Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

60 Pinakakilalang Mga Talata sa Bibliya

Alam mo, ang bawat salita at kuwento sa Biblia, nakakatulong talaga sa atin para mas maintindihan ang katapatan, kapangyarihan, at pagmamahal ng Diyos. Parang puno ng pag-asa ang puso ko tuwing binabasa ko ito, kasi alam kong bawat kabanata at talata, galing mismo sa Banal na Espiritu.

Hindi lang tayo itinutuwid at ginagabayan ng Salita ng Diyos, kundi binibigyan din tayo nito ng lakas para gawin ang kalooban Niya sa buhay natin. 'Pag lumapit tayo sa Diyos, hinahayaan natin ang pagmamahal Niya at ang Kaniya mismong Salita na baguhin tayo.

Hindi lang tayo ang mabibiyayaan, kundi pati na rin ang mga tao sa paligid natin. Maipapasa natin sa kanila ang lakas na natatanggap natin. Katulad ng pagtanggap natin mula sa Espiritu, dapat din nating ibahagi ito sa ating pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay.


Mga Kawikaan 3:5

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.

Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Josue 1:9

Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon.”

Mateo 11:28

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Juan 3:16

“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Eclesiastes 3:1

May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo:

Mga Panaghoy 3:22

ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol.

Mga Awit 23:1

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman.

2 Corinto 12:9

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo.

Mga Awit 118:24

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

Galacia 5:22-23

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan,

kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

Mateo 7:7

“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo.

Mga Gawa 1:8

Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo, bibigyan niya kayo ng kapangyarihan. At ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo.”

Efeso 5:2

Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios.

Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

Isaias 26:3

Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.

Mga Awit 16:11

Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay na puno ng kasiyahan, at sa piling nʼyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan.

Filipos 4:13

Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.

1 Corinto 13:4

Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas,

Filipos 4:7

Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Mga Awit 62:1

Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.

Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Galacia 3:13

Ngunit hindi natin masunod ang lahat ng iniuutos ng Kautusan, kaya sinumpa tayo ng Dios. Pero ngayon, tinubos na tayo ni Cristo sa sumpang ito. Sinumpa siya alang-alang sa atin, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Isinumpa ang sinumang binitay sa puno.”

Mateo 6:33

Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Juan 13:35

Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod ko kayo.”

Pahayag 21:4

Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”

Mga Awit 89:1

Panginoon, aawitin ko ang tungkol sa inyong tapat na pag-ibig magpakailanman. Ihahayag ko sa lahat ng salinlahi ang inyong katapatan.

Mga Awit 19:14

Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas!

Mga Awit 119:90

Ang inyong katapatan ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi. Matibay nʼyong itinatag ang mundo, kaya itoʼy nananatili.

Micas 6:8

Sumagot si Micas: Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.

Mga Awit 108:3

Panginoon, pupurihin kita sa gitna ng mga bansa. Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna ng inyong mga mamamayan.

Colosas 3:23

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao.

1 Corinto 13:4-7

Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas,

hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,

hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan,

matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.

2 Pedro 3:10

Ang araw ng Panginoon ay darating na tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang mawawala ang kalangitan na may nakakapangilabot na ugong. Masusunog ang lupa, at mawawala ang lahat ng nasa lupa.

Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Mga Awit 119:105

Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

1 Corinto 13:13

Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Josue 1:8

Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.

Mateo 28:18

Lumapit sa kanila si Jesus at sinabi, “Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.

Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

2 Corinto 5:17

Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Mga Hebreo 11:1

Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita.

Efeso 2:8-9

Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Dios, at hindi galing sa inyo.

Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmalaki ang sinuman.

1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Mga Awit 34:8

Subukan ninyo at inyong makikita, kung gaano kabuti ang Panginoon. Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan sa kanya!

Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Mga Awit 121:1-2

Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?

Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.

1 Juan 4:19

Umiibig tayo sa Dios dahil siya ang unang umibig sa atin.

Mga Awit 139:14

Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Roma 10:9

na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka.

2 Timoteo 1:7

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.

Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Colosas 3:2

Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

Mateo 28:19-20

Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.

Biglang lumindol nang malakas, at isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang bato na nakatakip sa libingan at inupuan ito.

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”

Galacia 2:20

Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

Roma 5:8

Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.

Mga Gawa 16:31

Sumagot sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya.”

1 Juan 1:9

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.

Panalangin sa Diyos

Hesus, ikaw ang Haring madaig, sa lahat ng kadiliman ay dala mo ang iyong liwanag at kapangyarihan na nagpapalayas sa lahat ng demonyo. O Hesus ng Nazareth, dakila ang kapangyarihan ng iyong pangalan. Ikaw ay banal at kataas-taasan, wala nang makapapantay sa iyo. Aleluya! Ama naming minamahal, hinahangad ko ang malalim na pakikipag-ugnayan sa iyo at mas makilala ka pa bawat araw. Hinihiling ko na tulungan mo akong lumakad ayon sa iyong salita at ang aking paningin ay nakatuon sa walang hanggan at panatilihing buhay ang pag-asa sa iyong maluwalhating pagbabalik. Bigyan mo ako ng pusong handang magpala sa mga nakapaligid sa akin, nabubuhay sa araw-araw upang maipakita ang iyong pagmamahal at pasikatin ang iyong liwanag sa lahat ng dako. Panginoon, salamat po dahil alam kong walang makapaghihiwalay sa akin sa iyong pag-ibig. Kahit na dumilim ang aking paligid, alam kong sa iyo ako makakaasa, dahil ang iyong mga plano ay laging mas mabuti kaysa sa akin. Ama, salamat po, dahil kapag pinanghihinaan ako ng loob at gusto ko nang sumuko, pinapaalala mo sa akin ang iyong salita at sinasabi mo: "Tandaan mo, inuutusan kitang magpakatatag at lakasan ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob, sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay sasaiyo saan ka man magpunta." Ama, salamat po sa pagiging aking lakas, tagapagtanggol at tagapaglaan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.