Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

110 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Bahay ng Diyos

Ang bahay ng Diyos, parang kanlungan ko, doon ako ligtas at panatag. Doon ko Siya mas nakikilala, natututo, at naghahanda para sa misyon ko dito sa mundo. Kaya sana, hangarin din natin na mapalapit sa Kanyang bahay at pahalagahan ito bilang tahanan ng Kanyang presensya.

Si Lord ang pinakamahalaga sa lahat, kaya dapat din nating ingatan ang lahat ng ipinagkaloob Niya sa atin. Inaanyayahan kita na lagi tayong lumapit nang may paggalang sa bahay ng Diyos, tandaan natin na ito'y banal na lugar kung saan nananahan ang Kanyang kaluwalhatian.

Katulad ng sabi ni David, “Mabuti pa ang isang araw sa iyong mga looban kaysa isang libo sa labas nito; ibig ko pang maging bantay-pinto sa bahay ng aking Diyos kaysa manirahan sa mga tolda ng kasamaan.” (Mga Awit 84:10).


Mga Awit 26:8

Mahal ko, Yahweh, ang Templo mong tahanan, sapagkat naroroon ang iyong kaluwalhatian.

Mga Awit 27:4

Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.

Mga Awit 84:10

Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo.

1 Corinto 3:16-17

Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?

Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.

Genesis 28:17

Nakakapangilabot ang lugar na ito! Tiyak na ito ang tahanan ng Diyos at ang pintuan ng kalangitan.”

Genesis 28:16-17

Nagising si Jacob at ang sabi, “Hindi ko alam na narito pala si Yahweh!

Nakakapangilabot ang lugar na ito! Tiyak na ito ang tahanan ng Diyos at ang pintuan ng kalangitan.”

Mga Hebreo 10:25

Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Genesis 28:22

Sasambahin kayo sa lugar na ito na pinagtayuan ko ng batong alaalang ito, at ibabalik ko sa inyo ang ikasampung bahagi ng lahat ng ipinagkakaloob ninyo sa akin.”

Exodus 23:19

“Dadalhin ninyo bilang handog sa bahay ni Yahweh na inyong Diyos ang mga pinakamainam na unang ani ng inyong mga bukirin. “Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina.

Ezra 1:5

Bilang tugon, agad na nagsipaghanda ang mga pinuno ng mga lipi ng Juda at Benjamin, gayundin ang mga pari at ang mga Levita, at ang mga iba pang inudyukan ng espiritu ng Diyos upang muling itayo ang Templo ni Yahweh sa Jerusalem.

1 Timoteo 3:15

upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga tao sa sambahayan ng Diyos na buháy, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan.

Mga Awit 122:1

Ako ay nagalak nang sabihin nila: “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”

Mateo 21:13

Sinabi niya, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”

Mga Hebreo 3:6

Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya.

Mga Gawa 7:48

“Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta,

Mga Hebreo 3:4

Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay.

Exodus 25:8

Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila.

Mga Awit 127:1

Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.

Mga Awit 23:6

Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.

1 Mga Hari 8:27-30

“Maaari bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na templo na aking itinayo!

Gayunman, pakinggan ninyo ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Yahweh, aking Diyos. Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin.

Huwag ninyong iwaglit sa inyong paningin araw-gabi ang Templong ito, yamang kayo ang maysabi na ang pangalan ninyo'y mamamalagi rito. Sa gayon maririnig ninyo ang bawat dalangin ng inyong alipin tuwing mananalangin sa lugar na ito.

Nang naroon na ang lahat, binuhat ng mga pari ang Kaban ng Tipan.

“Pakinggan po ninyo ang inyong lingkod at ang inyong bayang Israel tuwing kami'y mananalanging paharap sa lugar na ito. Pakinggan ninyo kami buhat sa inyong tahanan sa langit at patawarin ninyo kami!

Exodus 15:13

Sa iyong katapatan, bayan mong tinubos ay inakay, tungo sa lupang banal, sila'y iyong pinatnubayan.

Isaias 56:7

“Dadalhin ko kayo sa banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Malulugod ako sa inyong mga handog; at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Juan 2:16-17

Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”

Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang malasakit ko sa iyong bahay ang tutupok sa akin.”

Zacarias 2:13

Tumahimik kayo sa harapan ni Yahweh, lahat ng nilalang, sapagkat tumayo na siya sa kanyang banal na tahanan.

Eclesiastes 5:1

Mag-ingat ka sa pagpasok sa bahay ng Diyos. Ang pagsunod ay mabuti kaysa handog ng isang mangmang sapagkat hindi alam ng mangmang kung ano ang mabuti't masama.

Mga Awit 84:1-2

Mahal ko ang iyong templo, O Makapangyarihang Yahweh!

Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo.

Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

O Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang magtiwala sa iyo'y masasabing mapalad!

Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok. Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod, sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.

Mga Awit 100:4

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!

Mateo 18:20

Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

2 Mga Cronica 7:15-16

Babantayan ko sila at papakinggan ko ang mga panalanging iniaalay nila rito.

Pinili ko at iniuukol ang Templong ito upang dito ako sambahin magpakailanman. Lagi kong babantayan at mamahalin ang Templong ito magpakailanman.

Efeso 2:19-22

Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.

Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa pinuno ng mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos.

Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.

Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon.

Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay sama-samang itinatayo bilang tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

1 Pedro 2:5

Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo,

Mga Awit 42:4

Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalala ang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama, papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna; pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya!

1 Mga Hari 9:3

Sinabi sa kanya, “Ibinigay ko ang lahat ng hiniling mo sa iyong panalangin. Itinatakda kong sa Templong ito na inyong ipinatayo, dito mo ako sasambahin magpakailanman. Babantayan ko at iingatan ang Templong ito habang panahon.

Mga Gawa 2:46-47

Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban.

Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

Mga Awit 5:7

Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal, makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal, luluhod ako tanda ng aking paggalang.

Mga Hebreo 9:11-12

Ngunit dumating na si Cristo, ang Pinakapunong Pari ng mabubuting bagay na narito na. At siya'y naglilingkod doon sa sambahang higit na dakila, walang katulad at hindi ginawa ng tao. Ang sambahang iyon ay wala sa sanlibutang ito.

Minsan lamang pumasok si Cristo sa Dakong Kabanal-banalan, at iyo'y sapat na. Hindi dugo ng mga kambing at guya ang kanyang inihandog, kundi ang sarili niyang dugo, upang magkaroon tayo ng walang hanggang kaligtasan.

Mga Awit 92:13

Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami.

2 Mga Cronica 6:18-21

“Subalit maaari po bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay hindi sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na Templong aking itinayo?

Gayunman, pakinggan po ninyo Yahweh, aking Diyos, ang panalangin at pagsusumamo ng inyong lingkod.

Ipinagtayo ko kayo ng isang maringal na bahay, isang lugar na titirhan ninyo magpakailanman.”

Huwag ninyong iwaglit sa inyong paningin araw-gabi ang Templong ito, yamang ipinangako ninyong dito sasambahin ang inyong pangalan. Pakinggan sana ninyo ako kapag ako'y humarap sa Templong ito at nananalangin.

“Pakinggan po ninyo ang inyong lingkod at ang inyong bayan tuwing kami'y mananalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan ninyo kami mula sa langit na inyong tahanan at sana'y patawarin ninyo kami.

Mateo 7:24-25

“Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.

Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.

1 Pedro 4:17

Dumating na ang panahon ng paghuhukom, at ito'y magsisimula sa sambahayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos?

Mga Awit 93:5

Walang hanggan, O Yahweh, ang lahat ng tuntunin mo, sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Exodus 40:34-35

Nang magawâ ang Toldang Tipanan, nabalot ito ng ulap at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh.

Hindi makapasok si Moises sapagkat nanatili sa loob nito ang ulap at napuspos ito ng kaluwalhatian ni Yahweh.

1 Corinto 6:19

Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan;

Juan 4:23-24

Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang ninanais ng Ama.

Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

Mga Awit 66:13

Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo.

Jeremias 7:11

Bakit? Ang tahanan bang ito'y mukhang lungga ng mga magnanakaw? Nakikita ko ang ginagawa ninyo. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.

2 Samuel 7:5-7

“Pumunta ka kay David na aking lingkod at sabihin mo, ‘Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan?

Mula nang ilabas ko sa Egipto ang Israel, wala pa akong bahay na masasabing akin. Hanggang ngayo'y tolda pa ang aking tahanan.

Kahit lagi akong kasama ng Israel, wala akong sinabing anuman sa sinumang pinuno tungkol sa tahanang sedar na dapat kong tirhan, gayong ako ang pumili sa kanila upang mamahala sa aking kawan.’

Ezra 6:16

Ang buong sambayanang Israel—mga pari at Levita, at ang lahat ng bumalik mula sa pagkabihag ay masayang nagdiwang sa pagtatalaga ng Templo ng Diyos.

1 Mga Cronica 29:3

Hindi lang iyan, pati na ang sarili kong pilak at ginto ay inilaan ko na rin sa gawaing ito, sapagkat kasiyahan kong magkaroon ng Templo ang aking Diyos.

Nehemias 10:39

Ang mga Israelita at ang mga Levita ang magdadala ng mga naipong trigo, alak at langis para itago sa mga bodega ng mga kagamitan sa Templo. Dito nakatira ang mga paring naglilingkod, ang mga bantay-pintuan at ang mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang Templo ng aming Diyos.

2 Mga Cronica 29:5

Sinabi niya: “Makinig kayo, mga Levita. Italaga ninyo ngayon ang inyong sarili at ang Templo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Alisin ninyo ang mga karumal-dumal na bagay sa dakong banal.

Mga Awit 122:9

Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos, ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.

Exodus 33:10

Kapag nakita ng mga Israelita na nasa pintuan ng Tolda ang haliging ulap, pumupunta naman sila sa pintuan ng kanilang tolda at doo'y yumuyuko at sumasamba.

1 Mga Cronica 28:10

Alalahanin mong ikaw ang pinili ni Yahweh upang magtayo ng kanyang banal na Templo. Magpakatatag ka at gawin mo ito nang may paninindigan.”

Mga Awit 69:9

Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban; ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.

Exodus 35:21

Lahat ng nais tumulong ay naghandog kay Yahweh ng inaakala nilang magagamit sa paggawa ng Toldang Tipanan, ng mga kagamitan sa pagsamba at ng kasuotan ng mga pari.

Mga Awit 84:4

Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah)

Leviticus 19:30

Igalang ninyo ang Araw ng Pamamahinga at ang aking santuwaryo. Ako si Yahweh.

Lucas 2:49

Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?”

1 Mga Hari 8:10-11

Pagkalabas ng mga pari, ang Templo'y napuno ng ulap;

kaya't hindi sila makapagpatuloy ng gawain sa loob. Ang Templo'y napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh.

1 Corinto 14:26

Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya.

Mga Hebreo 10:19-22

Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus.

Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganoong mga handog, wala na silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na sila kailangang mag-alay pang muli.

Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan.

Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos.

Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan.

Mga Awit 55:14

Dati'y kausap ko sa bawat sandali at maging sa templo, kasama kong lagi.

2 Mga Cronica 2:4

Ngayon po'y magtatayo ako ng isang templo na kung saan ay sasambahin ang aking Diyos na si Yahweh. Magiging banal na lugar iyon para sa kanya bilang dakong sunugan ng insenso at pag-aalayan ng tinapay at handog na susunugin sa umaga, sa hapon, sa Araw ng Pamamahinga, sa Pista ng Bagong Buwan at sa mga takdang kapistahan ni Yahweh na aming Diyos, sapagkat ito'y utos sa Israel magpakailanman.

Mga Awit 116:18-19

Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang, sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan. Purihin si Yahweh!

Ezekiel 37:26-27

Gagawa ako ng isang tipan sa kanila. Ito ay tipan ng kapayapaan at mamamalagi magpakailanman. Pagpapalain ko sila at pararamihin. Itatayo ko sa kalagitnaan nila ang aking Templo.

Ako'y maninirahang kasama nila magpakailanman. Ako ang magiging Diyos nila, sila'y magiging bayan ko.

Exodus 29:45-46

Ako'y makakasama nila at ako ang magiging Diyos nila.

Makikilala nilang ako si Yahweh, ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto. Maninirahan akong kasama nila; ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.

Mga Awit 134:1-2

Lumapit kay Yahweh, at kayo'y magpuri, mga naglilingkod sa templo kung gabi.

Sa loob ng templo siya'y dalanginan, taas kamay na si Yahweh'y papurihan.

Juan 10:27-29

Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.

Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman.

Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama.

Mga Awit 65:4

Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan, silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan! Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal, dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.

Zacarias 4:6

Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.

Isaias 2:2-3

Sa mga darating na araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok, at mamumukod sa lahat ng burol, daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.

Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at paniki, ang mga rebultong yari sa ginto at pilak na ginawa nila upang kanilang sambahin.

Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga bitak ng matatarik na burol, upang kanilang matakasan ang poot ni Yahweh at ang kaluwalhatian ng kanyang karangalan, kapag siya'y nagbangon upang sindakin ang daigdig.

Huwag ka nang magtitiwala sa kapangyarihan ng tao. Siya ay hininga lamang, at tiyak maglalaho. Ano nga ba ang maitutulong niya sa iyo?

Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito: “Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan; at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas. Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.”

Mga Awit 61:4

Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay; sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah)

1 Mga Cronica 22:19

Kaya, paglingkuran ninyo si Yahweh nang buong puso't kaluluwa. Simulan na ninyo ang pagtatayo ng santuwaryo niya upang madala na roon ang Kaban ng Tipan ni Yahweh at ang lahat ng sagradong kagamitan para sa pagsamba sa kanya.”

Mateo 16:18

At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.

2 Mga Cronica 6:40

Pagmasdan ninyo kami, O Diyos, at pakinggan ang mga panalanging iniaalay sa lugar na ito.

Hagai 1:8

Hindi ako nasisiyahan sa mga ginagawa ninyo. Kaya pumunta kayo sa kagubatan at kumuha ng mga trosong gagamitin sa muling pagtatayo ng Templo upang ako ay masiyahan at doon ay mabigyan ng karangalan.”

1 Mga Cronica 9:33

Ito ang mga pinuno ng mga sambahayang Levita na umaawit at doon na rin tumitira sa mga silid sa Templo. Wala silang ibang gawain, sapagkat kailangang gampanan nila ang kanilang tungkulin araw-gabi.

Ezra 3:10-11

Nang inilalagay na ng mga manggagawa ang pundasyon ng Templo ni Yahweh, pumuwesto na ang mga nakabihis na pari, hawak ang kanilang mga trumpeta pati ang mga Levita na anak ni Asaf, na hawak ang kanilang mga pompiyang. Nagpuri sila kay Yahweh ayon sa paraang itinuro ni Haring David ng Israel.

Nagsagutan sila sa pag-awit ng mga papuri at pasasalamat kay Yahweh. Ito ang kanilang inawit: “Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Malakas na isinigaw ng lahat ng tao ang kanilang papuri kay Yahweh sapagkat ang pundasyon ng Templo ni Yahweh ay inilagay na.

1 Timoteo 2:8

Sa lahat ng dako, nais kong ang mga lalaki ay manalangin nang may malinis na puso, walang sama ng loob at galit sa kapwa.

Mga Awit 150:1

Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay!

Mga Awit 27:5

Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.

Pahayag 21:22

Wala akong nakitang templo sa lungsod sapagkat ang nagsisilbing templo roon ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero.

Ezekiel 43:4-5

Ang nakakasilaw na liwanag ay nagdaan sa pintuan sa silangan at pumasok sa templo.

Itinayo ako ng Espiritu at ipinasok sa patyo sa loob. Nakita kong ang buong templo'y punung-puno ng kaluwalhatian ni Yahweh.

1 Mga Hari 6:12-13

“Kung susundin mo ang aking mga utos at tutuparin ang aking mga tagubilin, tutuparin ko ang aking pangako sa iyong amang si David.

Maninirahan akong kasama ng sambayanang Israel sa pamamagitan ng Templong ito na iyong itinatayo, at hindi ko pababayaan ang aking bayang Israel.”

Exodus 36:6-7

Kaya iniutos ni Moises, “Huwag na kayong magdala pa ng kaloob para sa gagawing santuwaryo.” Noon lamang tumigil ang mga tao sa pagdadala ng handog.

Gayunman, sumobra pa rin ang mga handog na naroon.

1 Mga Cronica 17:12

Siya ang magtatayo ng aking templo at magiging walang katapusan ang kanyang paghahari.

2 Mga Cronica 24:4

Hindi nagtagal, ipinasya ni Joas na ipaayos ang mga sira sa Templo ni Yahweh.

Mga Gawa 7:48-49

“Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao. Sabi nga ng propeta,

‘Ang langit ang aking trono,’ sabi ng Panginoon, ‘at ang lupa ang aking tuntungan. Anong uri ng bahay ang itatayo ninyo para sa akin, o anong lugar ang pagpapahingahan ko?

Mga Awit 48:9

Sa loob ng iyong templo, aming Diyos, nagunita namin pag-ibig mong lubos.

Marcos 11:17

at tinuruan niya ang mga tao nang ganito, “Nasusulat, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.’ Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw!”

1 Corinto 10:31

Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Ezra 7:27

Sinabi ni Ezra, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng ating mga ninuno! Inudyukan niya ang hari upang pagandahin ang Templo ni Yahweh na nasa Jerusalem.

2 Mga Cronica 7:1-2

Pagkatapos manalangin ni Solomon, may apoy na bumabâ mula sa langit; tinupok ang mga handog, at ang Templo ay napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh.

Nang ikadalawampu't tatlong araw ng ikapitong buwan, pinauwi na ni Solomon ang mga tao. Masayang-masaya silang lahat dahil sa kagandahang-loob ni Yahweh kay David, kay Solomon at sa kanyang bayang Israel.

Natapos ni Solomon ang Templo ni Yahweh at ang sarili niyang palasyo. Sinunod niyang lahat ang plano niya para sa mga ito.

Isang gabi, nagpakita sa kanya si Yahweh at sinabi sa kanya: “Narinig ko ang iyong panalangin at tinatanggap ko ang lugar na ito upang dito ninyo ako handugan.

Isara ko man ang langit at hindi na umulan; utusan ko man ang mga balang upang salantain ang lupaing ito; magpadala man ako ng salot sa aking bayan,

ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.

Babantayan ko sila at papakinggan ko ang mga panalanging iniaalay nila rito.

Pinili ko at iniuukol ang Templong ito upang dito ako sambahin magpakailanman. Lagi kong babantayan at mamahalin ang Templong ito magpakailanman.

Kung mananatili kang tapat sa akin gaya ng iyong amang si David, kung susundin mo ang lahat kong mga utos at tuntunin,

patatatagin ko ang iyong paghahari. Tulad ng pangako ko sa iyong amang si David, hindi siya mawawalan ng anak na lalaki na maghahari sa Israel.

“Ngunit kapag tinalikuran ninyo ako at sinuway ninyo ang mga batas at mga utos na ibinigay ko sa inyo, at sumamba kayo at naglingkod sa ibang mga diyos,

Hindi makapasok sa Templo ang mga pari sapagkat napuno ito ng kaluwalhatian ni Yahweh.

Mga Awit 118:19-20

Ang mga pintuan ng banal na templo'y inyo ngayong buksan, ako ay papasok, at itong si Yahweh ay papupurihan.

Ang taga-Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag, “Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

Pasukan ni Yahweh ang pintuang ito; tanging makakapasok ay matuwid na tao!

Exodus 30:34-38

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kumuha ka ng magkakasindaming pabango ng estacte, onise, galbano at purong insenso.

Paghalu-haluin mo ito at gawing insenso tulad ng ginagawa ng mahusay na manggagawa ng pabangong inasinan, malinis, at banal.

Dikdikin mo nang pino ang kaunti nito at ilagay sa harap ng Kaban ng Tipan, sa Toldang Tipanan. Ituring mo itong ganap na sagrado.

Huwag ninyong gagayahin ito kung gagawa kayo ng insenso na pansariling gamit. Aariin ninyong ito'y bukod-tangi para kay Yahweh.

Ititiwalag ang sinumang gumamit nito bilang pabango.”

1 Mga Hari 5:5

Kaya binabalak kong ipagtayo ng isang templo si Yahweh na aking Diyos. Gaya ng pangako niya sa aking ama, ‘Ang anak mo na pauupuin ko sa iyong trono bilang kahalili ang siyang magtatayo ng aking Templo.’

Lucas 19:46

Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”

Ezekiel 10:4

Ang kaluwalhatian ni Yahweh ay umalis sa may kerubin at lumipat sa may pagpasok ng Templo. Napuno rin ito ng ulap at ang buong patyo'y nagliwanag sa kaluwalhatian ni Yahweh.

Mga Awit 77:13

Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay.

Nehemias 13:14

Alalahanin po ninyo, Diyos ko, ang mga ginawa kong ito para sa Templo at sa pananambahan doon.

Isaias 6:1-4

Noong taon na mamatay si Haring Uzias, nakita ko si Yahweh na nakaupo sa isang napakataas na trono. Ang laylayan ng kanyang kasuotan ay nakalatag sa buong Templo.

Papurulin mo ang kanilang kaisipan, kanilang pandinig iyo ring takpan, bulagin mo sila upang hindi makakita, upang sila'y hindi makarinig, hindi makakita, at hindi makaunawa. Kundi'y baka magbalik-loob sila at sila'y pagalingin ko pa.”

Itinanong ko: “Hanggang kailan po, Panginoon?” Ganito ang sagot niya: “Hanggang ang mga lunsod ay mawasak at mawalan ng tao, hanggang sa wala nang nakatira sa mga tahanan, at ang lupain ay matiwangwang;

hanggang sa ang mga tao'y itapon ni Yahweh sa malayong lugar, at ang malawak na lupain ay wala nang pakinabang.

Matira man ang ikasampung bahagi ng mga tao, sila rin ay mapupuksa, parang pinutol na puno ng ensina, na tuod lamang ang natira. Ang tuod na iyan ay tanda ng isang bagong simula para sa bayan ng Diyos.”

May mga serapin sa kanyang ulunan, at ang bawat isa'y may anim na pakpak: dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa sa mga paa, at dalawa ang ginagamit sa paglipad.

Sinasabi nila sa isa't isa ang ganito: “Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat! Ang buong daigdig ay puspos ng kanyang kaluwalhatian.”

Sa lakas ng kanilang tinig ay nayanig ang mga pundasyon ng Templo at ang loob nito'y napuno ng usok.

Juan 14:2

Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?

1 Mga Cronica 22:11

Sinabi pa ni David, “Samahan ka nawa ng iyong Diyos na si Yahweh. Tuparin nawa niya ang kanyang pangako na pagtatagumpayin ka niya sa pagtatayo ng templo para sa kanya.

Mga Awit 92:1-2

Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan.

Ako'y ginawa mong sinlakas ng torong mailap sa gubat, ako'y pinagpala't pawang kagalakan aking dinaranas.

Aking nasaksihan yaong pagkalupig ng mga kaaway, pati pananaghoy ng mga masama'y aking napakinggan.

Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay.

Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami.

Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa.

Ito'y patotoo na si Yahweh ay tunay na matuwid, siya kong sanggalang, matatag na batong walang karumihan.

Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman.

Mga Awit 116:12-14

Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog, sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?

Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang, ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.

Jeremias 31:33

Ganito ang gagawin kong kasunduan sa bayan ng Israel pagdating ng panahon: Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso. Ako ang kanilang magiging Diyos at sila ang aking magiging bayan.

1 Corinto 12:27

Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito.

Mga Hebreo 8:2

Siya'y naglilingkod doon sa Dakong Banal, sa tunay na toldang itinayo ng Panginoon, at hindi ng tao.

Pahayag 3:12

Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lungsod. Ito ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.

Panalangin sa Diyos

Dakila at kamangha-mangha, ikaw ang aking Diyos, karapat-dapat sa lahat ng papuri at karangalan. Buong puso kong sinasamba ang iyong kagandahan at nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawa para sa akin. Wala ni isang araw na gumigising ako na hindi ko nararamdaman ang iyong awa. Salamat sa buhay na ipinagkaloob mo, sa lakas na iyong ibinibigay, at sa pagiging tapat mong kasama. Panginoon, mayroon pong malaking pananabik sa puso ko, ang manatili sa piling mo habang buhay. Kaya't hinihiling ko po, huwag mo akong hayaang mapalayo sa iyong presensya. Sa iyong tahanan nais kong manatili at masdan ang iyong kabanalan araw-araw. Tulad ni David, mas nanaisin ko pang manatili sa iyong tahanan kaysa sa anumang bagay. Bigyan mo po ako ng pagmamahal araw-araw upang mahalin ka nang higit pa, na hindi ko kayang mabuhay kung wala ka. Tulad ng sinasabi sa aklat ng Mga Awit, “Isa ang aking hinihingi sa Panginoon, iyon ang aking hahanapin: ang manatili sa bahay ng Panginoon sa lahat ng araw ng aking buhay, upang pagmasdan ang kagandahan ng Panginoon at magsaliksik sa kanyang templo.” Sa pangalan ni Hesus, Amen.