Alam mo, may isinilang na sanggol para sa atin. Isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin. Ang pamamahala ay mapapasa kanyang mga balikat. At tatawagin siyang Kamangha-mangha, Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan. Isaias 9:6. Isa ito sa mga pinaka-malinaw na pangako sa Lumang Tipan tungkol sa paghahari ng Mesiyas.
Lumaki at umusbong ang konseptong ito noong panahon ng pagkakatapon sa Babilonia. Matapos ang mga pangyayaring iyon, ang Israel at Juda ay napasailalim sa iba't ibang imperyo. Pinangarap nila ang araw na maibabalik ang kanilang kalayaan mula sa ibang mga bansa. At ito ay mangyayari sa pamamagitan ng isang taong magmumula sa angkan ni David at isisilang sa Bethlehem. Lahat ng propesiyang ito ay natupad kay Hesukristo.
Subalit, nakasulat na ang Israel ay natigilan at hindi naunawaan ang panahon ng pagdalaw ng Diyos. Ngayon, naiintindihan natin na bahagi ito ng plano ng Diyos upang ang mga tao mula sa ibang mga bansa ay makatanggap ng biyaya. At kapag nakumpleto na ang bilang ng mga Hentil, ang biyayang ito ay babalik sa Israel.
Roma 11:25-26: Ayokong hindi ninyo malaman ang hiwagang ito, mga kapatid, upang hindi kayo magpalalo: ang Israel ay bahagyang tumigas ang puso hanggang sa mapuno na ang bilang ng mga Hentil. At sa gayon, ang buong Israel ay maliligtas, gaya ng nasusulat: "Mula sa Sion ay darating ang Tagapagligtas, at aalisin niya ang kasamaan mula kay Jacob."
Matapos ang pagdating ni Kristo at ang pagsilang ng simbahan, ang Israel ay ikinalat sa mga bansa hanggang sa taong 1948, nang sila ay muling tipunin sa isang araw at muling nabuhay bilang isang bansa. Ngayon, ang estado ng Israel ay pinamumunuan ng isang prime minister, hanggang sa dumating ang Mesiyas upang itatag ang Kanyang Kaharian. Si Hesus, ang Mesiyas, ay babalik muli sa mundo; makikita Siya ng lahat at sa panahong iyon ay maghahari Siya ng isang libong taon, ibabalik ang trono ni David.
Kayo ng babae'y aking pag-aawayin, binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.”
Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”
Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan sa kanya kailanma'y hindi lilisan; mga bansa sa kanya'y magkakaloob, mga angkan sa kanya'y maglilingkod.
Ngunit ang mga nakasulat dito ay isinulat upang kayo'y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalatayang iyon ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.
Tinawag nga ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi sa kanila, “Pumili kayo ng isang tupa para sa inyong sari-sariling pamilya at katayin ninyo ito para sa Paskwa.
Kumuha kayo ng sanga ng halamang hisopo, basain ito ng dugo ng tupa at ipahid sa magkabilang poste at itaas ng inyong pintuan. At isa man sa inyo ay huwag lalabas ng bahay hanggang kinabukasan.
Sa gabing iyon, lilibutin ni Yahweh ang buong Egipto at papatayin ang mga Egipcio. Lahat ng bahay na makita niyang may pahid na dugo sa magkabilang poste at itaas ng pintuan ay hindi niya hahayaang pasukin ng Anghel ng Kamatayan.
“Mula sa inyo, si Yahweh na inyong Diyos ay pipili para sa inyo ng isang propetang katulad ko. Dapat kayong makinig sa kanya.
Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang.
Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya, “Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
“Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Ikaw ang aking anak, mula ngayo'y ako na ang iyong ama.
O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan? Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit bakit di mo ako tinutulungan?
Sinabi ni Yahweh, “Ngunit ikaw, Bethlehem Efrata, bagama't pinakamaliit ka sa mga angkan ng Juda ay magmumula sa iyong angkan ang isang mamumuno sa Israel. Ang kanyang pinagmulan ay buhat pa noong una, noong unang panahon pa.”
Isang pangkat ng salarin, sa aki'y nakapaligid, para akong nasa gitna ng mga asong ganid; mga kamay at paa ko'y kanilang pinupunit.
Kitang-kita ang lahat ng aking mga buto, tinitingnan at nilalait ng mga kaaway ko.
Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan, at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.
Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.
Sinabi ni Yahweh, sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”
“Nalalapit na ang araw,” sabi ni Yahweh, “na pipili ako ng isang matuwid na Sanga na magmumula sa lahi ni David, isang hari na mamamahala ng buong karunungan. Paiiralin niya sa buong lupain ang katarungan at katuwiran.
Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Pinagpala at ibinukod para sa Diyos ang nakasama sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan, sa halip, sila'y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong (1,000) taon.
Naputol na tulad ng punongkahoy, ang paghahari ng anak ni Jesse. Ngunit katulad ng pag-usbong ng mga bagong sanga sa pinutol na puno, sa lahi niya'y lilitaw ang isang bagong hari.
Sa araw na iyon, lilitaw ang isang hari mula sa angkan ni Jesse, at ito ang magiging palatandaan para sa mga bansa. Ang mga bansa'y tutungo sa banal na lunsod upang siya'y parangalan.
Sa araw na iyon, muling kikilos ang Panginoon upang pauwiin ang mga nalabi sa kanyang bayan na mga bihag sa Asiria, sa Egipto, sa Patros, sa Etiopia, sa Elam, sa Sinar, sa Hamat at sa mga pulo sa karagatan.
Magbibigay siya ng isang palatandaan sa mga bansa, at titipunin niya ang mga anak nina Israel at Juda na itinapon sa ibang lupain. Pauuwiin ang mga nangalat na anak ni Juda mula sa apat na sulok ng daigdig.
Mapapawi na ang pagkainggit ng Israel, at mapuputol na ang pagkamarahas ng Juda. Hindi na maninibugho ang Israel sa Juda, at hindi na kakalabanin ng Juda ang Israel.
Lulusubin nila ang mga Filisteo sa kanluran at magkasama nilang sasamsamin ang ari-arian, ang mga bansa sa silangan; sasakupin nila ang Edom at Moab, at susundin sila ng mga Ammonita.
Tutuyuin ni Yahweh ang Dagat ng Egipto, at magpapadala siya ng mainit na hangin upang tuyuin ang Ilog Eufrates. Ang matitira lang ay pitong maliliit na batis na tatawiran ng mga tao.
At magkakaroon ng isang malapad na daan mula sa Asiria para sa mga nalabi sa kanyang bayan, kung paanong ang Israel ay may nadaanan nang sila'y umalis mula sa Egipto.
Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa, ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.
Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
Sinabi ni Yahweh, “Narito ang lingkod ko na aking hinirang; ang aking pinili at lubos na kinalulugdan; ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa.
Sa inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat.
Sinabi sa akin ni Yahweh: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi, gagawin din kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas.”
Magmula noon ay nangaral si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”
Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.
Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa pinuno ng mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos.
Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.
Hindi ako gumanti nang bugbugin nila ako, hindi ako kumibo nang insultuhin nila ako. Pinabayaan ko silang bunutin ang aking balbas at luraan ang aking mukha.
Ang daigdig ay pamamahalaan ni Yahweh; siya lamang at ang kanyang pangalan ang kikilalanin ng lahat.
Sinabi ni Yahweh, “Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain; mababantog siya at dadakilain.
Marami ang nagulat nang siya'y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi makilala kung siya ay tao.
Ngayo'y marami rin ang mga bansang magugulantang; pati mga hari kapag siya'y nakita ay matitigilan. Makikita nila ang hindi nabalita kahit na kailan, at mauunawaan ang hindi pa narinig ninuman!”
Sumagot ang mga tao, “Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito? Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan?
Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala.
Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya; malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami, at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin.
Dahil dito siya'y aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan; sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama. Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin.”
Sapagkat si Yahweh ang ating hukom, siya ang mamamahala, at siya rin ang haring magliligtas sa atin.
Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah)
Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.
Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.
Kung paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim, ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiran at papuri sa harap ng lahat ng bansa.
Sinugo niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; at ang paghihiganti ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway; sinugo niya ako upang aliwin ang mga nagluluksa;
Purihin natin at luwalhatiin magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita! Amen.
“Nalalapit na ang araw,” sabi ni Yahweh, “na pipili ako ng isang matuwid na Sanga na magmumula sa lahi ni David, isang hari na mamamahala ng buong karunungan. Paiiralin niya sa buong lupain ang katarungan at katuwiran.
Magiging ligtas ang Juda sa panahon ng kanyang pamamahala, at ang Israel ay mapayapang mamumuhay. Ito ang pangalang itatawag sa kanya: ‘Si Yahweh ang ating katuwiran.’”
Ngunit ikaw, O Yahweh, ang hari magpakailanman, ang iyong luklukan ay walang katapusan.
Itatalaga ko sa kanila ang isang hari, tulad ng lingkod kong si David. Siya ang magiging pastol nila.
Akong si Yahweh ang magiging Diyos nila at ang mamamahala sa kanila ay isang haring tulad ng lingkod kong si David. Akong si Yahweh ang maysabi nito.
Patuloy ang aking pangitain. Nakita ko sa alapaap sa langit ang parang isang tao. Lumapit siya sa Nabubuhay Magpakailanpaman.
Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak.
Unawain mo ito: Mula sa pagbibigay ng utos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Diyos ay lilipas ang pitong linggo. Muling itatayo ang Jerusalem, ang mga lansangan at pader nito ay aayusin sa loob ng animnapu't dalawang linggo; ito ay panahon rin ng kaguluhan.
Pagkalipas ng animnapu't dalawang linggo, papatayin ang hinirang ng Diyos. Ang lunsod at ang templo ay wawasakin ng hukbo ng isang makapangyarihang hari. Ang wakas ay darating na parang baha at magkakaroon ng digmaan at pagkawasak na itinakda ng Diyos.
O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan.
“Ang lahi ni David at ang mga taga-Jerusalem ay gagawin kong mahabagin at mapanalanginin. Sa gayon, kapag pinagmasdan nila ang kanilang sinaksak ng sibat ay tatangisan nila itong parang kaisa-isang anak o anak na panganay.
Sinabi pa ni Yahweh, “Sa panahong iyon, lilitaw ang isang bukal at lilinisin nito ang kasalanan at karumihan ng sambahayan ni David at ng mga taga-Jerusalem.
Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,
“Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel” (ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”).
‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.’”
Doon sila nanirahan hanggang sa mamatay si Herodes. Sa gayon, natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.”
Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,
“Lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil!
Ang mga taong nasa kadiliman ay nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.”
Sa gayon, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias,
“Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapahayag ng katarungan sa mga bansa.
Hindi siya makikipag-away o maninigaw, ni magtataas ng boses sa mga lansangan,
Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”
hindi niya babaliin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin ang ilawang umaandap, hanggang katarunga'y hindi nagtatagumpay nang ganap;
at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak.”
Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta:
At tinanong sila ni Jesus, “Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga taong iyon?”
Sumagot sila, “Papatayin niya sa kakila-kilabot na paraan ang masasamang iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasaka na magbibigay sa kanya ng kanyang bahagi sa panahon ng pamimitas.”
Nagpatuloy si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!’
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong masunurin sa kalooban ng Diyos. [
Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog at ang mabagsakan nito'y magkakaluray-luray.]”
Narinig ng mga punong pari at ng mga Pariseo ang mga talinghaga ni Jesus at naunawaan nilang sila ang tinutukoy niya.
Siya'y dadakpin sana nila ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na si Jesus ay isang propeta.
“Sa lungsod ng Zion ay ipahayag ninyo, ‘Tingnan mo, ang iyong hari ay dumarating. Siya'y mapagpakumbaba; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno, at sa isang bisiro na anak ng asno.’”
Ngunit nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinulat ng mga propeta.” Tumakas ang mga alagad at iniwan siyang mag-isa.
Tulad ng nakasulat sa aklat ni propeta Isaias, “Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.
Tinawag din sila agad ni Jesus at sila ay sumunod din sa kanya. Iniwan nila sa bangka ang kanilang ama na kasama ang kanilang mga upahang manggagawa.
Nagpunta sina Jesus sa Capernaum, at nang sumunod na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo.
Namangha ang mga tao sapagkat nagtuturo siya nang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan.
Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking sinasapian ng masamang espiritu. Ito'y sumigaw,
“Ano ang pakay mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang kami'y puksain? Kilala kita! Ikaw ang Banal na mula sa Diyos.”
Ngunit iniutos ni Jesus sa masamang espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!”
Pinangisay ng masamang espiritu ang lalaki at sumisigaw itong lumabas sa kanya.
Ang lahat ay namangha kaya't sila'y nagtanungan sa isa't isa, “Paanong nangyari iyon? Ito ay isang kakaibang katuruan! Makapangyarihan niyang nauutusan ang masasamang espiritu, at sumusunod naman ang mga ito sa kanya.”
Dahil dito, mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Jesus.
Mula sa sinagoga ay nagtungo agad si Jesus at ang kanyang mga alagad, kasama sina Santiago at Juan, sa bahay nina Simon at Andres.
Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus.
Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang
maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao.
Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito:
“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi,
at upang ipahayag ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.”
at sa loob ng apatnapung araw ay tinukso siya ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa buong panahong iyon, kaya't siya'y nagutom.
Inirolyo niya ang kasulatan, isinauli sa tagapag-ingat at siya'y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga,
at sinabi niya sa kanila, “Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon.”
Kaya't sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong nakita at narinig; nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga dukha ang Magandang Balita.
Nakita ni Felipe si Nathanael at sinabi niya dito, “Natagpuan na namin ang tinutukoy ni Moises sa kanyang isinulat sa aklat ng Kautusan at gayundin ng mga propeta. Siya'y si Jesus na taga-Nazaret, na anak ni Jose.”
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa pag-aakalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin!
Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita? Kanino ipinakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan?”
Sa ganitong paraan ay natupad ang matagal nang ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta na ang kanyang Cristo ay kailangang magdusa.
Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin ang inyong mga kasalanan,
Sa pintuan ng Templo na tinatawag na Pintuang Maganda ay may isang lalaking lumpo mula pa nang ito'y isilang. Dinadala ito sa Templo araw-araw upang mamalimos sa mga taong pumapasok doon.
at nang sa gayon ay sumapit ang panahon ng pagpapanibagong lakas mula sa Panginoon. Susuguin niya si Jesus, ang Cristong hinirang mula pa noong una para sa inyo.
Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na ang bawat sumampalataya sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”
Ang Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan,
Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa.
Kahit na kilala nila ang Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip.
Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila'y mga hangal.
Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na lumalakad, at ng mga hayop na gumagapang.
Kaya't hinayaan na sila ng Diyos sa kanilang maruruming pagnanasa hanggang sa hindi na nila mapigil ang paggawa ng kahalayan sa isa't isa.
Tinalikuran nila ang katotohanan tungkol sa Diyos at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.
Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki ayon sa likas na kaparaanan, at sa halip ay sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan.
Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae ayon sa likas na kaparaanan, at sa kanilang kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya't sila'y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.
Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa masasamang pag-iisip at sa mga gawaing kasuklam-suklam.
Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, maruruming pag-iisip, pagkainggit, pagpaslang, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahilig sa tsismis,
ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David; subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay.
mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.
Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa.
Nalalaman nila ang utos ng Diyos na karapat-dapat sa parusang kamatayan ang mga gumagawa nito. Gayunman, hindi lamang patuloy sila sa paggawa nito kundi sumasang-ayon pa sila sa mga gumagawa rin ng mga ito.
Sinabi pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.”
Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa pagpapalang nakalaan sa inyo.
Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya.
Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo mula sa langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito.
Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga tumusok sa kanya; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Magkagayon nawa. Amen.
Ngunit sinabi sa akin ng isa sa matatandang pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon mula sa lipi ni Juda, ang anak ni David ay nagtagumpay at may karapatang mag-alis sa pitong selyo at magbukas sa kasulatang nakabalumbon.”
Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”
Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan.
Ginawa ito ni Yahweh at ito'y kahanga-hangang pagmasdan.
Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya, mga bansa'y magpupuri't maglilingkod sa tuwina.
Sa araw na iyon, lilitaw ang isang hari mula sa angkan ni Jesse, at ito ang magiging palatandaan para sa mga bansa. Ang mga bansa'y tutungo sa banal na lunsod upang siya'y parangalan.
Nakakita ng isang maningning na liwanag ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman; sumikat na ang liwanag sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim.
Nawa ang kanyang pangalan ay huwag nang malimutan, manatiling bantog hangga't sumisikat itong araw. Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa, at sa Diyos, silang lahat dumalanging: “Harinawa, pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.”
At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.
Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot, isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod.
Ang alagang dati nito ay kawan ng mga hayop, nang maghari sa Israel, nanguna sa bayan ng Diyos.
Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.
Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas.
na si Yahweh ay nagpapahayag sa buong lupa: Sabihin mo sa mga taga-Zion, “Narito, dumarating na ang inyong Tagapagligtas; dala niya ang gantimpala sa mga hinirang.”
Sabihin mo sa kanya, ‘Narito ang isang taong ang pangala'y Sanga. Tutubo siya mula sa kanyang kinalalagyan at ipatatayo niya ang templo ni Yahweh.
Siya nga ang magtatayo ng templo, uupo sa trono, at manunungkulan bilang hari. Tutulungan siya ng isang pari at maghahari sa kanila ang mabuting pag-uunawaan.
“Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan.
Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa angkan ni David na kanyang lingkod.
“Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako.
Kaya't umuwi ang mga tao sa sarili nilang bayan upang magpatala.
Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas,
na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa.
Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.”
Siya'y propeta at alam niya ang pangako sa kanya ng Diyos, na magiging haring tulad niya ang isang magmumula sa kanyang angkan.
Noon pa man ay nakita na ni David ang muling pagkabuhay ng Cristo at ipinahayag niya ito nang kanyang sabihing, ‘hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay, at hindi nakaranas ng pagkabulok ang kanyang katawan.’
“Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin.
Ngayon, nangako ang Diyos kay Abraham at sa kanyang supling. Hindi sinasabi, “At sa kanyang mga supling,” na ang tinutukoy ay marami kundi, “At sa iyong supling,” na iisa ang tinutukoy at ito'y si Cristo.
Sabi mo, O Yahweh, isang kasunduan ang iyong ginawa kay David mong hirang at ito ang iyong pangakong iniwan:
“Kung ang mga anak niya ay susuway, at ang aking utos ay di igagalang,
kung ang aking aral ay di papakinggan at ang kautusa'y hindi iingatan,
kung gayon, daranas sila ng parusa dahil kasamaan ang ginawa nila, sila'y hahampasin sa ginawang sala.
Ngunit ang pangako't pag-ibig kay David, ay di magbabago, hindi mapapatid.
Ang tipan sa kanya'y di ko sisirain, ni isang pangako'y di ko babawiin.
“Sa aking kabanalan, ipinangako ko, kay David ay hindi magsisinungaling.
Lahi't trono niya'y hindi magwawakas, hanggang mayro'ng araw tayong sumisikat;
katulad ng buwan na hindi lilipas, matatag na tanda doon sa itaas.” (Selah)
Subalit ngayon, siyang iyong hirang, ay itinakwil mo at kinagalitan;
binawi mo pati yaong iyong tipan, ang kanyang korona ay iyong dinumhan.
“Isa sa lahi mo'y laging maghahari, ang kaharian mo ay mamamalagi.” (Selah)
Ang iyong pangako, kay David mong lingkod, huwag mong babawiin, ganito ang iyong pangakong habilin: “Isa sa anak mo ang gagawing hari upang mamahala, matapos na ika'y pumanaw sa lupa.
Kung magiging tapat ang mga anak mo sa bigay kong tipan, at ang mga utos ko ay igagalang, ang mga anak mo'y pawang maghaharing walang katapusan.”
Isang tulad ng lingkod kong si David ang magiging hari nila. Susundin na nilang mabuti ang aking mga utos at tuntunin.
Sila'y doon na maninirahan sa lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno, sa lupaing ibinigay ko kay Jacob. Sila, at ang kanilang mga anak at mga susunod pang salinlahi ay mananatili doon habang panahon. Isang haring tulad ni David na aking lingkod ang magiging pinuno nila magpakailanman.
Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala.
Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya; malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami, at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin.
Ang mga pilay na nalabi ay bibigyan ko ng bagong buhay, at ang mga itinapon ay gagawin kong isang malakas na bansa. Akong si Yahweh, ang maghahari sa kanila buhat sa Bundok ng Zion sa araw na iyon at magpakailanman.”
“Ipapaalis niya ang mga karwahe sa Efraim, gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem. Panudla ng mga mandirigma ay mawawala, pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa. Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila, mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.”
Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.
Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.”
Binuksan niya ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.
Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang nasusulat: kinakailangang magdusa at mamatay ang Cristo; at pagkatapos, siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw.
Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, magmula sa Jerusalem.
Ang lahat ng mga propeta, kasama si Samuel at ang mga kasunod niya, ay nagpahayag din tungkol sa panahong ito.
Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta.
Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang gumawa ng kalangitan.
Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas,
at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y papalitan. Ngunit mananatili ka at hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.”
Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”
Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga magkakamit ng kaligtasan.
Ngunit sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay.
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.
Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Biglang lumindol nang malakas sapagkat bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon. Iginulong nito ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Ngunit sa katunayan si Cristo'y muling binuhay at ito'y katibayan na muli ngang bubuhayin ang mga patay.
Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao.
Sapagkat kung paanong namamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo.
Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak na isinilang ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan
upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maituturing na mga anak ng Diyos.
Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.
Ngunit ngayo'y nahayag na kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng Kautusan; bagaman ang Kautusan at ang mga Propeta ang nagpapatotoo tungkol dito.
Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao,
sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila.
Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya'y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao.
Ngunit ngayon ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus.
Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao.
Ang mga pinili niya noon pang una ay kanyang tinawag; at ang mga tinawag ay kanya ring pinawalang-sala, at ang mga pinawalang-sala ay kanyang binahaginan ng kanyang kaluwalhatian.
Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?
Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila?
Sino ang hahatol upang sila'y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, at ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin?
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan?
Ayon sa nasusulat, “Dahil sa inyo'y buong araw kaming pinapatay, turing nila sa amin ay mga tupang kakatayin lamang.”
Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.
Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap,
ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Ginawa ito ng Diyos upang ang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.
Gayundin naman, si Cristo'y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.
Ngayon ay dala namin sa inyo ang Magandang Balita, na ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno
ay tinupad niya sa atin na kanilang mga anak, sa pamamagitan ng muling pagbuhay kay Jesus. Gaya ng nakasulat sa ikalawang Awit, ‘Ikaw ang aking Anak, sa araw na ito ako'y naging iyong Ama.’
Mga ginawa mo'y ihahayag ko sa aking mga kababayan, sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.
At sa dakong matataas doon siya nagpupunta, umaahon siya roon, mga bihag ang kasama; kaloob mang nagbubuhat sa tauhang nag-aalsa, tinatanggap ng Panginoong Yahweh na doon na tumitira.
Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.
At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.
Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.
Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago ibigay ang Kautusan, ngunit kung walang kautusan, ang kasalanan ay hindi itinuturing na kasalanan.
Gayunman, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, pati sa mga taong hindi nagkasala tulad ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos. Si Adan ay anyo ng isang darating.
Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang walang bayad na kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo.
Ang kaloob na ito ay hindi katulad ng ibinunga ng pagsuway ni Adan. Sapagkat hatol na kaparusahan ang idinulot matapos na magawâ ang isang pagsuway, subalit kaloob na nagpapawalang-sala naman ang idinulot matapos magawâ ang maraming pagsuway.
Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay.
At kung paanong ang pagsuway ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat, ang matuwid na ginawa rin ng isang tao ay nagdudulot ng pagpapawalang-sala at buhay sa lahat.
Sapagkat kung naging makasalanan ang marami dahil sa pagsuway ng isang tao, marami rin ang mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isang tao.
Sa pamamagitan ng [pagsampalataya] kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian.
Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y pinatay sa laman, at muling binuhay sa espiritu.
Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.
Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh.
Sinabi ni Yahweh sa Jerusalem, “Mga dayuhan ang muling magtatayo ng iyong mga pader, at maglilingkod sa iyo ang kanilang mga hari. Nang ako'y mapoot, ikaw ay pinarusahan ko, ngunit ngayo'y tinutulungan kita at kinahahabagan.
Ang mga pintuan mo'y aking ibubukas araw at gabi, upang dito papasok ang mga hari ng mga bansa, at dalhin sa iyo ang kanilang mga kayamanan.
Ngunit ang bansa o kahariang hindi maglilingkod sa iyo ay ganap na wawasakin.
At ang kayamanan ng Lebanon ay magiging iyo; sama-samang pagagandahin ang aking santuwaryo; sa pamamagitan ng mga kahoy na mahuhusay, tulad ng sipres, pino at iba pa. Upang lalong maging maningning ang aking tahanan.
Nakayukong lalapit sa iyo bilang paggalang ang mga salinlahi ng mga bansang sa iyo'y umapi; hahalik sa iyong paa ang mga humahamak sa iyo, at tatawagin ka nilang, ‘Zion, ang lunsod ni Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel.’
“Hindi na kita pababayaan at kapopootan o iiwang mag-isa. Ikaw ay kanilang itataas at dadakilain; magiging lugar ng kaligayahan magpakailanman.
Aalagaan ka ng mga hari't mga bansa, tulad ng pag-aalaga ng isang ina sa kanyang anak. Malalaman mong akong si Yahweh ang iyong Tagapagligtas; at palalayain ka ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob.
“Sa halip na tanso ay bibigyan kita ng gintong dalisay, pilak ang bigay ko sa halip na bakal; sa halip na kahoy, tanso ang dala ko, papalitan ko ng bakal ang dati'y bato. Ang kapayapaan ay paghahariin sa iyo, at ang katarungan ay mararanasan mo.
Ang ingay ng ‘Karahasan’ ay hindi na maririnig pa, gayundin ang ‘Pagwasak’ sa iyong nasasakupan; ang iyong mga pader ay tatawagin mong ‘Kaligtasan,’ at ‘Papuri’ naman ang iyong mga pintuan.
“Sa buong maghapon ay wala nang araw na sisikat, sa buong magdamag ay wala nang buwan na tatanglaw, sapagkat si Yahweh mismo ang magiging ilaw mo magpakailanman, at ang iyong Diyos ang liwanag mong walang katapusan.
Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian.
Kailanma'y hindi na lulubog ang iyong araw, at ang iyong buwan ay hindi na rin maglalaho; si Yahweh ang iyong magiging walang hanggang ilaw, at ang mga araw ng iyong kapighatian ay mawawala.
Ang mamamayan mo'y magkakaroon ng matuwid na pamumuhay, kaya ang lupain ay aariin nila magpakailanman. Sila'y nilikha ko at itinanim, upang ihayag nila ang aking kadakilaan.
Ang pinakamaliit na lipi ninyo ay dadaming mainam, at ang munting bansa ay magiging makapangyarihan. Ako si Yahweh na kaagad tutupad sa aking mga pangako kapag dumating na ang takdang panahon.”
Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat.
Nang malaman ito ni Jesus, umalis siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng maysakit.
Ngunit mahigpit niyang ipinagbilin na huwag nilang ipamalita kung sino siya.
Sa gayon, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias,
“Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapahayag ng katarungan sa mga bansa.
Hindi siya makikipag-away o maninigaw, ni magtataas ng boses sa mga lansangan,
Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”
hindi niya babaliin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin ang ilawang umaandap, hanggang katarunga'y hindi nagtatagumpay nang ganap;
at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak.”
Ito'y ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta,
na ililigtas niya tayo mula sa ating mga kaaway, mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.
Ipinangako niyang kahahabagan ang ating mga ninuno, at aalalahanin ang kanyang banal na tipan.
Sa paraang ito, maliligtas ang buong Israel; tulad ng nasusulat: “Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas. Papawiin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.
Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuti na ito'y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga.
Si Jesus ay naunang pumasok doon alang-alang sa atin, at naging Pinakapunong Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
“Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako ang ugat at supling ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.”
Huwag nawang mangyari sa akin na ipagmalaki ko ang anumang bagay bukod sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sa pamamagitan nito, ang mundong ito'y patay na para sa akin, at ako nama'y patay na rin sa mundo.
Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Magiging malawak ang kanyang kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian. Itatatag niya ito at pamamahalaan na may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero, mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing, magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.
Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain, ang mga anak nila'y mahihigang magkakatabi, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.
Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas, hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.
Walang mananakit o mamiminsala sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala; sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.
Makikita ninyo, may haring mamamahala nang matuwid, at mga pinunong magpapairal ng katarungan.
Pagkalipas ng isang taon mabibigo na kayo, sapagkat wala na kayong mapipitas na bunga ng ubas.
Manginig kayo sapagkat matagal kayong nagpabaya at nagwalang bahala. Maghubad kayo ng inyong kasuotan, at magsuot ng damit-panluksa.
Dagukan ninyo ang inyong dibdib sa kalungkutan sapagkat wasak na ang masaganang bukirin at ang mabunga ninyong ubasan.
Tinubuan na ito ng mga tinik at dawag. Tangisan ninyo ang dating masasayang tahanan, at lunsod na noo'y puno ng kagalakan.
Pati ang palasyo ay pababayaan at ang pangunahing-lunsod ay mawawalan ng tao. Ang mga burol at tore ay guguho; ang lupain ay magiging tirahan ng maiilap na asno at pastulan ng mga tupa.
Ngunit minsan pang ibubuhos sa atin ang espiritu ng Diyos. Ang disyerto ay magiging matabang lupa at ang bukirin ay pag-aanihan nang sagana.
Ang katarungan at katuwiran ay maghahari sa buong lupain.
Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.
Ang bayan ng Diyos ay mamumuhay sa isang payapa, ligtas, at tahimik na pamayanan.
Kahit pa umulan ng yelo sa kagubatan at mapatag ang kabundukan.
Sila'y magiging kanlungan sa malakas na hangin at pananggalang sa nagngangalit na bagyo; ang katulad nila'y batis sa tuyong lupain, parang malaking batong kublihan sa disyerto!