Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

55 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Mga Instrumentong Pangmusika

Pupurihin din kita gamit ang aking instrumento, O Diyos ko; aawitan ko ang iyong katotohanan gamit ang alpa, O Banal ng Israel. (Mga Awit 71:22) Noon pa man, naipahahayag na natin ang ating mga damdamin sa pamamagitan ng awit at musika. Sa banal na kasulatan, mababasa natin na nalulugod ang Diyos sa musika. Sinasabi ng Diyos sa Mga Awit 50:23: “Ang naghahandog ng pasasalamat bilang papuri ay siyang nagpaparangal sa akin; at sa kaniya na nag-aayos ng kaniyang lakad ay aking ipakikita ang pagliligtas ng Diyos.”

Sa Diyos natin natatanggap ang inspirasyon, talento, at talino para matuto ng kahit anong gawain. Hindi tayo ipinanganak na mayroon na ng lahat ng ito. Si Hesus ang nagbibigay sa atin ng iba't ibang kaloob para magamit natin dito sa lupa. At dahil alam mo kung gaano kabuti ang Diyos sa'yo, gamitin mo ang lahat ng iyong nalalaman para sa Kanya. Ang pagpupuri at pagsamba ay hindi lang basta pagkanta. Ito ay pagpapakita ng pagmamahal mo bilang tugon sa pagmamahal ng Diyos sa'yo. Maipapakita mo ito gamit ang buong katawan mo. May mga sumasayaw, tumatalon, sumisigaw, at nagpapatirapa. At mayroon ding mga naghahandog ng musika. Kaya mahalaga na ialay mo ang iyong buhay sa Diyos para sa tuwing tutugtog ka ng instrumento, ang tunog nito ay maging kalugod-lugod sa harapan ng Ama.

Ingatan mo ang iyong puso. Ang tunay mong motibasyon ay dapat ang pagpupuri sa Diyos, hindi ang mapansin ng tao. Ibigay mo ang lahat ng papuri sa Diyos sa lahat ng iyong ginagawa at maging karapat-dapat na instrumento Niya. Nawa'y malugod Siya sa tuwing maririnig ka. At higit sa lahat, tandaan na ang lahat ng iyong kaalaman at kakayahan ay galing kay Hesus. Kaya manatili kang tapat at totoo, handa sa lahat ng mabubuting gawain.


Mga Awit 149:3

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.

Mga Awit 144:9

O Diyos, may awitin akong bagung-bago, alpa'y tutugtugin at aawit ako.

Mga Awit 150:4

Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin!

Mga Awit 81:3

Hipan ang trumpeta tuwing nagdiriwang, kung buwan ay bago't nasa kabilugan.

Mga Awit 98:4-6

Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit, at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin.

Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari.

Job 21:12

Umaawit sa saliw ng tamburin at lira, umiindak, nagsasayaw sa tunog ng mga plauta.

Mga Awit 150:3

Purihin sa tugtog ng mga trumpeta, awitan sa saliw ng alpa at lira!

Mga Hukom 3:27

Pagdating sa kaburulan ng Efraim, hinipan niya ang trumpeta at nagsidatingan ang mga Israelita. At mula roon, pinangunahan niya sa pakikidigma ang mga ito.

Mga Awit 71:22

Tutugtugin ko ang alpa't pupurihin kitang tunay, pupurihin kita, O Diyos, dahil sa iyong katapatan. Mga imno ng papuri sa alpa ko'y tutugtugin, iuukol ko ang tugtog sa iyo, Banal na Diyos ng Israel.

Isaias 24:8

Ang masayang tugtog ng tamburin ay hindi na maririnig; titigil na ang ingay ng mga nagsasaya; mapaparam ang masayang tunog ng alpa!

Mga Awit 150:5

Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog siya'y papurihan.

Mga Awit 108:2

O magsigising na nga kayo, mga lira at alpa; tumugtog na at hintayin ang liwayway ng umaga.

Mga Awit 33:2

Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan, tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;

Mga Awit 150:3-5

Purihin sa tugtog ng mga trumpeta, awitan sa saliw ng alpa at lira!

Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin!

Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog siya'y papurihan.

Exodus 20:18

Nanginig sa takot ang mga Israelita nang marinig nila ang dagundong ng kulog at tunog ng trumpeta, at makita ang kidlat at ang usok sa bundok. Nanatili silang nakatayo sa malayo.

1 Mga Cronica 13:8

Si David at ang buong Israel ay sumasayaw at umaawit sa saliw ng tugtugan ng mga lira, alpa, tamburin, pompiyang at trumpeta.

Mga Awit 98:6

Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari.

1 Mga Hari 10:12

Ito ang kahoy na ginamit sa mga upuan sa Templo at sa palasyo ng hari at sa mga lira at alpa ng mga manunugtog. Wala na muling dumating o nakita pang kahoy na tulad nito mula noon hanggang ngayon.

1 Mga Cronica 15:28

Ang buong Israel ay kasama nang kunin ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. Sila'y nagsisigawan sa galak, hinihipan ang tambuli at trumpeta, at tinutugtog ang pompiyang, lira at alpa.

2 Samuel 6:5

Si David at ang buong bayan ng Israel ay buong galak na sumasayaw. Sila'y umaawit sa saliw ng mga lira, kudyapi, tamburin, kastaneta, at pompiyang.

Exodus 19:16

Kinaumagahan ng ikatlong araw ay kumulog at kumidlat. Ang bundok ay nabalot ng makapal na ulap at narinig ang isang malakas na tunog ng trumpeta. Nanginig sa takot ang lahat ng tao sa buong kampo.

2 Mga Cronica 15:14

Pasigaw na nanumpa sila kay Yahweh. Nagsigawan sila kasabay ng pag-ihip sa mga trumpeta at tambuli.

Mga Awit 81:2

Umawit sa saliw ng mga tamburin, kasabay ng tugtog ng lira at alpa.

Mga Awit 43:4

Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog, yamang galak at ligaya ang sa aki'y iyong dulot; sa saliw ng aking alpa'y magpupuri akong lubos, buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos!

Isaias 5:12

Tugtog ng lira sa saliw ng alpa; tunog ng tamburin at himig ng plauta; saganang alak sa kapistahan nila; ngunit mga ginawa ni Yahweh ay hindi nila inunawa.

Nehemias 12:27

Nang italaga na ang pader ng Jerusalem, tinipon ang mga Levita sa Jerusalem upang sama-sama nilang ipagdiwang ang pagtatalaga. Ipinagdiwang ito sa saliw ng mga awit ng pasasalamat at ng tugtog ng pompiyang, alpa, at lira.

Mga Awit 68:24-25

Mamamasdan ng marami ang lakad mong matagumpay, pagpasok ng Diyos kong hari, sa may dako niyang banal.

Sa unaha'y umaawit, tumutugtog sa hulihan, sa gitna'y nagtatamburin ang babaing karamihan.

1 Mga Cronica 16:5-6

Si Asaf ang pinuno at ang mga katulong niya ay sina Zacarias, Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom, at Jeiel. Ang tinutugtog nila'y mga alpa at lira, at ang kay Asaf naman ay pompiyang.

Ang mga paring sina Benaias at Jahaziel ang tumutugtog ng mga trumpeta araw-araw sa harap ng Kaban ng Tipan ng Diyos.

1 Mga Cronica 15:16

Inutusan din ni David ang mga pinunong Levita na pumili ng mga kapwa nila Levita upang umawit at tumugtog ng lira, alpa at pompiyang.

Leviticus 25:9

Pagkalipas nito, sa ikasampung araw ng ikapitong buwan na siyang Araw ng Pagtubos sa Kasalanan, hihipan nang malakas ang trumpeta sa buong lupain.

Mga Awit 33:2-3

Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan, tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;

Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya.

Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.

Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!

Isang bagong awit, awiting malakas, kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!

Genesis 31:27

Bakit mo inilihim sa akin ang iyong pag-alis? Sana'y inihatid ko kayo na may tugtugan at awitan sa saliw ng tamburin at alpa.

Mga Awit 92:1-3

Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan.

Ako'y ginawa mong sinlakas ng torong mailap sa gubat, ako'y pinagpala't pawang kagalakan aking dinaranas.

Aking nasaksihan yaong pagkalupig ng mga kaaway, pati pananaghoy ng mga masama'y aking napakinggan.

Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay.

Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami.

Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa.

Ito'y patotoo na si Yahweh ay tunay na matuwid, siya kong sanggalang, matatag na batong walang karumihan.

Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman.

Ito'y ipahayag sa saliw ng alpa't tugtuging salteryo, sa magandang himig ng tugtuging lira'y ipahayag ito.

2 Mga Cronica 5:13-14

Ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat kay Yahweh. Sa saliw ng mga trumpeta, pompiyang at iba pang mga instrumento ay inaawit nila ang ganito: “Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” At ang Templo, ang tahanan ng Diyos, ay napuno ng ulap.

Kaya't ang mga pari'y hindi nakatagal sa loob upang maglingkod. Napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang buong Templo.

Mga Awit 108:1-2

Nahahanda ako ngayon, O Diyos, ako ay handa na, na magpuri at umawit ng awiting masisigla! Gumising ka, kaluluwa, gumising ka at magsaya!

Sino kaya ang sasama sa lakad ko, Panginoon? Sa lunsod na mayroong kuta, sino'ng maghahatid ngayon? Sino kaya'ng magdadala sa akin sa lupang Edom?

Dahil kami'y itinakwil, hindi mo na pinapansin. Kung ikaw ay di kasama, paano ang hukbo namin?

O Diyos, kami'y tulungan mo sa paglaban sa kaaway, pagkat ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.

Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.

O magsigising na nga kayo, mga lira at alpa; tumugtog na at hintayin ang liwayway ng umaga.

Exodus 15:20-21

Pagkatapos, kumuha ng tamburin si Miriam, ang babaing propeta na kapatid ni Aaron. Tinugtog niya ito at nagsayawan ang mga babae na mayroon ding mga tamburin.

Habang sila'y nagsasayaw, ganito ang inaawit ni Miriam: “Purihin si Yahweh sa kanyang dakilang tagumpay; itinapon niya sa dagat ang mga karwahe't ang nakasakay.”

1 Mga Cronica 16:42

Silang dalawa ang tumutugtog ng trumpeta at pompiyang at iba pang uri ng panugtog na pansaliw sa mga awiting ukol sa Diyos. Ang mga anak naman ni Jeduthun ang ginawang bantay sa pintuan.

1 Samuel 10:5

Pagdating mo sa Burol ng Diyos, sa may kampo ng mga Filisteo, makakasalubong mo naman ang isang pangkat ng mga propeta na pinangungunahan ng mga manunugtog ng alpa, tamburin, plauta at lira. Sila'y galing sa altar sa burol, at nagpapahayag ng propesiya.

2 Mga Cronica 5:12-13

nakatayo naman sa gawing silangan ng altar ang mga mang-aawit na Levita: sina Asaf, Heman at Jeduthun, kasama ang kanilang mga anak at mga kapatid. Nakadamit sila ng mamahaling lino at tumutugtog ng pompiyang, alpa at lira, kasaliw ng mga trumpeta na hinihipan ng 120 pari.

Ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat kay Yahweh. Sa saliw ng mga trumpeta, pompiyang at iba pang mga instrumento ay inaawit nila ang ganito: “Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” At ang Templo, ang tahanan ng Diyos, ay napuno ng ulap.

1 Mga Hari 1:40

Inihatid siya ng mga tao pabalik sa lunsod. Habang daa'y nagsisigawan sila sa tuwa at nagtutugtugan ng mga plauta, at halos mayanig ang lupa sa lakas ng ingay.

Mga Awit 68:25

Sa unaha'y umaawit, tumutugtog sa hulihan, sa gitna'y nagtatamburin ang babaing karamihan.

Mga Awit 150:1-2

Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay!

Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila.

Nehemias 12:27-28

Nang italaga na ang pader ng Jerusalem, tinipon ang mga Levita sa Jerusalem upang sama-sama nilang ipagdiwang ang pagtatalaga. Ipinagdiwang ito sa saliw ng mga awit ng pasasalamat at ng tugtog ng pompiyang, alpa, at lira.

Ang mga mang-aawit na mula sa angkan ng mga Levita ay dumating mula pa sa paligid ng Jerusalem at mula sa kapatagan ng Netofa,

Isaias 38:20

Si Yahweh ang magliligtas sa akin, kaya sa saliw ng tugtog siya'y ating awitan. Sa banal na Templo ni Yahweh, tayo ay umawit habang nabubuhay.”

Zacarias 9:14

Si Yahweh ay magpapakita sa kanyang bayan, at ang palaso niya'y parang kidlat na sisibat; trumpeta ng Panginoong Yahweh, kanyang hihipan at sila'y parang ipu-ipong sasalakay sa katimugan.

Mateo 26:30

At pagkaawit ng isang himno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Pahayag 5:8-9

Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat (24) na matatandang pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na punô ng insenso na siyang mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.

Inaawit nila ang isang bagong awit: “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatang nakabalumbon at magtanggal sa mga selyo niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.

1 Mga Cronica 23:5

at 4,000 ang kinuhang mga bantay sa pintuan. Ang magpupuri kay Yahweh sa saliw ng mga instrumentong ginawa ni David ay 4,000 rin.

Mga Awit 40:3

Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Mga Awit 63:4

Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat, at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.

Mga Awit 119:108

Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin, yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin.

Mga Awit 145:5

Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita, at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Mga Awit 47:1

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!

1 Mga Cronica 25:6-7

Ang kanilang ama ang namahala sa kanilang pag-awit sa Templo ni Yahweh, gayundin sa pagtugtog ng pompiyang, alpa, at lira. Sina Asaf, Jeduthun at Heman na namamahala sa kani-kanilang mga anak ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari.

Ang bilang ng mga ito kasama na ang iba pa nilang mga kamag-anak na pawang nagsanay sa pag-awit kay Yahweh ay 288.

Eclesiastes 3:1-4

Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.

Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao.

Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.

Alam kong walang pinakamabuti sa tao kundi magpakaligaya at gawin ang pinakamabuti habang siya'y nabubuhay.

Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao'y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran.

Alam kong mamamalagi ang lahat ng ginawa ng Diyos: wala nang kailangang idagdag, wala ring dapat bawasin. Gayon ang ginawa ng Diyos upang ang tao'y magkaroon ng takot sa kanya.

Lahat ng nangyayari ngayon ay nangyari na noong una, gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari.

Nakita ko rin sa mundong ito na ang katarungan at pagiging matuwid ay nababahiran pa rin ng kasamaan.

Sa loob-loob ko'y hahatulan ng Diyos ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay.

Tungkol sa tao, naisip kong sila ay sinusubok ng Diyos upang ipakilalang ang tao ay tulad lamang ng mga hayop.

Ang hantungan ng tao at ng hayop ay iisa; lahat ay mamamatay. Ang tao'y walang kaibahan sa hayop, sapagkat ang lahat ay walang kabuluhan.

Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim.

Iisa ang kauuwian: lahat ay buhat sa alabok at sa alabok din uuwi.

Sino ang nakakatiyak kung ang kaluluwa ng tao ay aakyat sa itaas at ang kaluluwa ng hayop ay mahuhulog sa kalaliman?

Kaya naisip kong walang pinakamabuti sa tao kundi pakinabangan ang kanyang pinagpaguran; ito ang ating bahagi. At sino ang makakapagsabi sa kanya kung ano ang mangyayari pagkamatay niya?

Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo.

Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang.

Panalangin sa Diyos

Sa bawat sandali, pupurihin ko ang aking Diyos! Buong puso ko'y iaalay sa pagsamba at pagluwalhati sa Kanya. Nawa'y ang bawat hininga ay umawit ng papuri sa pangalan ni Yahweh, Siya na Banal at Dakila, Kataas-taasan at Kamangha-mangha, karapat-dapat sa lahat ng kaluwalhatian at karangalan. Ialay natin ang ating buong pagkatao sa Kanya, gamitin ang ating mga talento at kakayahan upang Siya'y sambahin. Magbigay pugay sa Kanya magpakailanman, sapagkat dakila ang nakaluklok sa trono, banal, banal, banal. Ikaw lamang ang karapat-dapat purihin, aawitan Ka ng mga alpa at trumpeta, araw-araw kong ipagdiriwang ang Iyong mga gawa. Panginoon, binibigyan Mo ako ng mga bagong awitin. Ang Iyong simbahan ay pumupuri at nagtataas ng Iyong pangalan hanggang sa kalangitan, at ipinapahayag ang Iyong katuwiran. Umaawit sila ng mga salmo gamit ang iba't ibang instrumento, alpa, at salterio. Ang lahat ng tao ay pumupuri at umaawit sa Iyong pangalan. Sapagkat Iyo ang kaluwalhatian at karangalan. Sa ngalan ni Hesus. Amen.