Napakalaking biyaya mula sa Diyos ang ating mga magulang, at ang pinakamagandang magagawa natin ay pasalamatan sila sa kanilang pagmamahal at paghihirap para sa atin. Mapalad tayo kung nabibigyan pa natin sila ng magagandang alaala kasama natin, dahil napakalawak ng kanilang pagmamahal. Kalooban ng Diyos na tayo ay isilang at lumaki sa isang pamilya, upang matutunan natin ang kahulugan ng pagmamahal, respeto, at pagtutulungan para sa kapakanan ng iba.
Bilang mga anak, mahalagang bigyan natin ng oras ang ating mga magulang. Karapat-dapat sila sa ating atensyon, paghanga, at sa pribilehiyong makatanggap ng magagandang bagay mula sa atin araw-araw. Sa anumang paraan, kailangan nating suklian ang kanilang kabutihan, kahit hindi nila hinihingi, dahil dito nagmumula ang tunay na pasasalamat. Sa mga salitang ito, ipinapahayag ko ang aking taos-pusong pasasalamat sa kanila dahil sila ay bahagi ng buhay ko.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng tao sa mundo. Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.
Lagi akong nagpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
At akoʼy magiging Ama ninyo, at kayo namaʼy magiging mga anak ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”
Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa kanyang templo. Makita sana ninyong umuunlad ang Jerusalem habang kayoʼy nabubuhay. Makita sana ninyo ang inyong mga apo. Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan!
“Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.
Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang, dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kwintas.
Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng Panginoon upang ituwid ang iyong pag-uugali. Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan.
Mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang mga pagtutuwid ng inyong ama sa inyong pag-uugali, upang lumawak ang inyong pang-unawa. Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay. Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran. Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan. Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito. Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama. Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid. Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak. Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan. Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal. Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak. Mabuti ang itinuturo kong ito, kaya huwag ninyong ipagwalang bahala.
Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang. Itanim mo ito sa iyong isipan para hindi mo makalimutan. Ito ang magpapatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa.
Karangalan ng mga loloʼt lola ang kanilang mga apo, gayon din naman, karangalan ng mga anak ang kanilang mga magulang.
Narito ang mga kawikaan ni Solomon: Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay nagbibigay ng kalungkutan.
Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay hinahamak ang magulang.
Mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang mga pagtutuwid ng inyong ama sa inyong pag-uugali, upang lumawak ang inyong pang-unawa.
Makinig ka sa iyong mga magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanila, hindi ka naisilang sa mundong ito. Huwag mo silang hahamakin kapag sila ay matanda na.
Mga anak, sundin nʼyo ang mga magulang nʼyo dahil ito ang nararapat gawin bilang mga mananampalataya sa Panginoon.
Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya.
Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.
“ ‘Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina, ayon sa iniutos ko sa inyo para mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.
Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya. Dahil alam niya ang ating kahinaan, alam niyang nilikha tayo mula sa lupa.
Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”
Ngunit kung may mga anak o apo ang isang biyuda, sila ang dapat kumalinga sa kanya bilang pagpapakita ng takot nila sa Dios at bilang pagtanaw ng utang na loob sa magulang nila. Sapagkat nakalulugod ito sa Dios.
Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon. Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama ay parang pana sa kamay ng sundalo. Mapalad ang taong may maraming anak, dahil may tutulong sa kanya kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.
Ang pagpalo sa bata upang siya ay ituwid ay makapagtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung pababayaan lang siya, makapagbibigay siya ng kahihiyan sa kanyang magulang.
Mapalad kayong may takot sa Panginoon, na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan. Ang inyong pinaghirapan ay magiging sapat sa inyong pangangailangan, at kayoʼy magiging maunlad at maligaya. Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan sa inyong tahanan, na sagana sa bunga, at ang inyong mga anak na nakapaligid sa inyong hapag-kainan ay parang mga bagong tanim na olibo. Ganito pagpapalain ang sinumang may takot sa Panginoon.
Halimbawa, sinabi ng Dios, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’ at ‘Ang lumapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’ Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa kanyang mga magulang na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay nakalaan na sa Dios, hindi na niya kailangang tumulong sa kanila. Pinawawalang-halaga ninyo ang utos ng Dios dahil sa inyong mga tradisyon.
Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan sa mga mamamayan ng Israel na mula sa lahi ni Jacob. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak, Hindi pinigilan ng Dios ang kanyang poot. Hindi niya sila iniligtas sa kamatayan. Sa halip ay pinatay sila sa pamamagitan ng mga salot. Pinatay niyang lahat ang mga panganay na lalaki sa Egipto na siyang lugar ng lahi ni Ham. Ngunit inilabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na katulad ng mga tupa at pinatnubayan sila na parang kanyang kawan sa ilang. Pinatnubayan niya sila, kaya hindi sila natakot. Ngunit ang mga kaaway nila ay nalunod sa dagat. Dinala sila ng Dios sa lupain na kanyang pinili, doon sa kabundukan na kinuha niya sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Itinaboy niya ang lahat ng naninirahan doon, at hinati-hati ang lupain sa mga lahi ng Israel para maging pag-aari nila at maging tirahan. Ngunit sinubok pa rin nila ang Kataas-taasang Dios, naghimagsik sila at hindi sumunod sa kanyang mga utos. Tumalikod sila sa Dios kagaya ng kanilang mga ninuno. Tulad sila ng isang sirang pana na hindi mapagkakatiwalaan. Pinanibugho nila ang Dios at ginalit dahil sa mga dios-diosan sa mga sambahan sa matataas na lugar. Alam ng Dios ang ginawa ng mga Israelita, kaya nagalit siya at itinakwil sila nang lubusan. upang malaman din ito ng mga susunod na lahi at nang ituro rin nila ito sa kanilang mga anak. Iniwanan niya ang kanyang tolda sa Shilo, kung saan siya nananahan dito sa mundo. Hinayaan niyang agawin ng mga kaaway ang Kahon ng Kasunduan na simbolo ng kanyang kapangyarihan at kadakilaan. Nagalit siya sa kanyang mga mamamayan kaya ipinapatay niya sila sa kanilang mga kaaway. Sinunog ang kanilang mga binata, kaya walang mapangasawa ang kanilang mga dalaga. Namatay sa labanan ang kanilang mga pari, at ang mga naiwan nilang asawa ay hindi makapagluksa. Pagkatapos, parang nagising ang Panginoon mula sa kanyang pagkakahimlay; at para siyang isang malakas na tao na pinatapang ng alak. Itinaboy niya at pinaatras ang kanyang mga kaaway; inilagay niya sila sa walang hanggang kahihiyan. Itinakwil niya ang lahi ni Jose, hindi rin niya pinili ang lahi ni Efraim. Sa halip ay pinili niya ang lahi ni Juda at ang bundok ng Zion na kanyang minamahal. Doon niya ipinatayo ang kanyang templo, katulad ng langit at lupa na matatag magpakailanman. Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Dios at hindi nila makakalimutan ang kanyang ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos,
Mga anak, sundin nʼyo ang mga magulang nʼyo dahil ito ang nararapat gawin bilang mga mananampalataya sa Panginoon. At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito. Kaya gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios, para sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag. Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot nʼyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. Isuot nʼyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot nʼyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin nʼyo bilang espada ang Salita ng Dios na kaloob ng Banal na Espiritu. At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin nʼyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal. Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Dios ng wastong pananalita para maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon. “Igalang nʼyo ang inyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may kasamang pangako. Sapagkat isinugo ako ng Dios para mangaral ng Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tykicus, na minamahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat tungkol sa akin, para malaman nʼyo ang kalagayan ko at kung ano ang mga ginagawa ko. Ito ang dahilan kung bakit pinapupunta ko siya sa inyo: Para malaman nʼyo ang tungkol sa amin at mapalakas niya ang loob ninyo. Mga kapatid, sumainyo nawa ang kapayapaan, pag-ibig at pananampalatayang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Pagpalain nawa ng Panginoong Jesu-Cristo ang lahat ng nagmamahal sa kanya nang tapat. At ito ang pangako, “Giginhawa ka at hahaba ang buhay mo rito sa lupa.”
Igalang nʼyo ang lahat ng tao at mahalin nʼyo ang mga kapatid ninyo kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Dios, at igalang ninyo ang Emperador.
Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang nʼyo sa lahat ng bagay, dahil kalugod-lugod ito sa Panginoon.
Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.
Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.
Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Dios, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang pwesto. Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan. Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Jesu-Cristo. Mag-uumaga na, kaya iwanan na natin ang mga gawain ng kadiliman at isuot na ang kabutihan bilang panlaban nating mga nasa liwanag. Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag nating gawin ang paglalasing, magugulong kasiyahan, sekswal na imoralidad, kalaswaan, ang pag-aaway, at inggitan. Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa. Kaya ang mga lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Dios, at dahil dito parurusahan niya sila.
Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.
Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.
Kaya ibigay ninyo ang nararapat ibigay. Bayaran ninyo ang inyong mga buwis, igalang ang dapat igalang, at parangalan ang dapat parangalan.
Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.
At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.
Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay nagnanais ng karunungan, ngunit ang taong ayaw tumanggap ay hangal.
Purihin ang Panginoon! Mapalad ang taong may takot sa Panginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos. Makikita ito ng mga taong masama at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit, at parang matutunaw sila dahil sa kahihiyan. Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama. Ang mga anak niya ay magiging matagumpay, dahil ang angkan ng mga namumuhay nang matuwid ay pagpapalain.
Iwasan ang masama at gawin ang mabuti; nang sa gayon ay manahan ka sa lupain magpakailanman.
Mahal ko ang Panginoon, dahil dinidinig niya ang paghingi ko ng tulong sa kanya. Kahit na sinabi kong, “Sukdulan na ang paghihirap ko,” nagtitiwala pa rin ako sa kanya. Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong, “Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.” Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin? Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa Panginoon sa harap ng kanyang mga mamamayan. Nasasaktan ang Panginoon kung mamatay ang kanyang mga tapat na mga mamamayan. Panginoon, ako nga ay inyong lingkod. Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag. Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat. Tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo sa harap ng inyong mga mamamayan, doon sa inyong templo sa Jerusalem. Purihin ang Panginoon! Dahil pinakikinggan niya ako, patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay.