Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

136 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Paglalang ng Diyos


Genesis 1:1

Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;

Mga Awit 19:1

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

Isaias 40:28

Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig? Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos, ang siyang lumikha ng buong daigdig? Hindi siya napapagod; sa isipan niya'y walang makakaunawa.

Mga Awit 33:6-9

Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit;

sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong.

Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha!

Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.

Colosas 1:16

Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.

Roma 1:20

Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa.

Genesis 1:26-27

Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”

Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,

Mga Awit 104:24-25

Sa daigdig, ikaw, Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.

Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan, malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.

Job 38:4-6

Nasaan ka nang likhain ko ang mundo? Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo.

Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay?

Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?

Sino ang nagpasya tungkol sa lawak nito? Sino ang sumukat, alam mo ba ito?

Sino ang may hawak ng mga haligi ng mundo? Sino ang naglagay ng mga panulukang-bato?

Isaias 45:18

Si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, siya rin ang lumikha ng daigdig, ginawa niya itong matatag at nananatili, at mainam na tirahan. Siya ang maysabing, “Ako si Yahweh at wala nang iba pang diyos.

Genesis 1:31

Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikaanim na araw.

Mga Awit 8:3-4

Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.

Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?

Mga Awit 139:13-14

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Mga Hebreo 11:3

Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay ginawa mula sa mga hindi nakikita.

Mga Awit 145:5

Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita, at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Isaias 65:17

Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.

Genesis 2:7

Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.

Mga Awit 104:1-2

Papurihan mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Ikaw, Yahweh na aking Diyos, kay dakila mong talaga! Karangala't kamahalan, lubos na nadaramtan ka.

Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan, sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.

Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon, maging hayop na mailap may tubig na naiinom.

Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya, mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga.

Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig.

Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha.

Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.

Ang mga kahoy ni Yahweh, masaganang nadidilig, mga sedar ng Lebanon, kayo mismo ang nagtanim.

Sa malagong mga puno at malabay nitong sanga, mga ibo'y nagpupugad, doon sila tumitira.

Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan, sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan.

Ang buwan ay nababatid sa buwan ding iyong likha, araw nama'y lumulubog sa oras na itinakda.

O Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, kalangita'y parang tolda, na kamay mo ang nagladlad.

Eclesiastes 3:11

Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.

Job 26:7

Ang kalawakan sa hilaga ay kanyang inilagay, ibinitin niya ang daigdig sa gitna ng kawalan.

Mga Awit 95:4-5

Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kalaliman; ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan.

Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na kanyang nilalang.

Genesis 1:3

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.

Roma 11:36

Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Colosas 1:17

Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya.

Mga Awit 148:1-5

Purihin si Yahweh! Purihin ang Diyos, nitong kalangitan, kayo sa itaas siya'y papurihan.

hayop na maamo't mailap na naroon, maging hayop na gumagapang at mga ibon.

Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo;

babae't lalaki, mga kabataan, matatandang tao't kaliit-liitan.

Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap.

Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh!

Ang lahat ng anghel, magpuri't magdiwang, kasama ang hukbo roong karamihan!

Ang araw at buwan, siya ay purihin, purihin din siya ng mga bituin,

mataas na langit, siya ay purihin, tubig sa itaas, gayon din ang gawin!

Siya ang may utos na kayo'y likhain, kaya ang ngalan niya ay dapat purihin.

Genesis 1:14-19

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan.

Mula sa langit, ang mga ito'y magbibigay ng liwanag sa daigdig.” At gayon nga ang nangyari.

Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw: ang Araw, upang magbigay liwanag sa maghapon, at ang Buwan, upang tumanglaw kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin.

Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magbigay ng liwanag sa daigdig,

tumanglaw kung araw at gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y kanyang mamasdan.

Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikaapat na araw.

Mga Awit 104:5

Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa, matatag na ginawa mo't hindi ito mauuga.

Isaias 42:5

Ang Diyos na si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, nilikha rin niya ang lupa at nagbigay-buhay sa lahat ng bagay dito sa daigdig, kaya't sinabi ng Diyos na si Yahweh sa kanyang lingkod,

Genesis 1:20-22

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid.”

Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, gayundin ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan.

Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: “Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at punuin ang karagatan; magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig.”

Mga Awit 136:5-9

Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Job 33:4

Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin, buhay na taglay ko ay sa Makapangyarihang Diyos nanggaling.

Isaias 48:13

Ako ang lumikha sa pundasyon ng daigdig, ako rin ang naglatag sa sangkalangitan; kapag sila'y aking tinawag, agad silang tutugon.

Mga Awit 104:25-26

Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan, malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.

Iba't ibang mga bapor ang dito ay naglalakbay, samantalang ang Leviatang nilikha mo'y kaagapay.

Genesis 2:19-20

Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang Panginoong Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito.

Tinapos niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at siya'y nagpahinga sa ikapitong araw.

Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.

Mga Awit 102:25

nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan.

Mga Awit 24:1-2

Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon.

Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah)

Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan, inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman.

Mga Awit 147:4-5

Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin, isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring.

Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat.

Eclesiastes 11:5

Kung hindi mo maaaring malaman kung paanong ang hininga ay pumapasok sa katawan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina, lalong hindi maaabot ng isip mo kung paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.

Isaias 40:12

Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay? Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan? Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?

Genesis 1:24-25

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa—maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.” At gayon nga ang nangyari.

Ginawa nga niya ang lahat ng ito, at nasiyahan siya nang ito'y kanyang mamasdan.

Mga Awit 119:90

Ang taglay mong katapatan ay hindi na magbabago; ang nilikha mong daigdig, matatag sa kanyang dako.

Mga Kawikaan 3:19-20

Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.

upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan.

Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig, pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.

Mga Awit 111:2

Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;

Roma 4:17

gaya ng nasusulat, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito'y may bisa sa harap ng Diyos na kanyang sinampalatayanan, ang Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na hindi pa nalilikha.

Genesis 1:29-30

Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo.

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.

Ang lahat ng halamang luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari.

Mga Awit 78:69

Doon niya itinayo yaong banal na santuwaryo, katulad ng nasa langit na tahanan niyang dako; lubos niyang pinatatag na tulad ng mundong ito.

Mga Awit 139:15

Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.

Isaias 26:4

Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.

Mga Hebreo 1:10

Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang gumawa ng kalangitan.

Mga Awit 8:1-2

O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit!

Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Genesis 1:5

Ang liwanag ay tinawag niyang Araw, at ang dilim naman ay tinawag na Gabi. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang unang araw.

Mga Kawikaan 8:27-29

Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na, maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga.

Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay, at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.

Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat, nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag,

Mga Awit 93:1

Si Yahweh ay naghahari, na ang suot sa katawan ay damit na maharlika at puspos ng kalakasan. Matatag na itinayo ang sandigan ng daigdig, kahit ano ang gawin pa'y hindi ito mayayanig.

Genesis 1:7

At nangyari ito. Ginawa ng Diyos na pumagitan ang kalawakan sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba.

Job 12:12-13

“Ang matatanda ay may taglay na karunungan, pinalawak ang unawa sa haba ng karanasan.

Ngunit likas sa Diyos ang kaalaman at kapangyarihan, taglay niya'y karunungan at katalinuhan.

Mga Awit 19:3-4

Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig;

ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,

Isaias 43:7

Sila ang aking bayan na aking nilalang, upang ako'y bigyan ng karangalan.”

Genesis 2:4

Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa. Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit,

Mga Awit 66:4

Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)

Job 38:22-23

“Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakan ng niyebe at ng yelong ulan?

Ang mga ito'y aking inilalaan, sa panahon ng digmaan at ng kaguluhan.

Mga Awit 104:14

Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha.

Roma 8:22

Alam nating hanggang ngayo'y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak.

Mga Awit 96:11-13

Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.

Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan, at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan.

Genesis 1:8

Langit ang itinawag niya sa kalawakan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikalawang araw.

Mga Awit 19:1-3

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!

Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay, mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan.

Ang mga utos mo, Yahweh, ay babala sa iyong lingkod, may malaking gantimpala kapag aking sinusunod.

Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian, iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan.

Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan, huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan. Sa gayo'y mamumuhay akong walang kapintasan, at walang bahid ng masama ang aking mga kamay.

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.

Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig;

Isaias 51:6

Sa dakong itaas, sa kalangitan kayo ay tumingin, sa dakong ibaba, dito sa daigdig ay magmasid din. Katulad ng usok, itong kalangita'y pawang maglalaho, at itong daigdig mawawasak namang parang kasuotan. Ang mga naroon, lahat ng nilikha ay parang langaw na mamamatay. Ngunit ang pagliligtas ko ay walang hanggan, ang tagumpay ay walang katapusan.

Mga Awit 33:9

Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa.

Mga Awit 139:16

Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.

Genesis 1:26

Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”

Mga Awit 104:16

Ang mga kahoy ni Yahweh, masaganang nadidilig, mga sedar ng Lebanon, kayo mismo ang nagtanim.

Mga Hebreo 3:4

Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay.

Mga Awit 145:5-6

Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita, at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Ang mga gawa mong makapangyariha'y ipamamalita; sa lahat ng tao'y aking sasabihing ikaw ay dakila.

Isaias 40:22

Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan; mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam. Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina, tulad ng tolda upang matirahan.

Genesis 1:2

ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.

Job 37:14

“Tumigil ka sandali, Job, at iyong isipin, ang mga gawa ng Diyos na walang kahambing.

Mga Awit 148:6

Kanyang itinatag, kanilang kinalagyan, hindi magbabago magpakailanpaman.

Mga Kawikaan 30:4

Sino ang dalubhasa tungkol sa kalangitan? Sino ang nakapigil ng hangin sa kanyang palad? Sino ang nakapagbalot ng tubig sa isang damit? Sino ang naglagay ng mga hangganan sa daigdig? Sino siya? Sino ang kanyang anak?

Genesis 1:12

Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan.

Mga Awit 103:19

Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.

Mga Awit 135:6

anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa, at kahit sa karagatan, ang anumang panukala, ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.

Isaias 40:25-26

Kanino ninyo ihahambing ang banal na Diyos? Mayroon ba siyang katulad?

Tumingala kayo sa langit! Sino ba ang lumikha ng mga bituin? Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos, at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan? Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan, walang nawala sa kanila kahit isa man.

Genesis 2:8

Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang.

Mga Awit 145:13

Ang paghahari mo'y sadyang walang hanggan, hindi magbabago. Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.

Job 37:6

Pinauulan niya ng yelo sa ibabaw ng daigdig, ibinubuhos niya sa lupa ang ulang walang patid.

Genesis 1:19

Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikaapat na araw.

Mga Awit 91:1

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,

Isaias 66:1

Ito ang sabi ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan?

Genesis 1:21

Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, gayundin ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan.

Mga Awit 104:18

Yaong mga kambing-gubat nagkalat sa kabundukan, sa bitak ng mga bato ang kuneho nananahan.

Job 39:1-4

Ang panganganak ng mga kambing, alam mo ba kung kailan, o ang panahon na ang usa ay magsisilang?

Matatalian mo kaya siya ng lubid upang sa pag-aararo ay magamit, at sa paghila ng suyod sa iyong mga bukid?

Iyo bang maaasahan ang lakas na taglay niya? Mabibigat mong gawai'y maipagkakatiwala ba sa kanya?

Umaasa ka ba na siya ay magbabalik upang sa ani mo ay siya ang gumiik?

“Ang pakpak ng ostrits buong gandang kumakampay, nagbabadya kaya iyon kahit bahagyang pagmamahal?

Ang kanyang mga itlog sa lupa ay iniiwan, ito'y hinahayaang sa lupa ay mainitan.

Di niya iniisip na baka ito'y matapakan, o baka madurog ng mailap na nilalang.

Sa mga inakay niya siya ay malupit, hindi niya alintanang hirap niya'y di masulit,

sapagkat pang-unawa ay di ko siya binigyan, di ko hinatian ng kahit kaunting katalinuhan.

Ngunit napakabilis kapag siya'y tumatakbo, pinagtatawanan lang niya kahit ang kabayo.

“Ikaw ba ang nagbigay ng lakas sa kabayo? Ikaw ba ang naglagay ng magandang buhok nito?

Bilang mo ba ang araw ng anak niya habang nasa tiyan? Alam mo ba kung kailan ito iluluwal?

Ikaw ba ang nagpapalukso dito na parang balang, at kapag humalinghing ay kinatatakutan?

Nagpapakitang-gilas sa pagkamot niya sa lupa, at napakabilis tumakbo upang makidigma.

Siya ay nagtatawa sa gitna ng panganib, sa tabak na nakaumang, hindi siya nanginginig.

Ang mga sandata ng sa kanya'y nakasakay, sa sikat ng araw kumakalampag at kumikinang.

Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon, hindi siya mapakali kapag trumpeta ay umugong.

Sa tunog ng trumpeta'y halinghing ang sagot niya. Ang ingay ng digmaan, dinig nito kahit malayo pa; maging ang utos ng kapitan sa mga kasama.

“Ikaw ba ang nagturo sa lawin upang ito'y makalipad, kapag ikinakampay ang pakpak tungo sa timog ang tahak?

Naghihintay ba ng iyong utos ang agila, upang sa mataas na bundok gumawa ng pugad niya?

Matataas na bato ang kanyang tirahan, mga pagitan ng bato ang pinagkukutaan.

Ang kanyang biktima'y doon niya pinagmamasdan, kahit malayo pa ay kanya nang natatanaw.

Namasdan mo ba habang sila ay gumagapang sa pagbubukas ng sinapupunan upang ang anak ay isilang?

Sa kanyang mga inakay, dugo ang ibinubuhay, at tiyak na naroon siya kung saan mayroong bangkay.”

Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parang at kapag malaki na ay tuluyang lumilisan.

Roma 1:19-20

Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay maliwanag, dahil iyon ay ipinapahayag sa kanila ng Diyos.

Ang Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan,

Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa.

Isaias 66:22

“Kung paanong tatagal ang bagong langit at bagong lupa sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, gayon tatagal ang lahi mo at pangalan.

Mga Awit 104:23

samantalang itong tao humahayo sa gawain, sa paggawang walang tigil inaabot na ng dilim.

Genesis 1:16

Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw: ang Araw, upang magbigay liwanag sa maghapon, at ang Buwan, upang tumanglaw kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin.

Mga Awit 119:89

Ang salita mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan, matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan.

Job 38:31-33

“Ang Pleyades ba'y iyong matatalian, o ang Orion kaya'y iyong makakalagan?

Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin, o maituturo ang daan ng malaki't maliit na diper?

Alam mo ba ang mga batas sa langit, ito ba'y maiaangkop mo sa daigdig?

Mga Awit 121:2

Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

Isaias 45:12

Ako ang lumikha ng buong daigdig, pati mga taong doo'y tumatahan. Maging ang kalangitan, ako ang nagladlad, ako ang may kapangyarihan sa araw, buwan at mga bituin.

Genesis 2:15

Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan.

Mga Awit 145:9

Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

Mga Kawikaan 3:19

Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.

Mga Awit 19:7

Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang, ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan.

Genesis 1:11

Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga.” At nangyari ito.

Mga Awit 111:5

Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana; pangako ni Yahweh ay di nasisira.

Mga Awit 104:15

Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.

Mga Awit 33:5

Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

Mga Awit 24:1

Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon.

Isaias 43:20-21

Pararangalan ako maging ng mababangis na hayop gaya ng mga asong-gubat at mga ostrits, sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto, upang may mainom ang mga taong hinirang ko.

Nilalang ko sila upang maging aking bayan, upang ako'y kanilang laging papurihan!”

Mga Awit 86:9

Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan.

Genesis 1:4

Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan. Pinagbukod niya ang liwanag at ang dilim.

Mga Awit 145:17

Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.

Mateo 6:26

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Mga Awit 135:5

Nalalaman kong si Yahweh ang Diyos na dakila, higit siya sa alinmang diyus-diyosang naglipana;

Genesis 1:10

Tinawag niyang Lupa ang tuyong bahagi at Dagat naman ang nagsama-samang tubig. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan.

Mga Awit 67:6

Nag-aning mabuti ang mga lupain, pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin!

Genesis 1:13

Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikatlong araw.

Mga Awit 104:19

Ang buwan ay nababatid sa buwan ding iyong likha, araw nama'y lumulubog sa oras na itinakda.

Roma 8:21

na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.

Mga Awit 119:73

Nilikha mo ako, O Yahweh, ako'y iyong iningatan; bigyan ako ng unawa upang batas mo'y malaman.

Mga Awit 104:24

Sa daigdig, ikaw, Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.

Genesis 1:28

at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.

Mga Awit 8:6

Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala:

Isaias 40:8

Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”

Mga Awit 104:7-8

Ngunit noong magalit ka, itong tubig ay tumakas, nang marinig ang sigaw mo, tumilapon agad-agad.

Bumuhos sa kabundukan, umagos sa kapatagan, natipon sa isang dako't naging isang karagatan,

Genesis 1:17

Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magbigay ng liwanag sa daigdig,

Mga Awit 119:144

Ang lahat ng tuntunin mo'y matuwid at walang hanggan, bigyan ako ng unawa at ako ay mabubuhay. (Qof)

Mga Awit 119:78

Ang hambog na naninira sa lingkod mo ay hiyain, sa aral mo ako nama'y magbubulay na taimtim.

Genesis 1:20

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid.”

Mga Kawikaan 8:22-25

“Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una, noong una pang panahon ako ay nalikha na.

Matagal nang panahon nang anyuan niya ako, bago pa nalikha at naanyo itong mundo.

Wala pa ang mga dagat nang ako'y lumitaw, wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw.

Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok, nang ako ay isilang dito sa sansinukob.

Isaias 41:20

At kung magkagayon, makikita nila at mauunawaan na akong si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, ang gumawa at lumikha nito.”

Genesis 2:19

Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang Panginoong Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito.

Mga Awit 145:16

Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.