Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


113 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli

113 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli

Mahal ko, ang pagtubos ni Cristo ay ipinapakita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay. Dahil namatay si Hesus at binuhay Siya ng Diyos mula sa mga patay, ngayon ay mayroon tayong kalayaan.

Ipinakita ni Hesus ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpili na mamatay para sa iyo, kahit alam Niyang makasalanan ka, para mapatawad ang lahat ng iyong mga kasalanan dahil sa Kanyang dugo.

Kailangan mong maunawaan na ang "muling pagkabuhay" ay nangangahulugang pag-alala sa sakripisyo ng Panginoon at paggunawang-alaala nito sa iyong puso, na may malalim na pasasalamat dahil naligtas ka dahil sa Kanyang biyaya.

Sa pag-alala sa paghihirap ni Hesus, matututo kang pahalagahan ang lahat ng ginawa Niya para sa iyo at mauunawaan mo na ang lahat sa iyong pagkatao ay mababago dahil sa Kanyang presensya.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang muling pagkabuhay, lahat ay nababago; ang maysakit ay gumagaling, ang inaapi ay napalalaya, ang mga pagsasama ay napapanumbalik, at ang kaluluwa ay nabubuhayan sa pangalang higit sa lahat ng pangalan: si Hesus ng Nazaret.

Katulad ng pagbuhay ng Diyos sa Panginoon, bubuhayin din Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan (1 Corinto 6:14).


1 Corinto 15:20-22

Ngunit sa katunayan si Cristo'y muling binuhay at ito'y katibayan na muli ngang bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao. Sapagkat kung paanong namamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:4

Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 16:6

Ngunit sinabi nito sa kanila, “Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito; siya'y binuhay ng Diyos! Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:14

Dahil naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong bubuhayin ng Diyos upang isama kay Jesus ang lahat ng mga namatay na sumasampalataya sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:3

Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:5-6

Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang hinimlayan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:6-7

Wala siya rito, siya'y muling nabuhay! Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, ‘Ang Anak ng Tao ay kailangang ipagkanulo sa mga makasalanan at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:14-15

Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang nang patay. Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:31-32

Noon pa man ay nakita na ni David ang muling pagkabuhay ng Cristo at ipinahayag niya ito nang kanyang sabihing, ‘hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay, at hindi nakaranas ng pagkabulok ang kanyang katawan.’ Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa pangyayaring iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:21

Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:19

Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutang ito. Ngunit ako'y makikita ninyo; sapagkat buháy ako, mabubuhay rin kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:10

Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:20-21

Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang may kahinaan ay babaguhin niya upang maging katulad ng kanyang katawang maluwalhati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:6

Pinagpala at ibinukod para sa Diyos ang nakasama sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan, sa halip, sila'y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong (1,000) taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:5

Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng kanyang kamatayan, tiyak na tayo ay makakasama rin niya sa muling pagkabuhay na katulad ng kanyang muling pagkabuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:11

Kung naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung naninirahan sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:39

At ito ang kanyang kalooban: ang huwag kong hayaang mapahamak ang kahit sinuman sa mga ibinigay niya sa akin, kundi ang buhayin ko silang muli sa huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:51-52

Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'y mamamatay ngunit lahat tayo'y babaguhin, sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 26:23

na ang Cristo ay kailangang magdusa, at siya ang unang mabuhay na muli upang magpahayag ng liwanag sa mga Judio at sa mga Hentil.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:14

Muling binuhay ng Diyos si Jesu-Cristo, at tayo man ay muling bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:14

Sapagkat alam naming ang Diyos na muling bumuhay sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay sa amin kasama si Jesus, at magdadala sa atin sa kanyang piling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:28-29

Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig at sila'y babangon. Lahat ng gumawa ng kabutihan ay babangon patungo sa buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay babangon patungo sa kaparusahan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:1

Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:4

Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:16

Sa araw na iyon ay maririnig ang tinig ng arkanghel at ang tunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ay bababâ mula sa langit na sumisigaw. At ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:52-53

Nabuksan ang mga libingan at muling nabuhay ang maraming banal na namatay. Lumabas sila ng libingan, at pagkatapos na muling mabuhay si Jesus, sila'y pumasok sa banal na lungsod at doo'y marami ang nakakita sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:20

Kahit na nga dinanas ko ang hirap at madlang sakit, subalit ang aking lakas ay muli mong ibinalik, upang ako'y di tuluyang sa libingan ay mabulid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:15

Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay, ngunit siya'y muling binuhay ng Diyos, at saksi kami sa pangyayaring ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:9

Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:34

Sinabi ng mga ito sa dalawa, “Totoo nga palang muling nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Simon!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:1

Mula kay Pablo na hinirang na apostol, hindi ng tao o sa pamamagitan ng tao, kundi ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Jesus,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 21:14

Ito ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad pagkatapos na siya'y muling mabuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:20-21

Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 37:5

Ito ang ipinapasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:17

At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y nananatili pa sa inyong mga kasalanan at walang katuturan ang inyong pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:19

Ngunit muling mabubuhay ang mga anak mong namatay, mga bangkay ay gigising at aawit na may galak; kung paanong ang hamog sa lupa ay nagpapasariwa, ang espiritu ng Diyos ay nagbibigay-buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:32

Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa pangyayaring iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:10

Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:9

Alam nating si Cristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:33

Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ang masaganang pagpapala ay tinaglay nilang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:54-55

Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di nabubulok, at ang may kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan, matutupad na ang sinasabi sa kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!” “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:10

ngunit ito'y nahayag na ngayon, nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ang kapangyarihan ng kamatayan at inihayag ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:18

at ang nabubuhay! Namatay ako ngunit tingnan mo, ako'y buháy ngayon at mananatiling buháy magpakailanman. Hawak ko ang mga susi ng kamatayan at ng daigdig ng mga patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:15

Ngunit ako'y ililigtas, hindi ako babayaan, aagawin ako ng Diyos sa kamay ng kamatayan. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:8

Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan, at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:11-12

At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Kung ang Anak ng Diyos ay nasa isang tao, mayroon siyang buhay na walang hanggan; ngunit kung wala sa kanya ang Anak ng Diyos ay wala siyang buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:24

Ang mga payo mo'y umakay sa akin, marangal na ako'y iyong tatanggapin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:18

Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na binuhay mula sa kamatayan, upang siya'y maging pangunahin sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:31-32

Tungkol naman sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang sinabi sa inyo ng Diyos? Sabi niya, ‘Ako ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buháy.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:4

inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37-39

Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:14

Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:35

Dahil sa pananampalataya, ibinalik sa ilang mga babae ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay. May mga tumangging sila'y palayain, sapagkat pinili nila ang mamatay sa pahirap upang sila'y muling buhayin at magtamo ng mas mabuting buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:16

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:46

Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang nasusulat: kinakailangang magdusa at mamatay ang Cristo; at pagkatapos, siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:21

Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan, gayundin naman maghahari ang kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala. Ito'y magdudulot ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:57

Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:21

Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:48

Sino ba'ng may buhay na hindi papanaw? Paano iiwas sa kanyang libingan tayong mga taong ngayo'y nabubuhay? (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:28

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:40

Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:9

Sapagkat si Cristo ay namatay at muling nabuhay upang maging Panginoon ng mga patay at ng mga buháy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:21

Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi nito nililinis ang dumi ng katawan; ito'y pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:3

Sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng kanyang pagkamatay, nagpakita siya sa kanila at sa pamamagitan ng maraming katibayan ay pinatunayan niyang siya'y buháy. Nagturo siya sa kanila tungkol sa paghahari ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:1

Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:49

Kung paanong tayo'y naging katulad ng taong nagmula sa lupa, matutulad din tayo sa taong nanggaling sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:25

Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok, sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:5

Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:12

Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:2

tungkol sa mga iba't ibang seremonya ng paglilinis at pagpapatong ng mga kamay, at tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay at sa hatol na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:7

Magmadali kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay! Mauuna na siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Iyan ang balitang hatid ko sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:15

Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki, kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:10

Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:1

Alam naming kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang-lupa, kami'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:7-8

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas. Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:10-11

Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan, umaasang ako man ay muling bubuhayin mula sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:30

Ang mga pinili niya noon pang una ay kanyang tinawag; at ang mga tinawag ay kanya ring pinawalang-sala, at ang mga pinawalang-sala ay kanyang binahaginan ng kanyang kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:20

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:37

Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan, mapayapang tao'y patuloy ang angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:12-14

Ngayon, kung ipinapangaral naming si Cristo'y muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli ang mga patay? Kung totoo iyan, lilitaw na hindi muling binuhay si Cristo. At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:13-14

Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat binibitay sa punongkahoy.” Ginawa ito ni Cristo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay makamtan din ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus at sa pamamagitan ng pananalig ay matanggap natin ang Espiritung ipinangako ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:4-5

Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:4

At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:16-17

Di ka dapat mabagabag, ang tao man ay yumaman, lumago man nang lumago yaong kanyang kabuhayan; hindi ito madadala kapag siya ay namatay, ang yaman ay hindi niya madadala sa libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:4-5

na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo. Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:1

Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:13

Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan, iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan. Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos, sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:32

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:8

“Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:1

Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, sa lahat ng taong ang puso'y malinis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 11:4

Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya, “Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito. Nangyari iyon upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito'y maparangalan ang Anak ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:9

Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:50

Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:9

Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:14-15

Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila'y may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa pamamagitan din ng kanyang kamatayan ay pinalaya niya ang lahat ng tao na buong buhay nila'y inalipin ng takot sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:22

Sapagkat kung paanong namamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:28

Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:2

Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagdating ni Cristo, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:1

Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:14

Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo'y wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:4-5

Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin. Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 19:25-26

Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas, na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas. Pagkatapos na maubos itong aking buong balat, makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 11:25-26

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, banal at kagila-gilalas ang iyong pangalan, walang kapantay ang iyong kabanalan! Dalangin ko sa iyo, Diyos ko, sa ngalan ni Hesukristo, ang aking tagapagligtas, na siyang nagtagumpay laban sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay. Inaamin ko sa iyo ang lahat ng aking mga kasalanan, sapagkat nais kong matamo ang iyong awa sa aking buhay araw-araw. Sinasabi ng iyong salita: "Sapagkat kung naniniwala tayo na si Hesus ay namatay at muling nabuhay, gayundin naman ang mga natulog kay Hesus ay dadalhin ng Diyos na kasama niya." Purihin ang Diyos sa kalangitan, at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong iniibig ng Panginoon. Dahil sa iyong walang hanggang kaluwalhatian, sinasamba kita, pinupuri kita, at pinasasalamatan, Panginoon at Diyos, Amang makapangyarihan, Kordero ng Diyos, salamat sa kaloob na kaligtasan at sa pagliligtas sa akin mula sa walang hanggang pagdurusa sa impyerno. Sa kabila ng mga paghihirap, sakit, at kalungkutan na iyong tiniis, nagtagumpay ka laban sa kamatayan upang bigyan ako ng buhay, pinawalang-bisa mo ang mga dekretong laban sa akin, at winasak mo ang sumpa ng kasalanan. Hinihiling ko sa iyo, Panginoon, na ipakita sa akin ng iyong Banal na Espiritu ang kapangyarihan na nasa iyong kamatayan at muling pagkabuhay, punuin mo ang aking puso ng iyong presensya upang maipakita ko sa mundo ang iyong kadakilaan. Sa pamamagitan ng iyong Mahal na Dugo, iniligtas at tinubos mo ako mula sa kasalanan, patawarin mo at pawiin ang aking mga kasalanan at gabayan mo ako upang gawin ang tama sa lahat ng pagkakataon, lalo na kapag ako ay nawawalan ng pag-asa, ipaalala mo sa akin na ikaw ay nagdusa at isinakripisyo ang iyong buhay upang ako ay mabuhay ngayon. Hinihiling ko ngayon na ibigay mo sa akin ang iyong kapangyarihan at ang pagpapahid ng iyong Banal na Espiritu. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas