

Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa kagipitan ay tumulong.

1 Juan 2:15-16

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

Sapagkat ang lahat ng kamunduhan – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at huli, ang simula at wakas. Sa ngalan ni Hesus, lumalapit ako upang magpasalamat nang may galak at saya sa iyong katapatan at paglalaan. Sabi ng iyong salita, "Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap." Panginoon Hesus, tulungan mo akong maging maawain, maging sensitibo sa pangangailangan ng aking mga kapatid sa pananampalataya at sa aking kapwa, tulungan mo akong maging salamin ng iyong pag-ibig sapagkat ito ang nakalulugod sa iyong puso at isang handog na kalugod-lugod sa iyong harapan. Inihahandog ko ang aking puso upang sambahin ka at parangalan ka gamit ang aking mga ari-arian, sa pamamagitan ng gawa ng aking mga kamay, sapagkat mula sa natanggap ko mula sa iyo, ibinibigay ko sa iyo. Ngayon ay tinatalikuran ko ang pagkamakasarili, ang pagiging makasarili, ang katamaran, at ang kakuriputan. Ibinibigay ko sa iyo ang pinakamabuti dahil ibinigay mo ang pinakamabuti dahil sa pag-ibig mo sa amin, tanggapin mo ang aking handog at umakyat ito bilang mabangong samyo sa iyong harapan. Sabi ng iyong salita, "Ang naghahasik nang kaunti ay kaunti rin ang aanihin, at ang naghahasik nang sagana ay sagana rin ang aanihin." Panginoon, nawa'y maging daan ako ng pagpapala at makapaghasik sa buhay ng iba, bigyan mo ako Panginoon ng pusong mapagbigay at bukas-palad upang ang aking buhay ay maging isang handog na kalugod-lugod sa iyo. Lagi akong naniniwala nang may katiyakan na ang aking gantimpala ay nagmumula sa kaharian ng langit at lahat ng aking ibinibigay sa nangangailangan ay parang ibinibigay ko sa iyo aking Panginoon. Sa pangalan ni Hesus. Amen.