Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


67 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Tukso

67 Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Tukso

Alam mo, minsan may mga bagay o sitwasyon na parang humihila sa atin para gumawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa Diyos. Parang may pangako ng sarap o pakinabang, 'di ba? Lahat tayo, bata man o matanda, daranas nito. Pero tandaan mo, ang tukso ay hindi kasalanan.

Isipin mo, ang tukso ay parang isang pagsubok. Ito yung pagkakataon para pumili: susundin ba natin ang sarili nating kagustuhan o pipiliin natin ang kalooban ng Diyos? Maraming bagay sa mundo, pati na ang ibang tao, ang maaaring gamitin para hikayatin tayong magkasala, para sundin si Satanas imbes na ang Diyos.

Parte ng buhay natin dito sa mundo ang matutong labanan ang tukso at piliin ang mabuti kaysa sa masama. Simula pa noong kina Adan at Eva, madalas tayong nadadala sa mga makamundong bagay at nagpapadala sa mga kahinaan natin. Pero bilang mga anak ng Diyos, dapat nating gamitin ang kalayaang ibinigay Niya para mapaglabanan ang tukso at kusang loob na sumunod kay Hesukristo.

Huwag mong isipin na duwag ka kung lumalayo ka sa tukso. Sa totoo lang, matapang ka sa paningin ng Diyos! (Santiago 1:12)


1 Corinto 10:13

Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:13

Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:12

Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:13

At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:40

Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:14

Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:18

At ngayo'y matutulungan niya ang mga tinutukso, sapagkat siya man ay tinukso at nagdusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:12-14

Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya. Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15

Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:16

Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:7

Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:22

Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:22

Kaya nga, iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan, sa halip ay pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis na tumatawag sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:12-15

Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya. Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa. At ang pagnanasa kapag naitanim sa puso ay nagbubunga ng kasalanan; at ang kasalanan, sa hustong gulang ay nagbubunga ng kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:11

Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:1-11

Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Kaya't sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin. At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’” Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37

Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:17

Sapagkat ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:41

Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:14

Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:8-9

Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:5

Huwag ninyong ipagkait ang inyong sarili sa isa't isa, maliban na lamang kung napagkasunduan ninyong huwag munang magsiping sa maikling panahon upang maiukol ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin. Ngunit pagkatapos, muli kayong magsiping upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:19-20

Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa. Halimbawa, ayon sa Kautusan, ang isang babae ay nasasakop ng kanyang asawa habang nabubuhay ito. Subalit kung mamatay na ang lalaki, malaya na ang babae sa batas na nagtatali sa kanya sa lalaking iyon. Kung ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang naninirahan sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:14

Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo'y wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:17

Ngayong ito'y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang sinusunod na batas. Sa gayon, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:9

Kaya, alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya, at kung paano paparusahan ang masasama hanggang sa araw na sila'y hatulan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:11-12

Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 7:25-27

Huwag mo ngang hahayaang ang puso mo ay maakit, ng babaing ang tuntunin ay landasing nakalihis, sapagkat marami na ang kanyang naipahamak, at hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak. Sa bahay niya'y nagmumula ang landas ng kasawian, tiyak na patungo sa malagim na kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:9

Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasama at mga hangal na hangarin na nagtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 4:7

Kung mabuti ang ginawa mo, dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana'y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lapain ka. Nais nitong pagharian ka. Kaya't kailangang mapaglabanan mo ito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:16

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:23-24

O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 10:3-5

Kung nabubuhay man kami sa mundong ito, hindi naman kami nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng mundong ito. Ang sandata namin sa pakikipaglaban ay hindi makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na nakakapagpabagsak ng mga kuta. Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:15-16

Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 3:5

Kaya nga, nang hindi na ako makatiis ay nagpadala ako riyan ng sugo upang alamin ang kalagayan ngayon ng inyong pananampalataya sa Panginoon. Nag-aalala ako na baka natukso na kayo ng diyablo, at kung magkagayo'y mawawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 2:11

upang hindi tayo malamangan ni Satanas, sapagkat hindi lingid sa atin ang kanyang mga pamamaraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:10

Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:14-15

Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan. Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:27

Subalit pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ito, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:8

Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:13

Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:18-20

Iwasan ninyo ang imoralidad. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakakasira sa katawan, ngunit ang gumagawa ng imoralidad ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan. Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? Kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyang kaliit na bagay? sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:7-9

Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito. “Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na walang hanggan na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay. Kung ang mata mo naman ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na walang hanggan na bulag ang isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:13

Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:29-30

Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. “Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit. Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:4

Huwag mong babayaang ako ay matukso, sa gawang masama ay magumon ako; ako ay ilayo, iiwas sa gulo, sa handaan nila'y nang di makasalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 11:3

Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat [at dalisay] na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:133

Sang-ayon sa pangako mo, huwag mo akong hahayaang mahulog sa gawang mali at ugaling mahahalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:21

Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:27-28

Kung ang tao ba'y magkandong ng apoy, kasuotan kaya niya'y di masusunog niyon? Kung ang tao ay tumapak sa uling na nagbabaga, hindi kaya malalapnos itong kanyang mga paa?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:27

Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:33

Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting pagkatao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:33

Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:3-5

Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot, at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot. Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog, hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod. Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan, daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:2

Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:12

Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:4-5

sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:1

Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:13

Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig ng Salita at tumanggap nito nang may kagalakan, ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang puso. Sandali lamang silang naniwala, kaya't pagdating ng pagsubok, sila'y tumitiwalag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:3

Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:3-4

Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan po ng mahal kong si Hesus, lumalapit ako sa'yo. Hinihiling ko po ang iyong lakas upang malabanan ang tukso. Patatagin po ninyo ang aking mga hakbang upang hindi ako malihis sa kaliwa o sa kanan. Nawa'y maging handa ako at laging mapagmatyag sa mga patibong ng kaaway. Gabayan po ninyo ako upang mamunga ng bunga ng Espiritu at huwag masilaw sa mga pagnanasa ng laman. Naaalala ko po ang iyong salita: "Pasakop kayo sa Diyos; labanan ninyo ang diyablo, at lalayo siya sa inyo." Panginoon Hesus, iligtas po ninyo ako sa tukso at ingatan sa lahat ng pakana ng kaaway. Tulungan po ninyo akong manatiling malapit sa'yo at sa iyong Banal na Espiritu upang magtagumpay laban sa anumang tukso. Ilayo ninyo rin po ako sa mga taong may matatamis na dila at mapanlinlang na salita, at sa lahat ng uri ng kulam at pangkukulam. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas