Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


66 Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Fatherhood Of God

66 Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Fatherhood Of God

Alam mo, ang pag-ibig ng Diyos, walang kapantay. Wagas at puno ng habag, handang ibigay ang lahat para sa'yo. Hindi ito nakabase sa kung ano ka o kung anong meron ka, kundi sa paniniwala ng isang banal na nilalang na nagpadala ng kanyang bugtong na anak para mamatay para sa'yo. Isipin mo, dahil doon, pwede kang magkaroon ng relasyon sa kanya, parang isang anak sa kanyang ama.

Dati, tayong lahat ay malayo sa Panginoon dahil sa ating mga pagkakamali at kahinaan. Pero nang tanggapin natin si Hesus sa ating puso, naging anak tayo ng Diyos. Sobrang laki ng ginawa ng Diyos para mapalapit tayo sa kanya. Kaya pahalagahan mo 'yun. Magpasalamat ka sa kanyang walang kapantay na pagmamahal at mamuhay nang matuwid sa harap ng kanyang kabanalan.

Maging anak na maipagmamalaki niya, 'yung mapapangiti siya sa langit tuwing nakikita ka. Mahalin mo siya nang buong puso mo. Maging bukas ka sa kanya, sabihin mo ang mga kinakatakutan mo, hilingin mo ang mga kailangan mo, ipakita mo sa kanya ang kahinaan mo. Hindi ka niya huhusgahan. Mahal na mahal ka niya at gusto niya lang na makilala at sundin mo siya palagi.

Napakabuti ng Diyos bilang Ama. Mapagmahal, mapagpasensya, at handang magdisiplina at magtuwid sa atin. Pero alam din niyang magbigay ng gantimpala sa ating mabubuting gawa. At tandaan mo, kahit iwan ka ng mga magulang mo, si Jehova, hinding-hindi ka iiwan. Hindi ka nag-iisa. Nariyan siya para ipagtanggol ka, alagaan ka, at sabihin sa'yo, "Huwag kang matakot, tutulungan kita."

Isang Diyos at Ama nating lahat, na higit sa lahat, at gumagawa sa pamamagitan ng lahat, at nasa lahat. Efeso 4:6.


Efeso 4:6

iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:12

Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:23

Sumagot si Jesus, “Ang umiibig sa akin ay tumutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y pupunta at mananahan sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:32

“Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:36

Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:30

Ako at ang Ama ay iisa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:8

Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 64:8

Gayunman, O Yahweh, ikaw pa rin ang aming Ama. Kami ang putik at ikaw ang magpapalayok. Ikaw ang sa ami'y humubog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:17

Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagdudulot ng bahagya mang dilim dahil sa pagbabago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:48

Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:5

Itanim ninyo sa inyong isipan na kayo'y dinidisiplina ni Yahweh na inyong Diyos gaya ng pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 12:26

Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din siya. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:5

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo, tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga balo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:16

Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:9

Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:15

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:9

Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:3

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal na nagmumula sa langit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:3

Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:24

“Ama, sila na ibinigay mo sa akin ay nais kong makasama sa kinaroroonan ko upang mapagmasdan nila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, sapagkat minahal mo na ako bago pa nilikha ang daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:14

Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:1

Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga nahahapis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 4:6-7

At dahil kayo'y mga anak ng Diyos, isinugo niya ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating mga puso, na tumatawag sa Diyos ng “Ama, Ama ko!” Ginawa na kayo ng Diyos na mga anak at hindi na mga alipin, at kung gayon kayo'y mga tagapagmana niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:13-14

Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sa pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo].

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:28

Ako nga'y nanggaling sa Ama at naparito sa sanlibutan; ngayo'y aalis na ako sa sanlibutan at babalik na sa Ama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 20:21

Muling sinabi ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 11:25

Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit. [

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:8

Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging mga alagad ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:7

Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:5

Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama, ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:26

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:11-12

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:14

Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:15

Sapagkat hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong tinanggap upang kayo'y mamuhay sa takot. Sa halip, ang inyong tinanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya tayo'y tumatawag sa kanya ng, “Ama, Ama ko!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 63:16

Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham, ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan; tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:26

“Ngunit pagdating ng Patnubay na susuguin ko mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmumula sa Ama, siya ay magpapatotoo tungkol sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 20:17

Sabi ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:46

Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:33

Pinaupo siya sa kanan ng Diyos at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Espiritu Santo. Ito ang kanyang ibinuhos sa amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:12

Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:3-4

Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito. “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.” Gawin mong lihim ang iyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:28-30

Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Pinapapasok siya ng bantay, at pinapakinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. Ako at ang Ama ay iisa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:20

Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:13

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:5-6

Nalimutan na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob? “Anak ko, huwag mong baliwalain ang pagtutuwid ng Panginoon, at huwag kang panghihinaan ng loob kapag ikaw ay dinidisiplina niya. Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:11-13

Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:5

pinili niya tayo upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa kanyang layunin at kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-14

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:1-2

Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat. Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon. Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:15

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:25

Mula pagkabata't ngayong tumanda na, sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya; o ang anak niya'y naging hampaslupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:18

Ako ang magiging ama ninyo, at kayo'y magiging mga anak ko,” sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:18

Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:5

At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:16

Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:18

Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:7

Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na mangyayari ngunit hindi pa niya nakikita. Gumawa siya ng isang malaking barko upang siya at ang kanyang pamilya ay maligtas. Sa pamamagitan nito'y nahatulan ang sanlibutan, ngunit si Noe ay ibinilang na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:6

O mga mangmang at hangal na tao, ganyan ba susuklian ang kabutihan sa inyo ni Yahweh na inyong ama at sa inyo'y lumikha, at nagtaguyod na kayo'y maging isang bansa?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:6-7

Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, “Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako'y nananatiling tapat. Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinapatawad ang kanilang kasamaan, pagsuway at pagkakasala. Ngunit hindi ko pinalalampas ang kasalanan ng ama at ang pagpaparusa ko'y hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:45

upang kayo'y maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:14-15

Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, na mula sa kanya'y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming Diyos, kay buti mo po sa akin. Ang presensya mo sa puso ko ay tunay na kailangan ko. Nagpapasalamat po ako sa iyong dakilang pag-ibig at awa. Ama, ikaw na po ang bahala sa buhay ko. Tulungan mo po akong mas makilala ka araw-araw, nang lalo pang lumago ang aking tiwala sa iyo, aking tapat na Ama. Nawa'y laging sa iyo ako lumalapit sa lahat ng oras, at ang iyong mapagmahal na mga bisig ang aking kanlungan, upang ako'y makapagpahinga sa iyong piling. Salamat po dahil malaya akong lumalapit sa iyo, dahil ang kasalanang naghihiwalay sa atin ay nabura na sa pamamagitan ng dugo ni Hesus, at malaya akong tumatawag sa iyo, ABBA Ama. Bigyan mo po ako ng karunungan at pang-unawa upang magamit ko nang tama ang lahat ng ipinagkaloob mo, at upang ako'y magpatuloy nang hindi nanlulupaypay, kundi maging matatag at malakas. Sabi mo sa iyong salita, "Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat perpektong handog ay buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, o anino man ng pag-iiba." Diyos at Ama, salamat po sa iyong paglalaan, dahil hindi mo ako pinabayaan o iniwan, at tinugunan mo ang lahat ng aking pangangailangan. Salamat po dahil tinutupad mo ang iyong mga pangako. Purihin ka, Diyos at Ama, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas