Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


74 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga kapistahan na may papuri sa Diyos

74 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga kapistahan na may papuri sa Diyos

Alam mo, ang pagkanta ay isang paraan para maipahayag natin ang ating kagalakan. Noon pa man, ginagamit na ng bayan ng Diyos ang awit para magpuri at humingi sa Kanya. Sa pag-awit ng papuri, naipapakita natin ang ating pasasalamat sa Diyos.

Sabi nga sa Salmo 50:14, “Mag-alay ka sa Diyos ng pasasalamat, at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataas-taasan.” Nalulugod ang Diyos sa taos-pusong papuri, kaya dapat lagi natin Siyang pinupuri.

Dapat nating tandaan na ang Diyos natin ay lubos na dakila. Kaya, dapat din namang maging dakila ang ating pagpupuri sa Kanya. Siya ang Makapangyarihan sa lahat at karapat-dapat sa lahat ng kaluwalhatian at karangalan. Ang pagdiriwang natin para sa Diyos ng langit at lupa ay nagpapakita ng ating pagkaunawa sa Kanyang kadakilaan. Ipinapakita nito na si Jesus ay napakataas, mapagtagumpay, at Hari ng mga Hari. Wala at hindi magkakaroon ng katulad Niya.

Magdiwang tayo! Pinalitan Niya ng kagalakan ang ating kalungkutan. Inalis Niya ang ating mga luha. Wala nang paghatol. Magdiwang kahit pa sa gitna ng pagsubok, dahil panandalian lamang ito. Hindi ka Niya iiwan. Magsigawan sa kagalakan! Magalak sa Panginoon at sa Kanyang kapangyarihan! Umawit ng bagong awit! Damitan ang sarili ng kagalakan! Kanyang pinasan ang ating kalungkutan. Kaya, purihin Siya nang malaya! Nahati na ang tabing, at wala nang makahahadlang sa ating paglapit sa Kanya. Buhay ang ating Manunubos! Ipinagtatanggol Niya tayo at iniingatan sa lahat ng panganib.

Magbihis tayo ng ating pinakamagandang damit. Tawagin ang ating mga kapitbahay, pamilya, kaibigan, at mga kapatid kay Kristo. Ipagdiwang natin ang kadakilaan ng Panginoon! Siya ay karapat-dapat at Siya ay walang hanggan. Luwalhatiin ang Kanyang pangalan!


Mga Bilang 29:12

“Sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, magdaraos din kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon at pitong araw kayong magpipista bilang parangal kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:1

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:30

Kay Yahweh ay buong puso akong magpapasalamat, sa gitna ng karamiha'y magpupuri akong ganap;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:1

Ang aking awitin ay ang katapatan at ang katarungan; ako'y umaawit patungkol sa iyo, O Yahweh kong mahal;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 9:2

“Iutos mo sa buong Israel na ipagdiwang ang Pista ng Paskwa sa takdang panahon,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:22

“Ipagdiriwang ninyo ang Pista ng mga Sanlinggo, ang unang pag-aani ng trigo, gayon din ang Pista ng mga Tolda tuwing matatapos ang taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:4-5

Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit! Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit, at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:9

Umawit ng pagpupuri at siya ay parangalan, ang kahanga-hangang gawa'y ibalita kahit saan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:11-12

Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:3

Ngunit lahat magagalak, matutuwa ang matuwid; sa harapan nitong Diyos, galak nila'y di malirip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 12:14

Ang araw na ito'y ipagdiriwang ninyo sa lahat ng inyong salinlahi bilang pista ni Yahweh. Sa pamamagitan nito'y maaalala ninyo ang aking ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:15

Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang: “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:29

Masaya kayong aawit sa pagdiriwang ninyo sa gabi ng banal na kapistahan. At sa himig ng tugtog ng plauta, aakyat kayong masaya sa bundok ni Yahweh, ang tagapagtanggol ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:8

Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos, inyong iparinig papuring malugod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 48:1

Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:1

Purihin si Yahweh! O kay sarap umawit at magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya'y tunay na nakalulugod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:10

Umawit kayo ng isang bagong awit para kay Yahweh, ang buong daigdig sa kanya ay magpuri! Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag; kayong lahat na nilalang sa karagatan! Umawit kayong lahat na nasa malalayong kapuluan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-2

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:1-6

Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay! Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila. Purihin sa tugtog ng mga trumpeta, awitan sa saliw ng alpa at lira! Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin! Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog siya'y papurihan. Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:13-14

Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap. Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

O Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan; sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa; buong katapatan mong isinagawa ang iyong mga balak mula pa noong una.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:3

Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:4

Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa mga kaaway ako'y kanyang inililigtas. Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:9

Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:21

Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:171

Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:1-3

Purihin si Yahweh! Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya. Marami rin naman siyang winasak na mga bansa, at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa. Itong haring Amoreo na si Sihon ang pangalan, at ang haring ang ngala'y Og, isang haring taga-Bashan, at iba pang mga hari na pinuksa sa Canaan. Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam, ibinigay sa Israel, bayang kanyang hinirang. Ang pangalan mo, O Yahweh, ay magpakailanman, lahat ng nilikha, Yahweh, hindi ka malilimutan. Ikaw nama'y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod, ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos. Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto, kamay ng mga tao ang humugis at bumuo. Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka, mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita; mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig, hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig. Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala, matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha! Si Yahweh ay papurihan, purihin siya, O Israel, maging kayong mga pari sa Diyos ay magpuri rin. Kayong lahat na sa banal niyang templo'y pumapasok upang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos. Si Yahweh ay papurihan, kayong lahat na Levita, lahat kayong sumasamba ay magpuring sama-sama. Ang Diyos na nasa Zion ay sambahin at purihin, si Yahweh ay papurihan, sa templo sa Jerusalem. Purihin si Yahweh! Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti, ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:8

Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kanyang pangalan; ang lahat ng gawa niya sa lahat ay ipaalam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:17

Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:25

Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan, siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-3

Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, ‘Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’ Kaya't sa galit ko, ako ay sumumpang hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.” Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Sapagkat si Yahweh, siya ay dakila't makapangyarihang Diyos, ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:49

Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 81:1-3

Masiglang awitan ang Tagapagligtas, itong Diyos ni Jacob, awitang may galak. Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo, ako ang tumubos sa iyo sa Egipto; pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo. “Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin, di ako sinunod ng bayang Israel, sa tigas ng puso, aking hinayaang ang sarili nilang gusto'y siyang sundan. Ang tangi kong hangad, sana ako'y sundin, sundin ang utos ko ng bayang Israel; ang kaaway nila'y aking lulupigin, lahat ng kaaway agad lilipulin. Silang namumuhi't sa aki'y napopoot, ay magsisiyuko sa laki ng takot, ang parusa nila'y walang pagkatapos. Ngunit ang mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo'y ipapakain ko; at ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo'y aking idudulot.” Umawit sa saliw ng mga tamburin, kasabay ng tugtog ng lira at alpa. Hipan ang trumpeta tuwing nagdiriwang, kung buwan ay bago't nasa kabilugan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:7

Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan, aawitin nila nang may kagalakan ang iyong katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:30

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 8:10

“Umuwi na kayo at magdiwang, kumain kayo at uminom ng bagong alak! Bigyan ninyo ang mga walang pagkain at inumin sapagkat ang araw na ito ay banal para kay Yahweh, kaya huwag kayong malungkot. Ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:32

Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian, awitin ang pagpupuri't si Yahweh ay papurihan! (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:6

Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:3

Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:2

Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4-6

Sasabihin ninyo sa araw na iyon: “Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan; ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa, ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan. Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa, ibalita ninyo ito sa buong daigdig. Mga taga-Zion, sumigaw kayo at umawit nang buong galak, sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal na Diyos ng Israel.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:23-31

Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan, ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan. Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian. Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan. Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan, siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan. Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang, ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan. Kanya ang kaluwalhatian at karangalan, lakas at kagalakan nasa kanyang tahanan. Si Yahweh ay purihin ng lahat ng mga bansa, dapat siyang kilalanin na marangal at dakila. Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan, at binigyan niya ang bawat Israelita ng tinapay, karne at bibingkang may pasas. sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa. Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa. Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa. “Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:3

Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:14

Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 12:27

Nang italaga na ang pader ng Jerusalem, tinipon ang mga Levita sa Jerusalem upang sama-sama nilang ipagdiwang ang pagtatalaga. Ipinagdiwang ito sa saliw ng mga awit ng pasasalamat at ng tugtog ng pompiyang, alpa, at lira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:19

Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1-3

Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya. Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa. Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 9:9

O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:37-40

Nang siya'y malapit na sa lungsod, palusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at malakas na nagpuri sa Diyos dahil sa mga kahanga-hangang pangyayaring kanilang nasaksihan. Sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Papuri sa Kataas-taasan!” Sinabi naman sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, patigilin ninyo ang inyong mga alagad.” Kaya't patakbo siyang nauna sa dadaanan ni Jesus at umakyat sa isang puno ng sikamoro. Sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo, kapag tumahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1-2

Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi! Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan. O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway! Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan, upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay. Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay. Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila; sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila! Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah) Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos. Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita. Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao! Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1-3

Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin. Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot. Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang. Sinong may gusto ng mahabang buhay; sinong may nais ng masaganang buhay? Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan. Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala. Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib. Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa. Ang taong matuwid, may suliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan. Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa! Kukupkupin siya nang lubus-lubusan, kahit isang buto'y hindi mababali. Ngunit ang masama, ay kasamaan din sa taglay na buhay ang siyang kikitil. Mga lingkod niya'y kanyang ililigtas, sa nagpapasakop, siya ang mag-iingat! Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:4

Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalala ang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama, papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna; pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:30

At pagkaawit ng isang himno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15

[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-4

Sumigaw sa galak ang mga nilalang! O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang. Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami nang mabigat. Sa mga kaaway ipinaubaya, sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa. Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo. Pati pangako ko, nang may suliranin, ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin. Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah) Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon. Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya! Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan, pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan, at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan. Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga; yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan. Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:1-3

Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig! “Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin, “Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain; sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.” Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan. Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan, at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan. Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin. Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:23

Habang ako'y tumutugtog ay sisigaw na may galak, masigla kong aawiting: “Ako'y iyong iniligtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1-2

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya. Alam niya na alabok itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan. Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad, sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak; nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan, nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan. Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan. Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:11

Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 15:1-2

Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para kay Yahweh: “Itong si Yahweh ay aking aawitan, sa kanyang kinamtang dakilang tagumpay; ang mga kabayo't kawal ng kaaway, sa pusod ng dagat, lahat natabunan. Ngunit sa isang hinga mo Yahweh, sila'y nangalunod, parang tinggang sa malalim na tubig ay nagsilubog. “Ikaw Yahweh, sino sa mga diyos ang iyong kagaya? Sa kabanala'y dakila at kamangha-mangha, sa mga himala'y di mapantayan, sa kababalaghan ay di matularan? Nang iyong iunat ang kanan mong kamay, nilamon ng lupa ang aming mga kaaway. Sa iyong katapatan, bayan mong tinubos ay inakay, tungo sa lupang banal, sila'y iyong pinatnubayan. Maraming bansa ang dito'y nakarinig, at sa takot sila'y nagsipanginig; doon sa lupain ng mga Filisteo, nasindak ang lahat ng mga tao. Mga pinuno ng Edom ay nangagimbal; matatapang sa Moab sa takot ay sinakmal, mga nakatira sa lupain ng Canaan, lahat sila'y naubusan ng katapangan. Takot at sindak ang sa kanila'y dumatal, para silang bato na hindi makagalaw, nang kapangyarihan mo'y kanilang namalas, nang dumaan sa harap nila ang bayang iyong iniligtas. Sila'y dadalhin mo, Yahweh, sa sarili mong bundok. Sa dakong pinili mo upang maging iyong lubos, doon sa santuwaryong ikaw ang nagtayo at tumapos. Ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanpaman.” Ang mga Israelita'y hinabol nga ng mga kawal ng Faraon sakay ng mga kabayo at mga karwahe. Nang ang mga kawal ay nasa gitna na ng dagat, muling pinaagos ni Yahweh ang tubig at natabunan ng alon ang mga kawal ng Faraon. Samantala, ang mga Israelita'y tumawid sa tuyong lupa. Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. Siya'y aking Diyos na aking pupurihin, Diyos ng aking ama, aking dadakilain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:7-9

Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin. Ang ulap sa kalangitan ay siya ang naglalatag, itong lupa'y dinidilig ng saganang tubig-ulan, sa bundok at gubat nama'y, mga damo'y binubuhay. Pagkain ng mga hayop, siya rin ang nagbibigay, pinapakain nga niya nagugutom na inakay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:1-2

Mahal ko ang iyong templo, O Makapangyarihang Yahweh! Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo. Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal. O Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang magtiwala sa iyo'y masasabing mapalad! Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok. Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod, sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:1-2

Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh! Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili! Purihin si Yahweh! Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buháy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:1-2

Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyukod at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan; dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:11

Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:5-7

Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita, at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga. Ang mga gawa mong makapangyariha'y ipamamalita; sa lahat ng tao'y aking sasabihing ikaw ay dakila. Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan, aawitin nila nang may kagalakan ang iyong katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:3

upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 5:13-14

Ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat kay Yahweh. Sa saliw ng mga trumpeta, pompiyang at iba pang mga instrumento ay inaawit nila ang ganito: “Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” At ang Templo, ang tahanan ng Diyos, ay napuno ng ulap. Kaya't ang mga pari'y hindi nakatagal sa loob upang maglingkod. Napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang buong Templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal na Diyos, sa araw na ito, ipinagdiriwang ko ang iyong kadakilaan sa pamamagitan ng awit at sayaw para sa iyo! Nagagalak ako sa iyong kaluwalhatian, nagpupuri at nagbibigay karangalan sa iyong pangalan. Ikaw ang Banal, walang hanggan, O Haring makapangyarihan, nawa'y kilalanin at purihin ang iyong kapangyarihan magpakailanman. Lumalapit ako sa iyong harapan nang nakataas ang mga kamay at buong pusong nagpupuri sa iyo. Ikaw lamang ang Diyos at karapat-dapat sa lahat ng papuri. Inihahandog ko sa iyo ang aking pag-ibig, pagsuko, at papuri. Ako'y aawit at sasayaw, mga salmo sa iyong pangalan, ipapahayag ang iyong pag-ibig sa umaga at ang iyong katapatan sa gabi. Ikaw ang Diyos ng aking kagalakan, ang aking kaluluwa ay nagagalak at nagdiriwang sa iyong harapan. Salamat sa pagpuno mo ng aking bibig ng mga ngiti. Ikaw ang Hari ng kaluwalhatian at kadakilaan! Tanggapin mo ang lahat ng papuri at karangalan! Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas