Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

108 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga ulila

Alam mo, sa Biblia, ang Diyos ang tagapagtanggol ng mga naaapi at ama ng mga ulila. Sa Deuteronomio 10:181, pinapaalala sa atin: “Gumagawa siya ng katarungan para sa ulila at sa balo, at iniibig niya ang dayuhan na binibigyan niya ng pagkain at damit.”

Nakikita natin dito kung gaano kalalim ang pagmamalasakit ng Diyos sa mga nasa mahirap na kalagayan. Napakalawak ng pagmamahal Niya sa sangkatauhan kaya Siya mismo ang kumikilos para sa mga ulila, ipinaglalaban ang kanilang karapatan, at binibigyan sila ng proteksyon.

Sa mundong puno ng pangangailangan, kung saan marami ang walang pakialam sa paghihirap ng kapwa, tayo ang tinawag para ipakita ang pagmamahal ng Diyos at maging sagot Niya sa kanilang mga pangangailangan. Kaya sana, huwag mong ipagkait ang pagtulong. Maawa ka sa mga batang, teenager, at mga kabataang walang tahanan dahil sa kawalan ng mga magulang.

Maging mabuti sa kanila at ibahagi ang kung anong meron ka. Huwag mong ipagkait ang kaunting pagkain para maalis ang kanilang gutom. Tiyak kong hindi palalampasin ng Diyos ang kabutihang gagawin mo. At higit sa lahat, ipagdasal mo sila at ipakilala mo sa kanila ang pagmamahal ng Diyos. Ipaalam mo sa kanila na may Diyos na may plano para sa kanila at may pag-asa sa pamamagitan ni Cristo.


Mga Awit 82:3

Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.

Job 29:12

Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan, dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan.

Mga Panaghoy 5:1-3

Gunitain mo, Yahweh, ang nangyari sa amin; masdan mo ang sinapit naming kahihiyan!

Dahil sa matinding gutom, nag-aapoy ang aming katawan, para kaming nakalagay sa mainit na pugon.

Ang aming mga asawa ay ginahasa sa Zion, ang mga dalaga nama'y pinagsasamantalahan sa mga bayan ng Juda.

Ginagapos at ibinibitin ang mga pinuno; at ang matatanda ay hindi na nirespeto.

Ang mga kabataang lalaki'y pinagtatrabahong parang alipin; nakukuba sa bigat ng pasan nilang kahoy ang mga batang lalaki.

Ayaw nang magpulong ang matatanda ng bayan, ayaw nang tumugtog ng mga kabataan.

Naparam ang kagalakan sa aming puso; ang aming pagsasaya ay naging pagluluksa.

Walang natira sa aming ipinagmamalaki; “tayo'y nagkasala kaya tayo'y nagdurusa!”

Nanlupaypay kami, at nagdilim ang aming paningin,

pagkat iniwan ng tao ang Bundok ng Zion, mga asong-gubat na lang ang naninirahan doon.

Ngunit ikaw, O Yahweh, ang hari magpakailanman, ang iyong luklukan ay walang katapusan.

Ang aming mana ay ibinigay sa mga dayuhan, at ang aming mga tahanan nama'y ipinagkaloob sa mga taga-ibang bayan.

Kay tagal mo kaming pinabayaan. Kailan mo kami aalalahaning muli?

Ibalik mo kami, O Yahweh, sa dati naming kaugnayan sa iyo!

Talaga bang itinakwil mo na kami? Sukdulan na bang talaga ang galit mo sa amin?

Ang aming mga ama'y pinatay ng mga kaaway; kaya't aming mga ina, wala nang kaagapay.

Deuteronomio 10:18

Binibigyan niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit.

Exodus 22:22

Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila.

Mga Awit 10:14

Subalit nakikita mo ang hirap at kaapihan, at ikaw ay palaging handang dumamay. Ang mga kapus-palad ay sa iyo lang umaasa, sa tuwina'y sumasaklolo ka sa mga ulila.

Mga Awit 68:5

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo, tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga balo.

Mga Awit 146:9

Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Mateo 18:5

Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”

Jeremias 49:11

Ako ang kakalinga sa inyong mga anak na naulila sa ama. Ang inyong mga babaing balo ay makakaasa sa akin.”

Zacarias 7:10

Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda, ang mga ulila, ang mga dayuhan o ang mahihirap. Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa.’

Deuteronomio 24:17

“Huwag ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mga dayuhan o ang mga ulila. Huwag din ninyong kukuning sangla ang balabal ng babaing balo.

Jeremias 22:3

“Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala. Huwag ninyong sasaktan o aapihin ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo. Huwag kayong papatay ng mga taong walang kasalanan sa banal na lunsod na ito.

Mga Awit 27:10

Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.

Mga Awit 94:6

Ang mga ulila, balo't mamamayan ng ibang bansa, pinapatay nila ito at kanilang pinupuksa.

Deuteronomio 24:19

“Kung sa pagliligpit ng ani ay may maiwan kayong mga uhay, huwag na ninyong babalikan iyon; hayaan na ninyong mapulot iyon ng mga dayuhan, ulila at mga biyuda. Sa ganoon, pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ninyong gawain.

Isaias 1:17

Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

1 Juan 3:17

Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?

Santiago 1:27

Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

Mga Awit 94:5-6

Kanila ngang nililipol itong mga hinirang mo, Yahweh, inaapi nila mga taong tinubos mo.

Ang mga ulila, balo't mamamayan ng ibang bansa, pinapatay nila ito at kanilang pinupuksa.

Lucas 14:13-14

Subalit kapag ikaw ay maghahanda, anyayahan mo ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, at mga bulag.

Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain ka, dahil hindi man nila masuklian ang ginawa mo, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”

Isaias 1:23

Naging suwail ang iyong mga pinuno, kasabwat sila ng mga magnanakaw; tumatanggap ng mga suhol at mga regalo; hindi ipinagtatanggol ang mga ulila; at walang malasakit sa mga biyuda.”

Jeremias 5:28

Lagi silang busog at matataba. Sukdulan na ang kanilang kasamaan. Inaapi nila ang mga ulila at hindi makatarungan ang paglilitis na kanilang ginagawa. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.

Ezekiel 22:7

Nawala na ang paggalang sa mga magulang. Inapi ninyo ang mga dayuhan, gayon din ang mga ulila at balo.

Mga Awit 68:6

May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot, ang bilanggo'y hinahango upang sila ay malugod; samantalang ang tirahan ng suwail ay malungkot.

Deuteronomio 27:19

“‘Sumpain ang sinumang magkait ng katarungan sa mga dayuhan, ulila at biyuda.’ “Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

Isaias 54:4

Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob, sapagkat hindi ka na mapapahiya. Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan; hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda.

Mga Kawikaan 23:10-11

Huwag mong babaguhin ang hangganang matagal nang nakalagay, ni sasakupin ang lupa ng mga ulila.

Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban.

Mga Awit 119:74

Ang sa iyo'y natatakot, kapag ako ay nakita, matutuwa sa lingkod mong sa iyo ay umaasa.

Juan 14:18

“Hindi ko kayo iiwang mga ulila; babalik ako sa inyo.

Galacia 4:4-5

Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak na isinilang ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan

upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maituturing na mga anak ng Diyos.

Roma 8:15

Sapagkat hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong tinanggap upang kayo'y mamuhay sa takot. Sa halip, ang inyong tinanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya tayo'y tumatawag sa kanya ng, “Ama, Ama ko!”

Galacia 4:5

upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maituturing na mga anak ng Diyos.

Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Mga Kawikaan 31:8-9

“Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan.

Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Mga Awit 146:7-9

Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag;

isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap.

Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Isaias 10:2

upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan, upang alisan ng karapatan ang mahihirap, at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.

Deuteronomio 14:29

Ito ay ibibigay ninyo sa mga Levita yamang wala silang kaparte sa inyong lupain. Bibigyan din ninyo ang mga dayuhang kasama ninyo, ang mga ulila, at ang mga balo. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong mga gawain.

Mga Hebreo 13:1-2

Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo.

Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito.

Ang dugo ng mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo.

Gayundin naman, namatay si Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Kaya't pumunta tayo sa kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis.

Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap natin ay ang lungsod na darating.

[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.

At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.

Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon.

Higit sa lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa inyo.

Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa kanilang kaalaman.

Mateo 5:7

“Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

Mga Awit 9:18

Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita.

Mga Awit 147:3

At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

Mga Awit 10:17-18

Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad.

Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.

Mga Awit 113:9

Ang babaing baog pinagpapala niya, binibigyang anak para lumigaya. Purihin si Yahweh!

Isaias 17:6

Ilang tao lamang ang matitira sa lahi ng Israel, matutulad siya sa puno ng olibo na pinitas ang lahat ng mga bunga, at walang natira kundi dalawa o tatlong bunga sa pinakamataas na sanga, apat o limang bunga sa mga sangang dati'y maraming magbunga.” Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.

Roma 12:13

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Eclesiastes 4:1

Iginala ko ang aking paningin sa buong daigdig, at nakita ko ang kawalan ng katarungan. Ang mga inaapi ay lumuluha ngunit walang tumulong sa kanila sapagkat makapangyarihan ang sumisiil sa kanila.

Mga Awit 22:23

Kayong lingkod ni Yahweh, siya'y inyong purihin! Kayong lahi ni Jacob, siya'y inyong dakilain, bayan ng Israel, luwalhatiin siya't sambahin!

Mga Awit 146:5-7

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos,

sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan.

Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag;

Mateo 25:40

“Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’

Mga Awit 125:4

Ang mga mabait na tapat sumunod sa iyong kautusan, sana'y pagpalain mo sila, O Yahweh, sa kanilang buhay.

Isaias 58:6-7

“Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin.

Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit. At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.

Mga Kawikaan 31:9

Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Mga Awit 94:4-6

Gaano bang katagal pa ang masama'y maghahambog, upang sila'y magmalaki sa kanilang gawang buktot?

Kanila ngang nililipol itong mga hinirang mo, Yahweh, inaapi nila mga taong tinubos mo.

Ang mga ulila, balo't mamamayan ng ibang bansa, pinapatay nila ito at kanilang pinupuksa.

Mga Awit 137:9

kung ang inyong mga sanggol kunin niya at durugin!

Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Mga Kawikaan 14:31

Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan.

Roma 8:21

na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.

Mga Hebreo 10:31

Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!

Mga Awit 61:1-3

Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin; inyo pong pakinggan, ang aking hinaing!

Tumatawag ako dahilan sa lumbay, sapagkat malayo ako sa tahanan. Iligtas mo ako, ako ay ingatan,

pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan, matibay na muog laban sa kaaway.

Mga Awit 17:15

Dahil ako'y matuwid, ang mukha mo'y makikita; at sa aking paggising, sa piling mo'y liligaya.

Genesis 21:16-17

at naupo nang may sandaang metro mula sa kinaroroonan ng bata. Sabi niya sa sarili, “Di ko matitiis na makitang mamatay ang aking anak.” Samantalang nakaupo siyang nag-iisip, umiiyak naman ang bata.

Narinig ng Diyos ang iyak ng bata, at nagsalita mula sa langit ang anghel ng Diyos, “Hagar, anong bumabagabag sa iyo? Huwag kang matakot. Naririnig ng Diyos ang iyak ng iyong anak.

Mga Awit 34:18

Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.

Job 6:27

Kahit sa mga ulila kayo'y magpupustahan, pati kaibigan ninyo'y inyong pagsusugalan.

Ezekiel 18:16

Hindi rin siya gumawa ng masama kaninuman, hindi nanamsam ng sangla, at hindi nagnakaw. Siya ay matulungin sa nangangailangan,

Mga Awit 9:12

Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan.

Mga Awit 103:6

Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan; natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.

Mateo 10:42

Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na tatanggap ng gantimpala.”

Mga Awit 46:1

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

Mga Awit 78:5-6

Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak.

Ang matinding galit ng Diyos hindi niya pinigilan, yaong naging wakas nila'y humantong sa kamatayan; dahilan sa isang salot, buhay nila ay pumanaw.

Yaong lahat na panganay sa Egipto ay pinatay, ang panganay na lalaki sa Egiptong lahi ni Ham.

Tinipon ang kanyang hirang na animo'y mga tupa, inakay sa lupaing ilang sa kanyang pangunguna.

Inakay nga at naligtas, kaya naman di natakot, samantalang ang kanilang kaaway ay nangalunod.

Inihatid sila ng Diyos sa lupain niyang banal, sa bundok na mismong siya ang kumuha sa kaaway.

Itinaboy niyang lahat ang naroong namamayan, pinaghati-hati niya ang lupaing naiwanan; sa kanilang mga tolda ang Israel ay nanahan.

Ngunit sila'y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos, hindi nila iginalang ang kanyang mga utos;

katulad ng nuno nila sila'y kusang tumalikod, nagtaksil na wari'y panang lumipad nang walang taros.

Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit, nang makita ang dambana ng larawang iniukit.

Sumamâ ang loob niya noong ito ay mamasid, itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit.

Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan.

Mga Awit 81:10

Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo, ako ang tumubos sa iyo sa Egipto; pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo.

Mga Awit 145:9

Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

Deuteronomio 24:17-18

“Huwag ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mga dayuhan o ang mga ulila. Huwag din ninyong kukuning sangla ang balabal ng babaing balo.

Iniuutos ko ito sa inyo sapagkat dapat ninyong alalahaning naging alipin din kayo sa Egipto at iniligtas kayo roon ng Diyos ninyong si Yahweh.

Mga Awit 23:1-3

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;

pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.

Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

Isaias 26:3

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.

1 Timoteo 5:3-4

Igalang mo ang mga biyudang wala nang ibang maaasahan sa buhay.

Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos.

Mga Awit 25:6-7

Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas, na ipinakita mo na noong panahong lumipas.

Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan; ayon sa pag-ibig mong walang katapusan, ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!

Ezekiel 34:11-12

Ito ang ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: “Ako mismo ang maghahanap at mag-aalaga sa aking mga tupa.

Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko hahanapin ang aking tupa. Kukunin ko sila saanman sila itinapon noong panahon ng kanilang kasamaan.

Mga Kawikaan 19:17

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

Mga Awit 119:176

Para akong isang tupa na nawala at nawalay, hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan, pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.

Mateo 12:18

“Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapahayag ng katarungan sa mga bansa.

Mga Awit 49:15

Ngunit ako'y ililigtas, hindi ako babayaan, aagawin ako ng Diyos sa kamay ng kamatayan. (Selah)

1 Pedro 2:10

Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap na kayo ng kanyang habag.

Mga Awit 34:7

Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

Roma 15:26-27

Sapagkat minabuti ng mga taga-Macedonia at taga-Acaya na magpadala ng tulong para sa mga mahihirap na kapatid sa Jerusalem.

Malugod nilang ginawa iyon, at talaga namang dapat nilang gawin. Dahil ang mga Hentil ay nakabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, marapat lamang na bahaginan nila ang mga Judio sa pamamagitan ng mga pagpapalang materyal.

Galacia 6:10

Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Isaias 58:10

kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin, at tutulungan ang mahihirap, sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman, at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.

Mateo 6:1

“Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.

Mga Awit 68:10-11

At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod, ang mahirap nilang buhay sa pagpapala'y pinuspos.

May utos na pinalabas na si Yahweh ang nagbigay, ang nagdala ng balita ay babaing karamihan;

1 Juan 4:20

Ang nagsasabing, “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?

Mga Awit 72:12-14

Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap;

sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.

Mga Kawikaan 29:7

Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y balewala sa mga taong swapang.

Eclesiastes 5:8

Huwag kang magtataka kung makita mong ang mahihirap ay inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Alalahanin mong ganoon din ang ginagawa ng nakatataas sa kanila at bawat pinuno ay may nakasasakop ding mas mataas na pinuno.

Mga Awit 106:5

upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang, kasama ng iyong bansang nagagalak, ako'y magdiriwang.

Isaias 54:5

Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.

Mga Awit 139:13-14

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Isaias 49:15

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali.

Mga Kawikaan 22:22-23

Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman.

Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon.

Lucas 6:36

Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

Mga Awit 119:82

Dahilan sa paghihintay lumamlam na yaring tingin, ito ngayon ang tanong ko: “Kailan mo aaliwin?”

Mateo 18:14

Gayundin naman hindi ayon sa kalooban ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”

Mga Awit 84:3

Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad, maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak, may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar; O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.

Mga Awit 116:5-6

Si Yahweh'y napakabuti, mahal niya ang katuwiran, Diyos siyang mahabagin, sa awa ay mayaman.

Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo; noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.

Mga Awit 138:7

Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin, ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.

Mga Awit 140:12

Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang, at pananatilihin ang katarungan.

Roma 8:32

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?

Mga Awit 61:1-2

Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin; inyo pong pakinggan, ang aking hinaing!

Tumatawag ako dahilan sa lumbay, sapagkat malayo ako sa tahanan. Iligtas mo ako, ako ay ingatan,

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, ang aking kaluluwa ay pumupuri at nagpupuri sa iyo. Ikaw ang bukal ng aking buhay, ang aking lakas, ang aking matibay na kanlungan. Walang araw na hindi ko nararamdaman ang iyong awa at pagkalinga. Taos-puso akong nagpapasalamat dahil hindi mo ako pinabayaan. Palagi kang nasa aking tabi. Sabi mo nga sa iyong salita, kahit iwan ako ng aking ama’t ina, ikaw ay nandyan para sa akin. Kaya naman Panginoon, isang panalangin ang aking iaalay para sa mga ulila. Sa iyong walang hanggang kabutihan at pagmamahal, hinihiling ko na pagpalain mo sila. Iparamdam mo ang iyong pagmamahal at proteksyon sa kanilang buhay. Ikaw sana ang mag-ingat sa lahat ng mga batang hindi nakakaranas ng init ng isang tahanan at pagmamahal ng isang pamilya. Maawa ka sa mga batang, kabataan at mga binatilyong araw-araw nakararanas ng pang-aabuso. Bigyan mo sila ng lakas na harapin ang mga pagsubok sa buhay at punuin mo sila ng iyong pag-asa. Nawa’y bigyan mo sila ng magandang kinabukasan. Huwag mo silang hayaang makaramdam ng pag-iisa. Nawa’y makasumpong sila ng kapanatagan sa iyong presensya at sa pagmamahal ng mga taong, kahit hindi nila kadugo, ay nagsisilbing kanilang mga anghel dito sa lupa. Pagpalain mo ang mga ulila sa mundong ito ng kalusugan, edukasyon. Pagalingin mo ang kanilang mga sugat at bigyan mo sila ng mga oportunidad upang magkaroon sila ng masaya at matagumpay na buhay. Sa ngalan ni Hesus, Amen.