Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

100 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Hades o Impiyerno

Kaibigan, pag-usapan natin ang tungkol sa lugar ng mga patay. Alam mo, may konsepto itong hiram mula sa salitang Hebreo na "Sheol" na mababasa natin nang animnapu't limang beses sa Lumang Tipan. Bagama't minsan isinasalin itong "impyerno," "libingan," o "hukay," mas tumpak siguro kung sasabihin nating "Sheol" na lang, katulad ng "Hades" na galing naman sa Griyego.

Isipin mo 'yung sinabi ni Jesus kay Pedro na hindi makakapanaig ang pintuan ng Hades laban sa simbahan. Grabe 'di ba? Ibig sabihin, binigyan tayo ni Jesus ng kapangyarihan laban sa lahat ng pwersa ng kaaway. Kaya natin magpahayag ng buhay kahit saan man Niya itinakda ang kamatayan. Parang magic, pero hindi. Ito ay kapangyarihan ng Diyos na ipinagkaloob sa atin.

Kaya nga, mahalaga na tayong mga kabilang sa simbahan ay patuloy na manalanging may pananampalataya at ipahayag ang salita ng Diyos. Tayo ang dapat na nakatayo sa puwang, nagdadasal at nagpapahayag ng kalooban ng Diyos dito sa lupa. Isipin mo ang laki ng responsibilidad natin! Kaya't tayo'y magtulungan at magkaisa para sa Kanyang kaharian.


Mga Gawa 2:27

Sapagkat ang kaluluwa ko'y di mo pababayaan sa daigdig ng mga patay, At hindi mo hahayaang makaranas ng pagkabulok ang iyong Banal na Lingkod.

Mateo 16:18

At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.

Mga Gawa 2:31

Noon pa man ay nakita na ni David ang muling pagkabuhay ng Cristo at ipinahayag niya ito nang kanyang sabihing, ‘hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay, at hindi nakaranas ng pagkabulok ang kanyang katawan.’

Lucas 10:15

At kayong mga taga-Capernaum, nais pala ninyong itaas ang inyong sarili hanggang langit? Ibabagsak kayo hanggang sa daigdig ng mga patay!

Lucas 16:23

Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay, natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham.

Pahayag 1:18

at ang nabubuhay! Namatay ako ngunit tingnan mo, ako'y buháy ngayon at mananatiling buháy magpakailanman. Hawak ko ang mga susi ng kamatayan at ng daigdig ng mga patay.

Pahayag 20:13

Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.

Mateo 5:22

Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay manganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno.

Mateo 11:23

At kayong mga taga-Capernaum, nais pala ninyong itaas ang inyong sarili hanggang langit? Ibabagsak kayo hanggang sa daigdig ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, sana'y nananatili pa ang bayang iyon magpahanggang ngayon.

Pahayag 6:8

Isang kabayong maputla ang nakita ko at ang pangalan ng nakasakay dito ay Kamatayan. Nakasunod sa kanya ang Daigdig ng mga Patay. Ibinigay sa mga ito ang kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng lupa upang pumatay sa pamamagitan ng digmaan, taggutom, salot, at mababangis na hayop sa lupa.

Mateo 10:28

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Pahayag 20:13-14

Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.

Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay. Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan.

Mateo 23:33

Mga ahas! Lahi ng mga ulupong! Hindi kayo makakaiwas na maparusahan sa impiyerno!

Lucas 16:24

Kaya't sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako'y naghihirap sa apoy na ito.’

Lucas 16:26

Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya't ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’

Lucas 16:28

sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila'y bigyang-babala at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’

Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

2 Corinto 5:10

Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa katawang ito.

Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Filipos 3:19

Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga bagay na may kinalaman sa mundong ito.

Mga Hebreo 9:27

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.

Mga Hebreo 10:27

Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos!

Santiago 3:6

Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.

1 Pedro 3:19

Sa kalagayang ito, nagpunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo.

1 Pedro 4:6

Ipinangaral din ang Magandang Balita sa mga patay upang bagama't sila'y nahusgahan ayon sa laman gaya ng lahat ng nasa laman, mabubuhay sila sa espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Pahayag 2:11

“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.”

Pahayag 20:10

At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa lawa ng apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta. Pahihirapan sila doon araw at gabi, magpakailanman.

Pahayag 20:14

Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay. Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan.

Pahayag 21:8

Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”

Isaias 14:9

Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa.

Isaias 14:15

Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay? Sa kalalimang walang hanggan?

Isaias 66:24

“Sa kanilang pag-alis, makikita nila ang mga bangkay ng mga naghimagsik laban sa akin. Ang uod na kakain sa kanila'y hindi mamamatay, gayon din ang apoy na susunog sa kanila. Ang kalagayan nila'y magiging kahiya-hiya sa buong sangkatauhan.”

Ezekiel 32:21

Sila ay buong galak na tatanggapin sa daigdig ng mga patay ng mga bayaning Egipcio at lahat ng nakipaglaban sa panig ng Egipto. Sasabihin nila, ‘Narito na ang mga makasalanang kawal na napatay sa labanan; mamamahinga na ring tulad natin.’

Ezekiel 32:27

Hindi sila pinarangalan tulad ng mga bayaning nauna sa kanila sa daigdig ng mga patay. Ang mga bayaning iyon ay inilibing na suot ang kanilang kagayakang pandigma at nasa ulunan ang tabak. Sila ay kinatakutan noong nabubuhay.

Daniel 12:2

Muling mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba'y sa buhay na walang hanggan, at ang iba nama'y sa kaparusahang walang hanggan.

Mateo 8:12

Ngunit ang mga taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”

Mateo 22:13

kaya't sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”

Mateo 24:51

Bibigyan siya ng kanyang panginoon ng matinding parusa, at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang ngipin.”

Mateo 25:30

Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”

Lucas 12:5

Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihan ding magtapon sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!

Lucas 13:28

Iiyak kayo at magngangalit ang mga ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, habang kayo nama'y ipinagtatabuyan!

Lucas 16:19

“May isang mayamang laging nakasuot ng mamahaling damit at saganang-sagana sa pagkain araw-araw.

Roma 1:18

Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan.

Roma 2:8

Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan.

Roma 2:9

Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil.

2 Tesalonica 1:9

Magdurusa sila ng walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan.

Pahayag 14:11

Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay patuloy na tataas magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.”

Pahayag 20:15

Ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.

Mga Awit 9:17

Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos.

Mga Awit 55:15

Biglang kamatayan nawa ay dumating, ihuhulog ng buháy, sa daigdig ng mga patay; sa kanilang puso't maging sa tahanan, yaong naghahari'y pawang kasamaan.

Mga Awit 86:13

O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas; di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.

Mga Kawikaan 15:24

Sa mga marunong, ang daan ng buhay ay pataas, upang maiwasan ang daigdig ng mga patay.

Mga Kawikaan 27:20

Ang nasa ng tao'y walang katapusan, tulad ng libingan, laging naghihintay.

Isaias 5:14

Ang daigdig ng mga patay ay magugutom; ibubuka nito ng maluwang ang kanyang bibig. Lulunukin nito ang mga maharlika ng Jerusalem, pati na ang karaniwang tao na nagkakaingay.

Isaias 28:15

Sapagkat sinabi ninyo, “Nakipagkasundo na kami sa kamatayan, gayundin sa daigdig ng mga patay. Kaya hindi na kami mapapahamak dumating man ang malagim na sakuna; ginawa na naming kuta ang kasinungalingan, at pandaraya ang aming kanlungan.”

Isaias 30:33

Matagal nang nakahanda ang lugar na pagsusunugan sa hari, isang maluwang at malalim na lugar. Hindi mamamatay ang apoy dito at hindi rin mauubos ang panggatong. Ang hininga ni Yahweh na parang nag-aalab na asupre ang patuloy na magpapalagablab sa sunugang iyon.

Mga Panaghoy 3:55

“O Yahweh, tinawag ko ang iyong pangalan nang ako'y nasa kailaliman ng balon;

Ezekiel 18:30

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.

Ezekiel 33:11

Sabihin mong ipinapasabi ko na akong si Yahweh, ang buháy na Diyos, ay hindi nasisiyahan na ang sinuma'y mamatay sa kanyang kasamaan; nais kong siya'y magbagong-buhay. Sabihin mo ngang magbagong-buhay sila pagkat di sila dapat mamatay sa kanilang kasamaan.

Hosea 13:14

Hindi ko sila paliligtasin sa daigdig ng mga patay. Hindi ko sila paliligtasin sa kamatayan. Kamatayan, pahirapan mo sila. Libingan, parusahan mo sila. Wala na akong nalalabing awa sa kanila.

Micas 1:5

Ang lahat ng ito'y magaganap dahil sa pagsuway ng lahi ni Jacob, dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ni Israel. Sino ang dapat sisihin sa paghihimagsik ng Israel? Walang iba kundi ang Samaria! Sino ang sumamba sa mga diyus-diyosan? Walang iba kundi ang mga taga-Jerusalem!

Habakuk 3:14

Sinibat ninyo ang pinuno ng mga mandirigma, nang dumating sila na parang ipu-ipo upang kami'y pangalatin. Kagalakan nilang sakmalin nang palihim ang mga dukha.

Mateo 7:13

“Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami.

Mateo 13:42

Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Mateo 13:50

at ihahagis ang masasama sa naglalagablab na apoy. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”

Mateo 25:41

“Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko, kayong mga isinumpa! Doon kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon.

Lucas 9:25

Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung mapapahamak naman at mawawala ang kanyang buhay?

Juan 3:36

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.

Juan 8:24

Sinabi ko sa inyong mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako'y Ako Nga’, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.”

Roma 8:1

Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.

1 Corinto 6:9

Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae,

1 Corinto 15:22

Sapagkat kung paanong namamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo.

Galacia 5:19-21

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo.

pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,

pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Efeso 5:5

Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Colosas 3:6

Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya].

Mga Hebreo 6:4-6

Sapagkat paano pang panunumbalikin upang magsisi ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo.

Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating.

Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat ng ito, hindi na sila maaaring panumbalikin upang magsisi sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.

Mga Hebreo 12:29

sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay apoy na tumutupok.

Santiago 4:12

Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Tanging siya ang may kapangyarihang magligtas at magparusa. Ngunit ikaw, sino ka upang humatol sa iyong kapwa?

1 Juan 2:15-17

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

Pahayag 3:5

Ang magtatagumpay ay dadamitan ng puti, at hindi ko kailanman buburahin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.

Pahayag 3:16

Ngunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita!

Mga Awit 37:20

Ngunit ang masama'y pawang mamamatay; kalaban ni Yahweh, tiyak mapaparam, tulad ng bulaklak at mga halaman; para silang usok na paiilanlang.

Mga Awit 49:14

Tulad niya'y mga tupa, sa patayan din hahantong, itong si Kamatayan ang kanyang magiging pastol. Ang matuwid, magwawagi kapag sumapit ang umaga, laban doon sa kaaway na ang bangkay ay bulok na sa daigdig ng mga patay, na malayo sa kanila.

Mga Awit 73:27

Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay, at ang nagtataksil wawasaking tunay.

Mga Kawikaan 9:18

Hindi alam ng biktimang wakas niyo'y kamatayan, at lahat ng pumasok doo'y naroon na sa libingan.

Mga Kawikaan 10:7

Ang alaala ng matuwid, mananatili kailanman, ngunit pangalan ng masama ay tiyak na mapaparam.

Eclesiastes 9:10

Anuman ang ginagawa mo'y pagbuhusan mo ng iyong buong makakaya sapagkat sa daigdig ng mga patay na kasasadlakan mo ay wala kang gagawin, ni pag-iisipan man, ni pagbubuhusan ng kaalaman o karunungan.

Isaias 57:21

Walang kapayapaan ang mga makasalanan.” Sabi ng aking Diyos.

Jeremias 7:34

At sasalantain ko ang buong lupain hanggang ito'y maging isang disyerto. Hindi na maririnig sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem ang mga himig ng kagalakan at katuwaan. Hindi na mapapakinggan ang masasayang tinig ng mga ikakasal.

Mga Panaghoy 2:22

Aking mga kalaban iyong inanyayahan; tuwang-tuwa sila na para bang nasa pistahan. Kaya ang mga anak kong inaruga sa mga kaaway ko'y pinapuksa, dahil sa araw na iyon galit mo'y matindi.

Ezekiel 31:17

Pare-pareho silang dadalhin sa daigdig ng mga patay para doon sila magsama-sama ng mga namatay na. Anupa't ang lahat ng sumilong sa kanya ay mangangalat sa iba't ibang bansa.

Ezekiel 32:11

Ipinapasabi ng Panginoong Yahweh sa hari ng Egipto: “Lulusubin ka ng hari ng Babilonia.

Mateo 12:36

“Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya.

Mateo 13:30

‘Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Sa pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”

Lucas 8:31

Nagmakaawa kay Jesus ang mga demonyo na huwag silang itapon sa kalalimang walang hanggan.

Roma 1:32

Nalalaman nila ang utos ng Diyos na karapat-dapat sa parusang kamatayan ang mga gumagawa nito. Gayunman, hindi lamang patuloy sila sa paggawa nito kundi sumasang-ayon pa sila sa mga gumagawa rin ng mga ito.

2 Tesalonica 2:12

Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan sa halip na maniwala sa katotohanan.

Mga Hebreo 10:31

Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!

Pahayag 19:20

Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at ang huwad na propeta ay inihagis nang buháy sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre.

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, banal at kagila-gilalas ang iyong pangalan, walang kapantay ang iyong kabanalan. Nagsisisi po ako ngayon at humihingi ng kapatawaran, kinikilala kong ang iyong presensya lamang ang makapaglilinis sa akin upang maging malaya sa kasamaan at takot. Gawin mo po akong masikap at responsableng anak pagdating sa aking kaligtasan, upang ang aking buhay ay maging mabangong samyo sa iyong harapan at ang aking mga hakbang ay magabayan ng iyong tinig. Panginoong Hesus, nagpapakumbaba po ako ngayon sa iyong harapan, inaamin ang aking kasalanan, hinihiling ko po Panginoon na ako'y iyong ipanumbalik, baguhin, at pagalingin ang mga sugat na dulot ng aking paglalakbay, huwag mong hayaang ang aking kaluluwa ay pahirapan sa impyerno magpakailanman. Tulungan mo po akong hintayin ka araw-araw Hesus, na may pag-iisip na ikaw ay dumating kahapon at babalik bukas, huwag mong hayaang ang karumihan, polusyon, at kapalaluan ay makapaglihis ng aking paningin mula sa iyo. Ang iyong salita: "Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Hades, ni hindi mo hahayaang ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan." Sa pangalan ni Hesus, Amen.