Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


104 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapatong ng mga Kamay

104 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapatong ng mga Kamay

Alam mo, itinuturo sa atin ng Salita ng Diyos sa 1 Timoteo 5:22 na huwag basta-basta magpapatong ng kamay kaninuman, at huwag makibahagi sa kasalanan ng iba. Manatili tayong dalisay. Ang pagpapatong ng kamay ay hindi dapat ginagawa dahil lang sa emosyon o sentimentalismo. Dapat itong nakabatay sa patnubay ng Banal na Espiritu. Kaya dapat itong gawin nang may lubos na responsibilidad para tunay na maging pagpapala sa buhay ng taong tatanggap nito.

Ang pagpapatong ng kamay ay ginagamit para maghatid ng pagpapala, awtoridad espiritual, o paggaling. Sa konteksto ng Kristiyanismo, ito ay isang simbolikong gawain na kumakatawan sa pagbabahagi ng Banal na Espiritu at koneksyon natin sa Diyos. Maraming beses itong binabanggit sa Bibliya. Halimbawa, sa Lumang Tipan, ipinatong ni Moises ang kanyang mga kamay kay Josue bago niya pinamunuan ang mga Israelita sa pagsakop ng Lupang Pangako. Sa Bagong Tipan naman, ginamit din ni Jesus ang pagpapatong ng kamay para magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo.

Siyempre, lagi nating tatandaan na ang tunay na kapangyarihan ay nasa Diyos. Ang pagpapatong ng kamay ay isa lamang instrumento kung saan tayo ay maaaring maging daan ng presensya ng Diyos sa buhay ng iba. Kaya mahalaga na ang sinumang magpapatong ng kamay ay handang magpakumbaba at maging handog na kalugod-lugod sa Diyos para magamit Niya tayo bilang instrumento ng Kanyang karangalan.


1 Timoteo 4:14

Huwag mong pabayaan ang kaloob na ibinigay sa iyo nang magsalita ang mga propeta at ipatong sa iyo ng mga matatandang pinuno ng iglesya ang kanilang kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:22

Huwag mong ipapatong agad ang iyong kamay sa sinuman upang bigyan ito ng kapangyarihang mamahala. Ingatan mong huwag kang masangkot sa kasalanan ng iba; manatili kang walang dungis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 19:6

Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ sa kanila ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:40

Pagkalubog ng araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng mga kasamahan nilang maysakit, anuman ang karamdaman ng mga ito. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa bawat isa, at silang lahat ay gumaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:16

Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 8:17

Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:17

Pagkakita ko sa kanya, para akong patay na bumagsak sa kanyang paanan, ngunit ipinatong niya sa akin ang kanyang kanang kamay at sinabi, “Huwag kang matakot! Ako ang simula at ang wakas,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:2

tungkol sa mga iba't ibang seremonya ng paglilinis at pagpapatong ng mga kamay, at tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay at sa hatol na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 1:4

Ipapatong niya sa ulo ng hayop ang kanyang kamay at iyo'y tatanggapin bilang pantubos sa kanyang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 27:18-23

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun; siya ay may natatanging kakayahan. Ipatong mo sa kanya ang iyong mga kamay. Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong Israel at doo'y ipahayag mo siya bilang iyong kahalili. Lumapit ang mga babaing ito kay Moises, sa paring si Eleazar, at sa mga pinuno ng Israel sa harap ng Toldang Tipanan. Sinabi nila, Bigyan mo siya ng iyong kapangyarihan upang sundin siya ng buong Israel. Kay Eleazar niya malalaman sa pamamagitan ng Urim kung ano ang aking kalooban. Kung ano ang sabihin ni Eleazar ay susundin ng buong kapulungan.” Sinunod ni Moises ang lahat ng sinabi ni Yahweh. Ipinatawag nga niya si Josue, pinatayo sa harapan ni Eleazar at ng buong bayan. Pagkatapos, ipinatong niya rito ang kanyang mga kamay at ipinahayag na kahalili niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 8:10

Samantalang inihaharap mo sila kay Yahweh, ipapatong naman ng mga Israelita ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga Levita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:13-15

May nagdala ng mga bata kay Jesus upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at sila'y ipanalangin. Ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.” Ipinatong nga niya sa mga bata ang kanyang kamay, at pagkatapos, siya'y umalis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 34:9

Si Josue na anak ni Nun ay napuno ng karunungan sa pamamahala sapagkat ipinatong sa kanya ni Moises ang kanyang mga kamay. Sumunod sa kanya ang mga Israelita at ginawa nila ang lahat ng utos na ibinigay ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 27:18

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun; siya ay may natatanging kakayahan. Ipatong mo sa kanya ang iyong mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:6

Dahil dito, ipinapaalala ko sa iyo na pag-alabin mong muli ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko sa iyo ang aking mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 6:6

Nang iharap sila sa mga apostol, sila'y ipinanalangin at pinatungan ng kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 28:8

Ang ama ni Publio ay nagkataong nakaratay noon dahil sa lagnat at disenterya, kaya't ito'y dinalaw ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 48:14

Ngunit pinagkurus ni Israel ang kanyang kamay at ipinatong ang kanan sa ulo ng nakababatang si Efraim at ang kaliwa sa ulo ni Manases.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:15

Ipinatong nga niya sa mga bata ang kanyang kamay, at pagkatapos, siya'y umalis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 13:3

Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila'y pinahayo na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 6:5

Hindi siya nakagawa ng himala roon, maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 16:18

Hindi sila mapapahamak kahit dumampot sila ng ahas o makainom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 13:13

Ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa babae, at noon di'y nakatayo siya nang tuwid at nagpuri sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 9:17

Pumunta nga si Ananias sa naturang bahay at pumasok dito. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay kay Saulo at sinabi niya, “Kapatid na Saulo, pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus na nagpakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Isinugo niya ako upang muli kang makakita at upang mapuspos ka ng Espiritu Santo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:18

Habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, may dumating namang isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harap niya at nakiusap, “Kamamatay po lamang ng aking anak na babae; sumama po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, at siya'y mabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 14:3

Nanatili roon nang matagal sina Pablo at Bernabe, at buong tapang silang nangaral tungkol sa Panginoon. Pinatunayan ng Panginoon na totoo ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang gumawa ng mga himala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 29:10

“Dalhin mo sa harap ng Toldang Tipanan ang batang toro. Ipapatong ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng torong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 4:4

Dadalhin niya ito sa harapan ni Yahweh sa may pintuan ng Toldang Tipanan, ipapatong niya sa ulo nito ang kanyang kamay at papatayin ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 5:23

at nagmakaawa, “Nag-aagaw-buhay po ang anak kong dalagita. Maawa po kayo, sumama kayo sa akin at ipatong ninyo sa kanya ang inyong kamay upang siya ay gumaling at mabuhay!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 8:3

Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Oo, nais ko. Maging malinis ka.” Gumaling at luminis nga agad ang ketongin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 8:23-25

Inakay niya ang bulag at dinala ito sa labas ng bayan. Matapos duraan at takpan ang mga mata nito ng kanyang kamay, tinanong ni Jesus, “May nakikita ka ba?” Tumingin ang lalaki at sumagot, “Nakakakita po ako ng mga tao, ngunit para silang mga punongkahoy na naglalakad.” Muling inilagay ni Jesus ang kanyang mga kamay sa mga mata ng bulag. Sa pagkakataong ito, tuminging mabuti ang bulag. Nanumbalik ang kanyang paningin at nakakita na siya nang malinaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:19

Sinisikap ng lahat ng maysakit na makahawak man lamang sa kanya, sapagkat may kapangyarihang nanggagaling sa kanya na nagpapagaling sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 7:32-35

Dinala ng mga tao sa kanya ang isang lalaking bingi at may kapansanan sa pagsasalita, at nakiusap sila sa kanya na ipatong niya rito ang kanyang kamay. Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, dumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. Tumingala si Jesus sa langit, nagbuntong-hininga at sinabi sa lalaki, “Effata,” na ang ibig sabihi'y, “Mabuksan!” Noon di'y nakarinig ang lalaki at nakapagsalita na nang maayos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 8:18-19

Nakita ni Simon na ang Espiritu'y ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga apostol, kaya't inalok niya ng salapi sina Pedro at Juan. “Bigyan din ninyo ako ng kapangyarihang ito upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay tumanggap ng Espiritu Santo,” sabi niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 48:14-15

Ngunit pinagkurus ni Israel ang kanyang kamay at ipinatong ang kanan sa ulo ng nakababatang si Efraim at ang kaliwa sa ulo ni Manases. At sila'y binasbasan, “Pagpalain nawa kayo at palaging subaybayan, ng Diyos na pinaglingkuran ni Isaac at ni Abraham; ng Diyos na sa aki'y nangalaga't pumatnubay, simula sa pagkabata't magpahanggang ngayon man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:1

Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng lahat ng uri ng sakit at karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:1

Tinipon ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga may sakit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:38

Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:30

Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng inyong banal na Lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga himala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:12

Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao. Sa Portiko ni Solomon nagtitipon ang mga mananampalataya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 6:8

Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinagkalooban ng kapangyarihan, kaya't nakakagawa siya ng maraming kababalaghan at himala sa harapan ng madla.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 11:21

Nasa kanila ang kapangyarihan ng Panginoon, at maraming naniwala at sumunod sa Panginoong Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 19:11

Gumawa ang Diyos ng mga pambihirang himala sa pamamagitan ni Pablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 28:9

Dahil sa nangyaring ito, nagdatingan ang mga tagaroong may karamdaman, at sila'y pinagaling din ni Pablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:13

Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling gaya ng kabilang kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 14:14

Pagdating ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong iyon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 20:34

Nahabag si Jesus sa kanila at hinipo ang kanilang mga mata. Agad silang nakakita, at sila'y sumunod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 1:41

Nahabag si Jesus sa ketongin kaya't hinawakan niya ito at sinabi, “Oo, nais ko! Gumaling ka!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 5:13

Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Nais ko. Gumaling ka at luminis!” At noon di'y nawala ang kanyang ketong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 9:6-7

Pagkasabi nito, dumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik. Pagkatapos, ipinahid niya ito sa mata ng bulag. Sinabi ni Jesus sa bulag, “Pumunta ka sa imbakan ng tubig sa Siloe at maghilamos ka roon.” (Ang kahulugan ng salitang Siloe ay Sinugo.) Pumunta nga ang bulag, naghilamos doon, at pagbalik niya ay nakakakita na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:7

Hinawakan niya sa kanang kamay ang lumpo at itinayo. Noon di'y lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:15-16

Dinadala sa mga lansangan ang mga maysakit at inilalagay sa mga papag at banig upang pagdaan ni Pedro ay matamaan man lamang ng kanyang anino ang ilan sa kanila. Dumating din ang maraming tao mula sa mga karatig-bayan ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinapahirapan ng masasamang espiritu; at gumaling silang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 40:15

Pahiran mo sila ng langis tulad ng ginawa mo sa kanilang ama upang makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari. Dahil sa pagkapahid mo sa kanila ng langis, mananatili silang mga pari habang buhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 8:12

Binuhusan niya ng langis ang ulo ni Aaron upang ilaan siya kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 19:19

Umalis si Elias at natagpuan niya si Eliseo na nag-aararo. Labindalawang pares ng toro ang ginagamit niya, at kaagapay siya ng huling pares. Pagdaan ni Elias sa tapat ni Eliseo, inalis ni Elias ang kanyang balabal at ibinalabal kay Eliseo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:11

Patuloy kayong papatnubayan ni Yahweh at ibibigay ang pangangailangan sa gitna ng disyerto. Palalakasin niyang muli ang inyong mga buto. At magiging tulad kayo ng isang hardin, na binubukalan ng masaganang tubig, o isang batis na hindi natutuyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:38

Alam ninyo ang tungkol kay Jesus na taga-Nazaret at kung paanong pinili siya ng Diyos at pinuspos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan. Alam din ninyo na pumunta siya sa iba't ibang dako upang gumawa ng kabutihan sa mga tao at pagalingin ang lahat ng pinapahirapan ng diyablo. Nagawa niya ang mga ito sapagkat kasama niya ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:24

Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba't ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:30-31

Nagdatingan naman ang napakaraming taong may dalang mga pilay, bulag, lumpo, pipi, at marami pang ibang maysakit. Dinala nila ang mga ito sa paanan ni Jesus at sila'y pinagaling niya. Kaya't namangha ang mga tao nang makita nilang nakapagsasalita na ang mga pipi, gumaling ang mga lumpo, nakakalakad na ang mga pilay, at nakakakita na ang mga bulag. Kaya't pinuri nila ang Diyos ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:14

Habang si Jesus ay nasa Templo, lumapit sa kanya ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kanyang pinagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:21-22

Nang oras na iyon, pinagaling ni Jesus ang maraming taong may sakit, may karamdaman at sinasapian ng masasamang espiritu. Maraming mga bulag ang binigyan niya ng paningin. Kaya't sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong nakita at narinig; nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga dukha ang Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:6

Kaya't humayo ang mga alagad at pumunta sa mga nayon. Ipinangaral nila ang Magandang Balita at pinagaling ang mga maysakit sa lahat ng dako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:9

Pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa mga tagaroon, ‘Malapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:12

Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:18

Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:8

Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:4

at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 9:12

[Sa isang pangitain], nakita ka niyang pumasok sa kinaroroonan niya at pinatungan mo siya ng kamay upang siya'y makakitang muli.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 19:12

Kahit panyo o damit na kanyang ginamit ay dinala sa mga maysakit, at gumaling ang mga ito at lumayas ang masasamang espiritung nagpapahirap sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:19

sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:9

Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:12

Buong tiyaga kong pinatotohanan sa inyo na ako'y isang tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala at iba pang mga kamangha-manghang bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:5

Dahil ba sa pagsunod ninyo sa kautusan ay ipinagkakaloob ng Diyos ang Espiritu sa inyo at gumagawa kayo ng mga himala, o dahil sa pananampalataya na inyong narinig tungkol kay Cristo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:17-19

Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20

Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:5

Sapagkat ang Magandang Balitang lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi lamang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa namin alang-alang sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:7

Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:4

Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang tanda at ng iba't ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:24

Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat, kayo'y pinagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 6:13

Pinalayas nila ang mga demonyo mula sa mga sinasapian ng mga ito; pinahiran nila ng langis ang maraming maysakit at pinagaling ang mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:13

Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:13-14

At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:6

Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:16

Dumating din ang maraming tao mula sa mga karatig-bayan ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinapahirapan ng masasamang espiritu; at gumaling silang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 9:40-41

Pinalabas ni Pedro ang lahat at siya'y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita at naupo nang makita nito si Pedro. Hinawakan ni Pedro ang kanyang kamay at tinulungang bumangon. Pagkatapos, tinawag niya ang mga hinirang ng Panginoon at ang mga biyuda, at iniharap sa kanila si Dorcas na buháy na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 2:4-5

Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati at karunungan ng tao. Subalit nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu upang ang inyong pananampalataya ay masandig sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa karunungan ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:21-22

Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin. Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:18

Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:13

sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:29

Ito ang aking pinagsisikapang matupad sa pamamagitan ng kalakasang kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 2:13

Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng inyong pananalig sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:12

Ipaglaban mo nang mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:5

Ngunit ikaw, maging mahinahon ka sa lahat ng oras, magtiis ka sa panahon ng kahirapan. Gampanan mo ang tungkulin ng isang mangangaral ng Magandang Balita at tuparin mo nang lubos ang iyong paglilingkod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 1:5

Iniwan kita sa Creta upang ayusin mo ang mga bagay na dapat pang ayusin at upang magtalaga ka ng matatandang pinuno ng iglesya sa bawat bayan, ayon sa iniutos ko sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:14-15

May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10-11

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo. Ang nangangaral ay dapat salita ng Diyos ang ipangaral. Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:22

Tinatanggap natin ang anumang ating hilingin sa kanya dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
3 Juan 1:2

Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at kamangha-mangha ang aking Diyos, karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Salamat po sa iyong kabutihan at sa pagmamahal Mo sa buhay ko. Salamat sa pag-alalay at pagiging sandigan ko sa oras ng pangangailangan. Ang Iyong biyaya at paglingap ay sapat na sa akin. Hindi Mo ako pinababayaan o iniiwan; lagi Kang nandiyan para tulungan, palakasin, turuan, at ituwid ako. Sa oras na ito, hinihiling ko po na patatagin Mo ako sa harap ng mga pagsubok. Nawa'y wala pong makapagpaalis sa akin sa pundasyon ng Iyong salita. Tulungan Mo po akong huwag pabayaan ang kaloob na ipinagkatiwala Mo sa akin. Nananabik akong mabuhay na nag-aalab sa apoy ng Iyong Espiritu Santo at magkaroon ng pusong walang sawang naghahanap sa Iyong presensya. Punuin Mo po ako araw-araw ng Iyong sarili, upang mabuhay ako para sambahin Ka at gawin ang Iyong kalooban. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas