“Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi nananatili sa iisang lugar lamang. Walang makakapagtago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat ako'y nasa lahat ng lugar sa langit at sa lupa.
Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat, ‘Nakasalalay sa kanya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’ Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Tayo nga'y mga anak niya.’
Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin. Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising. Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama, at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.
Magmula sa langit, kanyang minamasdan ang lahat ng tao na kanyang nilalang. Nagmamasid siya at namamahala sa lahat ng tao sa balat ng lupa.
Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.
Ika'y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki'y nag-iingat.
Sumagot si Jesus, “Ang umiibig sa akin ay tumutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y pupunta at mananahan sa kanya.
Dahil dito, tandaan ninyo at huwag kalilimutan na sa langit at sa lupa'y walang ibang Diyos liban kay Yahweh.
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.
Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman.
Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y ikaw din ang kasama;
Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
Siya'y naghahari sa lahat ng bansa, lampas pa sa langit ang pagkadakila. Sino bang katulad ng Diyos na si Yahweh, na sa kalangitan doon nakaluklok? Buhat sa itaas siya'y tumutunghay, ang lupa at langit kanyang minamasdan.
Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin.
“Maaari bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na templo na aking itinayo!
iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.
Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?
Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin.
Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Sinasabi nila sa isa't isa ang ganito: “Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat! Ang buong daigdig ay puspos ng kanyang kaluwalhatian.”
Walang nilalang na makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit ng ating mga sarili.
kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko'y ang duluhan ng kanluran;
Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.
kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising.
“Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta, ‘Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, ‘at ang lupa ang aking tuntungan. Anong uri ng bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko?
Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
Tandaan mo, susubaybayan kita at ipagtatanggol saan ka man magpunta, at ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita iiwan hanggang sa matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”
Sinabi pa ni Yahweh, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Zion, sapagkat maninirahan na ako sa inyong kalagitnaan.” Sa araw na iyon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri kay Yahweh at pasasakop sa kanya. Siya'y maninirahan sa inyong kalagitnaan. Sa gayon, malalaman ninyong isinugo ako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Ito ang sabi ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan?
Nagtataka ang sarili't alam mo ang aking buhay, di ko kayang unawain iyang iyong karunungan.
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”
“Subalit maaari po bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay hindi sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na Templong aking itinayo?
Gumawa kayo ng altar na yari sa lupa at doon ninyo susunugin ang inyong mga handog para sa kapayapaan; doon din ninyo susunugin ang handog ninyong mga tupa at mga baka. Doon ninyo ako sasambahin sa lugar na ituturo ko sa inyo. Pupunta ako roon at pagpapalain ko kayo.
Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay.
Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nagmamahalan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.
Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.
Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas; sa gawain niya, ang Diyos nagagalak. Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.
Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan; mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam. Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina, tulad ng tolda upang matirahan.
Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,
Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Ngunit sinamahan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang makapangaral nang lubusan sa lahat ng Hentil, at ako'y naligtas sa tiyak na kamatayan.
at wala ring magsasabing ‘Narito na!’ o ‘Naroon!’ Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo.”
Ngunit ikaw, O Yahweh, ay malapit sa piling ko, ang pangakong binitiwan mo sa akin ay totoo.
Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan;
Nakikita ko ang lahat ng ginagawa nila. Walang anumang maitatago sa akin; hindi mawawala sa aking paningin ang kanilang mga kasalanan.
Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan.
Itong Diyos na lumikha nitong ating mata't tainga, akala ba ninyo'y bingi at ni hindi makakita?
“Masusukat mo ba ang kapangyarihan ng Diyos? Kanyang kadakilaan, iyo bang maaabot? Higit itong mataas kaysa kalangitan, at mas malalim kaysa daigdig ng mga patay. Malawak pa iyon kaysa sanlibutan, higit na malaki kaysa karagatan.
Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig? Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos, ang siyang lumikha ng buong daigdig? Hindi siya napapagod; sa isipan niya'y walang makakaunawa.
Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah) Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan.
Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya bibiguin o pababayaan man, kaya't huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.”
Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba; palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala. Ginawa ko ito upang ako ay makilala mula sa silangan hanggang kanluran, at makilala nila na ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba.
Ngunit sino nga ba ang makakapagtayo ng isang templong maaaring tirahan niya gayong maging sa kataas-taasang langit ay hindi siya magkasya. At sino naman ako upang ipagtayo siya ng templo? Ang ipatatayo ko'y isa lamang templong mapagsusunugan ng mga handog sa harap niya.
Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising.
Hanapin mo si Yahweh habang siya'y matatagpuan, manalangin ka sa kanya habang siya'y malapit pa. Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran. Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.”
Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan. Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit; pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago. Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.
Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.
Di niya ako hahayaang mabuwal, siya'y di matutulog, ako'y babantayan. Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising!
Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kalaliman; ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan. Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na kanyang nilalang.
Iba't iba ang mga gawain, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon.
Nawa ang pag-ibig ni Yahweh ay mahayag araw-araw, gabi-gabi siya nawa'y purihin ko at awitan; dadalangin ako sa Diyos, na sa aki'y bumubuhay.
O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi, “Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko.
Ang Diyos ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay, ang buhay ng bawat isa ay nasa kanyang mga kamay.
Nakikita sa Anak ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit.
tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.
“Hindi ba't ipinagbibili ang limang maya sa halaga lamang ng dalawang salaping tanso? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi kinakalimutan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya't huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”
Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.
Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran, at ibabalik ko kayo sa inyong dating tahanan.
Itong aking kaluluwa'y sa iyo lang nananalig, kaligtasan ko'y tiyak, dahil sa iyo'y nakasandig.
Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya.
Binigyan tayo ni Yahweh ng isipan at ng budhi, kaya't wala tayong maitatago kahit na sandali.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Bayang Israel, ikaw ang saksi ko, pinili kita upang maging lingkod ko, upang makilala mo ako at manalig ka sa akin. Walang ibang Diyos maliban sa akin, walang nauna at wala ring papalit. Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa; walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin. Noong una pa man ako'y nagpahayag na. Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito. Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos; kayo ang mga saksi ko. Ako ang Diyos at mananatili akong Diyos magpakailanman, walang makakatakas sa aking kapangyarihan; at walang makakahadlang sa aking ginagawa.” Sinabi pa ni Yahweh, ang Tagapagligtas, at Banal na Diyos ng Israel: “Magpapadala ako ng hukbo laban sa Babilonia alang-alang sa iyo. Gigibain ko ang mga pintuan ng kanyang lunsod at mauuwi lamang sa iyakan ang kasayahan ng mga tagaroon. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal, ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang! Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na siyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat, upang maging kalsadang tawiran. Siya ang nanguna upang malupig ang isang malaking hukbo. Nilipol niya ang kanilang mga kabayo. At ang kanilang mga karwahe'y winasak; sila'y nabuwal at hindi na nakabangon; parang isang ilaw na namatay ang dingas.” Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.
Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan; pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan. Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag. “Maliban kay Yahweh, may Diyos pa bang iba? Iisang tanggulan, hindi ba't siya na?
Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.
Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo.
Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa lahat ng inyong gawain
Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.
Saan man kayo pumaling, sa kaliwa o sa kanan, maririnig ninyo ang kanyang tinig na nagsasabing, “Ito ang daan; dito kayo lumakad.”
Sinabi ng Diyos, “Ako'y si Ako Nga. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’.
Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay, sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.
Makikilala nila na ako si Yahweh; sila'y magiging aking bayan at ako ang magiging kanilang Diyos, sapagkat buong puso silang magbabalik-loob sa akin.
Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin, ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.
Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananatili sa kanya.
Ako nga ang mabuting pastol. Kung paanong kilala ako ng Ama at siya'y kilala ko, gayundin naman, kilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y kilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa.
Ngunit ako, Yahweh, ay iyong kilala; nakikita mo ako, ang mga ginagawa ko, nasa iyo ang puso ko. Hilahin mo ang mga taong ito, gaya ng mga tupang kakatayin; ihiwalay mo sila hanggang sa sandali na sila ay patayin.
sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.
Ganito ang sagot sa kanya: “Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko.” Pagkasabi nito'y dumaan si Yahweh at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin si Yahweh. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol si Yahweh. Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat si Yahweh. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig.
Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
Tumingala kayo sa langit! Sino ba ang lumikha ng mga bituin? Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos, at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan? Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan, walang nawala sa kanila kahit isa man.
Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang. Di ka maaano sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
Sinabi ni Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kakampi kaysa kanila.” At siya'y nanalangin, “Yahweh, buksan po ninyo ang kanyang paningin nang siya'y makakita.” Pinakinggan ni Yahweh ang kanyang panalangin at nakita ng katulong ni Eliseo na ang bundok ay punung-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Eliseo.
Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating.
Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat,
Si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, siya rin ang lumikha ng daigdig, ginawa niya itong matatag at nananatili, at mainam na tirahan. Siya ang maysabing, “Ako si Yahweh at wala nang iba pang diyos.
Sapagkat ang Diyos na nag-utos na magkaroon ng liwanag sa gitna ng kadiliman ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni Cristo. Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay tulad sa mga palayok na gawa sa putik, upang ipakilala na ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin.
Ganito ang naging panalangin ni Ana: “Pinupuri kita, Yahweh, dahil sa iyong kaloob sa akin. Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan, sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan. Lahat ng lumalaban sa iyo ay manginginig sa takot; kapag pinapadagundong mo ang mga kulog. Hahatulan mo ang buong daigdig, at pagtatagumpayin ang hinirang mong hari.” Si Elkana at ang buo niyang sambahayan ay umuwi sa Rama. Ngunit iniwan nila si Samuel upang maglingkod kay Yahweh sa pangangasiwa ng paring si Eli. Ang dalawang anak ni Eli ay parehong lapastangan at walang takot kay Yahweh. Wala rin silang galang sa regulasyon ng pagkapari. Tuwing may maghahandog, pinapapunta nila ang kanilang mga katulong habang pinapakuluan pa lang ang karne. May dala silang malaking tinidor na may tatlong ngipin at itinutusok sa loob ng malaking kaldero o palayok. Lahat ng matusok o sumama sa tinidor ay itinuturing na nilang para sa pari. Ginagawa nila ito tuwing maghahandog sa Shilo ang mga Israelita. Hindi lamang iyon. Bago pa maihandog ang taba ng karne, nilalapitan na ng mga katulong ang mga naghahandog at sinasabi, “Hilaw na karne ang ibibigay ninyo sa pari. Hindi niya kukunin kapag luto na ang ibibigay ninyo. Hilaw ang gusto niya upang maiihaw niya ito.” Kapag sinabi ng naghahandog na hintayin munang maialay ang taba bago sila kumuha hanggang gusto nila, ganito ang kanilang sinasabi: “Hindi maaari! Bigyan na ninyo kami. Kung hindi'y aagawin namin 'yan sa inyo.” Malaking pagkakasala ang ginagawa nilang ito sapagkat ito'y paglapastangan sa handog para kay Yahweh. Nagpatuloy ng paglilingkod kay Yahweh ang batang si Samuel, na noo'y nakasuot ng efod. Taun-taon, gumagawa ng balabal ang kanyang ina at ibinibigay ito sa kanya tuwing ang kanyang mga magulang ay naghahandog sa Shilo. “Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.
Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.
Ang anghel ng Diyos na pumapatnubay sa paglalakbay ng mga Israelita ay nagpahuli sa kanila, gayundin ang haliging ulap. “Pabalikin mo ang mga Israelita at doon mo sila pagkampuhin sa tapat ng Pi Hahirot, ng Baal-zefon, sa pagitan ng Migdol at ng dagat. Ang ulap ay lumagay sa pagitan ng mga Israelita at ng mga Egipcio. Madilim sa panig ng mga Egipcio, maliwanag naman sa mga Israelita. Dumating ang gabi at ang mga Egipcio ay hindi makalapit sa mga Israelita.
Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!
ngunit siya'y pinigil nila. “Tumuloy ka muna rito sa amin. Palubog na ang araw at dumidilim na,” sabi nila. Kaya't sumama nga siya sa kanila. Ngunit nang pumasok sila, wala roon ang bangkay ng Panginoong Jesus. Nang siya'y kasalo na nila sa pagkain, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos; pagkatapos, pinagpira-piraso iyon at ibinigay sa kanila. Noon nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila si Jesus, subalit siya'y biglang nawala sa kanilang paningin.
Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.
Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo.
Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)
Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok, gayon nagtatanggol sa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos.
Ang kaluwalhatian ni Yahweh ay ihahayag sa atin. Maninirahan tayo sa baybayin ng malalawak na ilog at batis na hindi mapapasok ng sasakyan ng mga kaaway. Sapagkat si Yahweh ang ating hukom, siya ang mamamahala, at siya rin ang haring magliligtas sa atin.
Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya. Alam niya na alabok itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan.
Ang Diyos na si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, nilikha rin niya ang lupa at nagbigay-buhay sa lahat ng bagay dito sa daigdig, kaya't sinabi ng Diyos na si Yahweh sa kanyang lingkod,
Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Sapagkat ang buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! Sino sa inyo ang makakapagdagdag sa kanyang buhay ng kahit isang oras dahil sa pagkabalisa? Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa ibang mga bagay?
Pinapakinggan ni Yahweh ang daing ng matuwid, ngunit ang panawagan ng masama ay hindi dinirinig.
Napakadakila mo, O Panginoong Yahweh. Wala pa kaming nababalitaang Diyos na tulad ninyo. Ikaw lamang ang Diyos.
Magmula sa kalangitan, diringgin ang aking hibik, ang lahat ng kaaway ko'y lubos niyang magagapi; ang tapat niyang pagmamahal at matatag na pag-ibig, ihahayag ito ng Diyos, sa aki'y di ikakait. (Selah)
Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin;
Noong una pa man ako'y nagpahayag na. Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito. Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos; kayo ang mga saksi ko.
Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo, doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono, at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao, walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.
Maliit na bahagi lang ito ng kanyang kapangyarihan, na hindi pa rin natin lubos na maunawaan. Sino kaya ang tatarok sa tunay niyang kadakilaan?”
“Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan.
“Nakapunta ka na ba sa mga bukal ng karagatan? Ang sahig ng dagat ay iyo bang nalakaran? May nakapagturo na ba sa iyo sa mga pintuan na pasukan tungo sa madilim na daigdig ng mga patay? Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo? Sumagot ka kung alam mo.
Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa.
Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay; sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah)
Kung tunay nilang natutuhan ang aking mga salita, maipapangaral nila ang aking mensahe sa mga tao at sila'y magsisi at tatalikod sa kanilang masasamang gawa.
Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto ay ang Panginoon ng langit at ng lupa, at hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan.
subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.