Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

118 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Proteksyon Laban sa Kasamaan

Alam mo, si Hesus, bilang isang taong nabuhay dito sa mundo, ay siyang sukdulan ng karunungan at kabutihan. Siya ang tunay na hukom, hindi nagsisinungaling at walang pagkakamali. Dahil sa pagmamahal at awa Niya sa atin, nararamdaman Niya ang mga paghihirap natin sa araw-araw. Si Hesus ang ating Mabuting Pastol, guro, kaibigan, kapatid, at higit sa lahat, tagapagtanggol.

Hindi tayo laging sigurado sa tagumpay kung sa tao lang tayo aasa, pero sabi nga sa 1 Juan 2:1, si Hesukristo ang ating tagapamagitan sa Ama. Anuman ang pinagdadaanan mo, alam at naiintindihan Niya. Ang paglapit sa Kanya para maging abogado mo ang pinakamagandang desisyon na magagawa mo.

Nasa panig mo ang Diyos, kaya mayroon kang kasiguruhan. Matuwid ang puso Niya, walang masamang balak, at puro kabutihan ang nasa isip Niya. Kung nakaranas ka ng kawalan ng katarungan o nalagay sa alanganin, lumapit ka sa mabuting Hukom. Ikwento mo sa Kanya ang iyong mga problema at hayaan mong Siya ang kumilos para sa iyo.

Huwag mong ipaghiganti ang sarili mo o humanap ng hustisya sa sarili mong paraan. Magtiwala ka sa Diyos. Kapag kinausap mo Siya, diringgin Niya ang iyong panalangin at tutulungan ka Niya. Panatilihin mong malapit ang iyong relasyon sa Kanya at maging mapayapa ka sa kabila ng mga pagsubok, dahil ang Diyos ang may huling salita.

Kilala mo si Hesukristo bilang iyong tagapagtanggol, kaya makikita mo kung paano Niya patatahimikin ang mga kumakalaban sa iyo. Mawawala ang mga bintang ng diyablo na nagsasabing may kasalanan ka dahil sa kapangyarihan ng dugo ni Hesus. Dahil sa Kanya, malaya ka at wala kang dapat ikatakot na parusa. Aleluya.


Mga Awit 91:1-2

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,

Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.

Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.

Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.

Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”

ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Isaias 54:17

Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.

Mga Awit 121:7-8

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas.

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.

2 Tesalonica 3:3

Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.

Roma 8:31

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Mga Awit 18:2

Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang.

Mga Kawikaan 18:10

Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.

Exodus 23:20

“Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo.

Isaias 19:20

Iyan ang magiging palatandaan na si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay naroon at sila'y bibigyan niya ng tagapagtanggol kapag sila'y humingi ng tulong sa panahon ng pag-uusig.

Mga Awit 91:11-12

Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.

1 Juan 5:18

Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ng Anak ng Diyos, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo.

Isaias 38:6

Hindi lamang iyon, ikaw at ang lunsod na ito'y hindi mapapahamak, sapagkat ipagtatanggol ko kayo laban sa hari ng Asiria.’”

Mga Awit 48:3

Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman, sa loob ng muog ng banal na bayan.

Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Isaias 31:5

Tulad ng pag-aalaga ng ibon sa kanyang inakay, gayon iingatan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang Jerusalem. Ipagtatanggol niya ito at ililigtas; hindi niya ito pababayaan.”

Mga Awit 23:4

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Mga Awit 5:11-12

Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan.

Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.

Mga Awit 25:20

Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay, huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan, pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay.

Jeremias 51:36

Kaya sinabi ni Yahweh sa Jerusalem, “Ipagtatanggol kita at ipaghihiganti. Tutuyuin ko ang kanyang dagat at bukal.

Efeso 6:11

Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.

Zacarias 12:8

Sa araw na iyon, palalakasin ko ang mga taga-Jerusalem upang pati ang mga mahihina ay magiging sinlakas ni David. Ang sambahayan ni David ay magiging makapangyarihang tulad ng Diyos, tulad ng anghel ni Yahweh na nanguna sa kanila.

Mga Hebreo 13:6

Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Zacarias 9:8

Babantayan ko ang aking bayan upang hindi ito mapasok ng kaaway. Hindi ko na papahintulutang lupigin pa sila ng iba, sapagkat nakita ko na ang kanilang paghihirap.”

Mga Awit 16:8

Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya.

Mga Awit 27:1

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?

Mga Awit 32:7

Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)

Mateo 6:13

At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’

Mga Awit 17:8

Ako'y bantayan mo, ang paborito mong anak, at palagi mong ingatan sa lilim ng iyong pakpak;

Mga Awit 46:1

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

Mga Awit 27:5

Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.

Mga Awit 59:1-2

Sa aking kaaway, iligtas mo ako, O aking Diyos; ingatan mo ako kapag sila'y lumusob.

Ako'y minamahal, mahal ako ng Diyos, ako'y lalapitan upang ipamalas ang kanyang paglupig sa mga kaaway.

Huwag mong papatayin, nang di malimutan ng iyong mga lingkod. Sa taglay mong lakas pangalatin sila at iyong isabog; ikaw ang sanggalang, Yahweh, aming Diyos.

Sa kanilang labi'y pawang kasamaan ang namumutawi; sa pagmamataas, ang aking dalangin, sila ay mahuli, pagkat sinungaling at sa pangungutya, sila'y nawiwili.

Wasakin mong lubos, dahil sa iyong galit, ganap mong wasakin; dito malalaman ng lahat, na ika'y hari ng Israel, at sa sansinukob ikaw ang hari din. (Selah)

Pagdating ng gabi, sila'y nagbabalik sa loob ng lunsod; asong kumakahol ang nakakatulad habang naglilibot.

Animo'y lagalag, lakad lang nang lakad, pagkain ang hanap; hindi masiyahan, kapag ang nakuha nila'y hindi sapat.

Ngunit aawit ako, pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas, sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas; pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito, at aking kanlungan kapag lugmok ako.

Pupurihin kita, tagapagtanggol ko at aking kanlungan, Diyos kong mapagmahal.

Sa masamang tao, ako ay iligtas, at sa pumapatay agawin mo ako at iyong ingatan.

Mga Awit 35:23

Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol, iyong ipaglaban ako, Panginoon.

Mga Awit 31:20

Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway.

1 Pedro 5:8-9

Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.

Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig.

Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

Mga Awit 86:2

Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan, lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman.

Mga Awit 91:3

Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.

Mga Awit 68:5

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo, tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga balo.

Genesis 50:20

Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon.

Mga Kawikaan 14:26

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan.

Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

Mga Awit 91:14-15

Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.

Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

Mga Awit 138:7

Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin, ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.

Mga Awit 91:4

Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.

Colosas 3:3

sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo.

Mateo 10:29-31

Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama.

si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo,

At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat.

Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Mga Awit 118:6-7

Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating.

Si Yahweh ang siyang sa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila't aking mamamasdan.

Mga Awit 119:114

Ikaw lamang ang muog ko at matibay na sanggalang, ang pangako mo sa akin ay lubos kong aasahan.

Isaias 40:29

Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.

Mga Kawikaan 2:8

Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.

Mga Awit 145:20

Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay.

Mga Awit 121:5-6

Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang.

Di ka maaano sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.

Mga Awit 37:39-40

Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid, iingatan sila kapag naliligalig.

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan laban sa masama, ipagsasanggalang; sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.

Mga Awit 91:15

Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

Roma 16:20

Ang Diyos ang bukal ng kapayapaan at malapit na niyang pasukuin sa inyo si Satanas. Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesus.

Mga Awit 4:8

Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Isaias 26:3

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.

Mga Awit 91:5-6

Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.

Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.

Mga Kawikaan 3:24

Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin, at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing.

Mga Awit 40:11

Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin; wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman.

Mga Awit 140:4

Sa mga masama ako ay iligtas; iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas, na ang nilalayon ako ay ibagsak.

Isaias 26:12

Ikaw ang nagbibigay sa amin ng kapayapaan, at anumang nagawa nami'y dahil sa iyong kalooban.

2 Corinto 1:10

Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami'y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas

Mga Awit 121:1

Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling?

Mga Awit 138:3

Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Mga Kawikaan 30:5

“Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya.

Mateo 5:39

Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.

Isaias 50:7

Hindi ko pinansin ang mga pag-insultong ginawa nila sa akin, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang tumutulong sa akin. Handa akong magtiis, sapagkat aking nalalaman na ako'y hindi mapapahiya.

Mga Awit 144:2

Matibay kong muog at Tagapagligtas, at aking tahanang hindi matitinag; Tagapagligtas kong pinapanaligan, nilulupig niya sakop kong mga bayan.

Mga Awit 91:10

Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

Filipos 4:7

At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Efeso 6:13-17

Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.

Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran;

isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan.

Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo.

Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.

Mga Awit 12:7

Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan, sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan;

1 Juan 4:4

Mga anak, kayo nga'y sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan.

Roma 8:38-39

Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap,

ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Mga Awit 69:14

Iligtas mo ako, ako ay sagipin, sa putik na ito't tubig na malalim; sa mga kaaway, ako'y iligtas din.

Mga Awit 125:1-2

Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala, kailanma'y di makikilos, hindi mauuga.

Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok, gayon nagtatanggol sa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos.

Mateo 28:20

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Mga Awit 32:8

Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan.

Mga Awit 37:5

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Isaias 59:19

Kaya katatakutan siya ng mga taga-kanluran, at dadakilain sa dakong silangan; darating si Yahweh, tulad ng malakas na agos ng tubig, gaya ng ihip ng malakas na hangin.

Mga Awit 119:166

Hinihintay kita, O Yahweh, upang ako ay iligtas, ang lahat ng iyong utos ay akin ngang tinutupad.

1 Mga Cronica 16:11

Lumapit kayo kay Yahweh upang tulong niya'y hingin, sa tuwina'y parangalan siya at sambahin.

2 Mga Cronica 20:15

Sinabi niya, “Makinig kayo, Haring Jehoshafat, at kayong mga taga-Juda at Jerusalem. Ganito ang sinasabi sa inyo ni Yahweh: ‘Huwag kayong matakot ni masiraan ng loob dahil sa maraming kaaway. Ang Diyos ang makikipaglaban at hindi kayo.

Mga Awit 119:140

Ang pangako mo sa amin ay subok na't walang mintis, kaya naman ang lingkod mo'y labis itong iniibig.

Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.

Mga Awit 94:22

Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol. Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan.

Galacia 1:4

Inialay ni Jesu-Cristo ang kanyang sarili para sa ating kasalanan ayon sa kalooban ng ating Diyos Ama upang mahango tayo sa kasamaang naghahari ngayon sa sanlibutang ito.

Mga Awit 55:22

Ilagak kay Yahweh iyong suliranin, aalalayan ka't ipagtatanggol rin; ang taong matuwid, di niya bibiguin.

Mga Awit 140:1-2

Sa mga masama ako ay iligtas, iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas;

Bagsakan mo sila ng apoy na baga, itapon sa hukay nang di makaalsa.

At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa; ang marahas nama'y bayaang mapuksa.

Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang, at pananatilihin ang katarungan.

Ang mga matuwid magpupuring tunay, ika'y pupurihi't sa iyo mananahan!

sila'y nagpaplano at kanilang hangad palaging mag-away, magkagulo lahat.

Mga Awit 46:10

Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”

Isaias 54:14

Patatatagin ka ng katuwiran, magiging ligtas ka sa mga mananakop, at wala kang katatakutang anuman.

Mga Awit 56:11

Lubos akong umaasa't may tiwala ako sa Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

Isaias 41:13

Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”

Mga Awit 94:19

Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin.

Mga Awit 9:9

Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

Mga Awit 22:4

Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo, sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo.

Mga Hebreo 13:5

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Roma 5:1

Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Awit 56:3-4

Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.

Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

Isaias 32:17

Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.

Mga Awit 107:20

Sa salita lamang na kanyang pahatid sila ay gumaling, at naligtas sila sa kapahamakang sana ay darating.

Mga Awit 118:14

Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan; siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.

Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Mga Awit 146:9

Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Mateo 5:10

“Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

Isaias 43:1

Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Mga Awit 115:11

Kay Yahweh ay magtiwala, kayong may takot sa kanya, siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.

Mga Awit 20:1

Pakinggan ka sana ni Yahweh kapag ika'y nagdurusa! At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana.

Mga Awit 34:7

Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

Mga Kawikaan 20:22

Huwag mong gantihan ng masama ang masama; tutulungan ka ni Yahweh, sa kanya ka magtiwala.

Mga Kawikaan 21:31

Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan, ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.

Mga Kawikaan 23:10-11

Huwag mong babaguhin ang hangganang matagal nang nakalagay, ni sasakupin ang lupa ng mga ulila.

Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban.

Isaias 49:25

Ang sagot ni Yahweh: “Ganyan ang mangyayari. Itatakas ng mga kawal ang kanilang bihag, at babawiin ang sinamsam ng malupit. Ako ang haharap sa sinumang lalaban sa iyo, at ililigtas ko ang iyong mga anak.

Isaias 49:26

Hihimukin kong magpatayan ang mga umaapi sa inyo. Mag-aalab ang kanilang poot, at mahuhumaling sa pagpatay. Sa gayon makikilala ng sangkatauhan na akong si Yahweh ang Makapangyarihang Diyos, ang nagligtas sa Israel.”

Isaias 54:15-17

Kung may sumalakay sa iyo, hindi ito mula sa akin; ngunit mabibigo ang sinumang sa iyo ay lumaban.

Ako ang lumikha ng mga panday, na nagpapaapoy sa baga at gumagawa ng mga sandata. Ako rin ang lumikha sa mga mandirigma, na gumagamit sa mga sandata upang pumatay.

Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.

Panalangin sa Diyos

Dakila ka, Panginoon ko, at karapat-dapat sa pinakamataas na papuri. Ikaw ang kakila-kilabot, makapangyarihan sa labanan, aking kanlungan at tagapagligtas. Sa mahal mong pangalan, Hesus, nais kong magpasalamat sa iyong mapagmahal at tapat na pangangalaga. Tunay nga, Panginoon, ang iyong mga kaawaan ay nagpapanibago sa akin araw-araw dahil iningatan mo ako mula sa mga patibong ng kaaway at iniligtas ang aking pamilya mula sa mga lihim na balak. Ingatan at iligtas mo ako upang patuloy kong madama ang iyong kapayapaan at lubos na matupad ang layunin na ibinigay mo sa akin. Sabi ng iyong salita: "Kung may magbalak laban sa iyo, hindi ito magmumula sa akin; sinumang magbalak laban sa iyo ay mabubuwal sa iyong harapan." Hinihiling ko sa iyo, Espiritu Santo, na ingatan mo ako mula sa lahat ng kasamaan, mula sa lahat ng pag-iisip at pakana na pinaplano ng kaaway laban sa akin. Ingatan mo ako sa ilalim ng iyong mga pakpak, Panginoon. Linisin mo ang aking isip, puso, katawan, kaluluwa, at espiritu, at huwag mong hayaang may anumang makasira sa aking relasyon sa iyo. Panginoon, sa iyo ako dumadalangin dahil ikaw ang aking kalasag at aking tagapagtanggol. Naniniwala ako sa iyo, sa iyong kapangyarihan at sa iyong kaluwalhatian. Umaasa ako sa iyong salita kapag may tumatayo laban sa akin, dahil ito lamang ang makapagbibigay sa akin ng kapayapaan. Hinihiling ko na alisin mo ang lahat ng aking mga paghihirap at sakit. Ilayo mo sa aking buhay at tahanan ang lahat ng impluwensya ng diyablo at ng kanyang mga demonyo. Iligtas mo ako mula sa lahat ng kasamaang darating laban sa akin at basagin ang lahat ng kadenang gumagapos sa akin. Hinihiling ko ito upang mapaluguran at mapaglingkuran kita nang walang anumang pisikal o espirituwal na hadlang. Nasusulat: "Inihahanda mo ang isang piging para sa akin sa harapan ng aking mga kaaway; pinahiran mo ng langis ang aking ulo; ang aking kopa ay umaapaw." Sa ngalan ni Hesus, Amen.