Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


120 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Mga Propeta

120 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Mga Propeta

Alam mo, pinipili ng Diyos ang mga propeta para iparating ang Kanyang kalooban sa atin. Kadalasan, sila ang nagbababala sa atin tungkol sa mga kasalanan at hinihikayat tayong sumamba at sumunod sa iisang tunay na Diyos.

Hindi naging madali ang kanilang misyon. Marami ang tumutol at tumanggi sa kanilang mensahe. Isipin mo sina Isaias, Jeremias, Ezekiel, Elias, at Eliseo sa Lumang Tipan. Sila ay binigyan ng mga pangitain at rebelasyon mula sa Diyos na ibinahagi nila sa mga Israelita.

Puno ng karunungan at pagmamahal sa Diyos ang kanilang mga salita. Sana ay magnilay-nilay tayo sa ating relasyon sa Kanya.

Ang isa sa pinakamahalagang aral na matututunan natin sa mga propeta ay ang kahalagahan ng katapatan at pagsisisi. Hinihikayat nila ang mga tao na talikuran ang kasamaan at bumalik sa Panginoon. Makikita natin sa kanilang mga mensahe kung gaano ni Diyos na magkaroon tayo ng malapit at tapat na relasyon sa Kanya, at kung gaano Niya kahalaga ang pagsunod at katarungan.

Sa panahon ngayon, na puno ng kasamaan at kasalanan, mahalaga na ang mga propeta ng Diyos ay manatiling malapit sa Espiritu Santo. Sa ganitong paraan, hindi sila malilito, maloloko, o mapapaniwala sa mga bagay na hindi naman sinasabi ng Diyos.

Ingatan natin ang ating mga puso, manatili sa kabanalan at katapatan, at manindigan sa mga utos at prinsipyo ng Panginoon.


Santiago 5:10

Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 44:4

Gayunman, patuloy kong sinugo sa inyo ang aking mga lingkod na propeta. Sinabi nila sa inyo, ‘Huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na bagay na iyan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 18:18-19

kaya mula sa kanila, pipili ako para sa kanila ng isang propetang katulad mo. Sasabihin ko sa kanya ang aking kalooban, at siya ang magsasabi nito sa mga tao. Sinumang hindi makinig sa kanya na nagsasalita para sa akin ay mananagot sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 46:13

Ito ang sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias tungkol sa pagdating ni Haring Nebucadnezar upang salakayin ang Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 3:7

Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos, kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:5

“Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 2:1-3

Sinabi sa akin ng tinig, “Ezekiel, anak ng tao, tumayo ka at may sasabihin ako sa iyo.” Iniladlad ito at nabasa ko sa magkabila ang mga panaghoy, pagdadalamhati, at paghihirap. Kasabay noon, nilukuban ako ng kanyang Espiritu at itinayo ako upang pakinggan ang kanyang sasabihin. Ang sabi niya, “Ezekiel, anak ng tao, susuguin kita sa Israel, sa bansang suwail. Pagkat mula sa kanilang ninuno, naghihimagsik na sila sa akin hanggang ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 35:15

Lagi akong nagsusugo ng aking mga lingkod na propeta upang sabihin sa inyong talikuran na ninyo ang inyong masamang pamumuhay at gawin ang nararapat. Binabalaan nila kayo na huwag sasamba at maglilingkod sa ibang diyos, upang patuloy kayong manirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo. Ngunit ayaw ninyong makinig sa akin; ayaw ninyo akong pansinin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 6:8

At narinig ko ang tinig ni Yahweh na nagsasabi, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?” Sumagot ako, “Narito po ako; ako ang inyong isugo!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 38:17

“Ipinapasabi pa ni Yahweh: Noong araw pa, iniutos ko na sa mga lingkod kong propeta ng Israel na ipahayag nila na may isang bansang tatayo laban sa Israel, at ikaw ang tinutukoy noon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:12

Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jonas 3:4

Siya'y pumasok sa lunsod. Pagkaraan ng maghapong paglalakad, malakas niyang ipinahayag, “Gugunawin ang Nineve pagkaraan ng apatnapung araw!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 47:1

Ito ang pahayag na tinanggap ni Jeremias kay Yahweh tungkol sa mga Filisteo bago sinalakay ni Faraon ang Gaza:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:44

Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 16:7

Sinugo ni Yahweh ang propetang si Jehu upang ipahayag kay Baasa at sa kanyang pamilya ang kanyang hatol laban sa hari. Gayundin naman, dahil sa kanyang pagsunod sa mga kasalanan ni Jeroboam, nilipol din niya ang buong angkan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:1-2

Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang gumawa ng kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas, at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y papalitan. Ngunit mananatili ka at hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.” Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.” Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga magkakamit ng kaligtasan. Ngunit sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 25:2

“Ezekiel, anak ng tao, humarap ka sa mga anak ni Ammon at magpahayag laban sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 24:19

Gayunma'y nagsugo si Yahweh ng mga propeta upang ang mga tao'y magbalik-loob sa kanya. Ngunit hindi sila nakinig sa mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 1:9

Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Tiro, kaya sila'y paparusahan ko. Ipinagbili nila sa Edom ang libu-libo nilang bihag; sinisira nila ang kasunduan ng pagkakapatiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:10-12

Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa pagpapalang nakalaan sa inyo. Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo mula sa langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 29:8

Kaya padadalhan kita ng tabak upang puksain ang mga mamamayan mo't mga hayop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:6

Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:41

Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa ito'y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:10

“Subalit ito ang aking sinabi: Pagkatapos lamang ng pitumpung taon ng pagkabihag sa Babilonia, muli kong ipadarama ang pag-ibig ko sa inyo. Tutuparin ko ang aking pangakong ibabalik kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 13:34

“Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga isinusugo sa iyo! Ilang beses kong sinikap na kupkupin ang iyong mga anak, gaya ng pag-aaruga ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 9:2

Akong si Daniel ay nagbabasa ng mga aklat upang alamin ang kahulugan ng pitumpung taóng pagkawasak ng Jerusalem ayon sa sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:18

Sa ganitong paraan ay natupad ang matagal nang ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta na ang kanyang Cristo ay kailangang magdusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 2:15

Doon sila nanirahan hanggang sa mamatay si Herodes. Sa gayon, natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 7:37

Siya rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Ang Diyos ay pipili ng isa sa inyo at gagawing propetang tulad ko.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 77:1-3

Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing nang malakas, ganoon ang aking daing upang ako'y dinggin agad. Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob, para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.” Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay. Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha. Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo'y natubos, ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob. (Selah) Noong ikaw ay makita ng maraming mga tubig, pati yaong kalaliman ay natakot at nanginig. Magmula sa mga ulap mga ulan ay bumuhos, at mula sa papawirin, nanggaling ang mga kulog na katulad ay palasong sumisibat sa palibot. Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot, ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob; pati mundo ay nayanig na para bang natatakot. Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan, ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan; ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan. Hinanap ko'y Panginoon sa panahong may bagabag, hindi ako napagod, dumalangin na magdamag, ngunit di ko nasumpungan ang aliw kong hinahangad. Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan, si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay! Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing, ako'y nagdidili-dili ngunit ako'y bigo pa rin. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 12:6

sinabi niya, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Kung ang sinuma'y nais kong piliing propeta, nagpapakita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 34:31

Kayo ang aking mga tupa sa aking pastulan; ako ang inyong Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 12:10

“Nagsalita ako sa pamamagitan ng mga propeta; at sa kanila'y nagbigay ng maraming pangitain. Maraming talinghaga rin ang sa kanila'y aking itinagubilin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 7:12

Ipinilit nila ang sariling kagustuhan at hindi dininig ang sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat sa pamamagitan ng mga propeta. Dahil dito, labis siyang nagalit sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 38:1

Nang panahong iyon, nagkasakit nang malubha si Hezekias at nasa bingit na ng kamatayan, kaya siya'y dinalaw ni Isaias na anak ni Amoz. Sinabi niya sa hari ang utos na ito ni Yahweh, “Ipatawag mo ang iyong sambahayan at gawin mo na ang iyong mga huling habilin, sapagkat hindi ka na gagaling; mamamatay ka na.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 4:5

“Ngunit bago dumating ang kakila-kilabot na araw ni Yahweh, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 7:1

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gagawin kitang parang Diyos sa harapan ng Faraon, at ang kapatid mong si Aaron ang magiging tagapagsalita mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 10:5

Pagdating mo sa Burol ng Diyos, sa may kampo ng mga Filisteo, makakasalubong mo naman ang isang pangkat ng mga propeta na pinangungunahan ng mga manunugtog ng alpa, tamburin, plauta at lira. Sila'y galing sa altar sa burol, at nagpapahayag ng propesiya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:29

Hayaang magsalita ang dalawa o tatlong tao na tumanggap ng kaloob na makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos, at timbangin naman ng iba ang mga sinasabi nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 18:36

Nang ikatlo na ng hapon na siyang oras ng paghahandog, tumayo si Elias sa harap ng altar at nanalangin, “Yahweh, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, patunayan po ninyo ngayon na talagang kayo ang Diyos ng Israel, at ako ay inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito sapagkat ito ang inyong utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:37

Kung inaakala ninuman na siya'y propeta, o mayroong espirituwal na kaloob, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat ko sa inyo ay utos ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 2:15

Nang makita ito ng mga propetang taga-Jerico na nakatanaw sa di-kalayuan, sinabi nila, “Sumasakanya ang kapangyarihan ni Elias.” Siya'y sinalubong nila at buong paggalang na niyukuran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:20

Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:15

Ang mga Judiong ito ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta. Sila rin ang umuusig sa amin. Nagagalit sa kanila ang Diyos at kaaway sila ng lahat ng tao!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:20

Kinabukasan, maaga silang lumabas patungo sa ilang ng Tekoa. Ngunit bago sila umalis, sinabi sa kanila ni Jehoshafat, “Makinig kayo, mga taga-Juda at Jerusalem. Magtiwala kayo sa Diyos ninyong si Yahweh at magiging matatag kayo. Maniwala kayo sa kanyang mga propeta at magtatagumpay kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 10:7

Sa araw na hipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, isasagawa na ng Diyos ang lihim niyang plano, gaya ng ipinahayag niya sa mga propeta na kanyang mga lingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:25

Mula nang umalis sa Egipto ang inyong mga magulang hanggang sa araw na ito, patuloy akong nagpapadala ng aking mga lingkod, ang mga propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 16:6

Ang mga nagpadanak ng dugo ng mga hinirang ng Diyos at ng mga propeta ay binigyan mo ng dugo upang kanilang inumin. Iyan ang nararapat sa kanila!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:1

Sinabi ni Yahweh, “Sumigaw ka nang malakas na malakas; itaas mo ang iyong tinig gaya ng trumpeta. Ang kasalanan ng bayan ko sa kanila'y ihayag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:9

Ngunit sinabi niya, “Huwag mong gawin iyan! Ako ma'y aliping tulad mo, at tulad din ng iyong mga kapatid na propeta at ng lahat ng sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 3:17

“Ezekiel, anak ng tao, ginagawa kitang bantay ng bansang Israel. Makinig ka sa aking sasabihin, at bigyan mo sila ng babala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:15

Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang, ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:37

“Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga isinugo sa iyo! Ilang ulit kong sinikap na kupkupin ang iyong mga anak, kung paano tinitipon ng isang inahin ang kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:49

Dahil dito'y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; ang ilan ay papatayin nila at ang iba nama'y uusigin.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 11:27-28

Nang panahong iyon, dumating sa Antioquia ang ilang propeta mula sa Jerusalem. Tumayo ang isa sa kanila na ang pangala'y Agabo, at sa kapangyarihan ng Espiritu ay nagpahayag na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong daigdig. Nangyari nga iyon noong kapanahunan ni Emperador Claudio.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 21:10-11

Makalipas ang ilang araw, dumating mula sa Judea ang isang propetang ang pangala'y Agabo. Pinuntahan niya kami, kinuha ang pamigkis ni Pablo at ginapos ang sariling paa at kamay. Sabi niya, “Ito ang sabi ng Espiritu Santo, ‘Ganito gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 17:1

Si Elias ay isang propetang taga-Tisbe sa Gilead. Sinabi niya kay Ahab, “Saksi si Yahweh, ang buháy na Diyos ng Israel na aking pinaglilingkuran, hindi uulan, ni hindi magkakahamog sa mga darating na taon hangga't hindi ko sinasabi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 4:27

Paglapit niya kay Eliseo, nagpatirapa ang babae at hinawakan ang mga paa ni Eliseo. Itutulak sanang palayo ni Gehazi ang babae ngunit sinabi ni Eliseo, “Pabayaan mo siya. Tiyak na may malaki siyang problema. Hindi pa lang ipinapaalam sa akin ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 36:16

Ngunit hinahamak lamang nila ang mga ito, pinagtatawanan ang mga propeta at binabaliwala ang mga babala ng Diyos. Dahil dito'y umabot sa sukdulan ang galit ni Yahweh sa kanyang bayan at hindi na sila makaiwas sa kanyang pagpaparusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 14:14

Subalit ganito ang sagot ni Yahweh: “Pawang kasinungalingan ang sinasabi ng mga propetang iyan; hindi ko sila sinugo, inutusan, o kinausap man. Ang mga pangitaing kanilang sinasabi sa inyo ay hindi galing sa akin, kundi pawang kathang-isip lamang nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 13:1-3

Sinabi sa akin ni Yahweh, Dinadaya ninyo ang aking bayan. Sinasabi ninyong, ‘Payapa ang lahat’ gayong wala namang kapayapaan. At kapag may nagtatayo ng mahinang pader, tinatapalan ninyo ito ng kalburo. Sabihin mo sa kanila na guguho ang pader na iyon sapagkat bubuhos ang malakas na ulan, babagyo ng yelo at magpapadala ako ng unos. At pagbagsak ng pader na iyon, itatanong sa inyo kung nasaan ang inyong itinapal.” Kaya, ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: “Dahil sa aking galit, magpapadala ako ng unos. Dahil sa tindi ng aking poot, ibubuhos ko ang malakas na ulan. Dahil sa laki ng aking galit, magpapaulan ako ng yelo upang sirain ang pader na iyon. Ang pader na inyong tinapalan ng kalburo ay iguguho ko hanggang sa pundasyon nito. Pagguho nito, matatabunan kayo. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh. Ang matinding galit ko'y ibubuhos ko sa pader na iyon at sa mga nagtapal niyon. Pagkatapos, sasabihin kong wala na ang pader pati ang mga nagtapal niyon. Ang mga nagtapal ng pader ay ang mga propeta ng Israel na nagsabing maayos ang lahat sa Jerusalem ngunit kabaligtaran ang nangyari.” Ito ang sabi ng Panginoong Yahweh. Ang sabi ni Yahweh, “Ngayon, Ezekiel, magpahayag ka laban sa mga kababayan mong babae na nagpahayag ayon sa kanilang sariling isipan. Ganito ang sabihin mo sa kanila: Kahabag-habag ang mga babaing bumibihag sa kalooban ng mga tao sa pamamagitan ng pulseras nila sa kamay at belo sa ulo ayon sa lahi ng tao. Binibihag ba ninyo ang kalooban ng aking bayan para sa inyong kapakinabangan? Ginawan ninyo ako ng malaking kalapastanganan sa harap ng aking bayan sa pamamagitan ng kaunting harina at ng durog na tinapay. Sa pamamagitan ng inyong pagsasabi ng kasinungalingan sa mga mahilig makinig ng kasinungalingan, pinapatay ninyo ang dapat mabuhay at binubuhay ang dapat mamatay.” “Ezekiel, anak ng tao, magpahayag ka laban sa mga propeta ng Israel sapagkat ang ipinapahayag nila sa mga tao ay sarili nilang kaisipan at hindi mula sa akin. Sabihin mo sa kanilang makinig sa mensahe ni Yahweh!” Kaya nga ipinapasabi ng Panginoong Yahweh, “Nasusuklam ako sa mga pulseras ninyong may salamangka para mabihag ang kalooban ng mga tao. Hahablutin ko iyan sa inyong mga kamay, at palalayaing tulad ng ibon ang isipan ng mga taong nabihag ninyo. Hahaltakin ko rin ang inyong mga belo, at palalayain ko ang aking bayan mula sa inyong kapangyarihan. Hindi na ninyo sila masasakop. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh. Tinakot ninyo ang mga matuwid dahil sa inyong kasinungalingan at pinalakas ninyo ang loob ng masasama para lalong magpatuloy sa kanilang kasamaan. Kaya naman, hindi na ninyo makikita ang huwad ninyong pangitain at hindi na ninyo magagawang magpahayag ng inyong mga kasinungalingan. Ililigtas ko mula sa inyong kapangyarihan ang aking bayan, at malalaman ninyong ako si Yahweh.” Ito ang ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: “Kaawa-awa ang kalagayang sasapitin ng mga propetang nagpapahayag ng sariling kaisipan at hindi ang mula sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 3:6-8

“Sasapit ang gabi ngunit hindi kayo magkakaroon ng pangitain; lalaganap ang dilim subalit hindi kayo tatanggap ng pahayag mula sa Diyos. Lulubog na ang araw para sa mga propeta; malagim ang kahihinatnan nila. Mapapahiya ang mga manghuhula, pagtatawanan ang kanilang mga pahayag, sapagkat hindi na sila sinasagot ng Diyos. “Subalit ako'y puspos ng kapangyarihan, ng espiritu ni Yahweh, ng katarungan at kapangyarihan upang ipahayag sa mga Israelita ang kanilang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:10

Mga pinuno ng Israel, pakinggan ninyo si Yahweh! Ang inyong mga gawa ay kasinsama ng sa Sodoma at Gomorra. Kaya't pakinggan ninyo at pag-aralan ang katuruan ng Diyos ng ating bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:10

Sinasabi nila sa mga tagapaglingkod, “Huwag kayong magsasabi ng katotohanan.” At sa mga propeta, “Huwag kayong magpapahayag ng tama. Mga salitang maganda sa aming pandinig ang inyong banggitin sa amin, at ang mga hulang hindi matutupad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 12:2

“Ezekiel, anak ng tao, nasa gitna ka ng isang mapaghimagsik na bayan. May mga mata sila ngunit hindi nakakakita; may mga tainga ngunit hindi naman nakakarinig

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 2:12

Ngunit pinainom ninyo ng alak ang mga Nazareo, at pinagbawalang mangaral ang mga propeta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 1:6

Ngunit natupad ang lahat ng sinabi ko sa pamamagitan ng mga propeta. Kaya naman sila'y nagsisi at sinabi nilang ginawa ko nga ang aking sinabi tungkol sa kanila na katumbas ng kanilang kasamaan.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:15

“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:26

subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta, upang ang lahat ay sumunod dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:5

Batid mo, O Diyos, naging baliw ako, ako'y nagkasala, di pa lingid sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:40-42

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa ito'y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na tatanggap ng gantimpala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:76

Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:16

Natakot ang lahat at sila'y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:19

“Anong mga pangyayari?” tanong niya. Sumagot sila, “Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa salita at gawa maging sa harap ng Diyos at ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:43

Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na ang bawat sumampalataya sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:28

Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga wika.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:1

Mula kay Pablo na hinirang na apostol, hindi ng tao o sa pamamagitan ng tao, kundi ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Jesus,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:11

At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:32-34

Magpapatuloy pa ba ako? Kulang ang panahon para maisalaysay ko ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jefte, David, Samuel, at mga propeta. Dahil sa pananampalataya, nagwagi sila laban sa mga kaharian, nagpatupad ng katarungan, at nagkamit ng mga ipinangako ng Diyos. Napaamo nila ang mga leon, napatay ang naglalagablab na apoy, at nakaligtas sila sa mga talim ng tabak. Sila'y mahihina ngunit binigyan ng lakas upang maging magiting sa digmaan, kaya't natalo ang hukbo ng mga dayuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 44:1

Ang gawa mo noong una dakilang mga bagay, narinig po namin, O Diyos, sa ninuno naming mahal;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:37

Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan, mapayapang tao'y patuloy ang angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:1

Sumagot ang mga tao, “Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito? Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:31

Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay sapagkat di kayo dapat mamatay, mga Israelita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:1

Sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At si Yahweh na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 26:2-3

“Tumayo ka sa bulwagan ng templo at sabihin mo sa lahat ng tao mula sa mga lunsod ng Juda na naroon upang sumamba kay Yahweh ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwag kang maglilihim ng anuman. May isa pang lalaking nagpahayag sa pangalan ni Yahweh; siya si Urias, anak ni Semaya na taga-Lunsod ng Jearim. Nagpahayag siya laban sa lunsod na ito at sa lupaing ito, kagaya rin ng sinabi ni Jeremias. Nang ito'y marinig ni Haring Jehoiakim at ng kanyang mga kawal at mga pinuno, binalak ng haring ipapatay siya. Ngunit nang malaman ni Urias ang gagawin sa kanya, tumakas siya patungong Egipto dahil sa malaking takot. Kaya sinugo ni Haring Jehoiakim sa Egipto si Elnatan na anak ni Acbor at ilan pang kasama nito. Kinuha nila sa Egipto si Urias, dinala sa harapan ni Haring Jehoiakim at pinatay sa pamamagitan ng tabak saka inihagis ang kanyang bangkay sa libingan ng mga karaniwang tao. Subalit si Jeremias ay binantayan ni Ahikam, anak ni Safan, kaya hindi siya napatay ng mga tao. Baka sakaling sila'y makinig at tumalikod sa kanilang masamang pamumuhay. Kung magkagayon, baka magbago ang aking isip at hindi ko na itutuloy ang parusang inihahanda ko dahil sa kanilang masasamang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 117:1

Purihin si Yahweh! Dapat na purihin ng lahat ng bansa. Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:16

Kayo ay lumapit at pakinggan ang aking sasabihin. Sa mula't mula pa'y hayagan ako kung magsalita at ang sabihin ko'y aking ginagawa.” Sa kapangyarihan ng espiritu ng Panginoong Yahweh, ako'y kanyang sinugo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 4:6

Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan; sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan, itinatakwil ko rin kayo bilang pari. At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos, kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 33:33

Kapag nangyari na ang sinasabi mo sapagkat tiyak namang mangyayari, malalaman nilang may isang propeta ngang nagsabi nito sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 3:19-20

Habang lumalaki si Samuel, patuloy siyang pinapatnubayan ni Yahweh, at nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi niya. Malabo na noon ang mata ni Eli. Minsan, natutulog siya sa kanyang silid. Dahil dito, kinilala ng buong Israel, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, na si Samuel ay isang tunay na propeta ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 74:9

Wala kaming pangitain, ni propetang naglilingkod, ang ganitong kalagaya'y hindi namin maunawaan, hindi namin nalalaman kung kailan matatapos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:24

Tandaan ninyo, walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:28

Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang pinapatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:32

Ang kaloob na pagsasalita ng mensahe mula sa Diyos ay dapat napipigil ng mga tumanggap ng kaloob na iyon,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:31

Pawang kasinungalingan ang pahayag ng mga propeta; ang kanilang utos ang sinusunod ng mga pari, at hindi naman tumututol ang aking bayan. Subalit ano ang gagawin ninyo kapag nagwakas na ang lahat?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 33:7

“Ikaw, Ezekiel, ang ginagawa kong bantay ng Israel; anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila bilang babala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 3:8

Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh, sinong hindi magpapahayag?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:3

Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:70

Ito'y ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:6

Ngunit ako'y parang uod at hindi na isang tao, hinahamak at pinagtatawanan ng kahit na sino!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:15

At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:8

Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:89

Ang salita mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan, matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 2:5

Makinig man sila o hindi, malalaman nilang may isang propeta sa kanilang kalagitnaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:1

Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika; tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 7:52

Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na Lingkod na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:8

Subalit kahit kami o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na iba sa ipinangaral namin sa inyo, parusahan nawa siya ng Diyos!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:25

ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.” Ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:2

Ang Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:21

sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:16

“Mga kapatid, kailangang matupad ang sinasabi sa Kasulatan na ipinahayag ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni David tungkol kay Judas na nanguna sa mga dumakip kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:13

Ako mismo ang magtuturo sa iyong mga anak. Sila'y magiging payapa at uunlad ang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 3:5

Ganito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa mga bulaang propeta na naging dahilan ng pagkaligaw ng bayang Israel: “Nangangako sila ng kapayapaan sa mga nagsusuhol sa kanila, ngunit pinagbabantaan nilang didigmain ang ayaw magsuhol sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 28:9

Kung magkatotoo ang pahayag ng isang propeta na magkakaroon ng kapayapaan, saka lamang natin malalamang si Yahweh nga ang nagsugo sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:5

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:10

Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:21-22

Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin. Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 77:20

Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan, si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 11:10

Magagalak ang lahat ng tao sa daigdig dahil sa pagkamatay ng dalawang saksi. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo sapagkat ang dalawang propetang iyon ay nagdulot sa kanila ng labis na kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Minamahal na Ama sa Langit, ang lahat ng iyong ginagawa ay mabuti, wala kang pagkakamali, ni anino man ng pagbabago. Ikaw ay nananahan sa walang hanggan, tatlong beses na banal, nadaramtan ng kadakilaan at kamahalan. Sa araw na ito, ang lahat ng papuri ay sa'yo, sapagkat ikaw ay karapat-dapat na dakilain. Sinamba kita dahil sa kung sino ka, sinasamba kita dahil sa lahat ng iyong ginawa at gagawin pa. Nagpapasalamat ako sa paggamit mo sa iyong mga lingkod na propeta upang magdala ng liwanag at patnubay sa iyong bayan. Dalangin ko na pagpalain mo sila, ingatan, at patuloy na gamitin bilang mahalagang instrumento sa iyong mga kamay. Nawa'y ang lahat ng kanilang mga salita ay mula sa'yo at hindi nakabatay sa kanilang sariling damdamin. Ilayo mo sila sa kanilang sariling karunungan at panatilihin silang matatag sa iyong mga batas at prinsipyo. Nawa'y walang makapaglihis sa kanila sa iyong salita, at maging matatag at determinado sila sa lahat ng iyong ipinagagawa. Itago mo sila sa iyong ligtas na kanlungan sapagkat araw-araw nilang kailangan ang iyong presensya. Dalangin ko na pagpalain mo ang kanilang landas at bigyan sila ng mabuting kalusugan. Patuloy mo silang bigyan ng lakas upang magpatuloy. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas