Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


110 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkakanulo at Pagtataksil

110 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkakanulo at Pagtataksil

Alam mo, kahit ang pinakadakilang tao na lumakad sa lupa ay dumanas ng matinding pagtataksil. 'Yung may pinakapuro at pinakasinserong puso, na walang bahid ng kasamaan, ay nagpakita ng pagmamahal kahit pa tinalikuran Siya ng marami. Si Hesus ng Nazaret, pinagtaksilan Siya ng marami, pati na rin natin.

Pero, ang halimbawa Niya ang nagtuturo sa atin na ang pagpapatawad ang gamot sa sakit na dulot ng pagkakanulo. 'Pag binitawan natin ang galit at sumunod sa yapak ni Hesus, darating ang gantimpala mula sa Ama.

Magtiwala ka sa pagmamahal at sakripisyo ni Hesus sa krus, at malapit mo nang maramdaman ang paggaling at ngiti ng bagong umaga. Hayaan mong gumawa ang Diyos sa buhay mo.


Lucas 22:48

subalit tinanong siya ni Jesus, “Judas, ipagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:21

“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay, gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak; at lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:56

Ngunit nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinulat ng mga propeta.” Tumakas ang mga alagad at iniwan siyang mag-isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:28

Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:12-14

Kaya kong mabata at mapagtiisan, kung ang mangungutya ay isang kaaway; kung ang maghahambog ay isang kalaban, kayang-kaya ko pang siya'y pagtaguan! Ang mahirap nito'y tunay kong kasama, aking kaibigang itinuturing pa! Dati'y kausap ko sa bawat sandali at maging sa templo, kasama kong lagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:19

Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis, kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:9

Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina, karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:14-16

Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong pari. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?” tanong niya. Noon di'y binayaran nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak. Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 12:6

Kahit na ipinagkanulo ka ng iyong mga kapatid at sariling kamag-anak, at kasama sila sa panunuligsa sa iyo. Huwag kang magtitiwala sa kanila bagama't magaganda ang kanilang sinasabi sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:10

at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:19

Ang taksil na pinagtiwalaan sa panahon ng pangangailangan ay tulad ng ngiping umuuga at mga paang pilay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:13

Aminin mo lamang na nagkasala ka at naghimagsik laban kay Yahweh na iyong Diyos. Sabihin mo na sa ilalim ng bawat punongkahoy ay nakiapid ka sa kahit sinong diyos at hindi ka sumunod sa aking mga utos,” ang sabi ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:4

Ang kanyang mga propeta ay di mapagkakatiwalaan at mapanganib; ang kanyang mga pari ay lapastangan sa mga bagay na sagrado; at binabaluktot ang kautusan para sa kanilang kapakinabangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:33-34

Sabi niya, “Papunta tayo ngayon sa Jerusalem kung saan ang Anak ng Tao'y ipagkakanulo sa mga punong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y hahatulan nila ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil. Siya ay kanilang hahamakin, duduraan, hahagupitin, at papatayin. Ngunit pagkaraan ng tatlong araw, siya'y muling mabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:10

Iniwan na ako ni Demas dahil sa kanyang pag-ibig sa daigdig na ito; pumunta siya sa Tesalonica. Si Cresente naman ay nagpunta sa Galacia, at si Tito sa Dalmacia.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 2:13

Dalawa ang kasalanan ng aking bayan: Tinalikuran nila ako, ako na bukal na nagbibigay-buhay, at humukay sila ng mga balon, ngunit mga balong butas na walang naiipong tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 49:3-4

“Si Ruben ang aking panganay na anak, sa lahat kong supling ay pinakamalakas; Ang libingang iyo'y nasa Macpela, sa silangan ng Mamre, sa may Canaan. Binili iyon ni Abraham, at doon siya inilibing pati ang kanyang asawang si Sara. Doon din inilibing ang mag-asawang Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea. Ang bukid at yungib na iyon ay binili nga sa mga Heteo.” Matapos masabi ang lahat ng ito, siya ay humimlay at namatay. mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat. Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag; pagkat ang ama mo ay iyong hinamak, dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 13:28-29

Iniutos ni Absalom sa kanyang mga alipin, “Bantayan ninyo si Amnon at kapag lasing na, sesenyas ako at patayin ninyo siya. Hindi kayo dapat matakot. Ako ang mananagot nito. Lakasan ninyo ang inyong loob at huwag kayong mag-atubili!” Ganoon nga ang ginawa ng mga alipin; pinatay nila si Amnon. Kaya't nagmamadaling tumakas ang mga anak na lalaki ng hari, sakay ng kani-kanilang mola.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:20-21

Itong taong dati'y aking kasamahan, mga kaibiga'y kanyang kinalaban; at hindi tumupad sa 'ming kasunduan. Ang dulas ng dila'y parang mantekilya, ngunit nasa puso pagkapoot niya; ang mga salita niya'y tulad ng langis, ngunit parang tabak ang talas at tulis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:4

si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:17-18

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila. Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod kay Cristo na Panginoon natin, kundi sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:5-8

Sa mabuting ginawa ko, iginanti ay masama, kapalit ng pag-ibig ko ay galit at alipusta. Ang itapat mo sa kanya'y masama ring tulad niya, kaaway ang pausigin, nang magtamo ng parusa, pagkatapos na malitis, bayaan mo na magdusa, kahit siya manalangin, huwag mo nang dinggin pa. Ang dapat ay paikliin tinataglay niyang buhay, kuhanin ng ibang tao maging kanyang katungkulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:33

Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting pagkatao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:5

Ang tapat na saksi'y hindi magsisinungaling, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:1

Mapapahamak ang aming mga kaaway! Sila'y nagnakaw at nagtaksil, kahit na walang gumawa sa kanila ng ganito. Ngunit magwawakas ang ginagawa nilang ito, at sila'y magiging biktima rin ng pagnanakaw at pagtataksil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:11

Nilalait ako ng aking mga kaaway, hinahamak ako ng mga kapitbahay; mga dating kakilala ako'y iniiwasan, kapag ako'y nakasalubong ay nagtatakbuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:6

May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:1-5

Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napagtiisan ko ang mga ito! At sa lahat ng ito ay iniligtas ako ng Panginoon. Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, samantalang ang masasama ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din. Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain. Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Sila'y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti. Sila'y magiging mga taksil, padalus-dalos, mayayabang, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos. Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:1-2

O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao, wala nang taong tapat at totoo. Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa, nagkukunwari at nagdadayaan sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:10

Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 17:13-14

Lumapit ka, O Yahweh, mga kaaway ko'y hadlangan, sa pamamagitan ng tabak, ako'y ipaglaban! Sa lakas ng iyong bisig ako'y iyong isanggalang, sa ganitong mga taong sagana ang pamumuhay. Ibagsak mo sa kanila ang parusang iyong laan, pati mga anak nila ay labis mong pahirapan at kanilang salinlahi sa galit mo ay idamay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 9:4

Mag-ingat kayo kahit sa inyong mga kaibigan, kahit kapatid ay huwag pagkatiwalaan; sapagkat mandaraya lahat ng kapatid, katulad ni Jacob, at bawat isa'y naninira sa kanyang kaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 6:7

“Ngunit tulad ni Adan ay sumira kayo sa ating kasunduan, nagtaksil kayo sa aking pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:158

Nagdaramdam akong labis kapag aking namamasdan, yaong mga taong taksil na laban sa kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:31-32

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sa gabing ito, ako'y iiwan ninyong lahat, gaya ng sinasabi sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magkakawatak-watak ang mga tupa.’ Ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 3:1

O Yahweh, napakarami pong kaaway, na sa akin ay kumakalaban!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:52-53

Mula ngayon, ang lima sa isang sambahayan ay mahahati, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Ang ama laban sa anak na lalaki, at ang anak na lalaki laban sa ama; ang ina laban sa anak na babae, at ang anak na babae laban sa ina; ang biyenang babae laban sa manugang na babae, at ang manugang na babae laban sa biyenang babae.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:11-13

Subalit nang dumating si Pedro sa Antioquia, harap-harapan ko siyang sinaway sapagkat maling-mali ang kanyang ginagawa. Dahil bago dumating ang ilang sugo ni Santiago, siya'y nakikisalo sa mga Hentil. Subalit nang dumating na ang mga iyon, lumayo na siya at hindi na nakisalo sa mga Hentil dahil sa takot niya sa pangkat na nagnanais na tuliin din ang mga Hentil. At gumaya naman sa kanya ang ibang mga kapatid doon na mga Judio; pati si Bernabe ay natangay ng kanilang pagkukunwari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:5

Ang kunwang pumupuri sa kanyang kapwa, nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:6-8

Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad; hahanapin ko ang dakong panatag. Aking liliparin ang malayong lugar, at doon sa ilang ako mananahan. (Selah) Ako ay hahanap agad ng kanlungan upang makaiwas sa bagyong darating.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:26-28

“Tumira sa aking bayan ang manggagawa ng kasamaan; mga nanghuhuli ng ibon ang katulad nila. Ang pagkakaiba lamang, mga tao ang binibitag nila. Kung paanong pinupuno ng isang nanghuhuli ng ibon ang kanyang hawla, gayon nila pinupuno ng mga ninakaw ang kanilang mga bahay. Kaya naging mayaman sila at naging makapangyarihan. Lagi silang busog at matataba. Sukdulan na ang kanilang kasamaan. Inaapi nila ang mga ulila at hindi makatarungan ang paglilitis na kanilang ginagawa. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:1

Kaya nga, talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit at paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 26:4-5

Di ako nakikisama sa walang kuwentang tao, hindi ako nakikiisa sa mga hipokrito. Ang nakikisama sa kanila ay aking kinamumuhian, at ang makihalo sa kanila'y aking iniiwasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:12

Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:10

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:21

“Ang Jerusalem na dating tapat sa akin, ngayo'y naging isang masamang babae. Dati'y puspos siya ng katarungan at katuwiran! Ngayon nama'y tirahan na ng mga mamamatay-tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:1

Ang isang boteng pabango ay mapababaho ng isang patay na langaw. Ang bahagyang kamangmangan ay nakakasira sa karunungan at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:150

Palapit na nang palapit ang sa aki'y umuusig, mga taong walang galang sa utos mong sakdal tuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:6

Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat, ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 144:8

ubod sinungaling na walang katulad, kahit ang pangako'y pandarayang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 33:31

Sama-sama nga silang pupunta sa iyo upang pakinggan ka ngunit hindi naman nila isasagawa ang kanilang maririnig. Pupurihin nila ang iyong sinasabi ngunit kasakiman din ang maghahari sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:9

Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:12

Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya mabuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:23

Ngunit ang bulaan at mamamatay-tao, O Diyos, sa hukay, sila'y itapon mo. Hindi magtatagal, ang buhay nila sa daigdig, ngunit tanging sa Diyos ako ay mananalig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:15

“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:38-39

Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:12

Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa Diyos na buháy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:113

Ako'y galit sa sinumang sa iyo ay hindi tapat, ang tunay kong iniibig ay ang iyong mga batas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:15

Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:10

Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:20

Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:14-15

Itinakwil namin ang katarungan at lumayo kami sa katuwiran. Ang katotohanan ay nahandusay sa mga liwasang-bayan, at hindi makapanaig ang katapatan. Hindi matagpuan ang katotohanan, kaya nanganganib ang buhay ng mga tao, na ayaw gumawa ng kasamaan. Nang makita ni Yahweh na wala nang katarungan, siya ay nalungkot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:8

Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 6:13-14

Ang kasakiman ay laganap sa lahat, dakila at hamak; pati mga pari at propeta man ay mandaraya. Hindi nila pansin ang kahirapan ng aking bayan; ang sabi nila, ‘Payapa ang lahat,’ gayong wala namang kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:10-13

at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:5

Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:4

Nais lamang ninyong siya ay siraan, sa inyong adhikang ibaba ang dangal; ang magsinungaling, inyong kasiyahan. Pangungusap ninyo, kunwa'y pagpapala, subalit sa puso'y inyong sinusumpa. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:47-48

Nagsasalita pa si Jesus nang dumating ang maraming taong pinangungunahan ni Judas, na kabilang sa Labindalawa. Nilapitan niya si Jesus upang halikan, subalit tinanong siya ni Jesus, “Judas, ipagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:30

mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:26-27

Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:1

Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:4

Ang itinakwil ng Diyos ay di niya pinapakisamahan, mga may takot kay Yahweh, kanyang pinaparangalan. Sa pangakong binitiwan, siya'y laging tapat, anuman ang mangyari, salita'y tinutupad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:3

Kay rami ng sinasabing pangungusap na di tunay, kinakalaban nga ako kahit walang madahilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:6

Hindi ako gumanti nang bugbugin nila ako, hindi ako kumibo nang insultuhin nila ako. Pinabayaan ko silang bunutin ang aking balbas at luraan ang aking mukha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:24-26

Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:5

Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin; di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:25

Si Judas na magkakanulo sa kanya ay nagtanong din, “Guro, ako po ba?” Sumagot si Jesus, “Ikaw ang nagsabi niyan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30-32

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa. Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay sapagkat di kayo dapat mamatay, mga Israelita. Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, kaya magpakabuti na kayo upang mabuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:20

Sa iyo ba ay papanig mga hukom na masama, na ang laging kapasyaha'y ang hatol na hindi tama?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:4-6

Sapagkat paano pang panunumbalikin upang magsisi ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo. Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat ng ito, hindi na sila maaaring panumbalikin upang magsisi sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:8-9

Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako, kaysa panaligan yaong mga tao. Higit ngang mabuting ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay, kaysa pamunuan ang ating asahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:17

Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:13

Walang maitatago sa bibig ng madaldal, ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:4

kahit may ilang huwad na kapatid na nagtangka ng gayon. Nakihalubilo sila sa amin upang manmanan ang kalayaang taglay natin kay Cristo Jesus. Nais nila kaming maging mga alipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:5-6

Yaong mga kaaway ko, ang palaging binabadya, “Kailan ka mamamatay, ganap na mawawala?” Yaong mga dumadalaw sa akin ay hindi tapat; ang balitang masasama ang palaging sinasagap, at saan ma'y sinasabi upang ako ay mawasak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:4-5

“Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga taong pumapatay ng katawan at wala nang kayang gawin higit pa rito. Kayo man ay dapat na humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.” Nagtanong si Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” Sumagot ang Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala? Sino ang katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa takdang oras? Pinagpala ang aliping madaratnang gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. Ngunit kung sasabihin ng aliping iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon,’ bubugbugin niya ang mga kapwa niya aliping lalaki at babae, at siya'y kakain, iinom at maglalasing, darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail. “Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat. Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa at sana'y nagliliyab na ito! Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihan ding magtapon sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:37

Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:6

Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:3-4

Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga, at sa biglang yaman ng mga masama. Ni hindi nagdanas ng anumang hirap, sila'y masisigla't katawa'y malakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:1-2

Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay tatalikuran ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo. Dahil dito, nagsisikap tayo at nagpapagal, sapagkat umaasa tayo sa Diyos na buháy at Tagapagligtas ng lahat ng mga tao, lalo na ng mga sumasampalataya. Ituro mo't ipatupad ang lahat ng ito. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay. Habang wala pa ako riyan, iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa harap ng mga tao, sa pangangaral at sa pagtuturo. Huwag mong pabayaan ang kaloob na ibinigay sa iyo nang magsalita ang mga propeta at ipatong sa iyo ng mga matatandang pinuno ng iglesya ang kanilang kamay. Isagawa mo ang mga ito at pag-ukulan mo ng panahon upang makita ng lahat ang iyong paglago. Pakaingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Patuloy mong gawin ang mga ito sapagkat sa paggawa mo nito ay maliligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo. Ang mga katuruang ito'y pinalalaganap ng mga taong sinungaling at may mga manhid na budhi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:20

Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:32

Ipinapahamak ang sarili ng ayaw makinig sa pangaral, ngunit ang nagpapahalaga sa paalala ay nagdaragdag ng kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:36

At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:21-23

Sama-sama silang lagi't ang matuwid ang kalaban, ang hatol sa walang sala ay hatol na kamatayan. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol. Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan. Sa masamang gawa nila ay Diyos ang gaganti, lilipulin niyang lahat, pagkat sila'y di mabuti; ang wawasak sa kanila ay ang Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:4

Hinding-hindi! Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat, “Kapag ikaw ay nagsalita, mapapatunayan kang matuwid at kung ikaw ay hahatulan, ikaw ay mananaig.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:12

Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:20-21

pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:2

Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos. Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita, at hindi niya kayo marinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 54:5

Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway; ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Pupurihin kita, O Diyos, sapagkat Ikaw ay Matuwid, Banal, at Karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Ikaw ang aking Diyos, ang aking kapanatagan sa gitna ng bagyo, ang aking kanlungan sa oras ng pangangailangan. Panginoon, sa ngalan ni Hesus, lumalapit ako sa Iyo sa gitna ng paghihirap na ito, sa sakit ng pagtataksil. Tulungan mo akong magpatawad, Panginoon, dahil nauubos na ang aking lakas, ngunit alam kong dito nagsisimula ang Iyong kapangyarihan. Ama, higit sa lahat, pagalingin Mo ang aking isip at puso. Huwag Mong hayaang ang galit at lungkot na nararamdaman ko ay makasira sa aking kaluluwa at sa aking relasyon sa Iyo. Tunay ngang walang kapantay ang Iyong katapatan at pagmamahal, Diyos. Ang tunay na pag-ibig ay nagmumula sa Iyo, at sa pamamagitan ng Iyong Banal na Espiritu, hinihiling ko na punuin Mo ako ng pagmamahal para sa taong ito na sinubukang saktan ang aking puso sa pamamagitan ng salita at gawa. Mahabag Ka sa kanya, Panginoon, sapagkat sinasabi ng Iyong salita, "Marami ang matitisod noon, at magkakanulo ang isa't isa, at magkakapootan." Purihin Ka, Panginoon, sapagkat ang Iyong salita ang aking kanlungan, at ang Iyong pag-ibig ay narito sa aking pagdaan sa pagsubok na ito. Ikaw, Hesus, ay pinagtaksilan, tinukso, pinabulaanan, hiniya, at kinutya dahil sa akin, upang bayaran ang bigat ng aking mga kasalanan. Sa Iyo, Panginoon, inilagay ang bigat ng aking kapayapaan. Tulungan Mo akong maunawaan na ang mga tao ay mahina, pabago-bago, at madaling magkamali at magkasala. Linisin Mo ang aking isip at puso, at ang mga damdaming itinanim ng kaaway ay alisin Mo sa ngalan ni Hesus. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas