Sa buhay mo, darating at darating ang mga pagsubok na talagang mahirap. Parang gusto mo na lang tumakas, sumuko, at maghanap ng mas madaling daan. Mahirap ang magpatuloy lalo na kung nakaranas ka ng kawalan ng hustisya, pagtataksil, sakit, pag-iisa, o iba pang paghihirap. Laging iaalok sa'yo ng kaaway ang mga pinakamasamang solusyon, yung taliwas sa plano ng Diyos para sa'yo.
Maaaring sa tingin mo'y iyon ang pinakamabuti sa mga oras na iyon, pero mas makabubuti pa rin ang sumunod sa kalooban ng Diyos. Sa piling Niya, doon ka makakahanap ng kapayapaan at ginhawa para sa puso't kaluluwa mo. Si Hesus ang kanlungan nating lahat. Hindi ang bisyo, droga, o anumang tukso ng diyablo para magkaroon ng panandaliang ligaya. Sa presensya ng Espiritu Santo, doon mo matatagpuan ang tunay na seguridad. Maniwala ka, doon ka maliligtas sa anumang paghihirap.
Kahit gaano kalakas ang bagyo sa paligid mo, kahit may magsalita ng masama o sumumpa sa'yo, ang presensya ng Diyos ang magbibigay ng kapayapaang kailangan mo. Magtiwala ka sa Ama na nagmamahal sa'yo at maniwala ka sa Kanyang salita. Tulad ni David, lakasan mo rin ang loob mo na sabihin, "Ngunit aawit ako ng iyong kapangyarihan; sa umaga ay pupurihin ko ang iyong pag-ibig; sapagkat ikaw ang aking tanggulan, aking kanlungan sa panahon ng kabagabagan." (Awit 59:16).
Sa oras ng pagsubok, magnilay-nilay sa banal na kasulatan. Doon mo makikita ang kasagutan sa lahat ng iyong pinagdaraanan. Malalaman mo ang kalooban ni Hesus para sa'yo at makakapamuhay ka nang payapa. Huwag mong kalimutan na ang Diyos ang iyong tagapagligtas. Siya ang mag-iingat sa'yo mula sa panganib at hindi ka Niya hahayaang mapahiya kung mananatili ka sa lilim ng Kanyang walang hanggang pagmamahal.
Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!” ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.
Ang kaligtasan ko't aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang. Siya'y malakas kong tagapagsanggalang, matibay na muog na aking kanlungan. Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)
O Yahweh, ikaw ang aking lakas at tanggulan; ang aking takbuhan sa oras ng kagipitan. Sa iyo magsisilapit ang mga bansa mula sa kadulu-duluhan ng daigdig at kanilang sasabihin, “Ang mga diyos ng aming mga ninuno'y pawang bulaan at walang kabuluhan.
Sa iyo lang, Panginoon, lubos akong nananalig, huwag mo akong pabayaang mapahiya at malupig.
Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.
Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.
Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap, at mga nangangailangan, matatag na silungan sa panahon ng unos at nakakapasong init. Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas, sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader.
Ang kaligtasan ko't aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang. Siya'y malakas kong tagapagsanggalang, matibay na muog na aking kanlungan.
Lumalapit ako sa iyo, Yahweh, upang ingatan; huwag mo sana akong ilagay sa kahihiyan. Ikaw ay isang Diyos na makatuwiran, iligtas mo ako, ito'ng aking kahilingan.
Mahabag ka, O aking Diyos, ikaw sana ay mahabag; sa iyo ako lumalapit upang ako ay maligtas, pagkat aking nasumpungan sa lilim ng iyong pakpak, ligtas ako sa panganib hanggang ito ay lumipas.
Ngunit aawit ako, pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas, sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas; pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito, at aking kanlungan kapag lugmok ako.
Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos. Ako'y iyong dinggin, iligtas ngayon din! Sana'y ikaw ang aking maging batong kublihan; matibay na kuta para sa aking kaligtasan. Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway.
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!
Sila'y magiging kanlungan sa malakas na hangin at pananggalang sa nagngangalit na bagyo; ang katulad nila'y batis sa tuyong lupain, parang malaking batong kublihan sa disyerto!
Si Yahweh ay kanlungan ng mga taong matuwid, ngunit kaaway sila ng taong masama ang hilig.
Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid, iingatan sila kapag naliligalig. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan. Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan laban sa masama, ipagsasanggalang; sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.
Ikaw nawa ang muog ko, aking ligtas na kanlungan, matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
“Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya.
Si Yahweh ay napakabuti; matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.
Panginoon naming Diyos, ikaw ang aming tahanan, buhat pa nang simulang lumitaw ang aming angkan.
Hindi nagbabago at hindi nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa Dakong Kabanal-banalan.
Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol. Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan.
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
Sa aking paligid, nang ako'y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman.
Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?” sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”
Ang Diyos ang bato na aking kanlungan, aking kalasag at tanging kaligtasan. Siya ang aking pananggalang, sa mga marahas ay siya kong tanggulan. Sa tulong mo'y nalulupig ko ang mga kaaway, sa pamamagitan mo, Diyos, anumang pader ay nahahakbang. Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag. “Maliban kay Yahweh, may Diyos pa bang iba? Iisang tanggulan, hindi ba't siya na? Ang Diyos ang aking muog na kanlungan, ang nag-iingat sa aking daraanan. Tulad ng sa usa, paa ko'y pinatatag, sa mga bundok iniingatan akong ligtas. Sinanay niya ako sa pakikipagdigma, matigas na pana kaya kong mahila. “Ako'y iniligtas mo, Yahweh, ng iyong kalinga, at sa tulong mo ako'y naging dakila. Binigyan mo ako ng pagtataguan, kaya di mahuli ng mga kalaban. Mga kaaway ko ay aking tinugis, hanggang sa malipol, di ako nagbalik. Nilipol ko sila at saka sinaksak, at sa paanan ko sila ay bumagsak! Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas. Purihin si Yahweh!
Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin, ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.
Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.
Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.
Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.
Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?
Ikaw lamang ang muog ko at matibay na sanggalang, ang pangako mo sa akin ay lubos kong aasahan.
Sa mula't mula pa'y ang Diyos na ang inyong tanggulan, walang hanggan niyang bisig ang inyong kanlungan. Mga kaaway ninyo'y kanyang ipinagtabuyan, at inutusan kayong sila'y lipuling lubusan.
Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan? Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga. Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kagustuhan, sa ligtas na landas ako'y iyong samahan, pagkat naglipana ang aking mga kaaway. Sa mga kaaway ay huwag akong ipaubaya, na kung lumulusob ay mga pagbabanta at kasinungalingan ang dalang sandata. Naniniwala akong bago ako mamatay, kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan. Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala! Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama, sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga, mabubuwal lamang sila at mapapariwara. Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot, hindi pa rin ako sa kanila matatakot; salakayin man ako ng mga kaaway, magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.
Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pa sa bantay na naghihintay ng pagsapit ng umaga.
Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Bayang Israel, ikaw ang saksi ko, pinili kita upang maging lingkod ko, upang makilala mo ako at manalig ka sa akin. Walang ibang Diyos maliban sa akin, walang nauna at wala ring papalit. Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa; walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin. Noong una pa man ako'y nagpahayag na. Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito. Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos; kayo ang mga saksi ko. Ako ang Diyos at mananatili akong Diyos magpakailanman, walang makakatakas sa aking kapangyarihan; at walang makakahadlang sa aking ginagawa.” Sinabi pa ni Yahweh, ang Tagapagligtas, at Banal na Diyos ng Israel: “Magpapadala ako ng hukbo laban sa Babilonia alang-alang sa iyo. Gigibain ko ang mga pintuan ng kanyang lunsod at mauuwi lamang sa iyakan ang kasayahan ng mga tagaroon. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal, ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang! Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na siyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat, upang maging kalsadang tawiran. Siya ang nanguna upang malupig ang isang malaking hukbo. Nilipol niya ang kanilang mga kabayo. At ang kanilang mga karwahe'y winasak; sila'y nabuwal at hindi na nakabangon; parang isang ilaw na namatay ang dingas.” Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.
Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas. Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.
Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang aking tagapagligtas.
Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba, magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka.
Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; Ang pagliligtas mo'y ipinagsasabi, di ko inilihim, hindi ko sinarili; pati pagtulong mo't pag-ibig na tapat, sa mga lingkod mo'y isinisiwalat. Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin; wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman. Kay rami na nitong mga suliranin, na sa karamiha'y di kayang bilangin. Alipin na ako ng pagkakasala, na sa dami, ako'y di na makakita; higit pa ang dami sa buhok sa ulo, kaya nasira na pati ang loob ko. Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan. Nawa ang may hangad na ako'y patayin, bayaang malito't ganap na talunin. Yaong nagagalak sa suliranin ko, hiyain mo sila't bayaang malito! Silang nangungutya sa aki'y bayaang manlumo nang labis, nang di magtagumpay! Silang lumalapit sa iyo'y dulutan ng ligaya't galak na walang kapantay; bayaang sabihing: “Si Yahweh ay Dakila!” ng nangaghahangad maligtas na kusa. Ako ma'y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh, aking Diyos, huwag ka nang magtagal! sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko.
Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya. Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan. Hindi na miminsang aking napakinggan na taglay ng Diyos ang kapangyarihan, at di magbabago kanyang pagmamahal. Ayon sa ginawa ng sinumang tao, doon nababatay ang gantimpala mo. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!
Kayong lahat na may paggalang kay Yahweh, at sumusunod sa utos ng kanyang lingkod, maaaring ang landas ninyo ay maging madilim, gayunma'y magtiwala kayo at umasa sa kapangyarihan ng Diyos na si Yahweh.
Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating.
Ngunit aawit ako, pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas, sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas; pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito, at aking kanlungan kapag lugmok ako. Pupurihin kita, tagapagtanggol ko at aking kanlungan, Diyos kong mapagmahal.
Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan. Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.
Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay, huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan, pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay.
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.
Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.
Magtiwala ka, Israel, magtiwala ka kay Yahweh, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nakahandang sa sinuman ay tumubos.
Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag.
“Darating na ako,” sabi ni Yahweh, “Upang saklolohan ang mga inaapi. Sa pinag-uusig na walang magkupkop, hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”
Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.
Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”
Matibay kong muog at Tagapagligtas, at aking tahanang hindi matitinag; Tagapagligtas kong pinapanaligan, nilulupig niya sakop kong mga bayan.
Ngunit ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay, mabubuhay nang payapa, walang katatakutan.”
Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako, kaysa panaligan yaong mga tao. Higit ngang mabuting ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay, kaysa pamunuan ang ating asahan.
“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
Ika'y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki'y nag-iingat.
Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.
Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing, sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin; tunay na ikaw lang mahalaga sa akin.
Hadlangan man nila ang balak ng mga taong hamak, ngunit si Yahweh ang sa kanila'y mag-iingat.
Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)
sa iyo, O Diyos, ako'y tiwalang lubos. Huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan, at pagtawanan ako ng aking mga kaaway!
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?
Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.
Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)
Sinabi pa ng Panginoong Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, “Maliligtas kayo kapag kayo'y nagbalik-loob at nagtiwala sa akin; kayo'y aking palalakasin at patatatagin.” Ngunit kayo'y tumanggi.
Ako ma'y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh, aking Diyos, huwag ka nang magtagal!
ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran, dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan.
Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.
Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos,
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan, lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman.
Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!
Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon.
Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan.
Ngunit sa ganang akin, ako'y dadalangin, sa iyo, O Yahweh, sana'y iyong dinggin sa mga panahon na iyong ibigin. Dahil sa dakilang pag-ibig sa akin, ang iyong pangakong pagtubos ay gawin.
Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang.
Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.
Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)