Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


73 Mga talata sa Bibliya tungkol sa kapangyarihan ng Pagsamba

73 Mga talata sa Bibliya tungkol sa kapangyarihan ng Pagsamba

Kilalanin ang kadakilaan ng Diyos. Sambahin Siya dahil sa Kanyang di-mabilang na mga gawa. Purihin ang Kanyang kapangyarihan sa buhay mo. Awitan Siya sa umaga pagsikat ng araw at sa gabi paglubog nito. Hayaang ang iyong mga labi ay patuloy na umawit para sa Kanya, sa Dakilang Ako Nga, dahil isinilang ka para magbigay puri sa Kanya. Karapat-dapat Siyang ialay mo ang aking buong pagkatao sa Kanyang paanan.

Napakahalaga ng pagsamba at pagpupuri. Nagiging katulad tayo ng ating sinasamba. Kung itutuon natin ang ating pagsamba sa Diyos, nagkakaroon tayo ng pakikipag-isa sa Kanya. At dahil doon, nababawi natin ang ating tunay na pagkatao, na ginawa ayon sa Kanyang wangis. Nagiging repleksyon Niya tayo rito sa lupa.

Hangarin nating maging tunay na mananamba. Ang pagsamba ay isang pamumuhay na sumasaklaw sa ating buong pagkatao – sa ating mga salita, kilos, isip, at damdamin. Ang buong buhay ko ay dapat ilaan at itangi para sa Diyos.

Purihin ang Panginoon, lahat ng may hininga! Aleluya! Purihin ang Panginoon! (Salmo 150:6)




Mga Awit 7:17

Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:25

Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:2

“Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:25

Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan, siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1

Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:25

Ginawa mo'y pupurihin sa dakilang kapulungan, sa harap ng masunurin, mga lingkod mong hinirang, ang panata kong handog ay doon ko iaalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:27

Kanya ang kaluwalhatian at karangalan, lakas at kagalakan nasa kanyang tahanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:10

Umawit kayo ng isang bagong awit para kay Yahweh, ang buong daigdig sa kanya ay magpuri! Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag; kayong lahat na nilalang sa karagatan! Umawit kayong lahat na nasa malalayong kapuluan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:8

Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos, inyong iparinig papuring malugod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 15:2

Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan. Siya'y aking Diyos na aking pupurihin, Diyos ng aking ama, aking dadakilain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 19:5

May nagsalita mula sa trono, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na mga lingkod niya, dakila o hamak man, kayong may banal na takot sa kanya!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:6

Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:12

Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:34

Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:2

Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:6

Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 108:3

Sa gitna ng mga bansa kita'y pasasalamatan, Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng mga hirang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:1

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1

Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:1

Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:171

Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 5:13

At narinig kong umaawit ang bawat nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa at nasa dagat, lahat ng mga naroroon, “Sa nakaupo sa trono, at sa Kordero, ang papuri at karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan, magpakailanman!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:23-24

Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang ninanais ng Ama. Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:23

Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain, ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:13

Pinasasalamatan namin kayo, O Diyos, at pinupuri ang inyong maluwalhating pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:2

At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jonas 2:9

Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:3

Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:28

Aking ihahayag ang iyong katuwiran, sa buong maghapon ay papupurihan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 7:22

Napakadakila mo, O Panginoong Yahweh. Wala pa kaming nababalitaang Diyos na tulad ninyo. Ikaw lamang ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:3

Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:3

Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:17

Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:6

Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway. Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay; aawitan ko si Yahweh at papupurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:6

Sa gayon ay purihin ang kaluwalhatian ng kanyang kagandahang-loob na sagana niyang ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:2

Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

O Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan; sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa; buong katapatan mong isinagawa ang iyong mga balak mula pa noong una.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15

[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:2

Ang sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang Panginoon ko, kabutihang tinatamasa ko, lahat ay mula sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:35

Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan, tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban; upang aming pasalamatan ang banal mong pangalan at purihin ka sa iyong kaluwalhatian.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 4:5

Maghandog kayo ng tinapay bilang pasasalamat; ipagyabang ninyo ang inyong mga kusang-loob na handog! sapagkat ito ang gustung-gusto ninyong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 16:25

Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:24

Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:1

Marapat na ikaw, O Diyos, sa Zion ay papurihan, dapat nilang tupdin doon ang pangakong binitiwan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:19

Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:8

kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw, akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:20

Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:22

Sa kaibuturan ng aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:2

Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:22

Nang marinig ng mga kaaway ang awitan, ginulo sila ni Yahweh. Dahil dito, sila-sila ang nagkagulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 134:2

Sa loob ng templo siya'y dalanginan, taas kamay na si Yahweh'y papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1-2

Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi! Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan. O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway! Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan, upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay. Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay. Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila; sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila! Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah) Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos. Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita. Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao! Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:3

upang pasayahin ang mga tumatangis sa Zion, kaligayahan sa halip na bigyan ng kapighatian, awit ng kagalakan sa halip na kalungkutan; matutulad sila sa mga punong itinanim ni Yahweh, na ginagawa kung ano ang makatuwiran, at maluluwalhati ang Diyos dahil sa kanilang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:29

Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan, bawat isa'y lumapit at siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:9

Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:9

Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba, sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:6-7

Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan! Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita't purihin ng mga nilikha!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:3

Tayo at hindi sila, ang tumanggap ng tunay na pagtutuli, tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus at hindi tayo umaasa sa mga pisikal na bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 3:17-18

Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon ay mayroong kalayaan. At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:1-3

Magbangon ka, O Diyos, kaaway ay pangalatin, at ang mga namumuhi'y tumakas sa kanyang piling! At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod, ang mahirap nilang buhay sa pagpapala'y pinuspos. May utos na pinalabas na si Yahweh ang nagbigay, ang nagdala ng balita ay babaing karamihan; ang balitang sinasabi: “Nang dahil sa takot, mga hari't hukbo nila'y tumatakas sa labanan!” Kaya ang mga babae na ang nagparte ng samsam. Para silang kalapati, nararamtan noong pilak, parang gintong kumikinang kapag gumalaw yaong pakpak; (Bakit mayro'ng sa kulungan ng tupa napasadlak?) Mga haring nagsitakas pagsapit ng Bundok Zalmon, ang yelo ay pinapatak ni Yahweh sa dakong iyon. O kay laki niyong bundok, yaong bundok nitong Bashan; ito'y bundok na kay raming taluktok na tinataglay. Sa taluktok mong mataas, bakit kinukutya wari yaong bundok na maliit na ang Diyos ang pumili? Doon siya mananahan upang doon mamalagi. Ang kasama'y libu-libong matitibay na sasakyan, galing Sinai, si Yahweh ay darating sa dakong banal. At sa dakong matataas doon siya nagpupunta, umaahon siya roon, mga bihag ang kasama; kaloob mang nagbubuhat sa tauhang nag-aalsa, tinatanggap ng Panginoong Yahweh na doon na tumitira. Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah) Kung paanong yaong usok tinatangay noong hangin, gayon sila itataboy, gayon sila papaalisin; at kung paanong kandila sa apoy ay natutunaw, sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw. Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas, si Yahweh ang Panginoon, Panginoon nating lahat! Sa bingit ng kamataya'y hinahango tayo agad. Mga ulo ng kaaway ay babasagin ng Diyos, kapag sila ay nagpilit sa kanilang gawang buktot. Si Yahweh ang nagsalita: “Ibabalik ko sa iyo kaaway na nasa Bashan; hahanguin ko nga sila sa gitna ng karagatan, upang kayo'y magtampisaw sa dugo na bubuhos, sa dugo nilang yaon, pati aso ay hihimod.” Mamamasdan ng marami ang lakad mong matagumpay, pagpasok ng Diyos kong hari, sa may dako niyang banal. Sa unaha'y umaawit, tumutugtog sa hulihan, sa gitna'y nagtatamburin ang babaing karamihan. “Ang Diyos ay papurihan, kung magtipong sama-sama, buong lahi ng Israel papurihan ninyo siya!” Yaong lahi ni Benjamin, maliit ma'y nangunguna, kasunod ay mga puno at pulutong nitong Juda; mga puno ng Zebulun at Neftali'y kasunod na. Sana'y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan, ang lakas na ginamit mo noong kami'y isanggalang. Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo, na pati ang mga hari doo'y naghahandog sa iyo, Ngunit lahat magagalak, matutuwa ang matuwid; sa harapan nitong Diyos, galak nila'y di malirip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:20

Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:4

Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1-3

Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya. Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha; dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa. Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan; alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:14

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:164

Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang matuwid mong iginawad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:28

Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:1-2

O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila! Iyong papuri'y abot sa langit! Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Pupurihin kita, Panginoon ko, at tatawagin ang iyong Banal na pangalan! Salamat po dahil makakapasok ako sa iyong mga pintuan nang may pasasalamat, sa iyong mga patyo nang may papuri. Ikaw ang aking liwanag at kaligtasan, Panginoon; sino ang aking katatakutan? Ikaw, Panginoon, ang aking tanggulan, sino ang aking kakabahalaan? Buong puso kitang pupurihin, Panginoon ko, dahil dakila ang iyong mga gawa, at hindi mabilang ang iyong mga kababalaghan. Ikaw ang aking kaluwalhatian at ang nag-aangat ng aking ulo. Mahal kita, O Panginoon! Aking lakas, aking bato, aking kanlungan. Purihin ka ng aking kaluluwa, O Panginoon, at purihin ng aking buong pagkatao ang iyong banal na pangalan. Ikaw ang nagpapatawad ng lahat ng aking mga kasalanan, ang nagpapagaling ng lahat ng aking mga karamdaman; ang tumubos sa aking buhay mula sa hukay, ang nagpuputong sa akin ng pag-ibig at habag. Ikaw ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, sa iyo ang lahat ng kaluwalhatian at karangalan. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas