Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 11:4 - Magandang Balita Biblia

4 Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo, doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono, at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao, walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

4 Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 Ang Panginoon ay nasa kanyang banal na templo, ang trono ng Panginoon ay nasa langit; ang kanyang mga mata ay nagmamasid, ang mga talukap ng kanyang mata ay sumusubok sa mga anak ng mga tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit; Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo, doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono, at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao, walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo, doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono, at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao, walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

4 Ang Panginoon ay nasa kanyang templo; at nasa langit ang kanyang trono. Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 11:4
28 Mga Krus na Reperensya  

Sapagkat mula nang ilabas ko ang Israel mula sa Egipto hanggang sa araw na ito ay hindi pa ako nanirahan sa isang templo. Ang tahanan ko'y toldang palipat-lipat.


Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya. Dahil sa kahangalan mong ito, mula ngayo'y lagi kang magkakaroon ng digmaan.”


Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay, sa bawat sandali, siya'y nagbabantay.


Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.


Sino bang katulad ng Diyos na si Yahweh, na sa kalangitan doon nakaluklok?


O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais;


Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha'y kanyang sinisiyasat; tinitingnan kung may taong marunong pa, na sa kanya'y gumagalang at sumasamba.


Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.


Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang, lahat ng plano nila ay wala namang katuturan.


Magmula sa langit, kanyang minamasdan ang lahat ng tao na kanyang nilalang.


ito'y iyong mababatid pagkat sa iyo'y walang lihim, sa iyo ay walang lingid na isipan at damdamin.


Makapangyarihang hari kailanman, siya'y nagmamasid magpakailanman; kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)


Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi!


Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan.


Ito ang sabi ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan?


Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumasaliksik sa puso ng mga tao. Ginagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay, at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa.”


Walang makakapagtago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat ako'y nasa lahat ng lugar sa langit at sa lupa.


Pakinggan ninyo ito, mga bansa, kayong lahat na naninirahan sa buong daigdig. Ang pahayag ng Panginoong Yahweh laban sa inyo ay pakinggan. Siya'y nagsasalita buhat sa kanyang banal na templo.


Si Yahweh ay nasa kanyang banal na templo, tumahimik ang lahat sa harapan niya. Manahimik ang buong sanlibutan sa kanyang presensya.


Tumahimik kayo sa harapan ni Yahweh, lahat ng nilalang, sapagkat tumayo na siya sa kanyang banal na tahanan.


Kapag nanumpa ang sinuman na saksi niya ang Templo, ginagawa niyang saksi ito at ang Diyos na nasa Templo.


Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong manunumpa kapag kayo'y nangangako. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagkat ito'y trono ng Diyos;


‘Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, ‘at ang lupa ang aking tuntungan. Anong uri ng bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko?


Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.


Walang nilalang na makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit ng ating mga sarili.


At agad akong napuspos ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas