Alam mo, kayang-kaya ng Diyos na ibigay lahat ng pangangailangan mo ayon sa kanyang kayamanan kay Cristo Hesus. Kapag kilala mo Siya, panatag ka sa buhay. Isipin mo, ang Diyos ang Tatay mo! Kaya kahit may mga pagkukulang, may tiwala kang tutulungan ka Niya.
Huwag kang mag-alala, alam Niya lahat ng kailangan mo. Manalangin ka lang nang may pananampalataya at ibibigay Niya ang mga ito. Dahil sa pagmamahal Niya, ibibigay Niya ang talagang kailangan mo. Unahin mo ang pakikipag-ugnayan sa Kanya, at ang iba pang pangangailangan mo ay susunod na lang.
Tandaan mo, inaalagaan ka ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay mo. Hindi natin kayang unawain kung paano Siya nagbibigay, kaya huwag kang malungkot kung hindi mo agad makuha ang gusto mo. Hayaan mong Siya ang magbigay ayon sa kalooban Niya at makikita mo ang kadakilaan Niya sa buhay mo.
Magtiwala ka sa kabutihan at pagkalinga ng Diyos. Mas marami Siyang kayang gawin kaysa sa kaya mong gawin para sa sarili mo. Kung hahayaan mong Siya ang magbigay sa'yo, mararanasan mo ang saganang biyaya Niya. Magiging kuntento ang espiritu mo, malaya ang kaluluwa mo, at maaalagaan ang pangangatawan mo.
“Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.
Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag ni Abraham na, “Si Yahweh ang Nagkakaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao, “Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan.”
Ako ang inyong Diyos. Iingatan ko kayo hanggang sa pumuti ang inyong buhok at kayo'y tumanda. Kayo'y nilikha ko kaya tungkulin ko na kayo'y iligtas at tulungan.”
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.
Mula pagkabata't ngayong tumanda na, sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya; o ang anak niya'y naging hampaslupa.
Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan. Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.
“Pinagpala kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong ginawa, at hindi niya kayo hiniwalayan sa inyong paglalakbay sa ilang. Sa loob ng apatnapung taon, hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.
“Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?
Sa inyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan at kayo ang naghahari sa lahat. Taglay ninyo ang kapangyarihan at kadakilaan, at kayo ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat.
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
Patuloy kayong papatnubayan ni Yahweh at ibibigay ang pangangailangan sa gitna ng disyerto. Palalakasin niyang muli ang inyong mga buto. At magiging tulad kayo ng isang hardin, na binubukalan ng masaganang tubig, o isang batis na hindi natutuyo.
Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain. Sa bibig ng matuwid namumutawi'y karunungan; at sa labi nila'y pawang katarungan. Ang utos ng Diyos ang laman ng puso, sa utos na ito'y hindi lumalayo. Ang taong masama'y laging nag-aabang, sa taong matuwid nang ito'y mapatay; ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway; di rin magdurusa kahit paratangan. Manalig ka kay Yahweh, utos niya'y sundin; ikaw ay lalakas upang ang lupain ay kamtin, at ang mga taksil makikitang palalayasin. Ako'y may nakitang taong abusado, itaas ang sarili ang kanyang gusto; kahoy sa Lebanon ang tulad nito. Lumipas ang araw, ang aking napuna, nang ako'y magdaan, ang tao'y wala na; hinanap-hanap ko'y di ko na makita. Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan, mapayapang tao'y patuloy ang angkan. Ngunit wawasaking lubos ang masama, lahi'y lilipulin sa balat ng lupa. Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid, iingatan sila kapag naliligalig. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.
Ang lahat ng bagay na hingin ng Zion, aking ibibigay, hindi magugutom ang dahop sa buhay.
Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan, mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan.
Lahat sila'y umaasa, sa iyo ay nag-aabang, umaasa sa pagkain na kanilang kailangan. Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap, mayro'n silang kasiyahan pagkat bukás ang iyong palad.
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.
Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.
Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.
Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel: Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan.”
Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.
Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.
Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin;
Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.
Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. Dahil dito, nakakasagot tayo ng “Amen” sa pamamagitan niya para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Ang naghihikahos ay sasagana sa pagkain, mga lumalapit kay Yahweh, siya'y pupurihin. Maging sagana nawa sila at laging pagpalain!
Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag;
Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.
Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.
Kinalaban nila ang Diyos nang sabihin ang ganito: “Sa gitna ba nitong ilang mabubusog niya tayo?
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. kaya't nasabi niya sa kanyang mga lingkod, “Si Juan na Tagapagbautismo iyon! Siya'y muling nabuhay kaya't nakakagawa ng mga himala!” Nakakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay. May limanlibong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.
Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.
Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala. Lakas ng masama ay aalisin, ngunit ang matuwid ay kakalingain.
Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pauulanan ko kayo ng tinapay mula sa langit. Araw-araw, palalabasin mo ng bahay ang mga tao para mamulot ng kakainin nila sa maghapon. Sa pamamagitan nito'y susubukin ko kung susunod sila sa aking mga tagubilin.
“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan, ngunit ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay nang matagal.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)
Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap, at mga nangangailangan, matatag na silungan sa panahon ng unos at nakakapasong init. Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas, sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader.
Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.
Doo'y mapangangalagaan ko kayo. Limang taon pa ang taggutom, at hindi ko gustong makita ang sinuman sa inyo na naghihirap.
Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”
Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan.
Ang tumutulong sa mahirap ay di magkukulang, ngunit susumpain ang nagbubulag-bulagan.
Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.
Ilagak kay Yahweh iyong suliranin, aalalayan ka't ipagtatanggol rin; ang taong matuwid, di niya bibiguin.
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.
Itong iyong abang lingkod, O Yahweh, nawa'y pagpalain, upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin.
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Mula sa Egipto kanyang inilabas ang bayang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang ginamit niya'y mga kamay niyang makapangyarihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Dagat na Pula, kanyang inutusan at nahati naman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang pinili niyang bayan ng Israel ay doon dumaan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ngunit nilunod niya itong Faraon at hukbong sandatahan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nang mailabas na'y siya ang kasama habang nasa ilang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinagpapatay niya yaong mga haring may kapangyarihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Maging mga haring bantog noong una ay kanyang pinatay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang pumatay sa haring Amoreo, ang haring si Sihon. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinalaya tayo, nang tayo'y masakop ng mga kalaban. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Panginoon ng mga panginoon ay ating pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Pitong taóng naglingkod si Jacob upang mapasakanya si Raquel, ngunit iyon ay parang katumbas lamang ng ilang araw dahil sa laki ng kanyang pag-ibig dito.
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Sa gayon, magiging ligtas kayo, parang nasa loob ng matibay na tanggulan. Hindi kayo mawawalan ng pagkain at inumin.
Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.
“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.
Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.
Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.
Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.
Pagtulong sa aki'y iyong patunayan; upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nilang mayroong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan!
Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.
Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan, sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan. Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon, maging hayop na mailap may tubig na naiinom. Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya, mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga.
Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo. Ginagawa niya ito bilang pagtupad niya sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno.
Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.
Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig, dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik; Laging buháy ang pag-asa, patuloy ang pananalig, bagama't ang aking sabi'y, “Ako'y ganap nang nalupig.” Bagama't ako'y takot, nasasabi ko kung minsan, “Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.” Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog, sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob? Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas. Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang, ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay. Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki, kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat. O Yahweh, naririto akong inyong abang lingkod, katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos; yamang ako'y iniligtas, kinalinga at tinubos. Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak. Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang, sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan. Purihin si Yahweh! ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.
Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak na isinilang ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maituturing na mga anak ng Diyos.
Ang taong tapat ay mananagana sa pagpapala, ngunit paparusahan ang yumaman sa pandaraya.
Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya,
Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas. Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.
Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.
Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan.
Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!
Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.
Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; Ang pagliligtas mo'y ipinagsasabi, di ko inilihim, hindi ko sinarili; pati pagtulong mo't pag-ibig na tapat, sa mga lingkod mo'y isinisiwalat. Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin; wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman. Kay rami na nitong mga suliranin, na sa karamiha'y di kayang bilangin. Alipin na ako ng pagkakasala, na sa dami, ako'y di na makakita; higit pa ang dami sa buhok sa ulo, kaya nasira na pati ang loob ko. Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan. Nawa ang may hangad na ako'y patayin, bayaang malito't ganap na talunin. Yaong nagagalak sa suliranin ko, hiyain mo sila't bayaang malito! Silang nangungutya sa aki'y bayaang manlumo nang labis, nang di magtagumpay! Silang lumalapit sa iyo'y dulutan ng ligaya't galak na walang kapantay; bayaang sabihing: “Si Yahweh ay Dakila!” ng nangaghahangad maligtas na kusa. Ako ma'y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh, aking Diyos, huwag ka nang magtagal! sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko.
Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong dalangin; kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin niya, ‘Naririto ako.’ “Kapag itinakwil ninyo ang pang-aapi, maling pagbibintang at pagsisinungaling;
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?” sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”
Lubos akong umaasa't may tiwala ako sa Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.
Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.
Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. Iniutos ng Faraon sa kanyang mga tauhan na paalisin ang mag-asawa, dala ang lahat nilang ari-arian. Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”
Nag-aning mabuti ang mga lupain, pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin! Magpatuloy nawa iyong pagpapala upang igalang ka ng lahat ng bansa.
Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!
Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.
Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
“Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan, na halos matuyo ang kanilang lalamunan, akong si Yahweh ang gagawa ng paraan; akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya.
Ang matuwid ay binibigyan ni Yahweh ng kasiyahan, ngunit ang masama'y kanyang ginugutom naman.
Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din, silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating.
Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa.
At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.