Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


63 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Free Will

63 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Free Will

Alam mo, may pananagutan tayo sa lahat ng ating ginagawa. Hindi pinipilit ng Diyos ang Kanyang kagustuhan sa atin. Lagi Niyang inilalahad ang dalawang daan: ang mabuti at masama, ang sumpa o ang biyaya, ang buhay o ang kamatayan, at tayo ang pumipili. Bawat desisyon natin, may dahilan, positibo man o negatibo. Ito ang tinatawag na malayang pagpapasya, at dito, wala tayong impluwensya mula sa Diyos. Tayo mismo ang nagdedesisyon kung ano sa tingin natin ang tama.

Minsan, may mga desisyon tayo na bunga ng matinding pagnanais, 'yung tipong gustong-gusto talaga natin. Pero may mga pagkakataon din na parang basta na lang natin ginagawa, hindi natin lubos na naiisip kung gusto ba talaga natin o hindi. Dito pumapasok ang tunay na kahulugan ng malayang pagpapasya: ang pumili ayon sa ating kagustuhan.

Ang malayang pagpapasyang ito, may kaakibat na dalawang kalagayan sa ating espirituwal na buhay: "naligtas o nahatulan" (Juan 3:36). "Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay mananatili sa kanya".


Mga Awit 119:173

Humanda ka sa pagtulong, ito'y aking kailangan, sapagkat ang susundin ko'y ang utos mong ibinigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 54:6

Buong galak naman akong maghahandog ng pasasalamat kay Yahweh, dahilan sa kanyang kagandahang-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:12

Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:30

Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin, sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:31

Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 7:17

Kung talagang nais ninumang sumunod sa kalooban ng Diyos, malalaman niya kung ang itinuturo ko'y mula nga sa Diyos, o kung ang sinasabi ko ay galing lamang sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:13-15

Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa. At ang pagnanasa kapag naitanim sa puso ay nagbubunga ng kasalanan; at ang kasalanan, sa hustong gulang ay nagbubunga ng kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:17

Kung ginagawa ko ito nang kusang-loob, ako'y may maaasahang kabayaran, ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkuling ipinagkatiwala sa akin ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:19

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 10:14

Sa inyong mga diyus-diyosan kayo humingi ng tulong sa panahon ng inyong kagipitan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:17

maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 3:6

Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:5-8

Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. Kaya nga, kapag itinutuon ng tao ang kanyang pag-iisip sa mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi siya nagpapasakop sa batas ng Diyos, at sadyang hindi niya ito magagawa. At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:5

“Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:14-15

“Kaya ngayon, sambahin ninyo si Yahweh at paglingkuran ninyo siya nang buong puso't katapatan. Alisin ninyo ang mga diyus-diyosang dating sinasamba ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia at sa Egipto. Si Yahweh lamang ang inyong paglingkuran. At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:16-17

Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:15

At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:16

Hindi ba ninyo alam na kapag nagpasakop kayo sa sinumang inyong sinusunod, kayo'y nagiging alipin nito, maging ito'y kasalanang hahantong sa kamatayan, o ang pagsunod sa Diyos na hahantong sa pagiging matuwid?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:4-5

Ang sabi ni Yahweh: “Sa mga eunukong gumagalang sa Araw ng Pamamahinga, na gumagawa ng mga bagay na nakalulugod sa akin at tapat na iniingatan ang aking kasunduan. Ang pangalan mo'y aalalahanin sa aking Templo at sa gitna ng aking bayan nang mas matagal kaysa paggunita sa iyo, kung ikaw ay nagkaroon ng mga anak. Hindi ka malilimot kahit kailan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:23

Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:29

Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:12

itatakda ko kayong sa espada mamatay, ang mga leeg ninyo'y tatagpasin ng palakol. Sapagkat tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot, kinausap ko kayo ngunit hindi kayo nakinig. Ang ginawa ninyo'y pawang kasamaan sa aking paningin, pinili ninyo ang hindi nakalulugod sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:9

Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:12

Kaya't bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:12

May magsasabi, “Malaya akong makagagawa ng kahit ano,” ngunit ang sagot ko naman ay “Hindi lahat ng bagay ay nakakabuti.” Maaari ko ring sabihin, “Malaya akong gumawa ng kahit ano,” ngunit hindi ako magpapaalipin sa anumang bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:6-7

Hanapin mo si Yahweh habang siya'y matatagpuan, manalangin ka sa kanya habang siya'y malapit pa. Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:20

Tingnan mo! Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:13-14

“Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:34-36

Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: ang gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ang alipin ay hindi kabilang sa pamilya sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. Kung ang Anak ang magpalaya sa inyo, kayo nga'y magiging tunay na malaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:5-6

Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:15-17

Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:16

Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya, subalit huwag ninyong gawing dahilan sa paggawa ng masama ang inyong kalayaan. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:9

Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:26-28

“Sa araw na ito, binibigyan ko kayo ng pamimilian: pagpapala o sumpa. Pagpapala kapag sinunod ninyo ang kanyang mga utos, ngunit sumpa kapag sumamba kayo sa ibang diyos sa halip na sumunod sa kanyang mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:21

Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:16-17

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 11:9

Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang gusto mo at lahat ng kaakit-akit sa paningin mo. Ngunit tandaan mong ang lahat ng ito'y iyong ipagsusulit sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7-8

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:2

Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 16:24-25

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:12-13

Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:25

Inibig pa niyang makihati sa kaapihang dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa magtamasa ng mga panandaliang aliw na dulot ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:21

Saan man kayo pumaling, sa kaliwa o sa kanan, maririnig ninyo ang kanyang tinig na nagsasabing, “Ito ang daan; dito kayo lumakad.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:7

Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:16

Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:26-27

Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran, sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay. Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan; humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:8

Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:57

“Bakit hindi ninyo mapagpasyahan kung ano ang tamang gawin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:17

Ang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:11

Kami ay pinili ng Diyos mula pa sa simula na maging kanya sa pamamagitan ni Cristo, ayon sa kanyang plano. Ang Diyos ang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:23

Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:15

Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36-37

“Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:6-8

Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. Buhay na walang hanggan ang ibibigay niya sa mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, at naghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan. Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:29-31

Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang. Itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, katuwiran, katarungan, at katapatan. Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala ko. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa, at kayo ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:42

ngunit iisa lamang ang kailangan. Pinili ni Maria ang mabuti at ito'y hindi aalisin sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:29

Sana nga'y manatili ang takot nila sa akin at lagi nilang sundin ang aking mga utos upang maging matiwasay ang buhay nila at ng kanilang mga anak habang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:26

Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:22-24

Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:12

May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming mapagkalinga at tapat, sa iyo ang kapurihan at karangalan! Panginoon, sa ngalan ni Hesus, lumalapit ako sa iyo. Salamat po sa paglikha mo sa amin na kawangis mo, at sa pagbibigay sa amin ng kalayang pumili ng aming mga desisyon, mabuti man o masama. Panginoon, hinihiling ko po na hawakan mo ang buhay ko at bigyan mo ako ng karunungan upang makapili ng mga tamang desisyon na magpapabago sa takbo ng aking buhay, at huwag akong manalig sa sarili kong pang-unawa. "Sapagkat may daan na tila matuwid sa tao, ngunit sa huli ay daan ng kamatayan." Panginoon, sa pamamagitan po ng iyong Banal na Espiritu, nawa'y maunawaan ko ang hindi sa iyo at huwag akong magpadala sa mga kahinaan ng laman, kundi lumakad sa pagsunod at mamuhay ayon sa iyong salita, dahil wala akong magagawa kung hiwalay sa iyo. Patatagin mo po ang aking mga hakbang at patnubayan mo ako sa landas ng katuwiran. Ingatan mo po ako sa lahat ng patibong at panlilinlang ng kaaway. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas