Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

150 Mga Talata sa Bibliya para Magpasalamat sa Diyos


1 Tesalonica 5:18

at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

Mga Awit 100:4

Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.

Mga Awit 118:1

Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

Colosas 3:17

At anuman ang ginagawa nʼyo, sa salita man o sa gawa, gawin nʼyo ang lahat bilang mananampalataya sa Panginoong Jesus, at magpasalamat kayo sa Dios Ama sa pamamagitan niya.

Mga Awit 136:1

Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mabuti. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Efeso 5:20

Lagi kayong magpasalamat sa Dios Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Awit 107:1

Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang pag-ibig niyaʼy magpakailanman.

Mga Awit 9:1

Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga.

1 Mga Cronica 16:34

Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.

Filipos 4:6

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.

Mga Awit 92:1-2

Kataas-taasang Dios na Panginoon namin, napakabuting magpasalamat at umawit ng papuri sa inyo.

Pinalakas nʼyo ako na tulad ng lakas ng lakas ng toro at binigyan nʼyo rin ako ng kagalakan.

Nasaksihan ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway, at narinig ko ang pagdaing ng masasamang kumakalaban sa akin.

Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma, at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon.

Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Dios,

lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag.

Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid. Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan.

Nakalulugod na ipahayag ang inyong pag-ibig at katapatan araw at gabi,

Colosas 4:2

Magpakasigasig kayo sa pananalangin nang may pasasalamat, at habang nananalangin kayo ingatan ninyo ang pag-iisip ninyo.

Mga Awit 95:2-3

Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios. Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios.

Mga Awit 103:2

Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.

1 Mga Cronica 29:13

“Ngayon, O aming Dios, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.

2 Corinto 9:15

Pasalamatan natin ang Dios sa kanyang kaloob na hindi natin kayang ipaliwanag.

Isaias 12:4-5

Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin nʼyo siya! Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin.

Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo.

Mga Awit 105:1

Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.

Mga Awit 69:30

Pupurihin ko ang Dios sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

Mga Hebreo 13:15

Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Dios sa pamamagitan ni Jesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.

Mga Awit 28:7

Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

Mga Awit 30:12

para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

1 Corinto 1:4

Lagi akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

2 Tesalonica 1:3

Mga kapatid, lagi kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa inyo. Nararapat lang na gawin namin ito, dahil patuloy na lumalago ang pananampalataya nʼyo kay Cristo at pagmamahalan sa isaʼt isa.

Colosas 3:15

Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Cristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Dios upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.

Mga Awit 106:1

Purihin nʼyo ang Panginoon! Magpasalamat kayo sa kanya dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.

1 Timoteo 4:4-5

Lahat ng nilikha ng Dios ay mabuti, at dapat walang ituring na masama kung tinatanggap nang may pasasalamat,

dahil nilinis ito ng salita ng Dios at ng panalangin.

Mga Awit 50:23

Ang naghahandog sa akin ng pasasalamat ay pinaparangalan ako at ang nag-iingat sa kanyang pag-uugali ay ililigtas ko.”

Mga Awit 136:26

Magpasalamat tayo sa Dios na nasa langit. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Efeso 1:16

walang tigil ang pasasalamat ko sa Dios dahil sa inyo. At lagi ko kayong ipinapanalangin.

Mga Awit 119:62

Kahit hatinggabi ay gumigising ako upang kayoʼy pasalamatan sa inyong matuwid na mga utos.

Mga Awit 116:17

Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat.

Mga Awit 136:2-3

Magpasalamat kayo sa kanya na Dios ng mga dios. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Pinatay din niya si Haring Og ng Bashan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Ibinigay niya ang kanilang lupain sa kanyang mga mamamayan bilang pamana. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

At ang lupaing itoʼy naging pag-aari ng mga mamamayan ng Israel na kanyang mga lingkod. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Sa ating abang kalagayan, hindi niya tayo kinalimutan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Iniligtas niya tayo sa ating mga kaaway. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Magpasalamat tayo sa Dios na nasa langit. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Roma 1:8

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, dahil balitang-balita ang inyong pananampalataya sa buong mundo.

Colosas 1:12

At makapagpapasalamat din kayo sa Ama. Ginawa niya kayong karapat-dapat na makabahagi sa mamanahin ng mga pinabanal niya, ang manang nasa kinaroroonan ng kaliwanagan.

Lucas 17:15-16

Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Jesus at nagsisigaw ng papuri sa Dios.

Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano.

Mga Awit 145:10

Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan.

Daniel 2:23

O Dios ng aking mga ninuno, pinupuri ko kayo at pinapasalamatan. Kayo ang nagbigay sa akin ng karunungan at kakayahan. At ibinigay nʼyo sa amin ang aming kahilingan sa inyo na ipahayag sa amin ang panaginip ng hari.”

Mga Awit 100:1-5

Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon!

Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.

Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Dios! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.

Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.

Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!

1 Mga Cronica 16:8

Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.

1 Tesalonica 1:2

Mga kapatid, lagi kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa inyong lahat, at lagi namin kayong binabanggit sa mga panalangin namin.

Mga Awit 138:1-2

Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso. Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga dios.

Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo dahil sa inyong pag-ibig at katapatan. Dahil ipinakita nʼyo na kayo at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.

Mga Awit 89:1-2

Panginoon, aawitin ko ang tungkol sa inyong tapat na pag-ibig magpakailanman. Ihahayag ko sa lahat ng salinlahi ang inyong katapatan.

Dinurog nʼyo ang dragon na si Rahab, at namatay ito. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihaʼy ipinangalat nʼyo ang inyong mga kaaway.

Sa inyo ang langit at ang lupa, ang mundo at ang lahat ng naritoʼy kayo ang lumikha.

Nilikha nʼyo ang hilaga at ang timog. Ang mga bundok ng Tabor at Hermon ay parang mga taong umaawit sa inyo nang may kagalakan.

Ang lakas nʼyo ay walang kapantay, at ang inyong kanang kamay ay nakataas at napakamakapangyarihan!

Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.

Panginoon, mapalad ang mga taong nakaranas na sumigaw dahil sa kagalakan para sa inyo. Namumuhay sila sa liwanag na nagmumula sa inyo.

Dahil sa inyo palagi silang masaya. At ang inyong pagiging makatuwiran ay pinupuri nila.

Pinupuri namin kayo dahil kayo ang aming dakilang kalakasan, at dahil sa inyong kabutihan kami ay magtatagumpay.

Panginoon, Banal na Dios ng Israel, ikaw ang naghirang sa hari na sa amin ay nagtatanggol.

Noon, nagsalita kayo sa inyong mga tapat na lingkod sa pamamagitan ng pangitain. Sinabi nʼyo, “May hinubog akong isang mandirigma. Pinili ko siya mula sa mga karaniwang tao, at ginawang hari.

Ipapahayag ko na matatag ang inyong walang hanggang pag-ibig, at mananatili gaya ng kalangitan.

1 Mga Cronica 16:41

Kasama rin nila sina Heman, Jedutun, at ang iba pang mga pinili sa pag-awit ng pagpapasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niyang walang hanggan.

2 Corinto 4:15

Ang lahat ng paghihirap namin ay para sa inyong ikabubuti, para lalo pang dumami ang tumanggap ng biyaya ng Dios. At habang dumarami ang tumatanggap ng biyaya ng Dios, dumarami rin ang nagpapasalamat sa kanya. At dahil dito ay mapupuri siya.

Roma 6:17

Noong una, alipin kayo ng kasalanan. Pero salamat sa Dios dahil ngayon, buong puso ninyong sinusunod ang mga aral na itinuro sa inyo.

Mga Awit 136:4-9

Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Sa pamamagitan ng kanyang karunungan, ginawa niya ang kalangitan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Ginawa niya ang araw at ang buwan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Ginawa niya ang araw upang magbigay liwanag kung araw. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Ginawa niya ang buwan at mga bituin upang magbigay liwanag kung gabi. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

1 Samuel 2:1

At nanalangin si Hanna, “Nagagalak ako sa Panginoon! Dahil sa kanyang ginawa, hindi na ako mahihiya. Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway. Nagagalak ako sa pagliligtas niya sa akin.

Mga Awit 30:4

Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan.

Mga Awit 7:17

Pinasasalamatan ko kayo Panginoon, dahil matuwid kayo. Aawitan ko kayo ng mga papuri, Kataas-taasang Dios.

2 Corinto 2:14

Salamat sa Dios dahil lagi siyang nasa unahan natin sa parada ng tagumpay. Ginagawa niya ito dahil tayo ay nakay Cristo. Saan man kami pumunta, ginagamit kami ng Dios para ipakilala si Cristo sa mga tao. At itong ipinapalaganap namin ay parang halimuyak ng pabango.

Mga Awit 31:19

O kay dakila ng inyong kabutihan; sa mga may takot sa inyo, pagpapalaʼy inyong inilaan. Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan sa mga taong kayo ang kanlungan.

Mga Awit 40:5

Panginoon kong Dios, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

Mga Awit 86:12

Panginoon kong Dios, buong puso ko kayong pasasalamatan. Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman,

Filipos 1:3

Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Dios,

Roma 14:6

Ang taong may pinapahalagahang araw ay gumagawa nito para sa Panginoon. At ang tao namang kumakain ng kahit anong pagkain ay gumagawa rin nito para sa Panginoon, dahil pinapasalamatan niya ang Dios para sa kanyang pagkain. Ang hindi naman kumakain ng ilang klase ng pagkain ay gumagawa nito para sa Panginoon at nagpapasalamat din siya sa Dios.

Mga Awit 136:10-15

Pinatay niya ang mga panganay na anak ng mga Egipcio. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Inilabas niya ang mga taga-Israel sa Egipto. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Inilabas niya sila sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Hinawi niya ang Dagat na Pula. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

At pinatawid niya sa gitna nito ang mga taga-Israel. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Ngunit nilunod niya roon ang Faraon at ang kanyang mga kawal. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Mga Awit 107:8-9

Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw, at pinakakain ang mga nagugutom.

Mga Awit 139:13-14

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

1 Corinto 15:57

Ngunit salamat sa Dios dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Awit 116:12

Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin?

1 Timoteo 1:12

Nagpapasalamat ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon na nagbigay sa akin ng lakas na maglingkod sa kanya, dahil itinuring niya akong mapagkakatiwalaan. Kaya nga pinili niya akong maglingkod sa kanya,

1 Mga Cronica 29:10-13

Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O Panginoon, Dios ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman!

Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!

Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.

“Ngayon, O aming Dios, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.

Mga Hebreo 12:28

Kaya magpasalamat tayo sa Dios dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya,

Mga Awit 9:2

Magpapakasaya ako dahil sa inyo, Kataas-taasang Dios. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.

Mga Awit 57:9

Panginoon, pupurihin ko kayo sa gitna ng mga mamamayan. At sa gitna ng mga bansa, ikaw ay aking aawitan.

2 Mga Cronica 5:13

Ang mga mang-aawit ay nagpuri at nagpasalamat sa Panginoon na tinutugtugan ng mga trumpeta, pompyang at iba pang mga instrumento. Ito ang kanilang inaawit: “Ang Panginoon ay mabuti; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.” Pagkatapos, may ulap na bumalot sa templo ng Panginoon.

Mga Awit 96:1-3

Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!

Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!” Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag. Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan.

Magalak ang kalangitan at mundo, pati ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. Lahat ng mga puno sa gubat ay umawit sa tuwa

sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.

Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.

Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.

Mga Awit 75:1

O Dios, nagpapasalamat kami sa inyo. Nagpapasalamat kami dahil malapit kayo sa amin. Ipinapahayag ng mga tao ang inyong mga kahanga-hangang ginawa.

Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

Mga Awit 118:24

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

1 Mga Cronica 16:35

Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Dios na aming Tagapagligtas; palayain nʼyo po kami sa mga bansa at muli kaming tipunin sa aming lupain, upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”

Ezra 3:11

Nagpuri sila at nagpasalamat sa Panginoon habang umaawit ng, “Napakabuti ng Panginoon, dahil ang pag-ibig niya sa Israel ay walang hanggan.” At sumigaw nang malakas ang lahat ng tao sa pagpupuri sa Panginoon dahil natapos na ang pundasyon ng templo.

Mga Awit 115:1

Panginoon, hindi kami ang dapat na parangalan, kundi kayo, dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.

Daniel 6:10

Nang malaman ni Daniel na lumagda ang hari, umuwi siya at pumunta sa kanyang silid na nasa itaas na bahagi ng bahay, kung saan nakabukas ang bintana na nakaharap sa Jerusalem. Doon lumuhod siya, nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Dios, tatlong beses sa isang araw, ayon sa kanyang nakaugalian.

Colosas 2:6-7

Dahil tinanggap nʼyo na si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo nang karapat-dapat sa kanya.

Patuloy kayong lumago at tumibay sa kanya. Magpakatatag kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at maging mapagpasalamat din kayo.

Mga Awit 34:1

Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras. Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya.

1 Samuel 2:2

Walang ibang banal maliban sa Panginoon. Wala siyang katulad. Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Dios.

Mga Awit 89:5

Panginoon, pupurihin ng mga nilalang sa langit ang inyong katapatan at mga kahanga-hangang gawa.

Mga Awit 105:2

Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.

1 Corinto 10:31

Ito ang maisasagot ko riyan: Anuman ang inyong gawin, kumain man o uminom, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios.

Mga Hebreo 13:16

At huwag nating kalimutan ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa iba, dahil ang ganitong uri ng handog ay kalugod-lugod sa Dios.

Mga Awit 136:16-20

Pinatnubayan niya ang kanyang mga mamamayan sa ilang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Nilipol niya ang makapangyarihang mga hari. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Pinatay niya ang mga dakilang hari. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Pinatay niya si Sihon na hari ng Amoreo. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Magpasalamat kayo sa kanya na Dios ng mga dios. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Pinatay din niya si Haring Og ng Bashan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Mga Awit 138:4-5

Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo, dahil maririnig nila ang inyong mga salita.

Silaʼy aawit tungkol sa inyong ginawa, dahil dakila ang inyong kapangyarihan.

2 Tesalonica 2:13

Mga kapatid, lagi kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa inyo na mga minamahal ng Panginoon. At nararapat lang kaming magpasalamat, dahil noong una pa man ay pinili na kayong maligtas ng Dios sa pamamagitan ng Espiritung nagpapabanal sa inyo, at sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo sa katotohanan.

Mga Awit 118:28-29

Panginoon, kayo ang aking Dios; nagpapasalamat ako at nagpupuri sa inyo.

Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

Mga Awit 65:8

Dahil sa inyong mga kahanga-hangang ginawa, namamangha sa inyo pati ang mga nakatira sa malayong lugar. Mula sa silangan hanggang kanluran, ang mga tao ay napapasigaw sa tuwa dahil sa inyo.

1 Mga Cronica 29:20

Pagkatapos, sinabi ni David sa lahat ng tao, “Purihin nʼyo ang Panginoon na inyong Dios.” Kaya pinuri nila ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno. Yumukod sila at nagpatirapa bilang pagpaparangal sa Panginoon at sa kanilang hari.

Mga Awit 71:8

Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

Mga Awit 104:33-34

Aawit ako sa Panginoon habang nabubuhay. Aawit ako ng papuri sa aking Dios habang may hininga.

Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay. Akoʼy magagalak sa Panginoon.

Jeremias 30:19

Pagkatapos, aawit sila ng pasasalamat at sisigaw sa kagalakan. Pararamihin at pararangalan ko sila.

Mga Awit 63:4-5

Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.

Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan. At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan

Mga Awit 145:2

Pupurihin ko kayo araw-araw, at itoʼy gagawin ko magpakailanman.

1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Mga Awit 136:21-26

Ibinigay niya ang kanilang lupain sa kanyang mga mamamayan bilang pamana. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

At ang lupaing itoʼy naging pag-aari ng mga mamamayan ng Israel na kanyang mga lingkod. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Sa ating abang kalagayan, hindi niya tayo kinalimutan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Iniligtas niya tayo sa ating mga kaaway. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Magpasalamat tayo sa Dios na nasa langit. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Juan 11:41

Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, dahil dininig mo ako.

Mga Awit 103:1

Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan.

Efeso 5:19-20

Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios.

Lagi kayong magpasalamat sa Dios Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Awit 135:1-3

Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo siya, kayong mga lingkod niya,

Winasak niya ang maraming bansa, at pinatay ang kanilang makapangyarihang mga hari,

katulad nina Sihon na hari ng Amoreo, Haring Og ng Bashan, at ang lahat ng hari ng Canaan.

At kinuha niya ang kanilang mga lupain at ibinigay sa mga mamamayan niyang Israelita upang maging kanilang pag-aari.

Panginoon, ang inyong pangalan at katanyagan ay hindi malilimutan sa lahat ng salinlahi.

Dahil patutunayan nʼyo, Panginoon, na ang inyong lingkod ay walang kasalanan, at silaʼy inyong kahahabagan.

Ang mga dios ng ibang mga bansa ay mga yari sa pilak at ginto na gawa ng tao.

May mga bibig, ngunit hindi nakakapagsalita; may mga mata, ngunit hindi nakakakita.

May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig, at silaʼy walang hininga.

Ang mga gumawa ng dios-diosan at ang lahat ng nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito na walang kabuluhan.

Kayong mga mamamayan ng Israel, pati kayong mga angkan ni Aaron at ang iba pang mga angkan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon! Kayong mga may takot sa Panginoon, purihin ninyo siya!

na naglilingkod sa templo ng Panginoon na ating Dios.

Purihin ninyo ang Panginoon na nasa Zion, ang bayan ng Jerusalem na kanyang tahanan. Purihin ang Panginoon!

Purihin ninyo ang Panginoon, dahil siya ay mabuti. Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, dahil ito ay kaaya-aya.

Mga Awit 71:22

O Dios ko, dahil sa inyong katapatan pupurihin ko kayo sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa. O Banal na Dios ng Israel, aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira.

2 Corinto 1:11

sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa ganoon, marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang tatanggapin namin mula sa kanya bilang sagot sa mga panalangin ng marami.

Colosas 3:16

Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.

1 Mga Cronica 16:9

Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.

Mga Awit 44:8

O Dios, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki, at pupurihin namin kayo magpakailanman.

Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon, ang Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.

Isaias 25:1

Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon.

Mga Awit 28:6-7

Purihin kayo, Panginoon, dahil pinakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo.

Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

2 Mga Cronica 20:21

Pagkatapos niyang makipag-usap sa mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit para mauna sa kanila at umawit sa Panginoon upang papurihan siya sa kanyang banal na presensya. Ito ang kanilang inaawit: “Pasalamatan ang Panginoon dahil ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.”

Roma 16:27

Purihin natin ang Dios na tanging nakakaalam ng lahat. Purihin natin siya magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.

Mga Awit 66:1-2

Kayong mga tao sa buong mundo, isigaw ninyo ang inyong papuri sa Dios nang may kagalakan.

O Dios, tunay ngang binigyan nʼyo kami ng pagsubok, na tulad ng apoy na nagpapadalisay sa pilak.

Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag at pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin.

Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha. Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan.

Mag-aalay ako sa inyong templo ng mga handog na sinusunog upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo,

mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan.

Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog, katulad ng mga tupa, toro at mga kambing.

Halikayo at makinig, kayong lahat na may takot sa Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin.

Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri.

Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan.

Ngunit tunay na pinakinggan ako ng Dios at ang dalangin koʼy kanyang sinagot.

Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit.

Mga Awit 66:8-9

Kayong mga tao, purihin ninyo ang Dios! Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.

Iningatan niya ang ating buhay at hindi niya hinayaang tayoʼy madapa.

Filipos 2:13

Sapagkat ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod nʼyo ang kalooban niya.

Mga Awit 118:15

Naririnig ang masayang sigawan ng mga mamamayan ng Dios sa kanilang mga tolda dahil sa kanilang tagumpay. Ang Panginoon ang nagbigay sa kanila ng tagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan! Ang kapangyarihan ng Panginoon ang nagbibigay ng tagumpay!

1 Mga Cronica 29:11

Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!

Mga Awit 92:4-5

Dahil pinasaya nʼyo ako, Panginoon, sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang mga gawa. At dahil dito, akoʼy umaawit sa tuwa.

Panginoon, kay dakila ng inyong mga ginawa. Ang isipan nʼyoʼy hindi namin kayang unawain.

2 Corinto 9:11

Pasasaganain kayo ng Dios sa lahat ng bagay para lagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

Mga Awit 103:11-12

Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya.

Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan.

Pahayag 4:11

“Karapat-dapat po kayo Panginoon naming Dios na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan, dahil kayo ang lumikha sa lahat ng bagay. At ginawa ninyo ang mga ito ayon sa inyong kagustuhan.”

2 Mga Cronica 31:2

Ipinagbukod-bukod ni Hezekia ang mga pari at ang mga Levita ayon sa kani-kanilang gawain sa templo ng Panginoon  – para mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon, para magpasalamat at umawit ng mga papuri sa mga pintuan ng templo.

Mga Awit 148:1-5

Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga nasa langit.

lahat ng mga hayop, maamo o mailap, mga hayop na gumagapang at lumilipad.

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga hari, mga pinuno, mga tagapamahala, at lahat ng tao sa mundo,

mga kabataan, matatanda at mga bata.

Lahat ay magpuri sa Panginoon, dahil siyaʼy dakila sa lahat, at ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa.

Pinalalakas niya at pinararangalan ang kanyang mga tapat na mamamayan, ang Israel na kanyang pinakamamahal. Purihin ang Panginoon!

Purihin ninyo siya, kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niya sa langit.

Purihin ninyo siya, araw, buwan at mga bituin.

Purihin ninyo siya, pinakamataas na langit at tubig sa kalawakan.

Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon! Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.

Mga Awit 145:1

Ako ay magpupuri sa inyo, aking Dios at Hari. Pupurihin ko kayo magpakailanman.

Filipos 1:6

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.

Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Lucas 10:21

Nang oras ding iyon, napuno si Jesus ng kagalakang mula sa Banal na Espiritu. At sinabi niya, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sariliʼy mga marurunong at matatalino, at inihayag mo sa mga taong tulad ng bata na kaunti lang ang nalalaman. Oo, Ama, pinupuri kita dahil iyon ang kalooban mo.”

Mga Awit 118:5-6

Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon, at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.

Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?

Mga Awit 136:7-9

Ginawa niya ang araw at ang buwan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Ginawa niya ang araw upang magbigay liwanag kung araw. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Ginawa niya ang buwan at mga bituin upang magbigay liwanag kung gabi. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Mga Awit 149:1

Purihin ang Panginoon! Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon. Purihin nʼyo siya sa pagtitipon ng kanyang tapat na mga mamamayan.

Efeso 3:20-21

Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin.

Purihin natin siya magpakailanman dahil sa mga ginawa niya para sa iglesya na nakay Cristo Jesus. Amen.

1 Juan 1:9

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.

Efeso 1:3

Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espiritwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya,

Mga Awit 106:2-3

Walang makapagsasabi at makapagpupuri nang lubos sa makapangyarihang gawa ng Panginoon.

Ang kanilang dakilang Dios ay pinalitan nila ng imahen ng toro na kumakain ng damo.

Kinalimutan nila ang Dios na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala roon sa Egipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.

Nilipol na sana ng Dios ang kanyang mga mamamayan kung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod. Pinakiusapan ni Moises ang Panginoon na pigilan niya ang kanyang galit upang hindi sila malipol.

Tinanggihan nila ang magandang lupain dahil hindi sila naniwala sa pangako ng Dios sa kanila.

Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda at hindi sumunod sa Panginoon.

Kaya sumumpa ang Panginoon na papatayin niya sila doon sa ilang,

at ikakalat ang kanilang mga angkan sa ibang mga bansa at nang doon na sila mamatay.

Inihandog nila ang kanilang mga sarili sa dios-diosang si Baal doon sa bundok ng Peor, at kumain sila ng mga handog na inialay sa mga patay.

Ginalit nila ang Panginoon dahil sa kanilang masasamang gawa, kaya dumating sa kanila ang salot.

Mapalad ang taong gumagawa nang tama at matuwid sa lahat ng panahon.

Mga Awit 115:18

Tayong mga buhay ang dapat magpuri sa Panginoon ngayon at magpakailanman. Purihin ang Panginoon!

Isaias 12:5

Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo.

Roma 5:3-5

At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.

Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios.

At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Mga Awit 31:21

Purihin ang Panginoon, dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akin noong akoʼy naipit sa isang sinasalakay na bayan.

Mga Hebreo 4:15-16

Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala.

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Mga Awit 30:11-12

Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan,

para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

1 Corinto 1:31

Kaya gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang gustong magmalaki, ipagmalaki lamang ang ginawa ng Dios.”

1 Pedro 1:3-4

Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa dakila niyang awa sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may nakahandang mana ang Dios para sa atin. Ang manang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas.

Mga Awit 145:8-9

Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin; hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.

Panginoon, mabuti kayo sa lahat; nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha.

Isaias 12:1

Sa araw na iyon, aawit kayo: “Panginoon, pinupuri ko kayo. Nagalit kayo sa akin, pero hindi na ngayon, at ngayoʼy inaaliw nʼyo na ako.

Roma 7:25

Salamat sa Dios, siya ang magliligtas sa akin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Ito ang aking kalagayan: Ang kaisipan ko ay nagpapasakop sa Kautusan ng Dios, pero ang aking makasalanang pagkatao ay nagpapasakop sa kapangyarihan ng kasalanan.

1 Mga Cronica 16:36

Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman. At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!

Mga Awit 107:31

Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon, dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

Mga Awit 89:8

O Panginoong Dios na Makapangyarihan, wala kayong katulad; makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.

Mga Hebreo 13:15-16

Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Dios sa pamamagitan ni Jesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.

At huwag nating kalimutan ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa iba, dahil ang ganitong uri ng handog ay kalugod-lugod sa Dios.

2 Mga Cronica 20:22

At nang nagsimula silang umawit ng mga papuri, pinaglaban-laban ng Panginoon ang mga Moabita, Ammonita at mga taga-Bundok ng Seir.

Mga Awit 119:164

Pitong beses akong nagpupuri sa inyo bawat araw dahil matuwid ang inyong mga utos.